Thank you mga Rising Pips. Tatlong chapters po ang dinagdag ko ngayon. Salamat sa maraming gems. na binigay ninyo. Sana uwag nyo rin kalimutan na silipin si Amazing Twins. Maraming salamat.
Two Weeks LaterMainit ang araw pero malamig sa puso ni Seidon habang dahan-dahan siyang naglalakad palabas ng ospital. Kasama niya si Dharylle na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso."Sure ka bang kaya mo na?" tanong nito habang pinapahiran ng pawis ang kanyang noo.Ngumiti si Seidon, matipid. "Kailangan kong gawin ‘to. Kailangan ko siyang kausapin."Inside the Detention FacilitySa malamig na silid ng kulungan, nakaupo si Scarlet sa luma at kalawangin na bangko. Tahimik siyang nakatingin sa pader nang marinig ang pagbukas ng bakal na pinto.“Ms. Zimmer, may bisita ka.” ani ng pulis.Lumingon siya na may bakas ng pagtataka. Lumabas siya at pumunta sa visitor’s lounge. Doon siya pinapahintay ng pulis.Di nagtagal, pumasok si Seidon. Tila huminto ang oras para sa dalaga. Napatitig si Scarlet, bakas sa mata ang gulat at pagkalito. Hindi siya makapaniwala sa presensyang kaharap niya ngayon—ang taong akala niyang wala na."You’re alive…" aniya, halos pa-whisper. "Bakit ka nandito?"Tah
Sa kalagitnaan ng pag-uusap nina Dharylle at Rhayan sa labas ng operating room, biglang bumukas ang pintuan. Sumilip ang ilaw mula sa loob, kasabay ng paglabas ng doktor na suot pa rin ang kanyang surgical mask."Doctor!" Agad na salubong ni Dharylle, nanginginig ang tinig. "Kumusta na po si Seidon?"Inalis ng doktor ang kanyang mask at tumango. "Ligtas na siya. Agad naming natanggal ang bala mula sa kanyang dibdib. Sa awa ng Diyos, hindi tinamaan ang puso, pero ilang milimetro na lang at baka hindi na siya umabot."Bumuhos ang luha ni Dharylle. Napaluhod siya sa sahig, parang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Agad siyang inalalayan ni Rhayan habang pilit ding tinatago ang nag-uumapaw na emosyon."Salamat, Doc..." mahinang sambit ni Rhayan."Makikita n’yo na siya mamaya, pagkatapos naming mailipat sa recovery room."Pagkaalis ng doktor, muling lumitaw ang hologram ni Ciela AI sa ere. Makinis, malamig ang boses nito, ngunit dala ang katotohanan."Detecting critical data," anito.
“Seidon!” Nakakatakot ang sigaw ni Dharylle. Sa sobrang takot na mawalan ng asawa, walang pag-aalinlangan siyang sumugod sa kinaroroonan nito at lumuhod upang tingnan ang nangyari kay Seidon. Saka lamang niya napansin na hawak pala niya ang isa sa kambal, na bigla na ring umiyak.Ang eksenang iyon ang pumukaw sa pagkakatulala ni Scarlet. Nasindak siya nang makita si Seidon na bumagsak sa sahig.“Bakit si Seidon?” Kinapa niya ang sarili. Wala siyang tama.“No, hindi puwede!” Ayaw niyang maniwala na buhay pa rin siya hanggang ngayon. “Paano nangyari ito? Hindi ba dapat ako ang nabaril?” garalgal ang boses niya, ramdam ang pagsisisi sa nanginginig niyang mga labi. Nanginginig din ang kanyang mga kamay habang hawak pa rin ang baril. Mabilis niyang tiningnan ang kaha ng kanyang baril at nakita niyang wala na itong lamang bala. Sa pagkakaalala niya, isang bala lang ang laman ng hawak niyang baril bago siya umalis. Ngayon, nagamit na niya ito.Lumipat ang kanyang paningin sa baril na hawak n
“Huwag mo nga akong utusan sabi eh! Punyeta!” Sa galit, nagpaputok si Sacrlet ng baril ngunit sa sahig ng rooftop ito tumama. Nagulat naman ang mga bata sa biglang pagputok kaya lalo lamang lumakas ang kanilang iyak.“Scarlet!" Agap na sigaw ni Seidon. "Oh, ito na lalapit na ako sa’yo habang nakaluhod.” Nagsimula nang humakbang si Seidon habang nakaluhod kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. Wala siyang hindi kayang gawin para sa kanyang mga anak.“Yan, ganyan nga Seidon. Gusto kong makita kung gaano mo sila kamahal na mahal. Dahil lahat ginawa ko rin para sa pagmamahal ko sa’yo! Ngunit pinili mong itapon ang pagmamahal na’yun!” Habang nagsasalita si Scarlet at sinasabayan ng pag-iyak at pagtawa, hindi niya namalayan na nakalapit na pala si Seidon sa dalawang stroller kung saan nakahiga ang dalawang bata. Mabilis niyang inilayo ang mga ito. Nagtataka man siya kung bakit hinayaan siya ni Scarlet, wala siyang pakialam. Mahalaga malayo ang dalawang bata sa baliw na babaeng ito.“Ngay
Humagalpak ng tawa si Scarlet nang makita ang reaksyon ni Seidon habang nakatingin sa dalawang kambal na kasalukuyang karga niya. Wala siyang pakialam kung mawalan man ng malay sa kaiiyak ang dalawang bata. Mas lalo siyang naexcite sa kanyang planong gawin. “Seidon!” Sigaw niya habang nakangisi. “Gusto mong makuha ang mga anak mo, hindi ba? Halika, ibibigay ko sila sa’yo. Lumapit ka.” Isang hakbang pa lang ang ginawa ni Seidon nang muli siyang huminto at pinagmasdan si Scarlet. Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakangisi at naghihintay sa kanyang paglapit.“Huwag kang matakot, Seidon. Halika, tayo ang dapat na magkasama at hindi si Dharylle.”Itinaas ni Seidon ang dalawang kamay at nagpasya na kausapin si Scarlet ng mahinahon. “Scarlet, kung ano man ang binabalak mong gawin, huwag mong idamay ang mga bata. Ako lang naman ang gusto mo hindi ba!?”“Tama ka Seidon. Ikaw lang ang gusto ko! Kaya hangga’t hawak ko ang mga bata, l
SAMANTALANG SA ST. BENEDICT HOSPITAL, kasalukuyang nakaupo si Seidon habang hawak ang kamay ni Dharylle. Dinala niya ito sa kanyang labi at dinampian ng mainit na halik. “I’m sorry, Love.” Sobrang awa niya sa asawa. Hindi na niya kayang kontrolin ang kagustuhan nitong lumabas ng ospital at hanapin ang kambal dahilan upang kinakailangan niyang pumayag na turukan ito ng pampatulog. “Malalagpasan din natin ito, Love. We need to hold on till the end. Kung saan man tayo dadalhin ng mga pagsubok na ito, may tiwala ako sa itaas.” Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay ni Dharylle at inayos ang kumot sa katawan nito. Hanggang ngayon hindi pa rin niya natutupad ang pangakong bigyan ito ng engrandeng kasal dahil sa sunod-sunod na pagsubok ang dumating sa kanila. Ngayon pa lang niya naalala ang phone nang marinig ang pag ring nito.Si Rhayan tatlong beses na pala tumatawag. Agad niya itong sinagot.“Bro, sinabi mo kanina na ikaw lang ang pakay ni Scarlet kung bakit niya kinuha ang mga bata. Ku