Share

Chapter 154

Author: Kara Nobela
last update Huling Na-update: 2026-03-06 00:06:56

Tinanghali na ng gising si Cacai kinabukasan dahil madaling araw na natapos ang birthday party niya.

Naabutan niya si Larah sa kusina.

“Good morning.” bati nito at iniwan muna ang ginagawa at awtomatikong ipinaghain si Cacai ng pagkain.

Noong una ay hindi komportable si Cacai na pinagsisilbihan. Pero nagtagal ay hinayaan na lang niya ang mga kasama dahil hindi rin naman nakikinig sa kanya,.

At gaya sa mansyon, mas gusto ni Cacai na sa kusina siya kumain kesa dining room lalo na kung wala siya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 156

    “Hi classmate.” boses ng bagong dating, si Marco. Naka suot ito ngayon ng pang basketball.Paglapit sa kanila ay nakipagfist bump muna ito kay Hito. Lalapit pa sana ito kay Cacai para umupo sa tabi nito pero agad siyang hinila pabalik ni Hito.“Dito ka lang bata. Namiss kita eh.” anito.Wala namang nagawa si Marco kundi ang maupo sa tabi ni Hito pero ang mga mata ay na kay Cacai.“May exhibition game kami mamaya, sana manood ka…” ani Marco.“Ha? Eh…” ani Cacai.Wala namang problema dahil kaibigan na rin nila ito sa kabila ng pagiging mahangin nito. Kaya lang wala namang hilig sa basketball si Cacai.“Siya lang? Kami ba, hindi mo iimbitahan?” tanong naman ni Hito.Napanguso lang si Marco dahil sa sinabi nito.“Kailangan pa ba yun? Eh kung nasaan si Cacai, andun ka rin. Matik na yun. Kumabaga package deal.” wika ni Marco.“Mabuti alam mo.” ani Hito.“Kaya nga di makaporma yung tao eh.” pabulong na sabi ni Marco.“Ano?” baling ni Hito dito.“Wala. Basta aasahan ko kayo mamaya ha. Sige

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 155

    Kahit tila nagmamando ay malumanay pa rin ang boses ni Benito kaya walang nararamdaman galit o takot si Cacai sa ama. “Pa, kapag iginiit niyo yan, baka matulad ako kay Ate na tatatakas na lang.” katwiran ni Cacai.Pinakatitigan ni Benito ang anak.“Wag mong gagawin yan. Baka isang araw magsisi ka na lang... At yang Ate mo, sigurado akong pagsisisihan niya ang hindi pagsunod sa akin… Hindi ko naman ginagawa ito para kontrolin ang buhay mo. Iniisip ko lang ang makakabuti sayo. Hindi mo ako maiintindihan sa ngayon, pero balang araw.., pasasalamatan mo rin ako.” sambit ng lalaki.Napabuntong hininga na lang si Cacai. Ayaw niyang makipagtalo sa ama. Ayaw niyang mag-away sila. Hindi ito ang oras para kontrahin ang Papa niya. Gagawa na lang siya ng paraan para unti unting magbago ang isip ng ama kung totoo man ang sinasabi nitong intsik kuno sila. Didiskartehan na lang siguro niya kapag umabot na sila sa puntong arranged marriage na sinasabi nito.“Sige po pa, payag ako. Pero sa isang

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 154

    Tinanghali na ng gising si Cacai kinabukasan dahil madaling araw na natapos ang birthday party niya.Naabutan niya si Larah sa kusina. “Good morning.” bati nito at iniwan muna ang ginagawa at awtomatikong ipinaghain si Cacai ng pagkain.Noong una ay hindi komportable si Cacai na pinagsisilbihan. Pero nagtagal ay hinayaan na lang niya ang mga kasama dahil hindi rin naman nakikinig sa kanya,.At gaya sa mansyon, mas gusto ni Cacai na sa kusina siya kumain kesa dining room lalo na kung wala siyang ibang kasabay.“Ate Larah, nakita mo po si Papa?” tanong niya habang kumakain. “Nagjojogging…” kaswal nitong sagot habang ang mata ay nasa grocery list na sinusulat nito.Nakatalikod ito sa kanya. Nakasquat at nakaharap sa food pantry habang nag-iimbentaryo ng groceries.Hindi na naituloy ni Cacai ang sasabihin ng pumasok si Benito na pawis na pawis at may hawak na towel habang pinupunasan ang batok at mukha.“Hi Papa…” nakangiting bati ni Cacai.Ngumiti agad ang kanyang ama. “Pa gusto mon

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 153

    Sa loob ng opisina ni Leon nang mismong gabi ding yun pagkakagaling sa birthday party ni Cacai., nakatayo siya sa harap ng mesa, nakatukod sa gilid ng desk. Madilim ang mukha at magkasalubong ang dalawang kilay. Sa harap niya ay nakatayo ang mga tauhang si Hito at Hippo. Naka formal pa rin ang mga ito dahil dumalo sila sa birthday party kanina. Nakabantay lang ang mga ito pero hindi nakigulo. Ngayon ay pareho silang tuwid na tuwid ang tindig, pero halatang kabado. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa sila nalusaw dalawa sa nag-aapoy na tingin ng Liyon. “Ulitin mo.” Malamig na sabi ni Leon. Nagkatinginan muna ang dalawa bago nagsalita ang isa. “Boss…” panimula ni Hito. “Maraming umaaligid.” tugon nito. Hindi agad nagsalita si Leon. Tumahimik ito na tila nag-iisip. Maya maya’y muling nagtanong. “Panong umaaligid?” anito. “Laging sinasabayan. Nagpapacute ganun.” tugon naman ni Hippo. “Kelan pa?” “Ang alin, Boss? Napabuga ng hangin si Leon “Uma

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 152

    Naramdaman ni Cacai ang mabilis na pagdapo ng kamay ng lalaki sa beywang niya. Hindi yun marahas at hindi rin malikot. Sakto lang para alalayan siya. Pakiramdam niya ay huminto ang oras nang sandaling nagdikit ang mga katawan nila. Saka siya dahan dahang inangat ng lalaki palayo sa kanya. Pero yung kamay nito ay naiwan pa rin sa beywang niya na tila sinisigurong maayos muna ang tindig niya. “Careful..” narinig niyang sabi nito saka pa lang siya nito dahan dahang binitawan. Bahagya lang niya yung narinig dahil mas malakas pa ang tunog ng musika na nagmumula sa sayawan. Nag-angat siya ng mukha at doon lang niya nakita ang lalaking naka-tuxedo. Yung kasama kanina ng kanyang ama na nasa grupo ng mga Japanese na bumibisita. May suot itong mask at tanging mata lang ang nakikita niya na parang punong puno ng emosyon at tila may nais ibulong. Napukaw ang katahimikan nang may marinig silang mga yabag at mga boses na paparating. Isang malalim na tingin pa ang ibinigay ng lalaki sa

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 151

    “Hindi ba darating ang dalawa?” tanong ni Cacai na ang tinutukoy ay sina Hito at Hippo. “Baka nandyan lang ang mga yun sa tabi tabi.” nakangiting sagot ni Dina at nagpalinga linga pero agad na naglaho ang ngiti nang iba ang kanyang nakita. “Kumapit na tayo. Nandyan na ang bagyo.” nakasimangot na anito na kanina lang ay panay ang tawa. “Ha?” takang tanong ni Cacai habang inaayos ang mask. “Yung manliligaw mo, dumating na.” nguso nito sa papalapit na lalaki, si Liam. Hindi pa nito suot na mask, hawak lang nito yun. Naglalakad ito palapit sa pwesto nila. Malinis ang dating at napakagwapo sa suot na formal. “Hindi ko siya manliligaw.” pagtatama ni Cacai. “Hindi pa.” ani Dina. “Alam mo, bagay kayo... Isang mestiso at isang morena.” malawak ang ngiting sabi ni Cacai sabay kaway kay Liam. Ngumiti naman ang lalaki nang makita si Cacai. Agad itong lumapit sa kanila. “Hi, happy birthday.” bati nito kay Cacai tapos ay mabilis na sinulyapan si Dina. “Hi.” anito at agad na ibinalik ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status