CHAPTER 32RAMDAM NA RAMDAM ni Frances ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa ni Jony nang makaupo na kaagad ito sa upuan.Tumitig siya dito. Ganoon din ito.“I don’t know where should I start,” sabi nito, halata sa boses ni Jony ang nerbyos.Hindi rin niya alam kung paano ba ito. Kung dapat ba siya itong magtanong. It leaves her to not to speak. “Ah, yeah. I know,” sabi nito na parang alam na kaagad kung saan magsisimula. “Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, itong amnesia mo,” panimula sa paliwanag nito.She just stayed still. Hindi na siya nakatitig dito. Gusto lang niyang makinig.Pero habang hindi pa nito nasundan ang sasabihin nito ay may nag-pop up na tanong sa kaniyang isipan“Bakit nga ba tayo nagkahiwalay? Kung totoo nga ba tayong mag-asawa no’n. Ano ang nangyari, Jony?” aniya. It was an intriguing question that leaves horror on his face.Jony did not speak quickly. Nakikita niya sa mukha nito na kung sasabihin nito ang totoong sagot, ikakawindang niya iyon. Bagaman sa k
CHAPTER 33APAT NA araw na ang lumipas. Sinabihan ni Frances si Jony na huwag na muna itong pumunta sa kaniyang bahay dahil ayaw niyang nakikita niya ito. Ayaw niyang kapag nakita niya ito ay iiyak siya at maalala lang niya ang journal, photo album, at ang mga dahilan kung bakit sila naghiwalay. Wala siyang magawa kundi sundin ang gusto niyang mangyari dahil ayaw niyang mapabayaan niya ang kaniyang kalusugan dahil baka ano pa ang mangyari sa kaniya at sa kaniyang dinadala sa sinapupunan. Alam naman niyang makakatulong sa kaniya si Jony, pero hindi na muna ngayon. She knew it took enough time. Sa ngayon, aalahanin na muna niya ang kaniyang sarili. Sa loob ng kaniyang bahay, nagbisi-bisihan siya para makalimutan ang dahilan ng kaniyang pagkalungkot. Nagawa na niyang linisin ang buo niyang bahay, manuod ng telebisyon, mag-scroll sa mga social media account niya, mag-reach out sa kaniyang kaibigan, at kumain nang kumain.Nababagot na rin siya sa paulit-ulit na pangyayaring iyon sa ka
CHAPTER 34NASA salas na silang dalawa ay hindi pa rin makapaniwala si Frances sa sinabi ni Jony sa kaniya. Anibersaryo nila ngayong araw? Kaya ba ay naka-tuxedo ito? Kaya ba dahil binigyan siya ng bulaklak. Bagaman hindi niya alam kung maniniwala talaga siya. “Alam kung mahirap paniwalaan na anibersaryo nating dalawa ngayon pero iyon ang totoo. Kaya din ay natagalan ako ng kaunti dahil may sorpresa rin ako sa ‘yo,” paliwanag nito kanina nang makaupo na sila.Magkaharap silang dalawa ngayon na tahimik lang. Ngunit hindi pa man magsawa sila sa katahimikang namamayani ay nagsalita Jony.“Tungkol do’n nagpapadala ng misteryosong mga mensahe sa ‘yo?” tanong nito. Gusto niyang magsumbong dito. Gusto niyang makinig ito sa kaniya patungkol do’n. Pero nahihiya siyang gawin iyon.“Hindi pa rin ba tumigil?” muling tanong nito dahil hindi siya nakasagot.Hawak niya sa kaliwang bahagi ng kamay ang ibinigay nitong bulaklak. Kung magpapatuloy lang siya sa pananahimik ay mawawalan ng sa
WALANG mapagpipilian si Frances kundi ang manatili sa hospital nang ilang araw. Pinaliwanag ng private doctor niya na hindi siya dapat ma-stress at mag-alala. Naintindihan niya naman ang sinabi nito dahil para sa kaniyang kasulusugan at sa kaniyang anak.Pero kahit hindi niya isipin ang malungkot ay kusang nararamdaman niya iyon. She could not move on from what Lyka’s tragedy. Nahihirapan siyang hindi mag-alala sa kung ano na ang nangyari sa labas ng hospital.Umupo siya sa gilid ng kama. Hinanap niya si Jony. Hindi niya mahagilap ito. Kusa niyang kinuha ang orange sa table na katabi lang ng kama niya. Pagkatapos niyang balatan ay bumalik siya sa paghiga. Kinuha niya sa tabi niya ang cell phone. Nag-text siya kay Jony.“Busy ka ba?” text niya dito.Hindi na niya hinintay ang reply nito. Nag-scroll siya sa music playlist niya. Una niyang pinatunog ang paborito niyang kanta. Nilakasan niya ang volume ng music. Binalik niya ito sa tabi niya.Bumuntonghininga si Frances. She realized some
Chapter 36 MATAPOS magpaalam si Maxwell kay Frances ay saka lang din siya nakaramdam ng relief. Bawat minutong lumilipas ay ang kagustuhan niyang umalis na kaagad ito. Mabuti na lang talaga ay hindi ito nagtagal. Hindi rin naman nagtagal si Maxwell kaya mabuti na rin iyon dahil hindi niya gustong makita ito. Iyon ang totoo. At isa pa, nagtataka siya kung bakit nandito ito. Ayaw niyang malaman ang rason nito at ayaw niya ding masundan pa ang pagbisita nito. Hindi naman siya galit sa lalaki. Hindi lang talaga siya komportable. Lalo pa na anak nito ang ipinagbubuntis niya. Sa isip niya, alam siguro ni Maxwell na anak nito ang nasa sinapupunan niya. Sana nga lang ay hindi para hindi na siya ng ikakaproblema niya. That will be hard to deal with. Habang kinakausap siya nito kanina, hindi nag-si-sink in sa utak niya ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Wala naman itong proper connection sa kaniya. Wala rin itong alam tungkol sa kanilang anak. It made her think deeply. Again. Sa ilang
Chapter 37ISANG buwan na ang nakalipas simula no’ng nalaman ni Frances na hindi stable ang kaniyang pagdadalawang-tao. Bawat araw na lumilipas ay nag-iingat siyang may mangyaring masama sa kaniya. She gave herself a rest two times a day. It was her routine. Hindi rin siya lumalabas ng bahay. Wala siyang update kung ano na ang nangyari sa labas. But she knew, it just well. Hinihikayat niyang huwag munang ma-expose sa social media o gumamit ng matagal ng cell phone. Mabuti na lang talaga ay nakayanan niyang i-adjust ang kaniyang sarili sa bago niyang routine. It was hard for the time.Paminsan-minsan lang din bumisita si Jony sa bahay niya dahil marami itong inaasikaso sa kompanyang pinagtatrabahuan nito. Hindi niya din ito ginagambala para mas pukos siya sa pag-iiyat sa kaniyang sarili.Pero nitong makaraan araw lang ay hindi matahimik ang kaniyang loob. Some threatened her. It was the same person last month. Nag-text lang naman ito sa kaniya na nabibilang na lang sa daliri ang
CHAPTER 38 HINDI mapakali si Jony habang nasa labas siya ng Emergency Room ng hospital na pinagdalhan niya kay Frances. Panay ang baling niya sa direksyon ng pinto. Bagaman kanina pa siya kinakabahan ay ganoon din ngayon na mas lalo pang lumakas ang kaba niya. Habang nakaupo siya sa bench, inisip niyang magdoble ingat na talaga si Frances kahit pa nasa sarili nitong pamamahay dahil alam niyang may nagbabanta rito. He has to protect her tightly. Ipinapangako niya sa kaniyang sarili na hinding-hindi na ito mangyayari kay Frances. Alam niyang may kinalaman dito ang lead ng kaniyang speculation tungkol sa mga pagbabanta kay Frances na alam niyang siya ding pumatay kay Lyka. Hudyat na lang ng kaniyang attorney ang hinihintay niya para makumpirma ang lahat at maging sigurado na. Pagkatapos niyon ay sasabihin niya kaagad kay Frances ang nalalaman niya para makapaghigante na ito sa lahat.Wala pang isang oras sa paghihintay si Jony ay nabaling ang kaniyang atensyon sa bumukas na pinto
Chapter 39HINDI MAPAKALI si Frances nang magising siyang mabigat ang kaniyang katawan. Frances groaned in pain. Hindi niya maintindihan ang nararamdamang bigat sa puso niya. Bumangon siya, sumandal sa headboard ng stretcher. Hinagilap kaagad ng kaniyang mga mata si Jony. Pero hindi niya ito makita. At nasorpresa siya nang napagtantong wala siya sa sariling kuwarto.“Where I am?” tanong niya sa sarili. Yet she found it out. Nasa hospital siya. Bigla niyang naalala ang nangyari. Nangunot ang kaniyang noo nang maalala kung ano ang nangyari sa kaniya.Kapagkuwan ay natigilan si Frances. Parang gumaan ang kaniyang tiyan. The trail of tears fell from her eyes when she grabbed her tummy and realised that she hadn’t carry her baby now. Wala na ito sa loob niya. Nanginginig kaagad ang kaniyang buong katawan.And her screams, hindi na napigilan pa. Sumigaw siya nang sumigaw. Naghihimagsik ang kaniyang damdamin. Wala na yatang natitirang tuwa sa kaniyang puso.“Hindi puwede!” sigaw niya.