FAZER LOGINBOOK 2 (Renz ♡ Arah) – Chapter 280
BOOK 3 (Liam ♡ Dina) – May dahilan po kung bakit kailangan itong mahuli. Taguan yan ng anak, kaya paghanapin muna natin si Liam.
.......
Hanggang Chapter 279 na po ang update ko ngayon, Ang Pagtatapos ng Book 1.
Pero sana po ay wag nyo munang burahin sa mga library nyo itong LOVE ATTACK dahil may BOOK2 & BOOK3 pa po.
Ang BOOK 2 ay magsisimula sa CHAPTER 280. Sisimulan ko po siya sa JUNE 1, 2026.
Pasensya na po kasi kailangan ko lang tapusin ang mga nabinbin kong mga trabaho at commitments na out of town and out of the country na hindi ko nagawa dahil tinapos ko muna ang BOOK 1. Aayusin ko lang po muna ang mga commitments ko para sa pagbabalik ko dito sa June 1 ay tuloy tuloy na ulit ang aking updates. Maraming salamat po sa malawak nyong pang-unawa.
Nakakalungkot dahil tapos na ang BOOK1, mamimiss ko ang mga characters natin, mapabida or kontrabida man. Mamimiss ko rin po kayo. Nakakalungkot dahil baka ang iba sa inyo ay hindi na bumalik sa JUNE 1. Pero salamat pa rin po dahil nakarating kayo hanggang dito.
Mula sa kaibuturan ng aking puso, nagpapasalamat ako sa inyong lahat. Dahil bago natapos ang story nina Leon at Cacai ay nag Rank 1 ito sa website ng GoodNovel. Dahil po sa inyo kaya nangyari ito.
Pahabol na lang po ang videos na gagawin ko sa Face b00k. Naging busy lang ako sa pagsusulat nitong Ending.
Yung ibang stories ko, hindi ko muna gagawin kasi hindi po ako nagsasabay sabay ng stories. Nagko-concentrate lang po ako sa isa. At kita nyo naman ang resulta. Mas focus tayo sa quality ng istorya.
Maraming salamat din po sa mga laging nagko-comment, nagbigay ng support, gems at nag-iwan ng magagandang reviews. Kahit hindi nyo naman kailangang gawin yun ay boluntaryo niyo pa ring ginawa. Napakarami nyo po kaya hindi ko na kayo maisa isa pa. God bless you po!
.
Again, this is your innocent writer, maganda, mabango, bergin at mapagmahal na writer,
–KARA NOBELA–
Ipagpatuloy na po natin ang pagbabasa.
— PAGTATAPOS (Book 1)— Nang gabing yun sa likod ng bahay, nakapalibot silang lahat sa simpleng bonfire. Sapat na yun para magbigay ng liwanag sa madilim na gabi at magdagdag ng init sa lamig na hangin ng baryo. Malinis na ang lahat. Dahil pagkarating na pagkarating ng mga lalaki mula sa palayan ay agad silang naligo sa poso upang alisin ang putik sa katawan. Nasa kani-kaniya silang upuan habang masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan. May hawak silang pinggan dahil doon na rin sila kumakain ng hapunan. Habang kumakain, si Leon ay abala sa ibang bagay. May hawak itong mahabang stick habang iniihaw ang kanyang nag-iisa huli. Tahimik lang siya at tutok sa kanyang ginagawa. Sa tabi niya ay si Cacai, nakaupo at excited na pinapanood ang kanyang ginagawa habang panaka naka ay sinusubuan siya ng adobong niluto nito. “Leon, mukhang luto na yan.” sabi ni Kuya Rudy habang nakatingin sa iniihaw ni Leon. Tumango si Leon at inalis ang stick mula sa apoy. Hinipan niya ng bahagya para
Dire-diretso ang lakad ni Leon papunta kay Cacai. Kita sa mukha ni Leon ang pag-aalala na baka galit sa kanya ang asawa. Pero nagulat siya ng mabilis na naglakad si Cacai palapit sa kanya at tila sabik na sabik na niyakap siya.“Akala ko, nasa Japan ka?”“Hindi ka galit?”“Bakit naman ako magagalit?”“Yung Ate mo–”“Oo, pinuntahan niya ako kanina sa school. Nagpaalam siya sa akin bago siya umalis.” masayang pagbabalita ni Cacai. “Bati na kami.”Nakahinga ng maluwag si Leon. Akala niya ay galit sa kanya ang asawa. Pero agad ding kumunot ang kanyang noo.“So, bakit naka-off ang cellphone mo?” tila galit ang boses na sabi ni Leon.“Sorry, nalobat eh. Nakacharge. Akala ko naman nasa Japan ka na.” paliwanag ni Cacai.Yumakap siya kay Leon, pinag-alala pa niya ito. “Sorry.”Napabuntong hininga na lang si Leon. Hindi niya magawang mainis sa asawa. Sa halip ay masaya siyang makita na maayos ang kalagayan nito.“I’m glad you’re okay.” aniya at hinalikan si Cacai sa noo. Doon lang muna dahil
Samantala, si Cacai.., matapos magpaalam ng Ate Victoria niya ay nakatanggap naman ng tawag mula kay Ate Tesa. Tinatanong nito kung makakarating ba siya sa birthday nito.Natampal ni Cacai ang kanyang noo. Nakalimutan niya ang tungkol doon.“Opo.” bigla niya tuloy nasabi nang hindi nag-iisip dahil inabot na siya ng hiya.Pagkababa ng tawag ay napatingin siya sa relo. May oras pa para bumiyahe kung aalis agad siya. Hindi na siya dadaan sa mansyon dahil medyo malayo yun. Sayang ang oras kung babalik pa siya doon. Kaya dumiretso na siya sa mall na malapit at bumili ng mga damit na kakailanganin para sa overnight stay niya kina Ate Tesa at regalo na rin para sa ginang.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Mang Boyet.“O Cacai, napatawag ka?”Nang marinig ni Cacai ang boses ni Mang Boyet at napakamot siya.“Ay, pasensya na po nagkamali po ako ng tawag.” nasanay na kasi niya na ito ang tinatawagan at saglit na nakalimutan na driver na nga pala sa mansyon ang magdadrive sa kanya mula
Samantala, pagpasok ni Victoria sa loob ng sasakyan, nandun si Jamie sa passenger seat at matiyagang naghihintay. Ngumiti ito nang makita siya at agad siyang inabutan ng panyo. Tinanggap yun ni Victoria at pinunasan ang pisngi niyang nabasa ng luha. “Let’s go.” nakangiti niyang sabi kay Jamie. Tumango si Jamie at pinaandar ang sasakyan at nagdrive papuntang airport. “Susunod ako sayo next week. Bibisitahin kita sa US. Hindi ko naman hahayaang mag-isa ka lang dun.” saad nito habang ang mata ay nasa unahan. “Thank you. Hindi naman ako mahohomesick dun dahil nakausap ko na si Dad. Bibisitahin daw niya ako palagi dun.” tugon ni Victoria. “Ganun ba? Sige hindi ko na lang pala isasama ang mga girls. At baka mamaya niyan gapangin pa nila ang father mo.” natatawang sabi ni Jamie. “Para ako na lang at walang kaagaw.” Natatawang umiling si Victoria. “Too late, he’s already getting married.” nakangiti niyang sabi sa kaibigan. “Ouch!” pabirong tugon ni Jamie. Hindi rin nagtagal ay narat
Kinikilig si Cacai sa pasurpised flower ni Leon. Ginawa nga nito ang hiling niya na kahit isa lang gaya ng sinabi niya ka Ate Larah kagabi.., pero grabe naman yung bouquet sa laki. Parang gusto na niyang matunaw dahil pinagtitinginan siya ng mga estudyante habang nakikipag-usap siya sa driver ng truck at deliveryman. Ibinigay niya ang address ng mansyon upang doon na lang ipadiretso yun. Pagkatapos ay bumalik siya sa CS Club office. Pero dinig niya ang usapan ng mga estudyante. “Ikaw na ang asawa ng Chairman.” “Sana all” Maya maya sa CS office habang nagbabasa ay muli na naman siyang tinawag ni Rose. Akala ni Cacai ay ang higanteng bouquet na ang pinakamalaking sorpresa na makikita niya sa araw na yun. Pero nagkamali siya. “Cacai, may naghahanp sa’yo.” sabi ni Rose. Kaya naman itinigil niya ang ginagawa at muling lumbas upang harapin ang taong naghahanap daw sa kanya. Pagdating niya sa labas ay walang ibang tao dun maliban sa isang babaeng nakatayo at nakaharap sa
Nang gabing yun, nasa bahay ni Benito ang bagong kasal na Cacai at Leon. Dumalaw sila at doon na rin naghapunan. Nasa dulo ng mesa si Benito, si Larah ay nasa tabi nito. Habang sina Leon at Cacai naman ay magkatabi. Simpleng hapunan lang pero masaya at ramdam ang init ng isang pamilya sa hapag na yun.Tapos na silang kumain at nagkukwentuhan na lang…, nang tumikhim si Benito. Tumingin muna siya kay Larah, sunod ay sa mag-asawa.“May sasabihin ako.” panimula niya.Natahimik ang buong mesa. Lahat ng mata ay nasa kanya.Maya maya’y ngumiti si Benito.“Inaya ko na si Larah.., na magpakasal.” Gulat si Cacai dahil sa narinig. Habang si Larah naman ay tipid na ngumiti.“Umoo ako.” anito.Nanlaki ang mga mata ni Cacai at hindi agad nakapagsalita.“Congratulations po.” maya maya’y aniya.“Nagulat ka ba?” tanong ni Benito sa kanya.Tumango si Cacai. “Nagulat ako na magpapakasal na kayo. Hindi ko nga alam na kayo na pala talaga.”Obvious naman na may something sa dalawa pero hindi niya alam
Tinuruan ako ni Joan kung paano umorder online ng Funeral flower gamit ang cellphone ko. May sariling card naman ako galing kay Papa. Sabi ni Joan ay pwede ka raw gamitin yun pambayad sa oorderin ko.Pumili ako ng pinakamagandang design ng bulaklak. Dapat sa una pa lang, ma-impress ko na agad sila.
Sa kalaliman ng gabi, habang payapa ang paligid at mahimbing na natutulog, mahinang pag ungol ang kumawala sa bibig ni Leon. Dinadalaw siya ngayon ng nakaraan sa gitna ng kanyang panaginip. Muling bumabalik ang mga larawang matagal na niyang ikinubli sa kanyang alaala….. “Aray! Dahan dahan naman.
Nakita ko na lang ang sarili ko na naka-upo sa backseat, katabi si Leon. Pareho kaming nakapwesto sa tabi ng bintana. Samantalang si Hippo ang driver at kasama na naman nito si Hito na nakaupo sa unahan.May dalawa pang sasakyan na nakasunod sa amin. At isa sa unahan.Base sa narinig ko sa pag-uus
3rd person pov. Saglit na natigilan si Cacai at napatitig kay Leon na matiim na nakatingin at mahigpit na nakahawak sa kanyang pupulsuhan. “Malapit na kasing mapuno.” mahinahon niyang sagot. Iniisip na baka nagmamalasakit na ito sa kanya.“Magbabayad ako ng ibang tao para gumawa niyan. Oras na ma







