Share

CHAPTER 5: SIGNED TO LOVE

Author: ARYAXX
last update Last Updated: 2025-08-03 20:56:55

It’s him! It’s Drayce!

Hindi ko alam kung tatayo ako para bumati o lulubog na lang sa hiya.

Tahimik siyang umupo sa harap ko. Siya ‘yung klase ng presensya na kahit hindi magsalita, mapapaatras ka. Tahimik siyang umupo sa tapat ko, maayos ang postura, tablet sa kamay, pero walang kahit katiting na emosyon sa mukha.

“Zseya Arguelles,” malamig niyang tawag sa pangalan ko, habang pinagmamasdan ang résumé ko na para bang listahan lang ng pagkukulang ko sa buhay. “So… nag-a-apply ka bilang admin assistant.”

Tumango ako, pilit na pinipigil ang panginginig ng tuhod ko.

“Opo.”

Then he looked at me. As in really looked. ‘Yung tingin na hindi lang basta tingin—parang tinatagos ang kaluluwa ko. Sa bawat segundo ng titig niya, parang mas lalo akong nauupos. Pero sa halip na umiwas, tiniis ko kahit ang totoo ramdam kong unti-unti akong natutunaw sa ilalim ng tingin niya.

Pero bakit gano’n?

Bakit parang mas guwapo siya ngayon kaysa noong magkaharap kami at nakasimpleng pambahay lang siya?

Pero mas di hamak na mas nakakatakot siya ngayon.

“May experience ka ba sa clerical work?” tanong niya, hindi pa rin nagbabago ang tono. Flat. Professional.

Nilunok ko ang kaba ko. Hinigpitan ko ang hawak sa folder at sinikap na panatilihin ang kumpiyansa sa boses ko. “Opo. Dati po akong assistant sa isang kompanya. Mostly admin tasks—paggawa ng reports, pag-aayos ng documents, scheduling, at iba pa.”

Tumango siya. Wala pa ring emosyon. Hindi mo malalaman kung pasado ka sa panlasa niya o gusto ka na niyang paalisin. Para bang may iniisip siyang mas malalim kaysa sa sinasabi.

Nakakabinging katahimikan ang namayani.

“Bakit ka umalis sa dati mong trabaho?” biglang tanong nito, halos bulong lang. Pero ramdam mo ‘yung bigat ng tanong—hindi lang trabaho ang tinutukoy niya.

Hindi ako agad nakasagot. Sasabihin ko ba?

“Personal na dahilan po,” sagot ko sa wakas, pilit na mahinahon ang tono. “Pero gusto ko na pong magsimula ulit.”

Sa unang pagkakataon, may nakita akong kakaiba sa mga mata niya. Hindi ko alam kung awa, simpatiya, o koneksyon. Pero saglit lang ‘yon—parang aninong dumaan, tapos nawala.

“Okay,” aniya, sabay balik ng tingin sa tablet. “I will give you a chance.”

Chance? Ibig sabihin…

“Tanggap na po ako?” halos hindi ko maipaniwala. Parang hindi totoo.

Tumango siya. “Mag-uumpisa ka bukas. Si Andrea ang mag-o-orient sa’yo. Siya ang magiging direct supervisor mo.”

“Maraming salamat po… sir,” sagot ko, sabay pilit ng ngiti. Nahihiya ako, pero pinipilit kong maging propesyonal.

Tumayo na ako, hawak ang bag ko, handa na sana akong umalis, nang bigla siyang muling magsalita.

“Zseya.”

Napalingon ako. Nakatayo pa rin siya sa kanyang kinauupuan pero may kung anong pagbabago sa tono ng boses niya.

“Welcome to the company,” sabi niya, sabay bahagyang ngiti.

Maliit lang ‘yung ngiti. Pero sa presensyang tulad niya, sapat na para bumilis ang tibok ng puso ko.

“Maraming salamat po, Sir.”

Ngumiti rin ako, at halos palabas na ako ng pintuan nang muli niyang buksan ang bibig.

“May itatanong ako. Medyo personal, but don't worry parte pa rin naman ito ng interview.” tila lakas loob niyang sambit.

Napakagat ako sa labi. Medyo personal? Parang hindi na ito tungkol sa trabaho.

“Sige po…”

“Wala kang nilagay na emergency contact. Wala ring permanent address.” Tumigil siya saglit. Mas mababa na ngayon ang boses niya. Mas personal. “Anong totoong nangyari, Zseya?”

Hindi ko alam kung paano sasagutin.

Pakiramdam ko, may humigpit sa dibdib ko. ‘Yung tipong hindi ka makahinga pero pilit mong pinipigil ang luha.

Huminga ako nang malalim. Pilit kong iniangat ang tingin sa kanya.

“Pinalayas na po ako ng pamilya ko,” sabay lunok. “Siniraan ako ng sarili kong Tiyahin at pinsan. Pinaratangan ng kasalanang hindi ko naman ginawa. At ‘yung bahay… inagaw ng tiyahin ko. Pati mga labi ng magulang ko, hindi ko na maangkin. Hawak pa rin niya.”

Wala siyang sinabi. Pero napansin ko—humigpit ang hawak niya sa ballpen. Para bang nilalabanan niya ang galit na hindi para sa kanya.

“Bakit hindi ka lumaban?” tanong niya. Mababa ang boses, halos hindi ko narinig.

“Wala po akong laban,” sagot ko, diretso ang mata sa kanya. “Wala akong pera. Walang kapangyarihan. Wala akong kakampi. Pero… gusto kong subukan. Kahit paunti-unti. Gusto kong bawiin ang pangalan ko. ‘Yung dangal ko.”

Bigla siyang tumayo. Lumapit siya sa gilid ng desk. At nang tumapat siya sa akin, ‘yung laki ng katawan niya, ‘yung lalim ng tingin, lahat ‘yon biglang naging personal.

“Zseya,” sabi niya, malumanay pero may diin. “What if I have an offer for you?”

Napakunot ang noo ko. “Offer? Ano pong offer?”

“Marry me.”

Parang sumabog ang buong mundo ko sa loob ng silid na ‘yon.

“A-ano pong ibig n’yong sabihin?” tanong ko, halos hindi ko mailabas ang boses ko.

“I need a wife,” sagot niya, parang sinasabi lang niya na kailangan niya ng bagong lapis. “’Yung pwedeng tumayo sa tabi ko. Legal. Sa mata ng publiko. Personal ang dahilan. At kapalit no’n—ibibigay ko sa’yo ang lahat ng kailangan mo.”

Hindi ako makagalaw.

“Bibigyan kita ng bahay, ng pera, proteksyon, legal team. At tutulungan kitang makuha ang lahat ng para sa ‘yo. Ipaglalaban natin ang karapatan mo.”

Napaupo ako nang maayos. Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko, pero hindi ko rin magawang umiwas.

“Pero… bakit ako?”

Ngumiti siya nang bahagya, at sa tuwing ginagawa niya ‘yon ay para akong kinikilit.

“Because you need help.” huminga siya nang malalim. “Unless, ayaw mong mas mapabilis ang pagkuha mo ng hustisya?”

Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko noon — takot? Kaba? O ‘yung parte ng puso kong matagal nang tahimik, pero ngayon… kumislot.

Sa mga sandaling ‘yon, isang bagay lang ang malinaw.

Wala na akong ibang matatakbuhan.

At si Drayce Zamora… he gave me a choice… and hope.

Tumango ako. “Tinatanggap ko ang alok mo, Sir. Magpapakasal ako sa ‘yo kapalit ng tulong na kailangan ko…”

At doon, nakita ko ang ngiti sa labi ni Drayce. And in that moment, I realized…

This isn’t just about papers or contracts. This is about him. And maybe—just maybe—

puso ko na rin ang nakataya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yeyel Revilla
Salamat po sa lahat ng nagbabasa!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 26: HIDDEN TRUTH?

    Kinabukasan, pagmulat ng mga mata ko ay naamoy ko agad ang mabangong aroma ng kape at tinapay. Napaangat ako ng ulo at doon ko nakita si Drayce, nakasuot lang ng simpleng puting shirt at pantalon, abala sa pag-aayos ng tray sa gilid ng kama. May kasama pa itong maliit na vase na may isang pirasong bulaklak na tila pinulot lang niya sa garden.“Good morning, my love,” bati niya, kasabay ng isang banayad na ngiti. Para bang wala ngang nangyari kagabi, wala ang bigat, ang tensyon, at ang mga salitang nagdulot ng kaba sa dibdib ko. Ang nakikita ko ngayon ay ang Drayce na kilala ko, maalaga, laging iniisip ang ikakagaan ng araw ko.Umupo siya sa gilid ng kama at iniabot ang tray. “Breakfast in bed. I figured you deserve something special today.” Hinawakan niya pa ang braso ko nang marahan, parang ayaw niyang makaramdam ako ng kahit kaunting bigat.“Drayce…” mahina kong tawag, habang nakatitig sa kanya. Hindi ko mapigilang maalala ang nangyari kagabi, pero ayokong sirain ang kasalukuyang sa

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 25: MYSTERY

    Narinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang nananatiling nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin agad o hintayin muna siyang kumalma. Pero bago pa man ako makapagsalita, bigla siyang bumitaw sa kamay ko at naglakad papalayo, huminto sa tapat ng bintana.Nakatalikod siya, mga kamay nakasuksok sa bulsa ng pantalon, balikat niyang bahagyang nakayuko. Para bang pilit niyang kinokontrol ang sariling damdamin na kanina lang ay muntik nang sumabog.“Drayce... please, calm down...” pagsubok ko nang pagpapakalma sa kaniya.“S–Sorry...” rinig kong bulong ni Drayce bago ito humarap sa akin, at hinawakan ang kamay ko.Saglit kaming nanatiling nakatitig sa isa’t isa, pareho pa ring ramdam ang bigat ng sitwasyon. Ngunit sa halip na muli siyang magpadala sa emosyon, huminga nang malalim si Drayce at dahan-dahang bumitaw sa kamay ko. Lumapit siya sa mesa, inilapag ang cellphone at saka siya umupo, parang sinusukat ang mga susunod na sasabihin.“Alam kong natakot ka sa sinab

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 26: OTHER PERSONALITY?

    Pagkatapos akong halikan ni Drayce sa noo ay nanatili kaming magkatitig sa gitna ng tahimik na hallway. Para bang huminto ang mundo sa paligid, pero ramdam kong pareho kaming nilalamon ng bigat ng nangyayari.Bigla niyang hinila ang kamay ko, mahigpit pero marahan, at mabilis kaming umalis sa lugar na iyon. Hindi na niya inalintana ang mga mapapansing empleyado o ang mga matang maaaring nakasulyap kanina sa tensyon nila ni Nathan. Lahat ng hakbang niya ay puno ng pagmamadali, parang ang tanging importante sa kanya ay mailayo ako sa kahit anong panganib.Pagpasok namin sa opisina niya, mariin niyang isinara ang pinto at saka siya napasandal dito, humihingal na parang galing sa laban. Ako naman, nakatayo lang sa gitna ng silid, pinagmamasdan siya. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko, hindi dahil sa takot kay Nathan, kundi dahil sa lalim ng damdaming ipinakita ni Drayce.“Drayce…” mahina kong tawag, lumapit ako ng bahagya.Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, parang nahihirapa

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 25: LOST IT

    Bago pa ako makatalikod, mabilis na lumapit si Nathan sa direksyon ko. May kung anong ningning sa mga mata niya, hindi basta ngiti ng pang-aasar, kundi para bang isang lihim na plano ang binabalak niya.“Interesting,” bulong niya habang nakatayo sa pagitan namin ni Drayce. “Ngayon sigurado na ako. Hindi lang tingin, hindi lang pahiwatig… she’s the reason you’re acting different.”Mas lalo akong nanlamig nang mapansin kong lalong nagdilim ang mga mata ni Drayce. Tumigil siya saglit, pero ang bawat hakbang niya papalapit kay Nathan ay parang nagdadala ng bagyo.“Back off, Nathan,” mariin niyang utos, halos nanginginig sa pagpipigil ng galit.Pero imbes na umatras, mas lalo pang ngumisi ang pinsan niya. “Or what? Lalabas ka na lang bigla at aamin sa lahat? You’re too careful for that. Which makes me wonder…” Bahagya siyang tumagilid, diretsong nakatingin sa akin, “…how far are you willing to go para protektahan siya?”“Don’t,” mariin kong bulong, halos hindi lumalabas ang boses ko. “Nath

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 24: A THREAT?

    Paglabas ko ng opisina ni Drayce, ramdam ko pa rin ang init ng labi niya sa akin. Pilit kong inayos ang sarili ko habang naglalakad, pero halatang-halata sa repleksyon sa glass wall na namumula pa ang pisngi ko.“Ma’am Zseya?” tawag ni Mia mula sa desk niya, nakatingin sa akin na para bang may nahuli siyang lihim. Napatigil ako sandali, pero mabilis ding ngumiti at nagkunwaring normal.“Coffee lang ako sa pantry,” sabi ko, halos pabulong.Tumango siya, pero hindi nawala ang maliit na ngiti sa labi niya.Pagdating ko sa pantry, mabilis kong kinuha ang baso ng tubig at uminom. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko, parang hindi pa rin lumulubay ang kaba at kilig na dala ng ginawa namin ni Drayce.Habang nakapikit ako, trying to calm myself, biglang may boses mula sa gilid.“Interesting morning, huh?”Muntik ko nang mabitawan ang baso nang makita kong si Nathan pala, ang isa sa mga department heads at sa pagkakaalam ko ay pinsan rin ni Drayce. Nakapamulsa ito, nakatingin diretso sa a

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 23: SEDUCTIVE LOOK

    Kinabukasan, maaga akong pumasok sa company. Kahit gustuhin ko mang magpahinga pa at magpaka-busy sa ibang bagay para hindi isipin ang envelope kagabi, wala akong choice kundi magpakita, lalo’t alam kong makikita niya agad kung absent ako.Pagbukas ko pa lang ng elevator, napansin ko agad ang titig ng ilang empleyado. Yung iba, tahimik na bumubulong sa isa’t isa habang sinusundan ako ng tingin. Yung tipong hindi mo alam kung may sinabi na ba si Drayce tungkol sa’kin, o talagang sanay lang sila mag-obserba ng bawat galaw ng kahit sino na malapit sa kanya.“Good morning, Ma’am Zseya.” Ngumiti si Mia, ang secretary ni Drayce, pero ramdam ko yung mas matalim kaysa karaniwang tono ng pagbati niya. “Boss is waiting for you inside.”Pagpasok ko, nakatayo si Drayce sa harap ng desk niya, naka-dark suit at may hawak na ilang dokumento. Naka-smile siya, 'yung tipong para bang walang nangyari kagabi, at ako lang ang laman ng mundo niya sa sandaling iyon.“There you are,” sabi niya, sabay lapit a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status