Share

CHAPTER FOUR

Ala-una ng madaling araw ay nagising si Cassey nang makaramdam ng pagkauhaw. Maingat siyang bumangon sa kama at nagtungo sa kusina para kumuha ng malamig na maiinom. Naginhawaan ang kanyang pakiramdam nang maramdaman ang pagdaloy ng malamig na tubig mula sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang sikmura. Pagkatapos niyang uminom ay agad na sana siyang babalik sa kanyang silid nang mapuna niyang nakatayo ang kaluluwa ni Dindy sa gilid ng kurtina at walang katinag-tinag habang nakatanaw sa labas. Nakatingin ito sa maliwanag na buwan ngunit halatado naman na wala sa buwan ang utak nito.

"Ano'ng ginagawa mo, Dindy? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Pukaw niya sa atensiyon nito. Saka lamang ito natinag nang marinig ang kanyang boses.

"Ikaw pala, Cassey,"anito nang tingnan siya." Hindi ka ba natakot nang makita mo ako na nakatayo rito sa gilid ng bintana?"

Bahagya siyang ngumiti." Kung sa ganoong sitwasyon tayo muling nagkita pagkatapos sa ospital ay malamang na nat
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status