LOGINGusto daw pong maki-Valentines Day ng mga bida natin., kaya may update ang lola nyo ngayon. Sweet sweetan muna ang updates natin ngayon kasi araw ng mga Puso. Kaya spread love lang muna today... Happy Heart day po sa inyo lahat.... See you on Monday...
24 hours ago…Sa opisina ni Leon, nakaupo siya sa likod ng mesa. Hawak niya ang folder na naglalaman ng bagong proposal para sa campaign ad na galing sa creative director at creative team. Dito ay nakasaad na siya ang sina-suggest ng mga ito na gawing main visual ng campaign. At isa sa mga modelo ang magiging paring niya. Na ang concept ay parang love team dahil yun daw ang mas patok sa publiko sa panahong ito.Nasa harap niya ang kanyang promotional manager na si Mrs. Edna Balosa. Nakaupo pa rin si Mathew sa harap ng mesa niya at relaxed na naka-upo habang hawak ang kape.Tahimik si Leon habang isa-isang binubuksan ang mga pahina ng profile ng mga modelo na kasali sa campaign.Isa isang binabasa ang bawat pahina. Seryoso lang ang mukha hanggang sa matapos niyang makita ang lahat.Saka niya marahang isinara ang folder at inilapag sa mesa.“Boss, patingin.” ani Mathew.Nang tumango si Leon ay kinuha nito yun at mabilis na pinadaan ng tingin ang mga profile. Tapos ay napapangiti.“Wow
Biglang natahimik ang kanina lang ay maingay na silid. Parang may anghel na biglang dumaan. Nagulat ang mga ito nang makita at makilala si Cacai. Wala agad na nakapagsalita pero mapanghusga ang tingin na ipinukol ng mga ito mula ulo hanggang paa at sa napakasimpleng suot ni Cacai na kupas na jeans, malinis pero lumang tshirt., at white tennis shoes.Samantalang si Cacai naman ay nagulat din nang makita ang Ate niya na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.“At–”“Thank you, ganda!” salubong ni Ms. Halimuyak kay Cacai.Inabot ni Cacai ang kape dito. Muli siyang sumulyap sa kapatid pero may lumapit sa kanya kaya naagaw nito ang atensyon niya.“Ay.. may kape na ulit?” sabi ng isang hairstylist.“Merun na po. Gusto nyo po ba?” “Pwede ba? Kakahiya man pero tatlo pa. Sobrang busy lang talaga.” nakangiting sabi ng hairstylist.“Sige po.” nakangiting ani Cacai dahil yun naman talaga ang trabaho niya.Tumingin muna siya sa kapatid na mukhang wala namang balak na batiin siya. Kaya tuma
Nakasilip si Cacai sa labas ng bintana ng kaniyang sinasakyan. Tanaw niya ang isang napakalawak na gusali. Parang hindi naman opisina ng Pacific Air ang tingin niya dun. Malaki yun pero isang palapag lang. Hindi gaya ng kanyang inaasahan.“Sigurado ka bang dito yun. Parang hindi naman yan Pacific.” wika ni Mang Boyet na nakatanaw rin sa labas.“Eto lang po talaga ang pinasa niya sa akin na address.” kunot noonsiyang sagot habang sinusuri ang lugar.Tama naman silang dalawa. Hindi yun ang building ng Pacific Air kundi isang hangar o isang malawak na gusali na may nakapark na eroplano. Hindi yun kasing laki ng mga ginagamit sa mahahabang international flight. Mas maliit yun at ginagamit sa mas maikling biyahe.“Baka naman bodega nila yan? Diba nga eroplano ang negosyo nila, baka dyan nila tinatago.” sabi ni Mang Boyet habang nakatingin sa malaking gusali. “Baka nga po.” sagot niya. “Sige po. Dito na lang ako.”Pagkababa ni Cacai ng sasakyan ay huminga muna siya nang malalim bago tuluy
Kinabukasan, kumakain si Cacai ng almusal. Korean instant ramen ang nasa kanyang harapan. Yung may halong gulay at itlog. May kimchi sa isang maliit na bowl. Gumagamit din siya ng chopstick. Sarap na sarap siya sa pagkain habang nakatuon ang tingin sa telebisyon na nasa wall. Ang pinapanood niya ay isang korean drama. At feel na feel niya ang panonood dahil sa kinakain niya. Napapangiti ang mga kasambahay na naroon.“Kasalanan nyo ‘to Larah. Ikaw ang nag introduced sa kanya ng mga ganyang palabas. Ayan na-obsessed na.” pagbibiro ni Aling Nora pero pati naman ito ay nakaupo rin sa harap ng mesa at kumakain ng ramen habang nanonood. Hindi lang siya, pati ilang kasambahay ay nasa mesa rin gaya niya.Ngiti lang ang itinugon ni Larah saka sumubo na rin ng noodles dahil naroon din siya para kumain at manood ng favorite nilang drama.“Mamaya, mandu naman.” sabi ni Cacai na ang tinutukoy ay ang korean dumplings. Tapos ay muling ibinalik ang atensyon sa telebisyon.Nang matapos ay siya na ri
Maingay ang loob ng disco bar. Malakas ang tugtog, nagkikislapan ang ilaw at halos mapuno ng mga taong nagkakasiyahan ang buong lugar. Sa isang VIP table ay naroon si Jamie at ang kanyang mga modelo kabilang na roon si Victoria. Mula trabaho ay dito na sila dumiretso.May mga hawak silang baso ng wine.Nagsalita si Erika.“Wait lang.., bakit ba talaga tayo narito? The other night lang galing na tayo dito…. Parang hindi ikaw yan Jamie ha. Napaka-strict mo pagdating sa ganito lalo kapag may on-going tayong photoshoot.”“Ano bang meron?” curious ding tanong naman ni Mandy.Napangiti si Jamie at halata ang excitement sa bagay na gusto niyang ibalita. Uminom muna siya bago tumingin sa mga kasama.“Jamie.., ano ba yan? Pasuspense ka pa ha.” inip na sabi ni Mandy.Hindi pa rin agad nagsalita si Jamie. Sa halip ay dahan dahan siyang tumingin kay Victoria.“Vic..” aniya.Tumahimik ang grupo.“Sorry if I upset you about your engagement with Chairman Aragon.”Hindi sumagot si Victoria. Nakating
Kinabukasan.., sa loob ng opisina ni Leon nakaupo at nakasandal siya swivel chair sa harap ng desktop. Nasa screen ang quarterly report na ipinasa sa kanya para ireview bago i-finalized. Maya maya ay bumukas ang pinto. Pumasok si Mathew na may dalang dalawang kape galing sa cafe na nasa loob mismo ng building nila. Dire-diretso siya palapit sa mesa ng Chairman. Napangiti si Mathew nang mapansin ang itsura ng amo. Nakaharap ito sa screen ng computer pero halatang wala doon ang isip nito at hindi maitatanggi ang ngiting buhay na buhay na hindi normal na makikita dito. “Good mood tayo Boss ah.” anito at inilapag ang isang tasa sa harap ni Leon. Saka lang siya napansin ni Leon. “Mukhang maayos ang pagkikita kahapon ah.” “Hmm..” tugon ni Leon bago kinuha ang kape. Umupo si Mathew sa harap ng mesa, relaxed ang kanyang postura na para bang nakikipagkwentuhan lang sa isang kaibigan. Matagal na rin kasi silang magkasama. Kaya komportable na sila sa isat isa at parang magbarkadang mag-us
3rd person pov. Saglit na natigilan si Cacai at napatitig kay Leon na matiim na nakatingin at mahigpit na nakahawak sa kanyang pupulsuhan. “Malapit na kasing mapuno.” mahinahon niyang sagot. Iniisip na baka nagmamalasakit na ito sa kanya.“Magbabayad ako ng ibang tao para gumawa niyan. Oras na ma
Gamit ang sasakyang nirentahan sa tulong ni Lola Karing, bumalik sila ng Maynila. Ngunit si Leon lang ang bumaba ng sasakyan dahil buo na ang pasya ni Renz na talikuran ang buhay na nakagisnan. Gustong gustong ni Leon na sumama sa pinsan para takasan ang buhay nila ngunit may ina pa siyang naghihi
3rd person POVNagising si Leon, huling naaalala niya ay ginising siya ni Cacai para painumin ng gamot. Pagkatapos nun ay nakatulog siya ulit. Medyo madilim na kaya alam niyang gabi na.Maingat siyang bumangon at lumabas ng silid. Mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon. Sa pinaka sala ay may gase
Mukhang natakot ang mga batang salbahe at bigla na lang nagsi-takbuhan habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.Nilapitan ako ni Kuya.“Tahan na, igagawa na lang kita ng bago.” sabi niya at tinulungan niya akong tumayo.Dinampot niya ang saranggola habang pinupunasan ko ang aking basang mukha gamit







