Home / Romance / LOVE BEYOND TRADE / Chapter Thirty-Five

Share

Chapter Thirty-Five

Author: HIGHSKIES
last update Last Updated: 2025-07-04 11:05:20

Nagseselos..

“Nagseselos ka?” nagugulat na tanong ko.

Hindi kasama ang salita na iyon sa listahan ko ng mga bagay na posibleng lumabas sa bibig niya.

“Hindi ba halata?” masungit nyang tanong at lumayo sa akin.

Bahagya nyang inayos ang suot at nag-iwas ng tingin.

Nagseselos si Javi..

Nagseselos talaga siya? Pero bakit siya nagseselos?

“Ano ba tayo?” wala sa sarili ko iyog naitanong at mukhang nabigla din si Javi sa sinabi ko.

Naitikom ko kaagad ang bibig ko at kunwari ay inaayos ang damit ko.

“Tao?” sagot niya, namimilosopo, at sinuntok ko ang dibdib niya.

“Tabi dyan!” sabi ko.

Hawak ang dulo ng dress na suot ko ay binuksan ko ng maingat iyong pintuan, natatakot na baka mayroong makakita sa amin na lumabas dito.

Nang makasiguro ako na walang tao doon ay lumabas na ako at sinenyasan si Javi at nang mapansin na hindi siya kumikilos at nakatitig sa akin— agad na nag-init ang tenga ko kaya nag-iwas din ako ng tingin kaagad.

“Hindi magandang biro ang sinasabi mo..” pahina nang pah
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LOVE BEYOND TRADE   Chapter Thirty-Eight

    “Hindi pa tayo uuwi?” tanong ko nang mapansin na sa ibang way ang dinadaanan niya. It was the same route back to the old building connected to the Navarro’s residence— hanggang sa lumiko siya. Parang papunta na yata kami nito sa gitna ng kagubatan. Maliit ang daan, matarik, at medyo maputik. Panay puno na rin ang matatanaw sa paligid. “Just hang on tight, traffic na kasi kapag umikot tayo sa malaking daan. Kaya dito ako sa shortcut lumusot," sabi niya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi na ako nangulit dahil mukhang wala rin syang balak sabihin sa akin kung saan talaga kami papunta. Tamad na sumandal ako sa backrest at pinanood ang pagsabay ng mga dahon sa puno sa malakas na ihip ng hangin habang nilalaro ng mga kamay ko ang petals ng tulips. Hindi ko na nireplayan iyong message ni Samantha at binura na 'yon. Mommy’s back.. Hindi ko inaasahan 'yon, may plano pa pala syang bumalik dito. Matapos nyang iwan lahat ng problema sa akin, lahat ng responsibilidad— babalik siya? Bakit

  • LOVE BEYOND TRADE   Chapter Thirty-Seven

    “Papatayin mo ba ako sa dami ng pagkain?” hindi makapaniwalang sabi ko. Napapanganga sa mga pagkain na nakahain sa harapan ko, ang iba ay paborito ko at ang iba ay bago sa paningin ko. The waiter smiled at me and handed me a small piece of paper after serving the foods. Nagtataka ko syang tinignan— nagtatanong kung para saan iyong papel na binigay niya. Para saan ‘to? Sa feedback? “Tikman mo lahat,” sabi ni Javi at tumingin ako sa kanya. Tumusok siya ro'n sa fish fillet at iniangat sa harap ng bibig ko ang tinidor, sinusubuan ako. “Taste it,” utos niya. Nahihiya akong tumingin do'n sa waiter, na nakaabang din sa pagtikim ko sa fillet. Marahan ko 'yong kinagat at nangunot ang noo ko sa sobrang sarap noon! Nasisira talaga ang mukha ko kapag kumakain ng masarap— hindi ko kasi mapigilan ang magreact. “This is so good! The fish’s texture was so soft.. oh my God!” papuri ko at kinuha 'yong tinidor mula sa kamay ni Javi at kusang tumusok ng isa pa. “You like it, Ma'am?” tanong noon

  • LOVE BEYOND TRADE   Chapter Thirty-Six

    “Para saan 'to?” nangingiti kong tanong kay Javi pagkatapos nyang kumanta. Para akong nakalutang bigla sa langit sa ganda at lamig ng boses niya— parang napawi lahat ng inis ko sa kanya ngayong araw. “Bumilib ka naman?” nakangisi nyang tanong at isinarado iyong piano. Nagpalakpakan iyong mga staff at nagsigawan pa ang mga ito. Javi didn’t seem to mind at mukhang local na rin sa restaurant. Sanay na sa reaction ng mga tao dito. But I didn’t know he could play instrument? “Grabe ang pa-pogi points, may pinopormahan ka ba?” biro ko sa kanya at humakhak. Tumayo si Javi mula sa kinauupuan niya at pumunta sa tabi ko. Nakatayo siya habang nakasandal sa gilid ng mesa at may kinuha sa kanyang bulsa. “Ano na naman 'yan?” tanong ko, natatawa pa rin. Ang dami nya naman surprise ngayong araw? Crush na rin talaga ako nito, e. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumisi, hindi siya sumagot at seryosong kinapa kapa doon sa loob ng coat na suot niya ang kung ano mang hinahanap niya. After a

  • LOVE BEYOND TRADE   Chapter Thirty-Five

    Nagseselos..“Nagseselos ka?” nagugulat na tanong ko.Hindi kasama ang salita na iyon sa listahan ko ng mga bagay na posibleng lumabas sa bibig niya. “Hindi ba halata?” masungit nyang tanong at lumayo sa akin. Bahagya nyang inayos ang suot at nag-iwas ng tingin. Nagseselos si Javi.. Nagseselos talaga siya? Pero bakit siya nagseselos?“Ano ba tayo?” wala sa sarili ko iyog naitanong at mukhang nabigla din si Javi sa sinabi ko. Naitikom ko kaagad ang bibig ko at kunwari ay inaayos ang damit ko. “Tao?” sagot niya, namimilosopo, at sinuntok ko ang dibdib niya. “Tabi dyan!” sabi ko. Hawak ang dulo ng dress na suot ko ay binuksan ko ng maingat iyong pintuan, natatakot na baka mayroong makakita sa amin na lumabas dito. Nang makasiguro ako na walang tao doon ay lumabas na ako at sinenyasan si Javi at nang mapansin na hindi siya kumikilos at nakatitig sa akin— agad na nag-init ang tenga ko kaya nag-iwas din ako ng tingin kaagad. “Hindi magandang biro ang sinasabi mo..” pahina nang pah

  • LOVE BEYOND TRADE   Chapter Thirty-Four

    Hindi na bago sa akin ang bagay na iyon kaya’t hindi na ako gaanong nagulat sa sinabi niya. Kung may araw araw akong naririnig sa bibig ni Javi iyon ay ang kapahamakan na dulot ng desisyon ko na ito. Pinaglaruan niya ang baraha na hawak at ipinakita sa akin ito. Ace, King and Queen. Lahat iyon ay spades, kulay itim, maliban sa puso na ace. “This symbolizes the three families in the organization..” bigla ay sabi niya at kinuha iyong ace. “And this family.. the one at the top— the heart and the lead.”“At sino yon? Navarro?” tanong ko. Hindi kaagad sumagot si Andrei at tinignan si Javi— na ngayon ay tahimik lang din na pinapanood ang ginagawa niya.We’re like in a circus, gambling and waiting for the results to come out. Ni hindi ko alam kung reliable lahat ng sinasabi niya. Panay kasi ang ngisi at tawa niya. At kung hindi lang talaga siya ang detective na may hawak sa kaso ay hindi ako mag aaksaya na manatili dito at panoorin siya. But somehow his words did not felt empty at al

  • LOVE BEYOND TRADE   Chapter Thirty-three

    I glanced at Javi for approval at huminga ng malalim nang makita syang tumango. Javi entrusted this person enough to inform him about the contract.Kaya bakit pa ako magdadalawang isip? “Here..” Inabot ko ang flashdrive sa kanya. Maingat niya itong kinuha mula sa kamay ko at kinabit doon sa phone niya. With the same painted expression on my face, kita ko ang pagkadismaya niya nang makita na putol iyong video. Sino bang hindi maiinis doon? Umasa rin ako na malaki ang maitutulong no’n para mabuksan ulit yung kaso. Ayoko naman na sumama ang loob ni Javi— at isipin niya na hindi ko n-a-appreciate ang effort niya na kunin ito. “Ito lang?” Nag-angat siya ng tingin sa amin. Nanghihina akong tumango at yumuko. Inaantay ko ang kasunod na sasabihin ng detective and I was kind of expecting him to get mad especially when we’re wasting his time like this. Hindi naman solid evidenc—“I know there’s more to it, Zen. What is it?” tanong niya kay Javi at nilingon ito, nakangisi at hinugot ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status