ANMELDENThanks for dropping by...
Samantala sa gasolinahan… “Ang tagal.” sabi ni Jonas. “Eh di ikaw na ang gumawa,.” sagot naman ni Luis. Nang matapos ay bumalik na sila sa sasakyan. Pero nakita nilang pumasok si Arah sa driver’s seat. “Anong ginagawa mo?” takang tanong ni Luis. “Sakay na.” sa halip ay sagot ni Arah sabay sara ng pinto. Nagkatinginan pa ang dalawang lalaki. “Good luck sa ‘tin.” sabi ni Jonas at sumakay sa passenger seat sa likod. Ganun din si Luis. Ilang saglit pa ay mabilis nang humaharurot ang kotse. Nagmamadali si Arah. Kailangan nilang maunahan ang Silverline na dumating sa lugar na yun. “Pulis ka ba talaga o driver ng bumbero?” paninita ni Jonas. Pero tuloy tuloy lang si Arah kaya ilang minuto lang ay nasa harap na sila ng NorthPoint. Nakita nilang lumabas ang fire truck mula sa loob. Mukhang naagapan na ang sunog. Bumaba agad si Arah. Nakasalubong pa niya ang mga reporters na palabas na. Ibang iba na ang awra ng mga ito kumpara kaninang hyper na hyper. Ngayon ay lutang na n
Naupo si Kate sa harap ng computer. Pagkatapos ay inikot niya ang screen para makita nila. Sina Jonas at Luis ay nandoon din katabi ni Arah.Sa monitor ay hindi simpleng document lang ang naka-open. Isa yung live interface. May moving entries, timestamps, containers IDs nag nag-uupdate na parang isang totoong system.“Hindi lang ito simpleng file or recorded. Mirrored view ito na parang naka-tap sa mismong system pero pang viewing lang ito at hindi nating pwedeng pakialaman ang system.”“Meaning yan mismo ang actual na galaw ng transaction ng Silverline?” tanong ni Jonas.Tumango si Kate habang nakatingin sa screen.“Kita nyo yan?” anito at itinuro ang gumagalaw na object gamit ang cursor. “Truck assignments, container loading at internal scheduling… Lahat yan real time.”Lumalim ang tingin nilang lahat.“Yang papel na hawak mo ang printed copy nito. Screen logs, activity logs pati timestamps, nakarecord na sa system natin.” ani Kate at nagscroll. “Hindi lang yan…” Nagbukas pa siya
Gabi na pero buhay na buhay pa rin sa loob at labas ng police station. Sa labas ay may kariton na may laman na ilang termos ng kape, palamig, chicharon, balut at penoy na pinapalibutan ng mga pulis at sibilyan. Nakatayo at ang iba ay nakasandal lang habang umiinom ng kape at palamig sa plastic cup.“Boss, dalawang balut. Yung mainit pa!” sigaw ng isang pulis na galing sa loob ng istasyon.“Yes, boss!” sagot ng nagtitinda.Mas malaki ang istasyon na ito kumpara sa iba. Kaya ordinaryo nang tanawin na makita sa gilid ng entrance ang mga nakahilerang reporters na mga taga-radyo, tv, at dyaryo, ilang kilalang news website. Araw araw ang mga itong nag-aabang sa mga bagong balita o insidenteng pwedeng magamit sa kanilang trabaho. Nakaupo ang mga ito sa bench habang nagbibiruan.“Mukhang walang ganap ngayon ah.” sabi ng isang taga dyaryo.“Hintay ka lang, Pag ganitong tahimik bigla na lang may sasabog.” sagot naman ng taga-TV.“Magsuntukan na lang kayo para magkaroon ng balita.” biro ng
–GHOST EXIT– NAIA, Terminal 3, Departure Gate… Nakalagpas na siya sa immigration sa final security check. Ngayon ay nasa boarding gate holding area na siya, ang huling bahagi bago pumasok sa jet bridge, Nakapila ang mga pasahero habang ang mga nauuna ay pumapasok na sa loob ng eroplano. Tahimik lang siya sa gilid. Naka-black pants at black shirt. May suot din siyang jacket. Nakasumbrero at face mask. 6’3ft, matipuno, maayos ang tindig. Kung titingnan sa malayo ay kahawig ng tindig at galaw niya si Chairman Leon Aragon. Subalit hindi siya si Leon…. Siya si Daniel Cruz…. Narito siya para gawin ang kanyang trabaho. At yun ay ang humalili kay Leon. Kapag kailangang palabasin na nasa isang lugar si Leon, si Daniel ang gumagawa noon. Gaya ngayon. Kailangan ng ebidensya na lumabas si Leon ng bansa. Pangalan ni Leon ang nasa record. Pero ang sasakay ng eroplano ay ibang tao, at yun ay si Daniel. Trabaho niya ay ang maging ‘double’ ni Leon. Hindi ito ang unang beses na gi
Sa Black Site.., Isang secured facility na direktang naka-link sa system ng NorthPoint. Hindi lang basta connected. Mirrored ang pagkakasetup. Lahat ng galaw ng main system ay kaya nilang makita at kontrolin mula rito na para kang nasa loob mismo ng NorthPoint. Hindi lang ang system ang ginaya. Maging ang silid na ito ay dinisenyo din na kamukhang kamukha ng Systems Control Room na pinasok ni Cacai kanina. Hindi ito basta back-up or mock. Ito ang lugar kung saan pwedeng baguhin ang nangyayari sa main system ng NorthPoint nang walang nakakapansin. Pero hindi rin ito madaling nagagamit. Kailangan ng dual authentication. Dalawang passcode ang kailangang i-enter bago mabuksan ang system. Meaning, dalawa tao ang kailangan magbukas ng system upang maiwasan ang solo manipulation. Sa loob ay naroon si Meynard, maging ang magpinsang Leon at Renz. Sa harap nila ay nakatayo sina Randy at Reggie. Parehong nakayuko., at kita sa mukha ng mga ito hiya ang takot. Parehong hindi makatingin ng di
Kanina pang sinusubukan ni Meynard pero hinding hindi niya makontak si Leon. Ilang beses na itong tumawag pero walang sagot. Tinawagan na rin niya si Mathew pero busy rin ang telepono nito.Sa huli ay tinawagan na niya ang numero ng Chairman’s office ng Pacific Air.“This is Meynard Dalita, NorthPoint IT head. Nandyan ba si Chairman? Kailangan ko lang siyang makausap ngayon. Importante lang.”“Sir, nasa closed-door meeting po si Chairman Aragon. Mahigpit po ang bilin na huwag siyang aabalahin.” sagot ng isa sa mga sekretarya ni Leon.“May idea ba kayo kung anong oras sila matatapos?”“Sorry po, pero wala po kaming exact time. Pero once na may lumabas sa conference room, sasabihin ko po na tumawag kayo.”“Okay, thank you.” wika ni Meynard bago ibinaba ang tawag saka napabuntong hininga.Habang nakikipag-usap siya sa phone ay hindi niya inaalis ang tingin sa monitor hanggang ngayon. Nakatutok ang mata niya sa CCTV feeds at system logs at matyagang nag-aabang ng kung anumang importante
Palibahasa’y ako lang ang customer kaya natapos agad ang ipinapagawa kong bracelet kay Manong. Matapos kong bayaran ang bracelet ay nakangiti ko itong pinagmasdan. Kinilig pa ako nang makita ang pangalan naming dalawa – Leon ♡ Cacai“Leon… heart Cacai…. Huli, pero di kulong…” boses ni Dina sa liko
Nakahiga ako ngayon sa isang hospital bed sa isang private hospital. Napakabilis nang pangyayari. Parang naulit lang yung nangyari dati na nabagok ang ulo ko noong tumama sa akin ang pinto.Kanina sa katatakbo ko ay nadulas ako at nakatihayang bumagsak at tumama ang ulo ko sa sahig. Pero hindi nam
Hay ang saya saya ko. Pakiramdam ko ay isa akong ibon na nakawala sa hawla. Walang baril, walang tauhan, walang nakamasid. Kaya naman sobra akong nagenjoy sa biyahe kahit medyo maingay dahil sa ibang estudyante. May nagkakantahan sa bandang likod, may nagtatawanan, at merun ding mga tulogSi Dina,
Kinaumagahan… Gaya ng dati ay wala na si Leon nang magising si Cacai. Hindi na siya nagtaka dahil lagi naman abala si Leon. Mas nagugulat pa nga siya kapag nakikita niya ito sa mansyon kapag office hours.Saglit syang nagmuni muni at inalala ang nangyari kahapon. Sobrang bigat ng sitwasyon. Akala







