LOGIN— PAGTATAPOS (Book 1)— Nang gabing yun sa likod ng bahay, nakapalibot silang lahat sa simpleng bonfire. Sapat na yun para magbigay ng liwanag sa madilim na gabi at magdagdag ng init sa lamig na hangin ng baryo. Malinis na ang lahat. Dahil pagkarating na pagkarating ng mga lalaki mula sa palayan ay agad silang naligo sa poso upang alisin ang putik sa katawan. Nasa kani-kaniya silang upuan habang masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan. May hawak silang pinggan dahil doon na rin sila kumakain ng hapunan. Habang kumakain, si Leon ay abala sa ibang bagay. May hawak itong mahabang stick habang iniihaw ang kanyang nag-iisa huli. Tahimik lang siya at tutok sa kanyang ginagawa. Sa tabi niya ay si Cacai, nakaupo at excited na pinapanood ang kanyang ginagawa habang panaka naka ay sinusubuan siya ng adobong niluto nito. “Leon, mukhang luto na yan.” sabi ni Kuya Rudy habang nakatingin sa iniihaw ni Leon. Tumango si Leon at inalis ang stick mula sa apoy. Hinipan niya ng bahagya para
Dire-diretso ang lakad ni Leon papunta kay Cacai. Kita sa mukha ni Leon ang pag-aalala na baka galit sa kanya ang asawa. Pero nagulat siya ng mabilis na naglakad si Cacai palapit sa kanya at tila sabik na sabik na niyakap siya.“Akala ko, nasa Japan ka?”“Hindi ka galit?”“Bakit naman ako magagalit?”“Yung Ate mo–”“Oo, pinuntahan niya ako kanina sa school. Nagpaalam siya sa akin bago siya umalis.” masayang pagbabalita ni Cacai. “Bati na kami.”Nakahinga ng maluwag si Leon. Akala niya ay galit sa kanya ang asawa. Pero agad ding kumunot ang kanyang noo.“So, bakit naka-off ang cellphone mo?” tila galit ang boses na sabi ni Leon.“Sorry, nalobat eh. Nakacharge. Akala ko naman nasa Japan ka na.” paliwanag ni Cacai.Yumakap siya kay Leon, pinag-alala pa niya ito. “Sorry.”Napabuntong hininga na lang si Leon. Hindi niya magawang mainis sa asawa. Sa halip ay masaya siyang makita na maayos ang kalagayan nito.“I’m glad you’re okay.” aniya at hinalikan si Cacai sa noo. Doon lang muna dahil
Samantala, si Cacai.., matapos magpaalam ng Ate Victoria niya ay nakatanggap naman ng tawag mula kay Ate Tesa. Tinatanong nito kung makakarating ba siya sa birthday nito.Natampal ni Cacai ang kanyang noo. Nakalimutan niya ang tungkol doon.“Opo.” bigla niya tuloy nasabi nang hindi nag-iisip dahil inabot na siya ng hiya.Pagkababa ng tawag ay napatingin siya sa relo. May oras pa para bumiyahe kung aalis agad siya. Hindi na siya dadaan sa mansyon dahil medyo malayo yun. Sayang ang oras kung babalik pa siya doon. Kaya dumiretso na siya sa mall na malapit at bumili ng mga damit na kakailanganin para sa overnight stay niya kina Ate Tesa at regalo na rin para sa ginang.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Mang Boyet.“O Cacai, napatawag ka?”Nang marinig ni Cacai ang boses ni Mang Boyet at napakamot siya.“Ay, pasensya na po nagkamali po ako ng tawag.” nasanay na kasi niya na ito ang tinatawagan at saglit na nakalimutan na driver na nga pala sa mansyon ang magdadrive sa kanya mula
Samantala, pagpasok ni Victoria sa loob ng sasakyan, nandun si Jamie sa passenger seat at matiyagang naghihintay. Ngumiti ito nang makita siya at agad siyang inabutan ng panyo. Tinanggap yun ni Victoria at pinunasan ang pisngi niyang nabasa ng luha. “Let’s go.” nakangiti niyang sabi kay Jamie. Tumango si Jamie at pinaandar ang sasakyan at nagdrive papuntang airport. “Susunod ako sayo next week. Bibisitahin kita sa US. Hindi ko naman hahayaang mag-isa ka lang dun.” saad nito habang ang mata ay nasa unahan. “Thank you. Hindi naman ako mahohomesick dun dahil nakausap ko na si Dad. Bibisitahin daw niya ako palagi dun.” tugon ni Victoria. “Ganun ba? Sige hindi ko na lang pala isasama ang mga girls. At baka mamaya niyan gapangin pa nila ang father mo.” natatawang sabi ni Jamie. “Para ako na lang at walang kaagaw.” Natatawang umiling si Victoria. “Too late, he’s already getting married.” nakangiti niyang sabi sa kaibigan. “Ouch!” pabirong tugon ni Jamie. Hindi rin nagtagal ay narat
Kinikilig si Cacai sa pasurpised flower ni Leon. Ginawa nga nito ang hiling niya na kahit isa lang gaya ng sinabi niya ka Ate Larah kagabi.., pero grabe naman yung bouquet sa laki. Parang gusto na niyang matunaw dahil pinagtitinginan siya ng mga estudyante habang nakikipag-usap siya sa driver ng truck at deliveryman. Ibinigay niya ang address ng mansyon upang doon na lang ipadiretso yun. Pagkatapos ay bumalik siya sa CS Club office. Pero dinig niya ang usapan ng mga estudyante. “Ikaw na ang asawa ng Chairman.” “Sana all” Maya maya sa CS office habang nagbabasa ay muli na naman siyang tinawag ni Rose. Akala ni Cacai ay ang higanteng bouquet na ang pinakamalaking sorpresa na makikita niya sa araw na yun. Pero nagkamali siya. “Cacai, may naghahanp sa’yo.” sabi ni Rose. Kaya naman itinigil niya ang ginagawa at muling lumbas upang harapin ang taong naghahanap daw sa kanya. Pagdating niya sa labas ay walang ibang tao dun maliban sa isang babaeng nakatayo at nakaharap sa
Nang gabing yun, nasa bahay ni Benito ang bagong kasal na Cacai at Leon. Dumalaw sila at doon na rin naghapunan. Nasa dulo ng mesa si Benito, si Larah ay nasa tabi nito. Habang sina Leon at Cacai naman ay magkatabi. Simpleng hapunan lang pero masaya at ramdam ang init ng isang pamilya sa hapag na yun.Tapos na silang kumain at nagkukwentuhan na lang…, nang tumikhim si Benito. Tumingin muna siya kay Larah, sunod ay sa mag-asawa.“May sasabihin ako.” panimula niya.Natahimik ang buong mesa. Lahat ng mata ay nasa kanya.Maya maya’y ngumiti si Benito.“Inaya ko na si Larah.., na magpakasal.” Gulat si Cacai dahil sa narinig. Habang si Larah naman ay tipid na ngumiti.“Umoo ako.” anito.Nanlaki ang mga mata ni Cacai at hindi agad nakapagsalita.“Congratulations po.” maya maya’y aniya.“Nagulat ka ba?” tanong ni Benito sa kanya.Tumango si Cacai. “Nagulat ako na magpapakasal na kayo. Hindi ko nga alam na kayo na pala talaga.”Obvious naman na may something sa dalawa pero hindi niya alam
Hay ang saya saya ko. Pakiramdam ko ay isa akong ibon na nakawala sa hawla. Walang baril, walang tauhan, walang nakamasid. Kaya naman sobra akong nagenjoy sa biyahe kahit medyo maingay dahil sa ibang estudyante. May nagkakantahan sa bandang likod, may nagtatawanan, at merun ding mga tulogSi Dina,
Hila hila ni Dina si Cacai palabas ng kusina, dun sa may likod ng mansyon. Pagdating nila sa labas at silang dalawa na lang ay saka ito tawa nang tawang hinarap si Cacai.“Anong pinagsasasabi mo dung baliw ka?” tanong ni Dina na hindi matigil sa katatawa.Ngumuso naman si Cacai.“Oi, natutunan ko l
Ilang sandali ring nakatingin si Leon sa tasa ni Renz saka labas sa ilong na natawa. Naiiling siyang bumuntong hininga. “So.., what are those important documents you’re going to show me?” pag-iiba niya ng usapan sabay baba ng kanyang tasa sa kalapit na mesa. Sumagot si Renz. “Good news for y
“Bilisan nyo, humiga na kayo! Para masimulan na nila ang pagmasahe sa inyo.” dinig kong sabi ni Manang.“Hilot?” usal ko.Lahat at nagsigawan matapos marinig ang sinabi ni Manang at nagmamadaling pumuwesto sa mga nakareserbang massage bed. Tamang tama ang sakit ng katawan ko at ngayon ko lang din







