Patuloy akong naglakad. Madilim ang paligid. Malamig ang simoy. At tila nakisama ang langit sa sakit na nararamdaman ko—dahil biglang bumuhos ang ulan.
“Bakit ganito?” bulong ko, halos wala nang boses. “Anong kasalanan ko sa kanila?” Napatingala ako sa langit. “Mom… Dad… kung nandito kayo… yakapin n’yo naman ako…” Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Hindi na mahalaga kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta malayo. ‘Yung hindi ko na maramdaman ang bawat sampal ng mga salitang itinapon nila sa akin. Lakad lang ako nang lakad, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng isang bar. Maliit lang ito, may neon light na medyo nagfi-flicker, at sosyal. Isang lugar kung saan ang mga tao ay hindi nagtatanong. Hindi naghuhusga. Kung saan ang alak ay pwede kang lunurin, kahit ilang sandali lang, at pawalain nito ang sakit at alaala. Hindi ako umiinom, pero ngayong gabi, gusto ko lang makalimot. Gusto kong mapagod ang puso ko sa ibang paraan. Gusto kong tumigil ang sakit, kahit panandalian lang. At sa unang pagkakataon, pinili kong hindi sumunod sa kung ano ang tama. Binuksan ko ang pintuan ng bar at pumasok. Mainit. Maingay. Amoy sigarilyo at alak. Pero kahit papaano, hindi ito kasing lamig ng katahimikan sa bahay namin. Lumapit ako sa bar counter at umupo. Wala akong kilala. Wala ring nakakakilala sa akin. At doon ako nakahinga nang bahagya. “One glass. Something strong,” mahina kong sabi sa bartender, na halos hindi pa ako marinig. Hindi na ako si Zseya Arguelles. Ngayong gabi, isa lang akong babaeng gustong makalimot. Hindi ko na nabilang kung ilang baso na ang nainom ko. Basta ang alam ko lang, bawat lagok ay parang apoy na dumaraan sa lalamunan ko. Akala ko'y unti-unti akong magiging manhid. Pero hindi. Habang nadaragdagan ang laman ng baso ko, mas lalo akong nalulunod sa alak. Mainit, at tila malagkit ang balat ko. Mabigat ang ulo ko, at parang umiikot ang buong paligid. Hindi ito normal. Hindi ganito ang pakiramdam ng lasing na inaasahan ko. Doble ang hilo. Parang may bumalot na ulap sa paningin ko. Pumipintig ang ulo ko, at mabilis ang tibok ng puso ko. At para akong mawawalan ng malay kahit nakaupo lang. “Boss, may bagong dating na babae dito. Hilo na siya, puwede niyo nang makuha.” rinig kong sambit ng isang boses lalaki. Teka, ako ba ang tinutukoy niya? Muling bumigat ang ulo ko. Napapikit ako, pero pilit kong binuksan muli ang mga mata. Inikot ko ang tingin, hinahanap kung sino ang kausap ng bartender. Pero malabo na ang paningin ko. Paano kung ako nga? Pilit akong umiling, inaasahang mawawala ang hilo. Hindi ko na maramdaman ang sarili kong mga kamay. Parang may malamig na gumagapang sa batok ko. Pumipintig ang dibdib ko sa kaba. Gusto kong tumayo… pero hindi ko magawa. May mali. Nararamdaman ko na rin ang bigat sa talukap ng aking mga mata. Nararamdaman ko na pinagpapawisan na ako ng malamig. Hindi ko na rin alam kung ano pa ang totoo sa paligid. Lahat ng tunog ay parang nagiging malayo. Malabo. Pahina nang pahina ang pakiramdam ko. Hanggang sa naramdaman kong may dalawang lalaking lumapit sa akin. Isa sa kanila ang nakaitim na hoodie, medyo matangkad, at tila may tattoo sa leeg. Ang isa, mas mababa lang pero mas agresibo ang kilos. Hindi ko alam kung sino sila, pero ramdam kong may masama silang balak. “Miss, okay ka lang ba?” tanong ng isa. Lumuhod ang isa sa gilid ko, at pilit akong sinisilip sa mukha. “Halika na, ihahatid ka namin.” “N–No…” Pilit kong iginalaw ang katawan ko, pero halos hindi ko maigalaw kahit isang daliri. Nakaramdam ako ng sobrang takot. “Wag kang matakot,” ani ng isa habang hawak na niya ang braso ko. “No, bitawan niyo ‘ko…” mahina nang sambit ko, dahil para bang wala akong boses. Napipikit na ako, at bumibigat na rin ang ulo ko. Dahan-dahan akong sinusukuan ng sarili kong katawan. Narinig ko lang ang mahinang kaluskos. Naramdaman ko ang biglaang paghatak sa braso ko. Wala pa rin akong lakas, pero buo pa rin ang takot sa loob ko. Pilit nila akong dinala sa isang kuwarto. Hindi ko alam kung nasaan 'yon. Ang alam ko lang, hindi ito main area ng bar. Tahimik, at madilim. Maliit ang ilaw sa kisame at amoy lumang alkohol ang hangin. “Dito muna siya, boss,” rinig kong sabi ng isa sa kanila, habang halos buhatin na ako papasok. Gusto kong sumigaw. Pero walang lumalabas sa bibig ko. Walang boses. Ang katawan ko, parang pinutulan ng koneksyon sa utak. Ang mga paa ko, hindi na akin. Ang kamay ko, nakalaylay lang habang nilalaglag ako sa lumang sofa sa loob ng silid. “Sandali lang 'to, babe,” bulong ng isa, amoy yosi ang hininga, at ramdam ko ang malagkit na titig niya sa katawan ko. Tumulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung dahil sa takot, sa lason ng alak. Muling lumabo ang paningin ko, pero kahit sa kalabuan ay nakita ko ang paglapit ng isa sa kanila. Humakbang siya papalapit nang mabagal parang hayop na sigurado sa huli niyang biktima. Hindi ako makagalaw. Kahit nanginginig ang buo kong katawan, kahit halos wala na akong maramdaman sa mga daliri ko—pinilit kong bumangon mula sa kama. Sumasayaw ang paligid. Nanlalamig ang balat ko. Pero sa gitna ng takot, may munting apoy ng paglalaban na biglang sumiklab. Inabot ko ang lampshade sa gilid, pinilit na hawakan iyon ng mahigpit kahit mabigat sa braso. At hinampas ko ‘yon ng malakas sa ulo ng lalaki. Napasigaw siya, at napatras. Mabilis akong bumaba sa kama—hindi ko alam kung paano, pero dinala ako ng adrenaline. Walang suot kundi ang manipis na damit kong basa pa ng ulan, pero hindi ko na inintindi. Ang mahalaga ay makalabas ako. Tumakbo ako palabas ng kuwarto. Ang hapdi ng paa ko sa sahig, nanginginig ang tuhod ko sa bawat hakbang, pero hindi ako tumigil. Hindi ako puwedeng tumigil. Pagkabukas ko ng pinto, sakto namang may lalaking dumaan sa hallway—matangkad, nakasuot ng itim na tuxedo. “Please, tulungan mo ’ko...” nanghihina kong sambit, halos mawalan ng boses. “Please...” Napatigil siya, at nagtagpo ang paningin namin. Hindi siya nagtaka. Hindi siya nagtanong. Sa halip, hinawakan niya ako. “You’re safe now,” malamig at puno ng emosyon ang boses niya. At bago pa man ako tuluyang mawalan ng ulirat, huli kong narinig ang isa sa mga lalaking humabol— “Boss! Siya ‘yung babae!” Boss? At sa huling segundo ng kamalayan ko, narinig ko ang lalaking yumakap sa akin... bumulong sa tenga ko. “Sa wakas... nahanap na rin kita.”Paggising ko, ramdam ko agad ang init ng katawan ni Drayce sa tabi ko. Nakahiga siya patagilid, bahagyang nakatakip sa amin ang kumot, at kita ko pa ang maayos na hulma ng balikat at dibdib niya.Hindi ko mapigilang paglaruan ang ilong niya gamit ang daliri ko. Napakunot siya pero hindi dumilat.“Hmm…” ungol niya, parang batang ayaw magising.Niyakap ko siya, idiniin ang pisngi ko sa dibdib niya. Amoy ko pa rin ang halimuyak ng cologne niya na halos nakatatak na sa unan.“Sorry pala kahapon, ah?” mahina kong sabi.“Why?” tanong niya, hindi pa rin binubuksan ang mga mata, pero ramdam kong gising na siya.“Ang mahal ng gown ko…” bulong ko, parang nahihiya. “One point five million. Mahal ‘yon, Drayce.”Bumukas ang isang mata niya, saka siya ngumiti—’yung tipong nakakapagpainit ng umaga kahit hindi ka pa nagkakape.“Then it’s worth it,” sagot niya, at hinaplos ang pisngi ko, “dahil mahal din naman kita.”Natawa ako, pero hindi ko na tinangkang kontrahin. Kasi sa tono ng boses niya, alam k
Matikas na humarap si Gordon sa saleslady na kanina lang ay halos itaboy ako palabas.“Get the most exclusive gown in your latest collection. The one in the VIP room. And bring matching accessories,” utos niya, malamig pero authoritative.Nagkandautal ang saleslady. “A-ah, y-yes, Sir… pero… pero ‘yung gown na ‘yon—”“Charge it to this account,” putol ni Gordon, at inabot ang gold credit card na unli swipe. “And make it fast. Miss Zseya doesn’t have time to waste.”I swear, kung may popcorn lang ako, kakain ako habang pinapanood ko ang pagbagsak ng confidence ng saleslady. Kanina, grabe kung titigan ako nito mula ulo hanggang paa. Ngayon? Para siyang contestant sa fastest service award.Habang umaalis ito para kunin ang gown, napansin kong nanlilisik ang mata ni Cassey. “So… sino ba ‘tong bago mong lalaki?” tanong nito nang tila nangungutya pero nagpapapansin.Ngumiti ako ng matamis. “Hmm? Bakit type mo ba?”“Yuck! Hindi ko siya type! Besides, Marky is my boyfriend. Ang Daddy niya, ay
Zseya’s POVKinabukasan, habang nagkakape kami ni Drayce sa balcony, bigla siyang nagsalita.“Love, next week na ‘yung anniversary ng Zamora’s Legacy,” casual niyang sambit, parang simpleng event lang. Pero alam ko, malaki ‘to. Lahat ng high-profile clients, investors, at board members nando’n.Tumango ako. “So… kailangan ko bang maghanda?”Ngumiti siya. “I want you there. Beside me. And looking like the queen that you are.”Napalunok ako. Queen? Grabe, parang gusto ko tuloy mag-wear ng crown. Pero knowing Drayce, hindi ito simpleng lakad lang. Gusto niyang makita ng lahat kung sino ako sa buhay niya.Kaya that afternoon, sinama ko si Andrea sa mall para maghanap ng gown. “Bes, ikaw ang stylist ko today,” biro ko habang pa-swagger walk papunta sa high-end boutique.“Syempre! Dapat lahat ng ex at haters mo mapanganga,” tawa niya.Pagpasok namin sa boutique, agad kong napansin ang interior—soft lighting, glass racks, gowns na parang galing sa red carpet. At syempre, isang saleslady na m
Magsasalita na sana ako. Pero biglang tumunog ang cellphone ni Drayce.Napatingin siya sa screen.“Si Mom. Sandali lang, love. I need to take this.”Tumango ako. “Go.”Tumayo siya at lumayo ng kaunti, dala ang wine glass niya habang may mahinang “Yes, Ma… I’m with her… yes, she’s okay” sa background. Halatang may check-in report sa future mother-in-law.Habang nakatingin ako sa city lights, enjoying the brief silence… biglang may boses na nanlamig ang spine ko.“Mom, look who’s here. Kaya na pala i-afford ng pulubi ang restaurant na ‘to?”Oh no.Not her.Not today.Paglingon ko, and there she was.Cassey. My ever-sweet, ever-toxic cousin.Nakasuot ng bodycon dress na parang press release ng insecurities. Kauupo lang niya sa tabing lamesa namin, at hindi siya nag-iisa.“Kaya niya magbayad kung may sugar daddy siyang matanda,” sabat ni Auntie Isadora, sabay nagtawanan silang dalawa.As in literal tumawa sa harap ko habang hawak pa ni Auntie ang purse na parang pinagmamayabang.Ngumiti a
“Daga, I mean mga tauhan mong babae, na nagpapantasya sa’yo,” sambit ko, sabay tingin sa kanya with matching deadpan expression.“May gano’n ba akong mga empleyado?” tanong ni Drayce, kunwari inosente, pero obvious ang pagka-naniningkit ng mata. As if he didn’t just walk out kanina like some cologne-scented Greek god and kiss me in front of his entire female staff.“Wala, 'no,” sagot ko, sarcastic. “Hindi sila obvious. Lalo na 'pag sinisiko ang isa’t isa sa tuwing dadaan ka.”He grinned. As in that smug, slow, alam-kong-gwapo-ako kind of grin. “Grabe sila. Buti pa ikaw, tahimik lang sa feelings mo.”Nagkibit-balikat ako. “Wala naman akong feelings, Sir.”“Ouch.” Napahawak pa siya sa dibdib niya, kunwari nasaktan. “Right here. Tinamaan.”“Dapat lang. Masyado kang confident.”Lumapit siya sa desk, nakasandal habang nakatitig lang sa akin.“Confident lang ako pag sure.”Tumigil ako sa pag-aayos ng papel. “Sure saan?”“Na may gusto ka rin sa akin.”Biglang uminit ‘yung batok ko. Here we g
I stared at them. Blank face. Pero sa loob-loob ko? Naglilista na ako ng pangalan sa mental burn book ko.Pero hindi ako pumatol.I just stood up, kinuha ‘yung sandwich ko, at ngumiti.“Salamat sa concern,” sabi ko. “Pero don’t worry, wala akong intensyong agawan kayo ng pantasya.”“Dapat lang! Bago ka lang dito, matuto kang lumugar!” saad pa ni Mika.Kahit gusto ko nang sumabog, pinili kong manahimik. Wala akong utang na paliwanag sa kanila. And besides, the more they talk, the more they reveal who they really are.So I smiled—again. That kind of smile you wear when your soul is already half-punched.“Tama kayo,” sabi ko, pa-relax lang. “I’ll try to tone it down. Ayoko namang maka-distract sa trabaho n’yo.”Sabay inom sa tubig ko para may excuse na huwag na silang tingnan.Tahimik silang umalis, pero ramdam ko ang mga mata nila sa likod ng ulo ko hanggang sa makalabas sila ng pantry.I went back to my desk. Checked emails. Updated a spreadsheet. Nag-pretend na super busy kahit ang to