Mag-log in“Salamat at kahit busy ka ay hindi mo pa rin nakakalimutang dumalaw dito.” nakangiting sabi may edad na si Inang Lucita habang naglalakad sila at pinapanood ang mga batang naglalaro sa loob ng Bahay Pag-asa. Isa yung orphanage na ilang dekada nang nakatayo at kumakanlong sa mga batang ulila na o mga hindi na kayang alagaan ng mga magulang nila dahil sa ibat ibang kadahilanan.Kung gaano katagal na ang shelter na ito ay ganung katagal na ring nagtatrabaho doon si Inang Lucita. Sobrang deboto nito sa shelter dahilan para hindi na rin ito makapag-asawa. Gayun paman ay talo pa nito ang napakaraming apo dahil sa mga batang nakatira doon bukod pa sa mga dating inalagaan nila na bumabalik para bumisita kasama ang mga naging pamilya.At isa na doon ay si Arah. Dahil ang mga magulang niya ay parehong galing sa kanlungan na yun. “Pasensya na po kung minsan na lang ako makadalaw.” magalang na sabi ni Arah.Ngumiti ang matanda sa kanya.“Ay sus, batang ‘to. Alam naman namin yun. Talo mo pa ng
Kagagaling lang nina Arah at Jonas sa isang coordination meeting sa loob ng isang commercial district. May kinalaman yun sa ilang security concerns na inireport sa pulisya ng property management nitong mga nakaraang linggo.Hindi rin naman yun nagtagal. Tapos na ang kanilang pakay kaya naglalakad na silang palabas ng commercial complex.Tahimik si Arah habang nagbabasa ng ilang notes sa hawak na folder. Habang si Jonas ay busy sa pagscroll ng cellphone nito.“Hi..” wika ng baritonong boses.Sabay na napalingon ang dalawa sa nagsalita. Nakatayo sa harap nila si Anthony. Masasabing kapitbahay nila ito dahil sa iisang subdivision lang naman sila nakatirang tatlo.“Pre.. kumusta?” bati ni Jonas. “Pormadong pormado ah.”Ibinaba ni Anthony ang suot na sunglasses. Kaya nakita ang magandang mga mata nito. Gwapo si Anthony. Mas gumwapo pa ito ngayon dahil mukhang asensado na. Kaya mas nakakaporma na.“Sinisilip ko lang yung fast food franchise ko dito sa loob.” nakangiting sabi ng gwapong bina
Sa loob ng Lim Royale, nakaupo na ang apat na lalaki sa VIP area. Sina, Leon, Liam at Daniel ay halos sabay sabay na dumating. At si Renz na pinaka-unang dumating. May treinta minutos na rin silang naroon. Patingin tingin na sa relo niya si Leon. Ang pinaka-ayaw pa naman niya sa lahat ay yung siya ang pinaghihintay. “Anong oras ba darating ang Lim na yan/” bagot na tanong ni Daniel. Maging ito ay inip na. Si Liam naman ay tahimik na napapailing habang panay lang ang tungga ng alak. “Wala akong balak na ipagdrive ka ngayon.” baling ni Renz dito. Magsasalita din sana sana si Leon nang tumunog ang kanyang cellphone. Pagtingin niya sa screen ay nakita niya ang number ni Dennis Lim. Kaya agad niyang sinagot yun. “Mr. Lim..” “Chairman Aragon, my apologies. Papunta na sana ako dyan kaso nagkaroon ng emergency. Sinugod sa hospital ang asawa ko.” sabi ng boses sa kabilang linya. “Okay. Family comes first.” nasabi na lang ni Leon. Ano pa bang magagawa niya? Bumuntong
Ilang minuto na lang ay mararating na ni Leon ang Lim Royale. Nasa biyahe siya ngayon at kagagaling lang sa isang conference call sa trabaho na inabot na ng gabi. Tapos ay dito na siya didiretso sa high end bar na pag-aari ni Dennis Lim para imeet ito at pag-usapan ang isang potential na business partner at business plan. Narinig niyang tumunog nang kanyang cellphone at agad na sinagot yun nang makitang si Renz ang tumatawag. “Nasaan ka na?” tanong ni Renz.“Malapit na. Mga five minutes. Ikaw?”“Kanina pa ako dito. Maaga akong natapos sa trabaho. Dito na ako tumuloy.” tugon ni Renz.“Ang lungkot naman ng buhay mo. Walang inuuwiang asawa.” Mahinang natawa si Renz. Feel na feel talaga ng pinsan niya ang pagiging padre de pamilya. At sa tuwing magkikita na lang sila ay wala na itong ibang ginawa kundi ang kantyawan siya na mag-asawa na.Maikli lang ang naging usapan nila at nagpaalam na rin si Leon sa kanya.Pagkababang pagkababa ng tawag ay panibagong tawag naman ang pumasok, si Dr.
Isang mahabang paghikab ang ginawa ni Arah habang naglalakad sila palabas ng turo-turong kinainan nila, malapit sa presinto. Dito sila laging nag-aalmusal kapag walang baong pagkain si Jonas na luto ng ina nito. Palibahasay nag-iisang anak kaya alagang alaga ito ni Tita Luz. Ganun pa man hanggang ngayon ay wala itong kaalam alam na Paminta si Jonas or pa-men, ikaw nga. “Ilang pelikula ba ang tinapos mo kagabi at nangingitim yang eyebags mo?” tanong ni Jonas habang naghahanap ng files sa mga drawer. Hindi agad nakasagot si Arah sa tanong ng kaibigan. Kung alam lang nito… “Nagresearch lang ako tungkol sa profile ni Dennis Lim.” pagdadahilan niya. Totoo naman yun pero may isa pang mas matinding dahilan kung bakit hindi agad siya nakatulog. “Di naman mahirap hanapin yang si Lim. Ang daming followers ng bar niyan sa social media.” “Oo yun bar niya kilala. Pero siya, mailap, Kaya ang hirap niyang hanapin.” Nahinto sila sa pag-uusap nang may bumati sa kanila, si Niel. Empleyado ito
Hindi maipinta ang mukha ni Renz dahil mauubusan na siya ng hangin. Kanina pa niya pinipigilan ang huminga habang nakatakip ang isang kamay sa ilong. Ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa dalawang maliliit na paa ni baby Franco, ang isa sa kambal ni Leon. “Ang tagal!” reklamo niya bago muling pisilin ang sariling ilong. Habang si Leon naman ay abalang abala sa pagbukas ng isang kahon ng baby wipes. “Sandali.” kalmadong sabi nito. Napapailing na lang si Renz sa kanyang sitwasyon. Ngayon lang niya naabutang gising ang pamangkin, kaso tumae naman. Wala nang bukas na pakete ng wipes kaya pinahawakan muna ni Leon sa kanya ang paa ng sanggol. At ang malala ay hindi pa yun nalilinisan habang nakabuyangyang pa rin ang diaper na may dumi. Sa wakas ay nabuksan din ni Leon ang wipes at agad na lumapit sa crib saka inagaw ang paa ng bata mula kay Renz. Pero narinig muna ni Leon na naduwal ang pinsan. “Ughk…” Mabilis na lumayo si Renz sa pwesto ng mag-ama. “Nalunok ko yu







