Share

295 (Book 2)

Author: Kara Nobela
last update publish date: 2026-06-07 23:57:44
Mabigat ang ulo habang unti unting nagmulat ng mata si Arah. Nakataas ang window blinds pero dahil nagsisimula pa lang magpakita ang araw ay hindi pa ganung kaliwanag ang tumatagos na liwanag sa loob ng silid.

Napapikit siya nang mariin nang makitang hindi pamilyar sa kanya ang silid. Saka pilit na inalala kung anong nangyari kagabi.

Ang natatandaan niya ay lasing na rin ang mga kasama niya. Tapos ay nagpaalam na siya sa mga kasama nang dumating sa parking lot ang taxi na ipina-booked niya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
A Cua
five times daw kasi kaya 5k hahahaha kumita ka pa renz puma
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   306 (Book 2)

    Hindi maipinta ang mukha ni Renz dahil mauubusan na siya ng hangin. Kanina pa niya pinipigilan ang huminga habang nakatakip ang isang kamay sa ilong. Ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa dalawang maliliit na paa ni baby Franco, ang isa sa kambal ni Leon. “Ang tagal!” reklamo niya bago muling pisilin ang sariling ilong. Habang si Leon naman ay abalang abala sa pagbukas ng isang kahon ng baby wipes. “Sandali.” kalmadong sabi nito. Napapailing na lang si Renz sa kanyang sitwasyon. Ngayon lang niya naabutang gising ang pamangkin, kaso tumae naman. Wala nang bukas na pakete ng wipes kaya pinahawakan muna ni Leon sa kanya ang paa ng sanggol. At ang malala ay hindi pa yun nalilinisan habang nakabuyangyang pa rin ang diaper na may dumi. Sa wakas ay nabuksan din ni Leon ang wipes at agad na lumapit sa crib saka inagaw ang paa ng bata mula kay Renz. Pero narinig muna ni Leon na naduwal ang pinsan. “Ughk…” Mabilis na lumayo si Renz sa pwesto ng mag-ama. “Nalunok ko yu

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   305 (Book 2)

    “Soft skin isn' t luxury. It’s a choice” wika ng modelong babae habang nag-aapply ng lotion sa legs.“And this is mine…. Naturelle Lotion... Soft, smooth and beautiful.” ” anito at ipinakita ang brand ng lotion sa camera.At doon natapos ang scene ng isang tv commercial.--------------“Infairness mas maganda siya ngayon. Sana pati ugali.” saad ni Jonas matapos mapanood sa telebisyon ang lotion commercial ng dati nilang schoolmate at batchmate na si Azeneth. Napangiti si Arah.“Malay mo naman, nagmatured na.” balewalang aniya habang nagtatype ng report sa keyboard.Naupo si Jonas sa table nito at binuhay ang laptop.“Matagal tagal na rin nung huli kong makita ang ibang batchmate natin. Ilan na lang silang nakikita ko paminsan minsan.”“Mayaman naman kasi ang mga yun. Iba ang pasyalan nila kumpara sa mga pinupuntahan natin. Baka may mga sariling kumpanya na rin ang mga yun. ” sabi ni Arah.“Parang yung magpinsang Aragon?” wika ni Jonas.“Ha?”“Diba, Hindi mo naman sila basta bas

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   304 (Book 2)

    Sa likod ng bahay ng mga Reyes, nandoon ang mag-amang Carlos at Arah. Pati si Luis ay naroon din. Nakatayo si Arah sa harap ng ihawan habang abala sa pagbaliktad ng barbecue.Samantalang nakaupo naman sina Carlos at Luis sa mesa.., at may hawak na tig-isang baso. Si Arah ay hindi umiinom ng alak. Matagal na yung unang beses siyang uminom.., at yun na rin ang huli. Dahil nalasing siya at pinagsisihan ng sobra ang nangyari. Kaya simula noon ay hindi na niya muli pang tinangkang uminom.Kaya naman habang nag-iinuman ang kanyang ama at pinsan ay siya naman itong nag-iihaw.“Barang..” tawag ni Luis.Nang walang tumutugon ay muli na naman itong nagsalita na tila may tinatawag.“Barang..” ulit nito.At nang walang sumagot ay napangisi ito.“Captain Arah Bella Reyes..” Napabuntong hininga si Arah.“Ano ba?” iritang tugon niya. Barang kasi ang tawag ni Luis sa kanya noong mga bata pa sila para lang asarin siya. Magkatunog daw kasi.“Ang tagal naman niyang maluto.” sabi ni Luis.“Gusto mo

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   303 (Book 2)

    Umiling si Arah. “Ayos lang.” aniyang hindi lumilingon at hindi inaalis ang tingin sa side mirror na basag. Narinig na lang niya ang boses ni Renz na may kausap sa telepono. “Hello… May ipapakuha akong motor malapit dito sa guard house. Paki- tingnan kung anong problema.” Napalingon tuloy Arah kay Renz. Tatanggi pa sana siya sa binabalak nito pero mukhang nabasa na agad ng lalaki ang nasa isip niya. “Cpt. Reyes, this is a logistic company. I have mechanics inside para ayusin ang motor mo. You’re still inside my premises. And because you’re a guest, you’re my responsibility.” saad nito. Pero hindi yun tinanggap ni Arah. “No need Mr. Salazar. It’s against our code of ethics to accept favors. Since, aksidente lang na natumba yung motor ko, hindi yan responsibilidad ng company mo.” professional na pagtanggi ni Arah dahil napaka-ingat niya pagdating sa mga ganitong bagay. Nagmamadaling lumapit ang isang gwardya sa kanila. Wala na ang pila ng mga empleyado at truck kaya b

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   302 (Book 2)

    Nagulat si Arah nang biglang tumayo si Renz. Kanina lang ay maaliwalas ang mukha nito tapos ngayon ay bigla na lang nagseryoso. “Arah–”Magsasalita na pa sana ito nang bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina. Kaya sabay silang napalingon doon.Isang magandang babae ang pumasok. Nakilala agad ni Arah kung sino yun. Si Samantha, yung sopistikadang babaeng nakita niya kanina sa front desk.Agad na dumako ang tingin ng babae sa kanya at bahagyang kumunot ang noo. Tapos ay mabilis na lumipat ang tingin sa bagong CEO.“Who is she?” tanong ni Samantha kay Renz. “Siya ba yung police officer daw na gustong makipag-usap sayo? For what?” anang babae saka muling tinapunan ng tingin si Arah.Tatayo sana si Arah para magpapakilala pero bago pa siya makasagot ay narinig niyang nagsalita si Renz.“It’s okay, Boo.” mahinahong wika nito habang nakatingin kay Samantha at saka ngumiti. “She’s only here for follow-up verification.” paliwanag pa ni Renz.Kitang kita ni Arah ang pangungumbinsing

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   301 (Book 2)

    Sa halip na sa waiting area magpunta si Arah ay sa restroom siya nagdiretso kahit hindi naman siya naiihi. Kaya naghugas na lang siya ng kamay pagdating sa loob.“So, ganun pala ang tipo niya, sopistikada. Kaya pala basted ako noon sa kanya.” bulong niya sa isip.Hindi naman kasi sila mayaman. Pulis ang kanyang ama, sakto lang ang kinikita nito para masabing sakto lang ang pamumuhay nila. Lalo na at nag-iisang anak siya. Maswerte lang siyang nakakuha ng scholarship kaya nakapasok siya sa Riverdale Academy kung saan niya nakilala si Renz.Napatingin siya sa salamin at noon lang niya napagmasdan ang sarili. Nakita niya ang kanyang buhok na bahagyang nagulo dahil sa pagsuot ng helmet. Napatingin din siya sa kanyang suot. Masyadong magaspang ang kanyang itsura. Kumpara doon kay Samantha, ay mukhang papasa siyang bodyguard ng babae.Natawa na lang siya sa sarili. Bakit niya ba ikinukumpara ang sarili? Naiiling na itinaboy ni Arah ang isiping iyon. “Focus Arah. tandaan mo kung bakit ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status