Kasabay ng opisyal na pagtanggap kay Zseya bilang bagong empleyado ng Zamora Legacy, isang lihim na pangyayari ang hindi alam ng karamihan sa mga empleyado, ikakasal na siya sa mismong may-ari ng kompanya.
She’s soon to be Zseya Arguelles—Zamora. Sa isang maliit na hall ng city hall, pormal silang nakatayo sa harap ng isang hukom. Simple lang ang kasuotan ni Zseya—isang cream-colored na dress na hanggang tuhod. Si Drayce naman, naka-black button-down at dark slacks. Wala sa itsura nilang ikakasal sila… pero andoon ang tension sa hangin. “Wait, seryoso kayo rito?” tanong ni Kaelion habang nakatayo sa gilid nila, halatang pinipigilang matawa. “Akala ko prank ’to, bro.” “Does this look like a prank to you?” malamig na sagot ni Drayce sa kaibigan, hindi man lang lumingon. Napakamot si Kaelion sa batok. “Well… medyo?” Nahatak lang talaga siya rito. Napangiti nang tipid si Zseya pero hindi na nagsalita. Pinipilit niyang hindi mapansin ang kaba sa dibdib niya. Ibang klase ang eksenang ’to—hindi ito ang kasal na naisip niya noon. Pero hindi rin ito ang lalaking basta mo lang makikilala kung hindi pinahintulutan ng kapalaran. Sa dulo ng seremonyas, pormal nang inanunsyo ng judge, “By the power vested in me, I now pronounce you… husband and wife.” Nakuha ni Kaelion ang eksaktong moment kung saan hawak ni Drayce ang kamay ni Zseya habang seryoso silang nakatingin sa isa’t isa. Sa caption ng litrato, agad siyang nagtype— “GUYS. HINDI ‘TO PRANK! MAY ASAWA NA SI D! #SecretWedding” At ipinadala agad ni Kaelion sa group chat ng barkada. Samantala hindi na hiningi ni Drayce ang you may kiss the bride. Pero bago pa man tuluyang tumalikod si Zseya, bumulong si Drayce, “From now on… you’re mine, Mrs. Zamora…” Tumaas ang balahibo niya at tila napakislot siya sa paos na boses nito. Sa hallway ng city hall, napapailing si Kaelion habang kasabay ni Drayce sa paglalakad. “Okay, seryoso nga. Hindi na biro. Damn. Nag-asawa ka nang hindi mo man lang kami sinabihan nang mas maaga. And your bride… your employee?” Hindi nagsalita si Drayce. Ngunit habang nakatalikod si Zseya at inaayos ang suot niya, napatingin si Kaelion sa kaibigan niya. Doon niya lang napansin—may ngiti si Drayce. It’s not simple smile. Ngiting may sikreto ‘yon. At doon niya lang naisip... Hindi lang ito kasal para kay Drayce— it’s more than that. Pagkatapos ng kasal, tahimik silang magkasamang lumabas ng city hall, habang si Kaelion ay umalis na rin, naiiling at natatawa pa rin sa bilis ng pangyayari. Sa sasakyan ni Drayce, doon sila unang nakapag-usap nang masinsinan. “Where will I stay?” tanong ni Zseya, mahinahon ngunit halata ang kaba sa boses. Tahimik si Drayce habang nakatingin sa unahan ng kalsada, saka marahang sumagot, “You’ll stay with me. My place is safer.” Hindi na sumagot si Zseya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman—takot, kaba, o excitement? Pero bago pa man siya lamunin ng kung anu-anong emosyon, inabot sa kaniya ni Drayce ang isang maliit na box na itim. Pagbukas niya, isang itim na credit card ang naroon. Simple pero elegante. May pangalan niya na nakaukit sa ilalim. “Ano… ito?” tanong niya, hindi makapaniwala. “Your credit card,” sagot ni Drayce. “No limit. Gamitin mo kahit kailan, kahit saan. You're my wife now. Hindi kita papayagang mawalan o mahirapan. Ever again.” Napatitig si Zseya sa card, at unti-unting napuno ng luha ang mga mata niya. Wala siyang masabi. Wala pa siyang nakilalang tao na ganito magpakita ng suporta at tiwala, kahit pa kasal lang nila ay nagsimula sa kasunduan. Sa kabilang banda… Habang magkasama silang kumakain sa isang tahimik na restaurant, biglang tumunog ang cellphone ni Drayce. Nang sagutin niya, isang pamilyar at mabigat na boses ang narinig niya sa kabilang linya. “DRAYCE! TOTOONG IKAW BA ’TO?! MAY PINADALA SA AKING LITRATO NG KASAL MO!” Napakurap si Drayce. Nilingon niya agad si Zseya, na abalang nagbubukas ng menu. Tumikhim siya at tumalikod. “Lolo… I was going to tell you—” “HUWAG MO AKONG MA-‘LOLO’ D’YAN! HINDI KA MAN LANG NAGPAALAM! NAG-ASAWA KA NA?! SINO ’YANG BABAE NA ’YAN?!” “Calm down, Lolo—” sabi niya sa mas mahinang tono. “Magkita tayo. Bukas. Sa bahay. Dalhin mo siya.” At bago pa siya makatanggi, ibinaba ng matanda ang tawag. Napatingin siya kay Zseya. Hindi niya alam kung ipapaalam ba niya agad o ipagpapaliban. “Get ready, you will meet my grandfather tomorrow.” sambit ni Drayce. Napakagat sa ibabang labi si Zseya. “Okay.” “Damn those lips.” bulong ni Drayce. “Ha?” “Nothing. I said, ‘it’s just quick.” Kinabukasan, nakahanda na si Zseya, suot ang isang simple ngunit eleganteng blouse at slacks. Halata ang kaba sa kilos niya, lalo na't sinabi ni Drayce na pupunta sila sa bahay ng Lolo nito, ang kilalang mahigpit, mapanghusga, at dominante sa pamilya Zamora. Sa loob ng sasakyan, tila balisa si Drayce. Hindi siya sanay na magpaliwanag, lalo na sa matanda niyang Lolo. Ayaw niyang ipakita si Zseya roon, dahil baka masaktan lang ito. Pero hindi niya rin pwedeng iwasan. Pagdating nila sa malawak na mansion ng Zamora patriarch, ay pinapasok kaagad sila nang makilala ang kotse ni Drayce. “Lolo…” bungad ni Drayce nang pumasok sila. Sa gulat niya, hindi galit ang sumalubong sa kanila… kundi isang masayang ngiti mula sa matanda. Nasa terrace ito, nakaupo at nakangiti, habang pinapalamig ang tsaa. “Ahh! Ito ba si Zseya? Ang ganda naman pala ng napangasawa mo, iho!” lumapit agad ang matanda at inabot ang kamay ni Zseya. “Good morning po,” sagot ni Zseya, magalang ngunit halatang ninenerbyos. “Come, come. Maupo kayo. Dito kayo sa tabi ko,” anang matanda. Tahimik lang si Drayce. Bakit parang ang bait ni Lolo ngayon? Nagkatinginan pa sila ni Zseya, at parehong litong-lito. “Alam mo, matagal ko nang gustong magkaroon ng apo sa tuhod,” ani Lolo habang nakatingin sa kanilang dalawa. “Ngayon na kasal na kayo, pwede niyo nang simulan 'yan! Bigyan niyo na ako ng apo!” Halos mabulunan si Drayce sa sariling laway. “Lolo—what?!” “Bakit?” kunot-noong tanong ng Lolo. “Hindi ba’t normal lang naman sa bagong kasal ’yon?” Numula ang pisngi ni Zseya, at tila pinipigilan niyang mapahiya, habang si Drayce naman ay namutla sa kinauupuan.Paggising ko, ramdam ko agad ang init ng katawan ni Drayce sa tabi ko. Nakahiga siya patagilid, bahagyang nakatakip sa amin ang kumot, at kita ko pa ang maayos na hulma ng balikat at dibdib niya.Hindi ko mapigilang paglaruan ang ilong niya gamit ang daliri ko. Napakunot siya pero hindi dumilat.“Hmm…” ungol niya, parang batang ayaw magising.Niyakap ko siya, idiniin ang pisngi ko sa dibdib niya. Amoy ko pa rin ang halimuyak ng cologne niya na halos nakatatak na sa unan.“Sorry pala kahapon, ah?” mahina kong sabi.“Why?” tanong niya, hindi pa rin binubuksan ang mga mata, pero ramdam kong gising na siya.“Ang mahal ng gown ko…” bulong ko, parang nahihiya. “One point five million. Mahal ‘yon, Drayce.”Bumukas ang isang mata niya, saka siya ngumiti—’yung tipong nakakapagpainit ng umaga kahit hindi ka pa nagkakape.“Then it’s worth it,” sagot niya, at hinaplos ang pisngi ko, “dahil mahal din naman kita.”Natawa ako, pero hindi ko na tinangkang kontrahin. Kasi sa tono ng boses niya, alam k
Matikas na humarap si Gordon sa saleslady na kanina lang ay halos itaboy ako palabas.“Get the most exclusive gown in your latest collection. The one in the VIP room. And bring matching accessories,” utos niya, malamig pero authoritative.Nagkandautal ang saleslady. “A-ah, y-yes, Sir… pero… pero ‘yung gown na ‘yon—”“Charge it to this account,” putol ni Gordon, at inabot ang gold credit card na unli swipe. “And make it fast. Miss Zseya doesn’t have time to waste.”I swear, kung may popcorn lang ako, kakain ako habang pinapanood ko ang pagbagsak ng confidence ng saleslady. Kanina, grabe kung titigan ako nito mula ulo hanggang paa. Ngayon? Para siyang contestant sa fastest service award.Habang umaalis ito para kunin ang gown, napansin kong nanlilisik ang mata ni Cassey. “So… sino ba ‘tong bago mong lalaki?” tanong nito nang tila nangungutya pero nagpapapansin.Ngumiti ako ng matamis. “Hmm? Bakit type mo ba?”“Yuck! Hindi ko siya type! Besides, Marky is my boyfriend. Ang Daddy niya, ay
Zseya’s POVKinabukasan, habang nagkakape kami ni Drayce sa balcony, bigla siyang nagsalita.“Love, next week na ‘yung anniversary ng Zamora’s Legacy,” casual niyang sambit, parang simpleng event lang. Pero alam ko, malaki ‘to. Lahat ng high-profile clients, investors, at board members nando’n.Tumango ako. “So… kailangan ko bang maghanda?”Ngumiti siya. “I want you there. Beside me. And looking like the queen that you are.”Napalunok ako. Queen? Grabe, parang gusto ko tuloy mag-wear ng crown. Pero knowing Drayce, hindi ito simpleng lakad lang. Gusto niyang makita ng lahat kung sino ako sa buhay niya.Kaya that afternoon, sinama ko si Andrea sa mall para maghanap ng gown. “Bes, ikaw ang stylist ko today,” biro ko habang pa-swagger walk papunta sa high-end boutique.“Syempre! Dapat lahat ng ex at haters mo mapanganga,” tawa niya.Pagpasok namin sa boutique, agad kong napansin ang interior—soft lighting, glass racks, gowns na parang galing sa red carpet. At syempre, isang saleslady na m
Magsasalita na sana ako. Pero biglang tumunog ang cellphone ni Drayce.Napatingin siya sa screen.“Si Mom. Sandali lang, love. I need to take this.”Tumango ako. “Go.”Tumayo siya at lumayo ng kaunti, dala ang wine glass niya habang may mahinang “Yes, Ma… I’m with her… yes, she’s okay” sa background. Halatang may check-in report sa future mother-in-law.Habang nakatingin ako sa city lights, enjoying the brief silence… biglang may boses na nanlamig ang spine ko.“Mom, look who’s here. Kaya na pala i-afford ng pulubi ang restaurant na ‘to?”Oh no.Not her.Not today.Paglingon ko, and there she was.Cassey. My ever-sweet, ever-toxic cousin.Nakasuot ng bodycon dress na parang press release ng insecurities. Kauupo lang niya sa tabing lamesa namin, at hindi siya nag-iisa.“Kaya niya magbayad kung may sugar daddy siyang matanda,” sabat ni Auntie Isadora, sabay nagtawanan silang dalawa.As in literal tumawa sa harap ko habang hawak pa ni Auntie ang purse na parang pinagmamayabang.Ngumiti a
“Daga, I mean mga tauhan mong babae, na nagpapantasya sa’yo,” sambit ko, sabay tingin sa kanya with matching deadpan expression.“May gano’n ba akong mga empleyado?” tanong ni Drayce, kunwari inosente, pero obvious ang pagka-naniningkit ng mata. As if he didn’t just walk out kanina like some cologne-scented Greek god and kiss me in front of his entire female staff.“Wala, 'no,” sagot ko, sarcastic. “Hindi sila obvious. Lalo na 'pag sinisiko ang isa’t isa sa tuwing dadaan ka.”He grinned. As in that smug, slow, alam-kong-gwapo-ako kind of grin. “Grabe sila. Buti pa ikaw, tahimik lang sa feelings mo.”Nagkibit-balikat ako. “Wala naman akong feelings, Sir.”“Ouch.” Napahawak pa siya sa dibdib niya, kunwari nasaktan. “Right here. Tinamaan.”“Dapat lang. Masyado kang confident.”Lumapit siya sa desk, nakasandal habang nakatitig lang sa akin.“Confident lang ako pag sure.”Tumigil ako sa pag-aayos ng papel. “Sure saan?”“Na may gusto ka rin sa akin.”Biglang uminit ‘yung batok ko. Here we g
I stared at them. Blank face. Pero sa loob-loob ko? Naglilista na ako ng pangalan sa mental burn book ko.Pero hindi ako pumatol.I just stood up, kinuha ‘yung sandwich ko, at ngumiti.“Salamat sa concern,” sabi ko. “Pero don’t worry, wala akong intensyong agawan kayo ng pantasya.”“Dapat lang! Bago ka lang dito, matuto kang lumugar!” saad pa ni Mika.Kahit gusto ko nang sumabog, pinili kong manahimik. Wala akong utang na paliwanag sa kanila. And besides, the more they talk, the more they reveal who they really are.So I smiled—again. That kind of smile you wear when your soul is already half-punched.“Tama kayo,” sabi ko, pa-relax lang. “I’ll try to tone it down. Ayoko namang maka-distract sa trabaho n’yo.”Sabay inom sa tubig ko para may excuse na huwag na silang tingnan.Tahimik silang umalis, pero ramdam ko ang mga mata nila sa likod ng ulo ko hanggang sa makalabas sila ng pantry.I went back to my desk. Checked emails. Updated a spreadsheet. Nag-pretend na super busy kahit ang to