Share

Chapter 5

Chapter 5 

     Tahimik ang buong paligid, makalat at mabango. Mahimbing na natutulog ang dalwa na walang kaalam-alam sa nangyare kagabi. Parehas na nasa ilalim ng makapal na kumot si Roxan at si Ian.

     Tumatama sa mukha ng dalawa ang sikat ng araw. Kanina pa ding kumakatok ang staff sa pinto ng kwarto nila para sa breakfast pero walang tumutugon, mahimbing pa rin ang tulog ng dalwa. 

     Tumunog ng malakas ang alarm clock kaya nagising na sila sa katotohanan. Roxan open her eyes at pagmulat pa nga lang, nabuhayan na agad siya sa nasaksihan. 

     "Ian? Bakla?" Halos manlaki ang mga mata ni Roxan sa mga bumungad sa kaniya. Nakakalat ang dalwang panty at dalwang bra sa sahig. "Bakla gumising ka d'yan!" Isang malakas na sigaw ni Roxan sabay hampas sa braso ni Ian. 

     Naalimpungatan si Ian kaya he opened his eyes. Paglingon nito kay Roxan, parang tumigil ang mundo nito habang pinagmamasdan ang buong paligid hanggang sa napunta ang tingin niya kay Roxan na nagtataklob ng katawan gamit ang makapal na kumot. 

     "What is the meaning of this?! Wahhh ako..ikaw..tayo? Nag-ano? Shet I can't imagine sis na 'yong ano ko pumasok sa ano mo?" Halos mga sigawan nila ang umalingawngaw sa buinh kwarto. Hindi sila mapakaling dalwa lalo na si Ian na hindi matanggap ang nangyare. 

     Tila nabuhusan ng isang baldeng malamig na tubig si Ian nung nakita niya ang panty na nakakalat na hiniram niya sa kaibigan.

"Bakla ano 'to? Anong nangyare kagabi? May nangyare nga sa atin? Bakit h***d ako?" nauutal na boses ni Roxan na tula matutulala siya.

     "Wahh 'yong virginity ko nakuha mo!" sigaw ni Ian sabay puro reklamo. 

     “Wow ako pa talaga ha!"

     “Mars paano kapag….kapag…may nabuo?”

      Nanlaki ang mga mata ni Roxan at mas lalo siyang kinabahan sa tanong ni Ian sa kawalan. 

     “What, ako? Mabubuntis? Bakla seryoso ka?" Agad naman siyang nasabunutan ni Ian dahil sa sinabi ni Roxan. 

     

     “Baliw ka ba malamang wala tayong kasiguraduhan!" 

     Doon mas natauhan si Roxan. Napaisip bigla siya. 'What if nga? What if may nabuo?' 

    “Iyon din ang iniisip ko bakla. Bakla paano pag nangyare nga ‘yong what if? Anong gagawin ko? Anong gagawin natin?" Mas lalo silang natarantang dalwa. Ni halos mabaliw sila sa kakaisip. 

     “Maging tatay ako? Sa ganda kong 'to magiging Tatay ako? Wahhh! At saka magiging ninang lang ako ng anak mo eh. Paano mangyayare na magiging ina ako ng anak mo?" madaming tanong ni Ian sa boses bakla niya. Agad naman itong nahampas sa braso ni Roxan kaya natigilan ito. 

     Nagbago ang reaksyong ng mukha ni Roxan. 

     “Baliw hindi ako nakikpagbiruan bakla! Ibang usapan na ‘to." 

     “Wah hindi pa rin talaga ako makapaniwala!" isang malakas na sigaw ni Ian. 

     Makalipas ang ilang segundo, tumahimik ang dalwa hanggang sa may narinig silang kumakatok, isa sa staff ng Resort. Kanina pa talaga itong kumakatok, hindi lang alintana ng dalwa dahil sa usapan nila. 

     Dali-daling nag bihis ang dalwa at patuloy pa rin na nandidiri sa sarili si Ian dahil sa nangyare. 

     “Itlog at hatdog talaga ulam Kuya?" Wala sa sariling tanong ni Ian sa matandang staff na nagdala sa kanila ng breakfast. 

     “Opo, bakit po?" nagtatakang tanong naman nito. 

     Napailing lang si Ian sabay simangot. Ni ayaw niya tingnan ang ulam na itlog at hatdog habang si Roxan naman ay natatawa kay Ian. 

     “Kuya pwede magtanong?" 

     “Opo naman Sir. Ano po iyon?” Nagpigil na naman ng tawa si Roxan nung marinig ang ‘Sir’. Ito namang si Ian, halos ma-highblood na. 

     “Did you see us last night?" Tila naghihintay ng sagot ang dalwa sa staff. 

     “Opo, nagiinuman po kayo kagabi ‘di ba. Lasing po kayong nag-iiyakan sa tabing dagat habang nag-iinom," dire-diretsong kwento ng staff while matching action pa. 

     “Tapos po?" sabay na tanong ni Roxan at Ian na gustong-gusto malaman kung ano ba talaga ang mga nangyare kagabi. 

     “Tapos po ang ingay-ingay po ninyo kagabi. Nagkantahan pa nga po kayo sa videoke tapos sigaw ng sigaw si Maam ng Brandon. Tapos sinisigaw pa po  ninyo na ‘Bakla nga ako!’. Sobrang ingay po ninyo kagabi na halos pagkaguluhan kayo ng lahat," intense na pagpapatuloy sa kwento ng staff. 

     “What?? Nag ingay tayo?" tanong ng dalwa sa isa't isa kaya napataklob silang dalwa. 

     “Opo, pinipigilan nga po namin kayo kaso ayaw po ninyo magpaawat. Sobrang lasing na lasing po kayo hanggang sa nag- akbayan kayo at maingay pa rin na pumasok dito sa kwarto." 

      Nagkatinginan tuloy ang dalwa. 

     “Tapos po?" 

     “Hindi ko na po alam Sir.” Halos magwala si Ian na parang nasisiraan ng ulo at ito na naman ang mga sigaw niya. 

     “Bakit po Sir?" singit pa ng staff. 

     “Pwede ba Kuya ‘wag kang chismoso? Sige makakaalis  na po kayo."

     Naiwan ang dalwa sa kwarto na nakatulala. Binalot sila ng katahimikan habang kumakain. Tanging ingay lang ng kutsara at tinidor ang naririnig. Tila naiulang din si Ian kay Roxan na nakamanipis na dress lang. 

     “Were wasted last night. Wala ako maalala," Wala sa sariling wika ni Ian kaya napaghagalpak sa tawa si Roxan." Oh bakit ka tumatawa?" Ninguya muna ni Roxan ang pagkain bago magsalita. 

     “Syempre sino mag aakala na ang isang bakla na tulad mo papatol sa isang model na bestfriend mo pa? Kaloka ka!"

    "Were drunk nga kase, lasing na lasing tayo last night. Ang iniisip ko ngayon. What if may nabuo? Lagot ka kay Tita." 

     Agad natigilan si Roxan habang inaalala ang mga magulang na sobrang strikto pagdating sa kaniya. Wala na ngang ibang nagawa si Roxan kun'di mapaiyak. Agad naman siyang niyakap ni Ian na wala pa ring suot na damit pantaas. 

     "Tumahan ka na sis. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Eh kung may nabuo kagabi edi pananagutan ko." 

     Agad tinulak ni Roxan ang kaibigan noong narinig niya ang mga salitang iyon galing sa sa bibig ng kaibigan. 

     "Sure ka? Magpapakalalaki ka? Ang isang Ian Cassandro a.k.a Iyana ay magpapakalalaki?" gulat na gulat na tanong ni Roxan at dahil hindi siya makapaniwala, sinampal pa niya ang kaibigan. 

     Napailing-iling na napapatango si Ian na tila naguguluhan din sa sinabi niya. 

    "Edi magiging Nanay ako este Tatay." Agad naman napayakap si Roxan sa kaniya. Maya-maya nga lang ay tumunog ang phone ni Roxan. 

      'Brandon sent a message'

       

:Roxan ayaw ko na. May mahal akong iba, 'yong taong kaya akong ipagsigawan sa mundo. Alam naman natin na hindi ikaw iyon' di ba? Paalam. 

     Iyon ang huling message ni Brandon sa kaniya. Muntikan ng mapaupo sa sahig si Roxan dahil sa nabasa pero buti na lang at nasambot siya ni Ian. 

     "W-wala na pala kami ni Brandon. Sinukuan niya ako. Kagabi pa pala siya nakipaghiwalay," hagulhol sa iyak ni Roxan kaya yakap na lang ang nagawa ni Ian. 

     "Mars..ano ba talaga nangyare kagabi? Bakit tayo humantong sa ganitong sitwasyon?" isang malaking palaisipan parin talaga sa dalwa kung ano ang tunay na nangyare kagabi. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status