Masuk24 hours ago…Sa opisina ni Leon, nakaupo siya sa likod ng mesa. Hawak niya ang folder na naglalaman ng bagong proposal para sa campaign ad na galing sa creative director at creative team. Dito ay nakasaad na siya ang sina-suggest ng mga ito na gawing main visual ng campaign. At isa sa mga modelo ang magiging paring niya. Na ang concept ay parang love team dahil yun daw ang mas patok sa publiko sa panahong ito.Nasa harap niya ang kanyang promotional manager na si Mrs. Edna Balosa. Nakaupo pa rin si Mathew sa harap ng mesa niya at relaxed na naka-upo habang hawak ang kape.Tahimik si Leon habang isa-isang binubuksan ang mga pahina ng profile ng mga modelo na kasali sa campaign.Isa isang binabasa ang bawat pahina. Seryoso lang ang mukha hanggang sa matapos niyang makita ang lahat.Saka niya marahang isinara ang folder at inilapag sa mesa.“Boss, patingin.” ani Mathew.Nang tumango si Leon ay kinuha nito yun at mabilis na pinadaan ng tingin ang mga profile. Tapos ay napapangiti.“Wow
Biglang natahimik ang kanina lang ay maingay na silid. Parang may anghel na biglang dumaan. Nagulat ang mga ito nang makita at makilala si Cacai. Wala agad na nakapagsalita pero mapanghusga ang tingin na ipinukol ng mga ito mula ulo hanggang paa at sa napakasimpleng suot ni Cacai na kupas na jeans, malinis pero lumang tshirt., at white tennis shoes.Samantalang si Cacai naman ay nagulat din nang makita ang Ate niya na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.“At–”“Thank you, ganda!” salubong ni Ms. Halimuyak kay Cacai.Inabot ni Cacai ang kape dito. Muli siyang sumulyap sa kapatid pero may lumapit sa kanya kaya naagaw nito ang atensyon niya.“Ay.. may kape na ulit?” sabi ng isang hairstylist.“Merun na po. Gusto nyo po ba?” “Pwede ba? Kakahiya man pero tatlo pa. Sobrang busy lang talaga.” nakangiting sabi ng hairstylist.“Sige po.” nakangiting ani Cacai dahil yun naman talaga ang trabaho niya.Tumingin muna siya sa kapatid na mukhang wala namang balak na batiin siya. Kaya tuma
Nakasilip si Cacai sa labas ng bintana ng kaniyang sinasakyan. Tanaw niya ang isang napakalawak na gusali. Parang hindi naman opisina ng Pacific Air ang tingin niya dun. Malaki yun pero isang palapag lang. Hindi gaya ng kanyang inaasahan.“Sigurado ka bang dito yun. Parang hindi naman yan Pacific.” wika ni Mang Boyet na nakatanaw rin sa labas.“Eto lang po talaga ang pinasa niya sa akin na address.” kunot noonsiyang sagot habang sinusuri ang lugar.Tama naman silang dalawa. Hindi yun ang building ng Pacific Air kundi isang hangar o isang malawak na gusali na may nakapark na eroplano. Hindi yun kasing laki ng mga ginagamit sa mahahabang international flight. Mas maliit yun at ginagamit sa mas maikling biyahe.“Baka naman bodega nila yan? Diba nga eroplano ang negosyo nila, baka dyan nila tinatago.” sabi ni Mang Boyet habang nakatingin sa malaking gusali. “Baka nga po.” sagot niya. “Sige po. Dito na lang ako.”Pagkababa ni Cacai ng sasakyan ay huminga muna siya nang malalim bago tuluy
Kinabukasan, kumakain si Cacai ng almusal. Korean instant ramen ang nasa kanyang harapan. Yung may halong gulay at itlog. May kimchi sa isang maliit na bowl. Gumagamit din siya ng chopstick. Sarap na sarap siya sa pagkain habang nakatuon ang tingin sa telebisyon na nasa wall. Ang pinapanood niya ay isang korean drama. At feel na feel niya ang panonood dahil sa kinakain niya. Napapangiti ang mga kasambahay na naroon.“Kasalanan nyo ‘to Larah. Ikaw ang nag introduced sa kanya ng mga ganyang palabas. Ayan na-obsessed na.” pagbibiro ni Aling Nora pero pati naman ito ay nakaupo rin sa harap ng mesa at kumakain ng ramen habang nanonood. Hindi lang siya, pati ilang kasambahay ay nasa mesa rin gaya niya.Ngiti lang ang itinugon ni Larah saka sumubo na rin ng noodles dahil naroon din siya para kumain at manood ng favorite nilang drama.“Mamaya, mandu naman.” sabi ni Cacai na ang tinutukoy ay ang korean dumplings. Tapos ay muling ibinalik ang atensyon sa telebisyon.Nang matapos ay siya na ri
Maingay ang loob ng disco bar. Malakas ang tugtog, nagkikislapan ang ilaw at halos mapuno ng mga taong nagkakasiyahan ang buong lugar. Sa isang VIP table ay naroon si Jamie at ang kanyang mga modelo kabilang na roon si Victoria. Mula trabaho ay dito na sila dumiretso.May mga hawak silang baso ng wine.Nagsalita si Erika.“Wait lang.., bakit ba talaga tayo narito? The other night lang galing na tayo dito…. Parang hindi ikaw yan Jamie ha. Napaka-strict mo pagdating sa ganito lalo kapag may on-going tayong photoshoot.”“Ano bang meron?” curious ding tanong naman ni Mandy.Napangiti si Jamie at halata ang excitement sa bagay na gusto niyang ibalita. Uminom muna siya bago tumingin sa mga kasama.“Jamie.., ano ba yan? Pasuspense ka pa ha.” inip na sabi ni Mandy.Hindi pa rin agad nagsalita si Jamie. Sa halip ay dahan dahan siyang tumingin kay Victoria.“Vic..” aniya.Tumahimik ang grupo.“Sorry if I upset you about your engagement with Chairman Aragon.”Hindi sumagot si Victoria. Nakating
Kinabukasan.., sa loob ng opisina ni Leon nakaupo at nakasandal siya swivel chair sa harap ng desktop. Nasa screen ang quarterly report na ipinasa sa kanya para ireview bago i-finalized. Maya maya ay bumukas ang pinto. Pumasok si Mathew na may dalang dalawang kape galing sa cafe na nasa loob mismo ng building nila. Dire-diretso siya palapit sa mesa ng Chairman. Napangiti si Mathew nang mapansin ang itsura ng amo. Nakaharap ito sa screen ng computer pero halatang wala doon ang isip nito at hindi maitatanggi ang ngiting buhay na buhay na hindi normal na makikita dito. “Good mood tayo Boss ah.” anito at inilapag ang isang tasa sa harap ni Leon. Saka lang siya napansin ni Leon. “Mukhang maayos ang pagkikita kahapon ah.” “Hmm..” tugon ni Leon bago kinuha ang kape. Umupo si Mathew sa harap ng mesa, relaxed ang kanyang postura na para bang nakikipagkwentuhan lang sa isang kaibigan. Matagal na rin kasi silang magkasama. Kaya komportable na sila sa isat isa at parang magbarkadang mag-us
Hay ang saya saya ko. Pakiramdam ko ay isa akong ibon na nakawala sa hawla. Walang baril, walang tauhan, walang nakamasid. Kaya naman sobra akong nagenjoy sa biyahe kahit medyo maingay dahil sa ibang estudyante. May nagkakantahan sa bandang likod, may nagtatawanan, at merun ding mga tulogSi Dina,
Ramdam ni Cacai sa boses ni Leon na hindi ito nagbibiro. At may kung anong kilabot ang gumapang sa kanyang katawan. Pero yun ay kilabot na may dalang kiliti at antipasyon sa pwede pang mangyari o iparamdam ni Leon ng higit pa sa ipinadama nito nung una.Paano kung totohanin nga nito yun. Babagsak
Kanina pa tingin ng tingin si Cacai sa relo. Mahigit isang oras na siyang tapos kumain ng hapunan. Nakagawa na siya ng assignment, nakaligot na’t lahat lahat pero hanggang ngayon, wala pa rin si Dina. Naiinip na siyang maghintay sa kaibigan. Excited pa naman siya pero mukhang hindi pa yata matutul
Mabilis ang mga hakbang ni Leon kaya sa labas na ito naabutan ni Cacai. Paglabas ng dalaga sa pinto ay nakita niya sa harap ng mansyon ang nakaparadang sasakyan. Nakatayo si Leon sa tapat ng passenger seat. Hawak nito ang pinto ng kotse. Alam ni Cacai na siya ang pinagbubuksan nito ng pinto lalo







