Share

Chapter 4

Author: Kara Nobela
last update Last Updated: 2025-12-12 00:19:08

Kasalukuyan….

"She's not Victoria Alcantara!” galit na bulalas ni Leon.

Kumunot ang noo ni Subas nang marinig ang sinabi ng anak at nagtatakang binalingan ang dalawang tauhan saka nito nilingon si Cacai.

“Eh sino ka?” tanong nito.

“Cacai po.” mabilis na sagot niya.

Kumunot lang lalo ang noo Subas.

“Nasaan ang anak ni Alcantara?” tanong nito kina Hippo at Hito.

Agad na nagsalita si Hippo.

“Boss, anak daw niya yan eh.” paliwanag nito.

“Anak ka ni Alcantara?” tanong ni Subas, kay Cacai nakatingin.

Tumango lang ang dalagita.

“So, nasaan ang kapatid mo?” tanong nito habang si Leon naman ay nakamata lang sa mga ito.

“Naglayas po si Ate kaninang umaga.” sagot ni Cacai at nananalangin na pakakawalan na siya kapag nalamang hindi talaga siya ang hinahanap ng mga ito.

Bigla na lang siyang napaigtad sa gulat nang biglang nagmura ng malakas si Leon saka binalingan sina Hippo.

“Boss, akala talaga namin yan ang mapapangasawa mo. Wala namang nagsabi samin na dalawa pala ang anak ni Alcantara.” paliwanag nito.

Matalim na tiningnan ni Leon ang tauhan.

“Sa tingin mo, pumapatol ako sa bata?” mas dumilim ang mukha nito pagkatapos sulyapan ang high school uniform ni Cacai.

Gustong magprotesta ni Cacai dahil sa narinig. Gustong gusto niyang sumabat para sabihin sa mga ito na 19 years old na siya at hindi gaya ng iniisip nila.

“Anong gagawin natin dito sa bata?” tanong ni Subas sa anak.

“Bahala na kayo. Itapon nyo sa ilog kung gusto nyo.” walang ganang sagot ni Leon saka tinalikuran ang ama.

Nilingon naman ni Subas ang mga tauhan niya.

“Isoli nyo na yan. Hindi tayo tumitira ng bata.” utos nito.

Parang nakahinga ng maluwag si Cacai dahil sa narinig. Ayaw niya talaga sa lugar na ito. Puro bitter kasi ang mga tao dito, sa isip isip niya. Kaya naman nang hawakan siya ulit ng dalawang lalaki ay hindi na siya nagprotesta kahit nasasaktan siya sa higpit ng pagkakahawak ng mga ito.

Pero napahinto sila ng marinig ulit ang boses ni Leon. Akala nila ay nakaalis na ito pero bumalik pala.

“Sandali!” tawag nito sa mga tauhan.

“Yes, Boss?”

“Wag nyong pauwiin yan…, ikulong nyo yan para mapilitan magpakita ang kapatid niyan.” malamig ang boses na utos ni Leon. Tapos ay binalingan ang ama.

“Sabihin nyo kay Alcantara na kapag hindi nagpakita ang anak niya sa loob ng isang linggo, hindi na niya makikita yan.” anito saka tuluyang umalis.

“Anong gagawin namin dito, Boss?” kakamot kamot ang ulong tanong ni Hippo sa matandang amo nang makaalis si Leon.

“Dalhin nyo sa bakanteng maids’ quarter.” utos ni Subas at ito naman ang umalis.

Yun nga ang ginawa ng mga tauhan. Dinala ng mga ito sa Cacai sa isang bakanteng silid na bahagi ng quarters ng mga kasambahay. Pasalya siyang ipinasok sa loob.

“Dyan ka lang. Bukas ka namin babalikan.” ani Hippo saka siya iniwan ng mga ito.

Nang maiwang mag-isa si Cacai sa loob ay saka siya nakahinga ng maluwag. Nakasimangot niyang sinulyapan ang pintuan.

“Sakit humawak ng mga panget na yun ah.” bulalas niya saka hinaplos haplos ang braso.

Bigla niyang naalala ang sinabi ng mga ito. Bukas pa daw siya babalikan.

“Balak ba nila akong gutumin?” kausap niya sa sarili.

Nauunawaan niya ang nangyayari base na rin sa mga narinig. Papatayin siya ng mga ito kapag hindi nagpakita ang Ate niya. Posibleng mangyari yun dahil wala namang pakialam ang kapatid niya. Pero hindi siya papayag na mamatay na lang basta dito. Kaya ngayon pa lang ay tatakas na siya.

Mas maraming mababangis na hayop kung saan siya lumaki pero natakasan niya. Kaya siguradong makakaalis din siya sa lugar na ito ng walang kahirap hirap. Hindi naman siya tatawaging Tiktik ng mga kababaryo niya ng walang dahilan.

“Leon lang siya, aswang ako.” bulong niya sa sarili.

Nagpalinga-linga siya sa loob ng silid. Tapos ay lumapit sa bintana at sumilip sa labas. Matiyaga siyang nagmanman sa paligid. Mag-iisang oras na pero wala siyang nakita ni isang tao na napadpad doon. Walang kahit ano kundi mga halaman na malapit sa sementadong pader at bakal na gate na mukhang hindi na ginagamit pero may malaking kandado.

Maya maya pa ay may nakita siyang pusa na naglalakad papunta sa halamanan. Kitang kita niyang sumuot ito sa ilalim ng gate tapos ay nawala na.

Bigla tuloy siyang nagka-ideya. Binuksan niya ang bintana. Laking pasasalamat niya dahil hindi ito nakakandado. Hindi siguro naisip ng mga gangster na yun na tatakas siya kesyo bata daw siya.

Dali-dali siyang umakyat sa bintana at walang kahirap hirap na nakalabas. Nagpapasalamat din siya dahil medyo madilim na kaya siguradong hindi agad siya mapapansin ng kahit sino.

Pinuntahan niya kung saan lumabas ang pusa. Sa likod ng halamanan, nakita niya na parang may hukay. Kung bakit ay hindi niya alam. Ang mahalaga ay makakalabas na siya. Dali dali siya dumapa para subukang lumusot dun bago pa siya makita ng mga bantay.

Sobrang sikip pero pinilit talaga niyang isuot ang sarili at gumapang sa hukay. Mabuti na lang at payat siya. May mabuti rin palang naidudulot ang pagiging patay gutom, sa isip-isip niya.

Maya-maya pa ay sobrang dumi na ng damit niya matapos makalabas. May iilang punit pa sa likod ng blouse niya dahil nahagip ng bakal na gate nung gumapang siya. Pero wala na siyang pakialam. Kailangan niyang makalyo sa lugar na ito kaya kumaripas siya ng takbo. Yung takbong hindi magpapahuli ng buhay.

Nung una ay sa magubat na parte siya dumaan para walang makakita. Pero maya-maya pa ay nasa public road na siya. Kaya no choice na kundi ang takbuhin na lang ang sidewalk. Sigurado naman siyang bukas pa malalaman ng mga salbaheng yun na nakatakas siya.

Alam niyang walang sumusunod sa kanya dahil walang sasakyang dumaraan…, ngayon pa lang.

Isang itim na kotse ang paparating mula sa kanyang likuran pero nilagpasan siya kaya nakahinga siyang maluwag.

Kaso unti-unting humihina ang takbo ng sasakyan at sinabayan pa nito ang bilis ng takbo niya. Hindi niya tuloy napigilan na lingunin ito habang tuloy lang siya sa pagtakbo ng mabilis.

Unti-unting bumaba ang bintana at ganun na lang ang gulat niya nang makita ang gilid ng mukha ni Leon sa back seat.

Hindi siya nito nilingon, diretso lang ang mga mata nito sa unahan. Pero sapat na ang presensya nito para iparating kay Cacai na nakita na siya nito.

At sa puntong yun, alam ni Cacai na wala na siyang kawala. hindi na siya tatakbo at baka barilin pa siya ng mga ito. Walang siyang nagawa kundi ang huminto habang habol ang hininga.

Maya-maya pa ay isang gwapo at matangkad na lalaki ang lumabas, si Renz na ngayon lang nakita ni Cacai. Pansin ni Cacai na medyo hawig ito kay Leon, seryoso pero hindi nakakatakot ang mukha. Binuksan nito ang passenger seat sa unahan. Pumasok na si Cacai sa loob kahit wala pang sinasabi si Renz. Tapos, ito naman ang bumalik sa driver’s seat.

Panay pa rin ang hingal ni Cacai kahit naka-upo na siya. Nagulat pa siya ng abutan siya ni Renz ng isang bote ng mineral water.

“Salamat po.” aniya at hindi na nagdalawang isip pa na tanggapin yun. Wala naman sa itsura nito na mamamatay tao kaya siguradong hindi bubula ang bibig niya sa tubig na ibinigay nito.

Siguro kung kay Leon galing ang tubig na yun, malamang may kasamang lason yun.

Speaking of Leon, kanina habang papasok siya ng sasakyan ay nahagip pa ng paningin niya ang bulto nito na animo’y haring naka-upo sa likod. Hindi niya ito nilingon dahil ayaw niyang salubungin ang tingin nito.

At kahit hindi niya nakikita ang lalaki dahil nakatalikod siya dito, pakiramdam ni Cacai ay pinapatay na siya nito sa tingin ngayon. Pakiramdam nga nya ay nag-iinit ang batok niya.

Hindi nagtagal ay nasa tapat na sila ng gate ng mansion. Dali-daling binuksan ng mga gwardya ang gate para papasukin ang kotse pero bumaba na agad si Leon. Samantalang ang sasakyan ay tuloy tuloy na pumasok sa loob.

Laking gulat na lang mga gwardya nang paulanan ni Leon ng bala ang harapan ng guard house. Lahat sila ay nagsi-dapa. Makapal at sementado yun kaya hindi tumagos sa loob. Pero sapat na para manginid ang kanilang mga katawan.

“Mga inuťil kayo!” galit na galit na anito.

Hindi pa rin makahuma ang mga guwardiya. Walang kaalam-alam kung bakit galit na galit ang amo.

“Bata lang, natakasan pa kayo!” patuloy ni Leon.

“Boss, anong problema?” tanong ni Hito na naroon din pala. Siya lang ang naglakas ng loob na nagtanong pero lihim na nangangatod ang tuhod ngayon.

“Sa susunod na makatakas ulit ang bubwit na yun, sisiguraduhin kong sa mga katawan nyo na tatama ang bala.” madilim ang mukhang sabi ni Leon. Saka ito sumakay sa isang kotseng nakaparada at pinasibat papuntang mansion.

Napahilot na lang sa batok si Hito habang nakatanaw sa sasakyan ng amo. Tapos ay narinig niyang nagsalita si Hippo na naroon din ngayon.

“Sabi ko na nga ba. Unang tingin ko pa lang sa anak ni Alcantara, alam ko na agad na sasakit ang ulo natin sa kanya.” bulalas nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
hala!!! Ms Kara!! naalala ko si Gigi at gray noong nagbabangayan sila hahaha
goodnovel comment avatar
Ria Me
hahahaha tatawa na nmn ako d2 miss Kara hahahah
goodnovel comment avatar
AcC
ay nangangamoy love triangle yata iteyyyyy
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 17

    Mag-asawa pala yung nakakita sa amin, si Mang Rudy at si Aling Tesa. Mabuti na lang at naniwala sila sa kwento kong magkasintahan kami ni Leon at tinulungan nila kami. Si Mang Rudy na ang umalalay kay Leon. Nasa 6ft kasi ang height ni Leon at ang laki ng kanyang katawan kaya hirap na hirap ako. Isinama kami ng mag-asawa sa tirahan nila. Malayo layo rin ang ang aming nilakad at hindi nga ako nagkamali, may mga bahayan dito. Halos kagaya nung baryo na pinanggalingan ko. Yung payak lang ang pamumuhay. Dinala kami ng mag-asawa sa isang kubo. “Dito dati nakatira ang anak ko at asawa niya pero nasa bayan na sila ngayon. Pwede nyo munang gamitin ito. “ ani Aling Tesa. “Paano ba ang gagawin natin dyan sa nobyo mo? Mukhang kinukumbulsyon na yan. Wala pa naman si Mang Igme na manggagamot at isa pa yung nasa ospital at may sakit.” tanong ni Mang Rudy pagkatapos niyang maihiga si Leon sa nakalatag na banig. “Magtanong ka muna sa kapitbahay kung sinong marunong gumamot.” baling nito sa a

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 16

    Nakita ko na lang ang sarili ko na naka-upo sa backseat, katabi si Leon. Pareho kaming nakapwesto sa tabi ng bintana. Samantalang si Hippo ang driver at kasama na naman nito si Hito na nakaupo sa unahan.May dalawa pang sasakyan na nakasunod sa amin. At isa sa unahan.Base sa narinig ko sa pag-uusap nila kanina, papunta raw kami sa San Pablo, Laguna dahil dun daw namataan si Ate Victoria.Narinig ko rin sa usapan ni Leon at Renz na isasama daw ako ni Leon para mapilitang sumama si Ate kapag nakita niya ako.Gustong gusto kong sabihin na hindi naman yun gagana kay Ate dahil wala siyang pakialam sa akin. Pero sigurado akong hindi naman sila maniniwala. Kaya minabuti ko na lang na manahimik. Isa pa ay mabuti na ito para hindi na nila ako ikulong basement, hindi ko alam kung anong merun dun.Isa pa, baka sakaling maghimala. Baka nga makunsensya si Ate kapag nakita niyang nahihirapan na ako. At maisipan niyang bumalik na, tutal magkadugo naman kami kahit paano.Palibhasa’y hapon na ng uma

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 15

    Tinuruan ako ni Joan kung paano umorder online ng Funeral flower gamit ang cellphone ko. May sariling card naman ako galing kay Papa. Sabi ni Joan ay pwede ka raw gamitin yun pambayad sa oorderin ko.Pumili ako ng pinakamagandang design ng bulaklak. Dapat sa una pa lang, ma-impress ko na agad sila. Wala akong pakialam kahit pa sobrang mahal. Kung kapalit naman ay ang kapayapaan ng buhay ko. “Salamat Joan.” sabi ko bago kami maghiwalay para umuwi.Nagtungo ako lugar kung saan kami maghihintay ng sundo pabalik sa mansion. Nakita ko agad si Dina at ang iba pa naming mga kasama. Wala doon ang iba na kasabay namin kaninang umaga. Ang sabi ni Dina ay iba iba raw ang oras ng uwi mga ito. Nakauwi na ang iba, samantalang nasa school pa rin yun ilan. Wala akong ganang sumakay ng sasakyan dahil naiisip kong sa mansion pa rin ni Leon ang uuwian ko.Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang si Dina naman ay busy sa pagbabasa ng pocketbook nito. Narinig kong tumunog ang cellphone ko. May nag

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 14

    Cacai POV Alas sais pa lang ng umaga ay ginigising na agad ako ng mayordomang si Manang Lourdes. Mumukat mukat pa akong humarap sa kanya. “Ayusin mo na ang sarili mo para hindi ka mahuli sa klase.” bungad nito at saka inilapag ang paper bag sa paanan ng kama. “Uniporme mo, ipinadala ng ama mo.” wika pa nito. Napabalikwas ako ng marinig ang sinabi niya. “Po? Nandyan si Papa?” tanong ko. “Ipinadala lang niya yan. Bilisan mo kung gusto mong umabot sa almusal.” wika nito saka ako tinalikuran na naman. Nakakalungkot man na wala si Papa, masaya pa rin ako kahit paano dahil tuloy naman pala ang pag-aaral ko. “Salamat po. Akala ko di nyo maaalala.” sabi ko kay Manang Lourdes na ngayon ay nasa pintuan na. Akala ko talaga ay inisnab niya yung sinabi ko kagabi na may pasok ako sa school. “Wag ka sakin magpasalamat. Hindi naman ako ang nagdedesisyon sa bahay na ‘to.” anitong hindi ako nililingon at tuluyan nang lumabas ng silid. Dali dali akong tumayo at kinuha ang paper bag.

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 13

    Nahihirapan akong matulog kahit madaling araw na. Mayat maya akong nagigising. Sino naman kaya ang makakatulog sa ganitong lugar at sa ganitong sitwasyon? Tumayo ako para magbanyo. Pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa kama nang may marinig akong sigaw ng isang lalaki. Akala ko ay guni guni lang pero narinig kong muli ang pagsigaw. Baka may masamang nangyayari sa labas. Mabuti na lang at gising pa ako . Paano na lang pala kung may sunog? Inihanda ko ang ang aking sarili. Para kung sakali mang magkatakbuhan ngayong gabi ay hindi ako mapapag-iwanan dito sa loob ng bahay. Parang may sariling isip ang mga paa ko na dahan dahang naglakad palapit sa pintuan at marahan yung binuksan. Mabuti na lang at si Dina ang huling lumabas kanina at iniwan niyang hindi naka-locked ang pintuan. Madilim sa pasilyo pero may naririnig akong mga boses na hindi ko naman masyadong naiintindihan. Konting hakbang pa ang ginawa ko para malinaw na marinig ang mga nag-uusap. Wala naman akong balak na magtag

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 12

    Cacai POV Katatapos ko lang kumain nang biglang bumukas ang pinto. Isang babaeng naka-uniporme ng pangkasambahay na halos kaedad niya ang pumasok. “Kukunin ko lang yang pinagkainan mo.” sabi nito at tinungo ang table ng kinainan ko. Mukha siyang mabait kaya hindi ako nag alangan na kausapin siya. “Matagal ka na ba dito?” pag usisa ko sa kanya. Ngumiti at tumango ito habang patuloy sa kanyang ginagawa. “Bakit ganun ang mukha ng mga tao dito? Ang dilim, may namatay ba?’ pangungulit ko pa. Nahinto ang kasambahay sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin na tila gulat at nag-aalala. “Shhh… wag ka ng maingay baka marinig ka nila.” tulirong anito na parang ito pa ang mas takot kesa sa akin na bihag nila. So, kaya naman pala. Sa reaksyon pa lang niya ay mukhang tama nga ang hinala ko. Namatayan ang mga taga rito kaya ganun kadilim ang awra sa bahay na ito, walang kabuhay buhay at wala ni isa mang ngumingiti. Kaya pala sobrang bitter nila. Sabagay ganun naman talaga kapa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status