LOGINMaraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa hanggang dito sa Book 2, nagko-comment at nagbibigay ng gems. That's it for this week. See you po on Monday. God bless...
“Kilala mo?” tanong ni Albert.Tumango si Renz.“Siya po yung nasa loob kanina.” tugon niya at dali daling lumapit sa dalaga. “Ihatid mo na lang yan sa bahay nila. Mukhang lasing na rin yung mga kasama niya sa loob. Bukas na lang tayo umuwi ng maaga. Sige na, magtataxi na lang ako, kailangan ko ring tapusin ang report ko.” sabi ni Albert at agad na pumara ng masasakyan.Naiwan naman si Renz habang inaalalayan si Arah na lasing na nga talaga. Ni hindi man lang ito pumalag nang alalayan niya.“Saan ang address mo?” tanong ni Renz na titig na titig sa mukha ng dalaga.Nakailang tanong na siya pero hindi na ito sumagot. Kaya nagpasya siyang dalhin ito sa pinakamalapit na hotel sa malapit lang. Inalalayan niya ito hanggang sa loob ng silid. Tinulungan din niya itong mahiga sa kama. Nang sa tingin niya ay maayos na ito ay hinaplos niya ang mukha ng dalaga. Naalala niya noong mga high school pa lang sila. Unang tingin pa lang niya dito ay na in love na agad siya dahil sa ganda nito. Mas
Samantala, isang grupo ng mga kababaihan ang nasa isang bahagi ng bar.“Hindi ako umiinom.” sabi ni Arah nang abutan siya ng wine ng mga kasama.“Tikim lang eh. Hindi naman tayo magpakalasing,” tugon ng isa sa mga kasama niya“Oo nga saka dapat magcelebrate tayo dahil balita ko napromote ka raw Captain Reyes.” dugtong ng isa pa.Walang nagawa si Arah kundi ang tanggapin yun.“Cheers para sa promotion ng muse natin.” narinig niyang sabi ng isa pa at sumunod ang iba pa.“Cheers!” sabay sabay na sabi ng mga ito.,Narito si Arah dahil nagkita-kita sila ng mga kaklase niya noon elementary at isa sa mga ito ang nagyaya na dito sa bar magpunta, out of curiosity at para daw maiba naman.Samantala.., sa likod ng stage ay naroon ang mag-amain. Pareho silang naka-pantalon na lang, walang suot na pang-itaas at naka-mask.Kalmado lang si Renz na nakatayo at hinihintay na tawagin sila para papuntahin sa stage habang natatawang pinapanood si Tatay Albert na panay ang practice ng dance move na it
Paglipas ng panahon hindi na lang naging basta ordinaryong empleyado si Renz. Siya na ngayon ang pinagkakatiwalang kanang kamay ni Chairman Tuazon. Marami posisyon na pwede niyang tanggapin ngunit mas pinili niya ang ganito. Dahil alam niya sa sarili na hindi siya habang buhay na magtatrabaho sa InovaTech. Inayos niya ang manggas ng kanyang long sleeve habang kalmadong naglalakad palabas ng executive floor. Kahit pagod, diretso pa rin ang kanyang tindig. Patapos na ang araw pero parang ngayon pa lang ito papasok.Sa paglipas ng panahon, habang nagmamatured ay mas naging matikas ang kanyang dating. At dahil sa tangkad, itsura, at posisyon sa kumpanya ay mas dumami ang kanyang mga tagahanga. Lalong lalo na ang mga empleyadang babae sa InovaTech.Pagdating niya sa lobby ay agad niyang nakuha ang atensyon ng mga naroon. Magalang ang mga itong bumati sa kanya pero hindi mawawala yung mga pasimpleng bulungan at sikuhan ng mga kakababaihan na nagpipigil ng kilig kapag dumaan na siya.Na
Pagkatapos maligo ay nagbihis ng cargo shorts at simpleng kulay abong tshirt si Renz saka lumabas ng silid. Pagdating niya sa kusina ay nadatnan niya si Inay Kleta at Tatay Dadong na nagkukwentuhan “Nay, papasada muna po ako.” paalam niya habang kinukuha ang susi ng tricycle. Napatingin sa kanya ang matandang babae. “Hindi ka ba magpapahinga?” Graduating na si Renz sa kolehiyo at part time student na rin sa InovaTech. Umuuwi siya ng Canlubang kada weekends kaya siya narito ngayon. “Kukumustahin ko rin po yung mga kaibigan ko.” magalang niyang sagot. Naging isang normal na teenager si Renz mula ng kupkupin siya ng mga Salazar. Marami na siyang naging kaibigan sa lugar na yun. Nakagiliwan na rin niya ang pumasada ng tricycle dahil bukod sa kumikita na ay nakakatambay pa siya kasama ng mga kababaryo. “Naku, matutuwa yung mga dalaga dyan. Aba’y tuwing makikita ako sa labas eh lagi na lang tinatanong kung kelan ka uuwi. Kapag nalaman nilang dumating ka, siguradong paikot iko
“Pag-isipan nyo. Bukod sa may sweldo ka na. 50 percent na lang ang babayaran sa college tuition mo kung sa Edizon University ka mag-aaral.” paliwanag ni Rafael Vergara kay Renz habang kumakain sila ng tanghalian. Ang tinutukoy nito ay ang vacant position sa Edizon University na student assistant para sa mga estudyanteng nagtatrabaho habang nag-aaral. Isa kasi sa mga dating tauhan niya ay isa na ngayong Head ng Procurement and Records Office ng Edizon University, yun ang opisina sa university na humahawak sa pagbili ng mga kagamitan, supplies at equipment ng school. Nang malaman ito ni Vergara ay agad nitong inirekomenda si Renz dahil natutuwa siya sa binata. Bukod sa matalino ay mabait pa. “Paano po ang trabaho ko dito?” tanong si Renz. “Malayo itong building namin sa university. Mas mahihirapan ka. Pero kung matatanggap ka dun, hindi mo na kailangang magbiyahe papunta sa trabaho, since nandun ka na… Mas malapit din yun sa inuupahan niyong mag-ama… Halos pareho lang din ng traba
Philippine National Police Academy… Katatapos lang ng plebe year ni Arah, ang unang taon ng mga cadet sa PNPA. Ibig sabihin ay hindi na siya bagong kadete. Tutuntong na siya ngayon bilang upperclassman sa susunod na academic year. Dumating si Carlos sa PNPA ground para bisitahin ang anak. “Dad!” masayang bati ni Arah habang mabilis na lumapit sa ama. “Kumusta ka dito?” tanong ni Carlos. “Ayos lang po.” Pinagmasdan nito si Arah mula ulo hanggang paa. Wala na ang napakahabang nitong buhok. Parang panlalaki na ang gupit dahil yun ang required sa academy. Napansin din niya ang pagkabawas ng timbang ni Arah dahil sa training pero mas matikas at matatag ang dating nito ngayon. “Sigurado ka ba talagang ito ang gusto mo?” “Masaya po ako dito.” nakangiting sagot ni Arah. Hindi yun ang unang beses na tinanong siya ng ama tungkol sa bagay na yun. Bago pa man pumasok sa academy ay siniguro muna nito kung talaga bang sigurado na siya. Isa lang ang sagot niya palagi, handa na siya noon







