공유

CHAPTER 4: SURPRISE!

작가: ARYAXX
last update 최신 업데이트: 2025-08-03 20:25:33

Zseya’s POV

Pagdilat ng mata ko, halos mapangiwi ako sa tindi ng sakit na humampas sa sentido ko. Parang may nagmartilyo sa bungo ko buong gabi. Mabigat ang ulo ko, at nananakit ang batok, as masahol pa sa hangover.

Napakapit ako sa ulunan ng kama. Hindi ito ang kama ko. Hindi rin ito kwarto ng kakilala ko. Everything felt foreign — malinis, organized, pero may kakaibang bigat ang aura. Black walls, dark wood, cold steel accents. Masculine. Mahal. Nakakakilabot ang pagka-elgante ng mga kagamitan.

Kumalabog ang dibdib ko nang mabilis. Humigpit ang hawak ko sa bedsheet.

Nasaan ako?

Napabangon ako. Nanginginig pa ang mga daliri ko habang sinusuyod ng tingin ang paligid. May mamahaling armchair sa tabi ng bintana, may lalagyan ng whisky sa sulok, at may painting na parang hindi mura ang pagkakabili.

Hanggang sa bumukas ang pintuan ng banyo. Dahan-dahang lumitaw ang isang pamilyar na pigura. Basang buhok. Tuwalya lang ang nakatapis sa beywang. Tila slow motion ang lahat. Ang tubig mula sa buhok niya’y parang mga patak ng ulan sa isang eksenang hindi ko hiniling.

At ang katawan niya… Oh my gosh!

Parang Greek god na ibinaba dito sa lupa! Tall. Broad shoulders. Well-defined abs. Makinis ang balat, halatang desiplinado ang katawan nito.

Hindi ako makagalaw.

“Gising ka na pala,” malamig niyang bati habang inaayos ang tapis niya. Walang reaksyon ang mukha, pero ramdam ko na mabait siya. “Kamusta pakiramdam mo?”

“Uh… masakit ang ulo ko,” sabay iwas ko ng tingin. Kasi kung hindi ko iiwas, baka himatayin ako sa kahihiyan.

“Expected. May inilagay sa inumin mo kagabi. Pero safe ka rito,” seryoso niyang sagot habang lumapit at may inabot na tableta. “Take this.”

Tinanggap ko ’yun, pero ang kamay ko bahagyang nanginginig. Lalo na’t alam kong hindi ito panaginip.

“Saan… ako natulog kagabi?” tanong ko nang halos pabulong, “May iba ba akong kahihiyan na ginawa?”

Napatingin siya sa akin. For the first time, may emosyon ang mga mata niya. It was like an amusement.

“Dito sa kama ko. Pero wala akong ginawa sa ’yo,” mariin niyang sambit. “Hindi ako gano’ng klaseng lalaki.”

Nanliit ako sa kinauupuan ko. Hindi dahil sa hiya, kundi dahil sa pagka-guilty. Naalala ko bigla ’yung pagyakap ko sa kaniya habang basa pa ako. ’Yung iyak ko na parang bata. Yung init ng dibdib niya habang nilalamig ako sa takot.

At ‘yung paghalik ko… Nakakahiya!

“S–Salamat… sa lahat,” mahina kong tugon habang hawak ang baso, habang hindi pa rin ako makatingin dahil sa kahihiyan.

Utang na loob ko na sa kaniya ngayon ang buhay ko.

Nang lumabas siya mula sa closet, ay naka-gray shirt na siya ngayon. Joggers. Casual. Pero kahit ‘yun lang, grabe pa rin ang dating. Yung tipong kahit magsuot lang ng sako, babagsak pa rin ang mundo para sa kanya.

“Ano ulit ang pangalan mo?” I asked while biting my lower lips.

Great! Hindi ko man lang alam pangalan ng first kiss ko!

“I’m Drayce, and you are Zseya, right?”

Tumango ako. “Salamat talaga, utang na loob ko sa ‘yo ang buhay ko. Kaso… wala pa akong kayang gawin ngayon, wala akong pabuya for you…”

Napangisi siya. “Hindi ko naman kailangan ng kahit ano. I helped you because I wanted to, at wala akong hinihinging kapalit,” tugon niya.

Napapikit ako saglit. “Pasensya na… kung naging abala ako.”

Napailing siya. “You weren’t. Tinulungan lang kita. That’s it.”

Alam kong hindi ako pwedeng manatili rito. Wala kaming koneksyon. At kung mananatili pa ako, baka pati puso ko matali sa kanya.

“Gusto mong ihatid kita?” alok niya sa akin. “Delikado kung mag-isa kang maglalakad.”

“Sa bahay na lang ng kaibigan ko,” mabilis kong putol. “Ayoko munang umuwi… sa amin.” Pagsisinungaling ko na sinamahan ko ng pilit na ngiti.

“Ihahatid pa rin kita. Sabihin mo lang kung saan.”

Napatingin ako sa kanya. “Sigurado ka? Baka—”

Napangisi siya, maliit lang pero sapat para kumalabog ulit ang puso ko. “Zseya, after ng nangyari kagabi, ang ihatid ka ang pinaka-simpleng parte.”

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

Pagdating namin sa tapat ng apartment ni Andrea, agad ko siyang tinapunan ng sulyap.

“Drayce… thank you so much talaga. Babawi ako sa ‘yo kapag kaya ko na.”

Umiling siya. “Just stay safe, Zseya.”

Tumango ako, saka lumabas ng kotse.

At halos sabay no’n, may sumalubong na boses.

“Zseya!” sigaw ni Andrea habang may hawak pang kape pero muntik nang matapon dahil sa sobrang excitement.

“Grabe girl! Kanina pa kita hinihintay!”

Hindi ko na napigilan, at yumakap ako sa kanya.

“Andrea… ang daming nangyari.”

“Halika sa taas. Ikaw magku-kwento, makikinig ako.”

Samantala si Drayce na nasa loob ng kotse ay tahimik silang pinanuod, habang tinititigan niya ang hawak niyang folder na naglalaman nang mga impormasyon ni Zseya.

“She’s quite interesting.” sambit ni Drayce bago umalis.

×

Sa loob naman ng unit ni Andrea, ay tulala akong nakaupo sa couch matapos kong ikuwento lahat kay Andrea ang nangyari.

Tahimik lang si Andrea. Pero ‘yung mata niya… nandoon ang galit, awa, at lungkot.

“Girl… parang buong season ng teleserye ang nangyari sa’yo kagabi.”

Napayuko ako. “Wala na rin akong matutuluyan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.”

Napatingin siya sa akin. At sa halip na sermon, ngumiti siya.

“Then dito ka muna. May extra room ako, at sa company namin ay hiring kami sa admin. I will help you!”

Napatitig ako sa kanya. Nabuo na naman ang luha sa mga mata ko.

“Hoy! Walang iyakan! Punasan mo ‘yan!”

Niyakap ko si Andrea nang mahigpit. I'm just thankful that I have her.

Kinabukasan, maaga pa lang ay nagbihis na ako. Nakahanda na ang resume ko. Sa dami ng nangyari kahapon, parang bigla akong natutong humawak ulit sa direksyon ng buhay ko. Thanks to Andrea.

“Nasa HR office sa 12th floor,” sabi niya habang sabay kaming bumaba ng building. “Wag kang kabahan, okay? Chill lang. Madali lang ’tong interview na ’to. Kayang-kaya mo!”

Ngumiti ako kahit may kaba. “Salamat, Andrea.”

Pagdating sa building ng kompanya nila, halos mapanganga ako. Modernong structure, glass walls, may sariling café sa lobby. Ang sosyal. Huminga ako nang malalim.

Kaya ko ’to!

Pag-akyat ko sa 12th floor, agad akong sinalubong ng receptionist.

“Miss Zseya Arguelles? Please wait. The President will interview you personally.”

Napakunot ang noo ko. President? Hindi naman sa akin nabanggit ni Andrea na Presidente pala ng kompanya ang mag-interview sa akin.

Pero tumango ako at ngumiti. “Okay po…”

Dinala ako sa isang glass-walled office. Malinis, elegante, may city view pa. At habang pinagmamasdan ko ang paligid, biglang bumukas ang pintuan.

Nanlaki ang mata ko, at napaawang ang labi ko.

Siya?! Siya ang Presidente?

Juicecolored! Hindi ako handa!

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Yeyel Revilla
Salamat po sa lahat ng nagbabasa!
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 26: HIDDEN TRUTH?

    Kinabukasan, pagmulat ng mga mata ko ay naamoy ko agad ang mabangong aroma ng kape at tinapay. Napaangat ako ng ulo at doon ko nakita si Drayce, nakasuot lang ng simpleng puting shirt at pantalon, abala sa pag-aayos ng tray sa gilid ng kama. May kasama pa itong maliit na vase na may isang pirasong bulaklak na tila pinulot lang niya sa garden.“Good morning, my love,” bati niya, kasabay ng isang banayad na ngiti. Para bang wala ngang nangyari kagabi, wala ang bigat, ang tensyon, at ang mga salitang nagdulot ng kaba sa dibdib ko. Ang nakikita ko ngayon ay ang Drayce na kilala ko, maalaga, laging iniisip ang ikakagaan ng araw ko.Umupo siya sa gilid ng kama at iniabot ang tray. “Breakfast in bed. I figured you deserve something special today.” Hinawakan niya pa ang braso ko nang marahan, parang ayaw niyang makaramdam ako ng kahit kaunting bigat.“Drayce…” mahina kong tawag, habang nakatitig sa kanya. Hindi ko mapigilang maalala ang nangyari kagabi, pero ayokong sirain ang kasalukuyang sa

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 25: MYSTERY

    Narinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang nananatiling nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin agad o hintayin muna siyang kumalma. Pero bago pa man ako makapagsalita, bigla siyang bumitaw sa kamay ko at naglakad papalayo, huminto sa tapat ng bintana.Nakatalikod siya, mga kamay nakasuksok sa bulsa ng pantalon, balikat niyang bahagyang nakayuko. Para bang pilit niyang kinokontrol ang sariling damdamin na kanina lang ay muntik nang sumabog.“Drayce... please, calm down...” pagsubok ko nang pagpapakalma sa kaniya.“S–Sorry...” rinig kong bulong ni Drayce bago ito humarap sa akin, at hinawakan ang kamay ko.Saglit kaming nanatiling nakatitig sa isa’t isa, pareho pa ring ramdam ang bigat ng sitwasyon. Ngunit sa halip na muli siyang magpadala sa emosyon, huminga nang malalim si Drayce at dahan-dahang bumitaw sa kamay ko. Lumapit siya sa mesa, inilapag ang cellphone at saka siya umupo, parang sinusukat ang mga susunod na sasabihin.“Alam kong natakot ka sa sinab

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 26: OTHER PERSONALITY?

    Pagkatapos akong halikan ni Drayce sa noo ay nanatili kaming magkatitig sa gitna ng tahimik na hallway. Para bang huminto ang mundo sa paligid, pero ramdam kong pareho kaming nilalamon ng bigat ng nangyayari.Bigla niyang hinila ang kamay ko, mahigpit pero marahan, at mabilis kaming umalis sa lugar na iyon. Hindi na niya inalintana ang mga mapapansing empleyado o ang mga matang maaaring nakasulyap kanina sa tensyon nila ni Nathan. Lahat ng hakbang niya ay puno ng pagmamadali, parang ang tanging importante sa kanya ay mailayo ako sa kahit anong panganib.Pagpasok namin sa opisina niya, mariin niyang isinara ang pinto at saka siya napasandal dito, humihingal na parang galing sa laban. Ako naman, nakatayo lang sa gitna ng silid, pinagmamasdan siya. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko, hindi dahil sa takot kay Nathan, kundi dahil sa lalim ng damdaming ipinakita ni Drayce.“Drayce…” mahina kong tawag, lumapit ako ng bahagya.Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, parang nahihirapa

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 25: LOST IT

    Bago pa ako makatalikod, mabilis na lumapit si Nathan sa direksyon ko. May kung anong ningning sa mga mata niya, hindi basta ngiti ng pang-aasar, kundi para bang isang lihim na plano ang binabalak niya.“Interesting,” bulong niya habang nakatayo sa pagitan namin ni Drayce. “Ngayon sigurado na ako. Hindi lang tingin, hindi lang pahiwatig… she’s the reason you’re acting different.”Mas lalo akong nanlamig nang mapansin kong lalong nagdilim ang mga mata ni Drayce. Tumigil siya saglit, pero ang bawat hakbang niya papalapit kay Nathan ay parang nagdadala ng bagyo.“Back off, Nathan,” mariin niyang utos, halos nanginginig sa pagpipigil ng galit.Pero imbes na umatras, mas lalo pang ngumisi ang pinsan niya. “Or what? Lalabas ka na lang bigla at aamin sa lahat? You’re too careful for that. Which makes me wonder…” Bahagya siyang tumagilid, diretsong nakatingin sa akin, “…how far are you willing to go para protektahan siya?”“Don’t,” mariin kong bulong, halos hindi lumalabas ang boses ko. “Nath

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 24: A THREAT?

    Paglabas ko ng opisina ni Drayce, ramdam ko pa rin ang init ng labi niya sa akin. Pilit kong inayos ang sarili ko habang naglalakad, pero halatang-halata sa repleksyon sa glass wall na namumula pa ang pisngi ko.“Ma’am Zseya?” tawag ni Mia mula sa desk niya, nakatingin sa akin na para bang may nahuli siyang lihim. Napatigil ako sandali, pero mabilis ding ngumiti at nagkunwaring normal.“Coffee lang ako sa pantry,” sabi ko, halos pabulong.Tumango siya, pero hindi nawala ang maliit na ngiti sa labi niya.Pagdating ko sa pantry, mabilis kong kinuha ang baso ng tubig at uminom. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko, parang hindi pa rin lumulubay ang kaba at kilig na dala ng ginawa namin ni Drayce.Habang nakapikit ako, trying to calm myself, biglang may boses mula sa gilid.“Interesting morning, huh?”Muntik ko nang mabitawan ang baso nang makita kong si Nathan pala, ang isa sa mga department heads at sa pagkakaalam ko ay pinsan rin ni Drayce. Nakapamulsa ito, nakatingin diretso sa a

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 23: SEDUCTIVE LOOK

    Kinabukasan, maaga akong pumasok sa company. Kahit gustuhin ko mang magpahinga pa at magpaka-busy sa ibang bagay para hindi isipin ang envelope kagabi, wala akong choice kundi magpakita, lalo’t alam kong makikita niya agad kung absent ako.Pagbukas ko pa lang ng elevator, napansin ko agad ang titig ng ilang empleyado. Yung iba, tahimik na bumubulong sa isa’t isa habang sinusundan ako ng tingin. Yung tipong hindi mo alam kung may sinabi na ba si Drayce tungkol sa’kin, o talagang sanay lang sila mag-obserba ng bawat galaw ng kahit sino na malapit sa kanya.“Good morning, Ma’am Zseya.” Ngumiti si Mia, ang secretary ni Drayce, pero ramdam ko yung mas matalim kaysa karaniwang tono ng pagbati niya. “Boss is waiting for you inside.”Pagpasok ko, nakatayo si Drayce sa harap ng desk niya, naka-dark suit at may hawak na ilang dokumento. Naka-smile siya, 'yung tipong para bang walang nangyari kagabi, at ako lang ang laman ng mundo niya sa sandaling iyon.“There you are,” sabi niya, sabay lapit a

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status