공유

496 (Book3)

작가: Kara Nobela
last update 게시일: 2026-11-09 00:06:31

Nang sumunod na araw, sakay ng tricycle si Dina nang pumasok siya sa Hacienda Fatima. Pauwi na siya mula sa OJT sa munisipyo.

Dapat ay susunduin siya ni Liam, pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nagpaparamdam. Wala man lang text o tawag kaya inisip na lamang niyang baka naging abala ito sa trabaho. Alam naman niyang kahit nasa probinsiya ang asawa, patuloy pa rin nitong inaasikaso ang kumpanya sa Maynila.

Malayo pa lamang ay napansin na niya ang pamilyar na sasakyang nakaparada sa tapat ng kan
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   498 (Book3)

    Maya-maya, nakahinga rin nang maluwag ang mga naghihintay sa labas ng venue nang makitang paparating na ang bridal car. Ngunit agad silang nagtaka nang si Liam ang bumaba mula sa driver's seat.Mabilis ang mga hakbang ni Liam. Sinalubong siya ni Fatima, na kanina pa naghihintay. Alam na rin nilang nasira ang sasakyan nito kaya hindi na siya nagtanong pa.Napatingin si Fatima sa suot ng anak.“Oh, my goodness! What happened to your clothes?”“I'll explain later. I just need to change. Nasa loob ng sasakyan si Dina.” ani Liam at agad na nagtungo sa changing room.Naroon na ang isa pa niyang suit na gagamitin sana niya sa reception, na maaga pa lamang ay inihanda na ng wedding coordinator. Wala naman talaga siyang balak magpalit bago magtungo sa reception pero ngayon ay magagamit din pala niya yun.Hindi nagtagal ay nagsimula na ang kasal.Maayos na nakatayo si Liam sa harap, suot ang malinis at eleganteng suit.Nasa tabi niya si Rafael bilang best man.Sa hanay naman ng mga abay ay na

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   497 (Book3)

    Sa wakas, dumating na rin ang araw na pinakahihintay. Ang kasal ng Nanay at Tatay ni Lian.Sa malaking bahay ng Hacienda Fatima, nakatayo si Liam sa harap ng salamin habang inaayos ang kanyang necktie. Maayos na ang suot niyang suit, ngunit ilang beses pa rin niyang sinubukang ituwid ang buhol ng kurbata.., nang bumukas ang pinto at pumasok si Fatima.“Okay na 'yan. Gwapo ka pa rin sa paningin ni Andeng,” nakangiting sabi nito habang naglalakad papasok.Napangiti si Liam nang makita ang ina at ayusin nito ang kanyang kurbata.“I’m happy, son,” mahinang sabi ni Fatima habang inaayos iyon. “Natupad na rin ang pangarap mong magkaroon ng buong pamilya.”Napatingin si Liam sa ina. Pansin niya ang pangingilid ng mga luha nito.“I've always had a whole family, Mom. Ours just happens to be a little different.”Ngumiti si Fatima. Tumingala ito.., tumingin kay Liam…,…at marahang hinaplos ang kaliwang pisngi ng anak.“Kamukhang-kamukha mo siya.” sambit niya.Walang nagsalita, ngunit pareho

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   496 (Book3)

    Nang sumunod na araw, sakay ng tricycle si Dina nang pumasok siya sa Hacienda Fatima. Pauwi na siya mula sa OJT sa munisipyo.Dapat ay susunduin siya ni Liam, pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nagpaparamdam. Wala man lang text o tawag kaya inisip na lamang niyang baka naging abala ito sa trabaho. Alam naman niyang kahit nasa probinsiya ang asawa, patuloy pa rin nitong inaasikaso ang kumpanya sa Maynila.Malayo pa lamang ay napansin na niya ang pamilyar na sasakyang nakaparada sa tapat ng kanilang tindahan.“Kay Liam 'yon, ah.”Pagkababa niya ng tricycle. Nakita niya ang kanyang mga magulang sa loob ng tindahan. Agad siyang lumapit at nagmano sa mga ito.“Bless po, Tay. Nay.”“Kaawaan ka ng Diyos, anak,” sagot ni Aling Minda.“Tay, kanina pa po ba rito si Liam?”“Kanina pa.” sagot ni Mang Andoy.“Kanina ko pa po siya hinihintay. Nandito lang pala.” usal niya at napatingin siyang muli sa sasakyan. “Anong ginagawa niya rito? Saka nasaan po si Lian?”“Pumasok ka na lang sa loob. Nand

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   495 (Book3)

    Kinabukasan, umuwi sa malaking bahay si Liam kasama ang kanyang mag-ina.Nagulat si Dina nang nadatnan nila sa garden sa likod ng bahay si Jing. Nakaupo ito sa mesa katabi ni Janet. Mukhang nag-aalmusal sila.Nakita rin niya si Kuya Ariel na kausap si Rafael, nakatayo malapit sa halaman. May bakas pa rin ng pasa sa mukha nla pero kapansin pansing mas magaan na ang awra ng mga nito. Maging si Janet at Jing ay nakangiti na. Mukhang naging maayos ang pag-uusap nila matapos ang nangyari kahapon.Agad na nagpaalam si Lian upang maglaro sa loob. Dahil sanay na ito sa malaking bahay, kaya Dumiretso si Liam sa dalawang lalaki, habang si Dina ay naupo sa harap ng mesa.Inalok siya ng dalawa pero tumanggi siya dahil kumain na sila dahil nagluto si Aling Minda.Biglang naalala ni Dina, na si Janet nga pala ang doktor na tumingin sa kanya noon, pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Liam.“Kumusta ka na, Dina?” nakangiting tanong ni Janet sa kanya.“Mabuti naman, ikaw?” bati niya. Hindi niya akal

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   494 (Book3)

    Nang hapon yun sa bahay nina Dina..Pagkatapos kumain, naupo si Liam sa sofa habang katabi si Lian, na masayang nagkukuwento tungkol sa mga ginawa nito buong araw. Si Mang Andoy naman ay nakaupo sa kabilang sofa at nanonood ng telebisyon. Hindi naman kumibo ang matanda at hinahayaan lang ang mag-ama.Nang matapos si Dina sa gawain sa kusina, nadatnan niyang nakasandal si Lian sa ama nito habang patuloy pa rin sa pagkukuwento.“O, baby, mag good night ka na kay Tatay. Gabi na, uuwi na siya.”Agad na umayos ng upo si Lian.“Dito na po lang si Tatay.”“Babalik naman siya bukas, anak. Sige na, gabi na.” sabi ni Dina.“Ayoko po.”Yumakap ang bata sa braso ni Liam.“Tatay, dito ka na lang.”Hinaplos ni Liam ang buhok ng anak.“I'll see you tomorrow, princess.”Lumapit si Dina kay Lian. Nang subukan niyang kunin ang anak ay lalo lamang itong kumapit ng mahigpit sa ama at nagsimulang umiyak.“Lian, hindi puwedeng ganyan. Matutulog na si Tatay, pagod na yan.”“Ayoko! Dito po si Tatay….”Akm

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   493 (Book3)

    Nang sumunod na araw. Abala si Mang Andoy at ang tatlo niyang katrabaho sa paglilinis ng kulungan ng mga baka nang mapansin ng isa sa kanila ang paparating na si Liam kasama ang supervisor ng livestock section.“O, Andoy, si Senyorito. Doon ka muna sa kabilang kulungan. Baka makita ka.” concern na sabi ni Domeng.“Bahala siya.” maikling sagot ni Mang Andoy at ipinagpatuloy ang pagsahod ng maruming dayami gamit ang pala.Nagkatinginan ang tatlo, ngunit hindi na sila nagpumilit. Nang lumapit si Liam, agad silang bumati rito.“Magandang umaga po, Senyorito!”“Magandang umaga ho.” kaswal na sagot nito.Tumayo rin si Mang Andoy at bahagyang yumuko bilang paggalang sa kanilang boss. Kahit tensyon sa kanila ni Liam, hindi naman iyon dahilan upang maging bastos siya rito, lalo na habang nasa trabaho. Hindi na lang siya nagsalita. Matapos ang maikling pagbati ay bumalik na siya sa kanyang ginagawa.“Makakasama natin ngayon si Sir Liam sa mga gawain dito sa kulungan,” paliwanag ng supervisor.

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status