LOGINPagdating ni Cacai sa kanyang silid ay lipad pa rin ang kanyang isip. Parang sobrang bigat ng katawan niya at napaupo siya sa gilid ng kama. Kinamot niya ng pisngi at noon lang niya napansin na basa na pala. Hindi niya namalayang lumuluha na pala siya.Dahil sa pagluhang yung nakumpirma niyang mahal pa nga niya si Leon. Kung hindi, ay bakit siya nasasaktan na umuwi ang Ate Victoria niya.Ramdam naman niya na may espesyal na pagtingin sa kanya si Leon, pero hindi ibig sabihin nun ay mas mahal siya nito kesa kapatid niya. Yun ay dahil siya ang narito ngayon kasama niya.Hindi ba’t ganun naman ang ibang mga lalaki? Merun silang rebound. Sa malas niya, sa kanilang dalawa ng Ate niya ay siya itong panakip butas kahit noong una pa. At kapag nandyan na ang kapatid niya, hindi na siya nito makikita pa. Hindi ba’t ang ate niya naman talaga ang gusto nitong pakasalan? At hindi magtatagal ay magtatagpo din silang dalawa at matutuloy ang unang plano nila.Akala niya ay tanggap na niya. Pero na
Paglabas ni Cacai building ay nakita niya sa labas sina Bea at Michelle ganun din ang ibang mga Receiving. Sabay sabay silang nagpunch out ng time card at nagkumustahan.Paglabas nila ng gate ay nakita niya agad na nag-aabang na nga si mang Boyet sa kanya kaya humiwalay na siya sa mga kasama.“Hello po.” bati niya kay Mang Boyet pagsakay niya sa loob ng sasakyan.“Kumusta?’ bati rin nito sa kanya. “Nakakapagod po.” aniya at agad na ipinikit ang kanyang mga mata.Pagkaraan ng ilang minuto ay iminulat niya ang mga mata. Sinilip niya ang labas ng bintana. Nagawi ang tingin niya sa side mirror. At doon, nakita niya ang dalawang pamilyar na itim ng kotse na sumusunod sa kanila.Malalim siyang napabuntong hininga.“Ayan na naman sila.” mahinang bulong niya. Pero hindi naman siya nakaramdam ng pagkairita. Ewan ba niya pero mukhang nasasanay na rin siya. Para ngang magtataka at mag-aalala pa siya kung hindi niya makikita ang mga ito na nakabuntot sa kanya. Ang mga tauhan ni Leon na yun a
Kung kanina ay puro papansin lang si Leon sa dalaga ngayon ay ibang tanawin na ang makikita sa loob ng opisina. Kailangan na nito ngayong magpakaseryoso sa trabaho.Hindi madali ang ginagawa niyapara lang hindi mawala sa paningin niya ang dalaga. Hindi madali na magpatakbo ng isang airline company habang gumagamit ng isang maliit na manager’s office sa labas ng kanyang kumpanya na tanging personal laptop lang niya ang dala. Walang access ang NorthPoint sa system ng Pacific Air dahil magkaiba naman itong kumpanya.Tatlong computer screen ang sabay sabay na nakabukas sa harap niya. Ang isa ay para sa flight operations dashboard ng Pacific... Pangalawa ay para sa email threads… At ang pangatlo ay para sa live conference window. Bukod pa ang mga tawag na ginagawa niya sa telepono.Habang ang sekretarya niyang si Mathew ay online lang na umaassist sa kanya. Dahil nga ayaw niyang may iistorbo sa kanila ng dalaga. After nang may taga HR na naghatid pagkain ay pinagsabihan niya ang mga gua
Samantala si Mathew.., nasa canteen.., busy… …sa pakikipagharutan sa mga kadalagahan. “Parang gusto kong magpatransfer na lang dito sa North Point Ah. Mas inspired akong magtrabaho dito kesa Pacific.” habang mapupungay ang mga matang nakatingin sa kanyang mga kaharap. “Bakit naman?” tanong ng isa sa mga babae. “Mas maganda kasi ang mga girls dito. Lalo na sa HR at Admin.” ani Mathew sabay kindat sa mga babaeng naghagikhikan. Nasa canteen si Mathew ngayon ay ineejoy ang bakanteng oras na wala ang among abala sa babaeng kinahuhumalingan nito. “Grabe, hindi ba talaga kayo nagsasawa na sakin?” pacute na sabi nito habang sinusuklay ng mga daliri ang sariling buhok. Napatawa ang isa. “Hindi ka naman nakakasawang tingnan.” wika nito dahilan para lumaki ang ulo ni Mathew. “Ay, ganun ba? Delikado yan, baka ma-fall kayo.” anito. “Wow, taas ng confidence.” biro ng isa sabay hampas sa braso niya, “Hindi naman mataas, sakto lang. Kaya kung may problema kayo sa trabaho, sabihin nyo lang.
Sa loob ng Manager's office, nakaupo si Leon sa swivel chair.Habang si Renz ay palinga linga sa kabuuan ng silid. Pasulyap sulyap ito sa kisame at mga sulok na parang may hinahanap.“Relax,” sabi ni Leon habang nakatingin dito. ‘I already made sure na walang camera at audio pickup dito.” Bahagyang tumango si Renz saka huminga ng malalim.“Good.” anito at isinara ang pinto saka lumapit sa mesa ni Leon.“May nagmamanman sa atin. PNP surveillance. Ilang araw na silang nakabuntot.”Parang hindi naman nagulat si Leon sa narinig. Bahagya lang itong tumingala mula sa report ng binabasa bago ibinaba yun sa mesa.“Alam ko. Hayaan mo lang.” kalmadong nitong sagot. “Magagamit natin sila. Lalo na kay Pacquito.”“About that… May binubuo na naman siyang shipment. According to my asset. Gagamitin niya ang logistic line ng North Point para magpasok ng droga at illegal firearms. Plan B nila is kapag pumutok yan, North Point ang unang lalabas na may hawak ng kargamento.”“Anong icocover nila?” tano
Hindi naman mahirap ang trabaho ni Cacai, pang entry level position lang talaga Yun ang una niyang napansin habang nakaupo sa workstation niya.Bukod sa naka-print na instruction, may soft copy din sa email na pinadala ng HR. PDF file na malinaw ang step by step na gagawin.Ang gagawin n lang niya ay imonitor ang status ng mga delivery at icomplie sa daily system performance report.. Hindi na bago sa kanya ang ganitong proseso. Sa Receiving area, nagchecheck din siya ng delivery logs. Ang kaibahan lang, dito ay system based lahat. Walang papel walang manual encoding. Pero pareho lang ng logic. Kahit sinong may basic computer knowledge ay kayang gawin. At dahil Computer Science ang kurso niya kaya mas madali para sa kanya. Mas mahirap pa nga sa Receiving dahil maingay. Atleast dito tahimik at mas concentrate sa trabaho at mabilis kang matatapos.Nakita niyang lumabas sa pinto si Leon. Kung may maingay man sa lugar na ito, ay ito yun. Dahil hindi nito isinasara ang pinto kaya nariri
Hila hila ni Dina si Cacai palabas ng kusina, dun sa may likod ng mansyon. Pagdating nila sa labas at silang dalawa na lang ay saka ito tawa nang tawang hinarap si Cacai.“Anong pinagsasasabi mo dung baliw ka?” tanong ni Dina na hindi matigil sa katatawa.Ngumuso naman si Cacai.“Oi, natutunan ko l
Mahigpit ang hawak ko sa buhok ni Karla at gigil na gigil ko siyang sinabunutan. Nag-iisa lang ang bulaklak na yun at hindi na yun maibabalik sa dati kailan.“Ouch!” sigaw nito pero hindi nagpatalo.Hinagip niya rin ang buhok ko at gumanti nang sabunot. “Aray ko!” daing ko. Ang sakit kasi sa anit
Nakaharap si Cacai kay Leon, pilit tumatayo pero walang lakas. Kung hindi siya hawak ni Leon ay siguradong bumagsak na ito.Hinaplos ni Leon ang pisngi ni Cacai, maingat pero paulit ulit para mapanatiling gising ito. Kita rin niyang namumutla na ang mukha at unti unti nang pumupikit ang mga mata
3rd Person POV Gustong sisihin ni Cacai ang dalawa at talakan dahil sa sinabi ng mga ito na mamayang 8 PM pa ang tapos ng meeting ni Leon. Pero paano niya gagawin, eh hanggang ngayon, hindi niya magawang tumingin kahit kanino. Guilty siya at pakiramdam niya, alam ng mga nasa paligid niya ang nang







