Share

Author's Note

Author: Kara Nobela
last update publish date: 2026-04-03 00:39:19

Sa mga readers na nabobored sa kwento ng mga side characters, wag nyo na pong basahin itong Chapter 211 to Chapter  214 dahil ang update ko this Friday  ay iikot sa mga nakapalibot sa ating bida. Mabuburaot lang kayo lalo na yung nagsasabi na ang OA ko at paligoy ligoy lang ako. Utang na loob wag ka na pong magbasa ng story ko. Hindi ka rin po invited sa Book 2 nito. Wag na pong basahin para walang sisihan. 

At wag po masyadong war freak lalo na sa mga bago kong readers. Gets ko, malaki ang trauma nyo sa mga dark at toxic romance kaya nadadala nyo dito ang vibes na yun. Pero kung mapapansin nyo kalamado lang yung mga dati nang readers ko. Alam nila na hindi ako naglalagay ng struggles ng mga bida dahil   trip lang ng writer na pahirapan sila. May reasons po lahat ng action nila dahil pinag-isipan ko lahat mula umpisa.

Maraming salamat po sa mga laging nagko-comment, nagbibigay ng gems at support, mga silent readers at doon sa mga nakakaisip lang magcomment kapag magrereklamo. Thank you! 

Nga po pala, ako po si Kara Nobela… hindi po NoVela. 

Salamat po at ituloy na natin ang pagbabasa.

P.S. 

Mon-Fri lang po ang update ko. Day off po ako pag Weekend. Tao po ako at kailangan ng pahinga. 

Pasensya na po kung sa tingin nyo ay patola ako sa mga readers na pasaway. Pasensya na, saken po nagmana ang aking mga bida. Kaya po palaban din at hindi sila mga tangà.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 230

    Samantala sa gasolinahan…“Ang tagal.” sabi ni Jonas.“Eh di ikaw na ang gumawa,.” sagot naman ni Luis.Nang matapos ay bumalik na sila sa sasakyan. Pero nakita nilang pumasok si Arah sa driver’s seat.“Anong ginagawa mo?” takang tanong ni Luis.“Sakay na.” sa halip ay sagot ni Arah sabay sara ng pinto.Nagkatinginan pa ang dalawang lalaki.“Good luck sa ‘tin.” sabi ni Jonas at sumakay sa passenger seat sa likod. Ganun din si Luis.Ilang saglit pa ay mabilis nang humaharurot ang kotse. Nagmamadali si Arah. Kailangan nilang maunahan ang Silverline na dumating sa lugar na yun.“Pulis ka ba talaga o driver ng bumbero?” paninita ni Jonas.Pero tuloy tuloy lang si Arah kaya ilang minuto lang ay nasa harap na sila ng NorthPoint. Nakita nilang lumabas ang fire truck mula sa loob. Mukhang naagapan na ang sunog. Bumaba agad si Arah. Nakasalubong pa niya ang mga reporters na palabas na. Ibang iba na ang awra ng mga ito kumpara kaninang hyper na hyper. Ngayon ay lutang na nakangiti.“Anong n

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 229

    Naupo si Kate sa harap ng computer. Pagkatapos ay inikot niya ang screen para makita nila. Sina Jonas at Luis ay nandoon din katabi ni Arah.Sa monitor ay hindi simpleng document lang ang naka-open. Isa yung live interface. May moving entries, timestamps, containers IDs nag nag-uupdate na parang isang totoong system.“Hindi lang ito simpleng file or recorded. Mirrored view ito na parang naka-tap sa mismong system pero pang viewing lang ito at hindi nating pwedeng pakialaman ang system.”“Meaning yan mismo ang actual na galaw ng transaction ng Silverline?” tanong ni Jonas.Tumango si Kate habang nakatingin sa screen.“Kita nyo yan?” anito at itinuro ang gumagalaw na object gamit ang cursor. “Truck assignments, container loading at internal scheduling… Lahat yan real time.”Lumalim ang tingin nilang lahat.“Yang papel na hawak mo ang printed copy nito. Screen logs, activity logs pati timestamps, nakarecord na sa system natin.” ani Kate at nagscroll. “Hindi lang yan…” Nagbukas pa siya

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 228

    Gabi na pero buhay na buhay pa rin sa loob at labas ng police station. Sa labas ay may kariton na may laman na ilang termos ng kape, palamig, chicharon, balut at penoy na pinapalibutan ng mga pulis at sibilyan. Nakatayo at ang iba ay nakasandal lang habang umiinom ng kape at palamig sa plastic cup.“Boss, dalawang balut. Yung mainit pa!” sigaw ng isang pulis na galing sa loob ng istasyon.“Yes, boss!” sagot ng nagtitinda.Mas malaki ang istasyon na ito kumpara sa iba. Kaya ordinaryo nang tanawin na makita sa gilid ng entrance ang mga nakahilerang reporters na mga taga-radyo, tv, at dyaryo, ilang kilalang news website. Araw araw ang mga itong nag-aabang sa mga bagong balita o insidenteng pwedeng magamit sa kanilang trabaho. Nakaupo ang mga ito sa bench habang nagbibiruan.“Mukhang walang ganap ngayon ah.” sabi ng isang taga dyaryo.“Hintay ka lang, Pag ganitong tahimik bigla na lang may sasabog.” sagot naman ng taga-TV.“Magsuntukan na lang kayo para magkaroon ng balita.” biro ng

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 227

    –GHOST EXIT– NAIA, Terminal 3, Departure Gate… Nakalagpas na siya sa immigration sa final security check. Ngayon ay nasa boarding gate holding area na siya, ang huling bahagi bago pumasok sa jet bridge, Nakapila ang mga pasahero habang ang mga nauuna ay pumapasok na sa loob ng eroplano. Tahimik lang siya sa gilid. Naka-black pants at black shirt. May suot din siyang jacket. Nakasumbrero at face mask. 6’3ft, matipuno, maayos ang tindig. Kung titingnan sa malayo ay kahawig ng tindig at galaw niya si Chairman Leon Aragon. Subalit hindi siya si Leon…. Siya si Daniel Cruz…. Narito siya para gawin ang kanyang trabaho. At yun ay ang humalili kay Leon. Kapag kailangang palabasin na nasa isang lugar si Leon, si Daniel ang gumagawa noon. Gaya ngayon. Kailangan ng ebidensya na lumabas si Leon ng bansa. Pangalan ni Leon ang nasa record. Pero ang sasakay ng eroplano ay ibang tao, at yun ay si Daniel. Trabaho niya ay ang maging ‘double’ ni Leon. Hindi ito ang unang beses na gi

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 226

    Sa Black Site.., Isang secured facility na direktang naka-link sa system ng NorthPoint. Hindi lang basta connected. Mirrored ang pagkakasetup. Lahat ng galaw ng main system ay kaya nilang makita at kontrolin mula rito na para kang nasa loob mismo ng NorthPoint. Hindi lang ang system ang ginaya. Maging ang silid na ito ay dinisenyo din na kamukhang kamukha ng Systems Control Room na pinasok ni Cacai kanina. Hindi ito basta back-up or mock. Ito ang lugar kung saan pwedeng baguhin ang nangyayari sa main system ng NorthPoint nang walang nakakapansin. Pero hindi rin ito madaling nagagamit. Kailangan ng dual authentication. Dalawang passcode ang kailangang i-enter bago mabuksan ang system. Meaning, dalawa tao ang kailangan magbukas ng system upang maiwasan ang solo manipulation. Sa loob ay naroon si Meynard, maging ang magpinsang Leon at Renz. Sa harap nila ay nakatayo sina Randy at Reggie. Parehong nakayuko., at kita sa mukha ng mga ito hiya ang takot. Parehong hindi makatingin ng di

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 225

    Kanina pang sinusubukan ni Meynard pero hinding hindi niya makontak si Leon. Ilang beses na itong tumawag pero walang sagot. Tinawagan na rin niya si Mathew pero busy rin ang telepono nito.Sa huli ay tinawagan na niya ang numero ng Chairman’s office ng Pacific Air.“This is Meynard Dalita, NorthPoint IT head. Nandyan ba si Chairman? Kailangan ko lang siyang makausap ngayon. Importante lang.”“Sir, nasa closed-door meeting po si Chairman Aragon. Mahigpit po ang bilin na huwag siyang aabalahin.” sagot ng isa sa mga sekretarya ni Leon.“May idea ba kayo kung anong oras sila matatapos?”“Sorry po, pero wala po kaming exact time. Pero once na may lumabas sa conference room, sasabihin ko po na tumawag kayo.”“Okay, thank you.” wika ni Meynard bago ibinaba ang tawag saka napabuntong hininga.Habang nakikipag-usap siya sa phone ay hindi niya inaalis ang tingin sa monitor hanggang ngayon. Nakatutok ang mata niya sa CCTV feeds at system logs at matyagang nag-aabang ng kung anumang importante

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 116

    Hay ang saya saya ko. Pakiramdam ko ay isa akong ibon na nakawala sa hawla. Walang baril, walang tauhan, walang nakamasid. Kaya naman sobra akong nagenjoy sa biyahe kahit medyo maingay dahil sa ibang estudyante. May nagkakantahan sa bandang likod, may nagtatawanan, at merun ding mga tulogSi Dina,

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 112

    Kinaumagahan… Gaya ng dati ay wala na si Leon nang magising si Cacai. Hindi na siya nagtaka dahil lagi naman abala si Leon. Mas nagugulat pa nga siya kapag nakikita niya ito sa mansyon kapag office hours.Saglit syang nagmuni muni at inalala ang nangyari kahapon. Sobrang bigat ng sitwasyon. Akala

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 117

    “Anong messing ang sinasabi mo?” kunwari'y takang tanong ko.“Oh c’mon. Kanina nyo pa pinagti-tripan ang mga tauhan ko. Akala nyo ba hindi nila mapapansin yang ginagawa nyo?” tila inis na sabi niya. “Ha? Talaga? Narito mga tauhan mo?” maang mangan na sabi ko.Narinig ko ang malakas na buntong hinin

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 108

    Cacai pov Dahil sa pag-uusap namin ni Papa kani kanina lang., kaya ganun na lang ang kaba ko nang marinig na hinahanap ako ni Subas. Nakadagdag din sa kabang aking nararamdaman nang makita ko ang mukha ni Manang na may pag-aalala sa mga mata. “Kadarating lang niya. Ikaw ang hinahanap. Dun mo s

    last updateLast Updated : 2026-03-28
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status