Share

Chapter 44

Chapter 44

WALANG NAGAWA si Frances kundi ang sumama na lang sa mga lapastangan na mga pulis. Habang nasa loob sila ng kotse, panay ang kaniyang iyak. Iniisip din niya kung pa’no ito nangyari sa kaniya.

Nais niyang tumawag kay Jony. Nais niyang ipagbigay alam dito na may mga pulis na kumuha sa kaniyang hindi niya alam kung nagsasabi ba ang mga ito ng totoo.

Kinakabahan na rin siya. Baka ay mangyari na naman ang nangyari sa kaniya noon. Baka ay kagagawan na naman ito ng sino man may galit sa kaniya.

“Palawalan niyo na nga ako!” aniyang sigaw.

Tila naman parang walang narinig ang mga ito.

“Hindi niyo ba ako naririnig?” galit niyang sabi. Hindi niya alam kung paano na ito.

Ilang sandali ang lumipas, bumaling sa kaniya ang isang pulis. “Sa presinto na kayo magpaliwanag, ma’am. Nandoon na rin ang may ari ng lupa at bahay.”

Dahil sa sagot ng mga pulis ay mas lalo siyang napaiyak. Magkahalong iyak at galit ang kaniyang naramdaman na parang hindi yata mawawala sa kaniyang katawan kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status