THIRD PERSON'S POV
Nasa may sala sina Sebastian at Xavier ng makita nila si Fate na pumasok sa pintuan."Kumusta ang lakad mo?" Tanong ni Sebastian. Napahinto naman si Fate sa paglalakad. Nanatili s'ya sa kinaroroonan n'ya habang nakayuko. Namumugto kasi ang kaniyang mga mata at ayaw n'yang makita nino man."O-okay lang. Papasok na ako sa kwarto." Saad nito at nag paunahan sa pagpaalis. Nanatiling walang imik si Xavier habang ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa dinaanan ni Fate. Naninibago siya dahil hindi ito maingay."Fate and I will be out tomorrow." Nabaling ang atensiyon ni Sebastian sa kaniya. Binigyan s'ya nito ng makahulugang ngiti."We'll be attending her sister's engagement party." Dagdag nito."Balita ko inagaw daw ng kapatid n'ya ang boyfriend ni Fate. Kaya may alitan silang dalawa hanggang ngayon. Paniguradong hindi pupunta si Fate dahil makikita n'ya ang ex boyfriend at kapatid n'ya na masaya."Komento ni Sebastian."That would be great. Besides, her ex-lover is now the new CEO of one of the companies that under our observation. We might find some clues." Saad ni Xavier at ininom ang isang tasang tsaa nito. Balak n'yang gamitin si Fate sa mga susunod na hakbang lalo na'y masasabing emotionally unstable s'ya sa ngayon.5 hours later...Kumatok si Fate sa labas ng opisina ni Xavier. Tamang-tama ang pag dating n'ya dahil kakatapos lang ng meeting nito sa iba pang shareholders ng kompanya. Pinapasok s'ya nito at pinaupo sa upuan na naroroon sa harap ng mesa ni Xavier."You will come with me tomorrow." Saad nito at iniabot ang isang paper bag sa kaniya. Puno naman s'ya ng pagtataka."Ano 'to? Saan tayo pupunta?" Sunod-sunod nitong tanong. Binuksan n'ya ang paper bag at bumungad sa kaniya ang isang golden dress."Para saan 'to?" Muling tanong nito."I'm invited to a party. I want you to come with me.""Ikaw pala ang invited eh bakit kailangan pa akong sumama?""As I said, I want you to come with me.""Tapos susuotin ko 'tong damit na 'to?""Try to eat that dress then tell me what does it taste." Pilosopong sagot ni Xavier sa tanong ni Fate. She burst in laughter."AHAHAHA nice joke. Hindi ko alam na ang tindi mo palang mag joke Xavi. You should have joined a comedy contest, I'm pretty sure that you'll win." Mapanuksong wika ni Xavier. He just gave him a cold shoulder."Ito naman hindi mabiro. Anong oras ba tayo aalis?" Ibinalik n'yang muli ang dress sa paper bag at tumingin kay Xavier."3 in the afternoon. By 1:30 tomorrow you can start preparing yourself. You know, girls really consume a lot of time." Napaismid naman si Fate. Tumayo na s'ya at nag simulang ihakbang ang mga paa papunta sa labas.FATE'S POVNandito na ako sa kwarto ngayon at isinusukat ang dress na binigay sa'kin ni Xavi. I can say that it suits me really well. I'm planning to put a light make up on my face...hmm perfect!Pakiramdam ko ay isa na ako sa mga Disney Princess dahil sa suot ko. Ang ganda ko talaga. I am adoring my beauty when I heard a knock on the door. Ng buksan ko 'yon ay tumambad sa'kin si Sebastian. Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa tsaka ngumiti."You're gorgeous." He commented. I smiled upon hearing his complement. I do really love receiving compliments lalo na sa mga malilit na bagay. I felt that my hard works and feelings are validated."Thank you." Pasasalamat ko sa kaniya."Pinapatawag ka na pala ni boss. Kanina ka pa n'ya hinihintay sa kotse." Automatiko akong nataranta ng marinig ko 'yon. Lagot na naman ako nito. Sumunod ako kay Sebastian papalabas sa mansiyon. Then there he is...standing in front of the car."I told you to prepare at 1:30." Ayan na naman mag sisimula na naman s'yang mag sermon. Ang sakit-sakit na sa taenga. Akala ko kapag manatili ako rito ay makakaligtas ako sa bunganga ni Vien—which is sobrang na mimiss ko ngayon—, pero mas malala pa yata si Xavi kung mag sermon eh."Hindi ko kasi namalayan ang oras." Sagot ko sa kaniya. Pumasok na s'ya sa kotse kaya sumunod din ako. Nasa harapan silang dalawa—si Sebastian ang mag mamaneho—, samantalang ako ay naiwang mag isa sa likuran."You should have set an alarm clock.""Oo na. Tama ka na. Ngayon ay napatunayan kong mali ang paniniwala ng karamihan na puro tama ang mga babae. Ikaw ang mag papatunay do'n." Marahas naman s'yang lumingon sa'kin at sinuklian ko lang s'ya ng ngiti. I know he's short tempered pero wala akong pakialam."Here." May inabot na naman s'yang paper bag sa'kin. Binuksan ko 'yon at tumambad sa'kin ang isang pares ng itim na sandal—mga 4 inch ang takong."Para sa'kin 'to?" Nililinaw ko lang dahil baka pinapaiinggit n'ya lang ako, diba?"Isn't obvious?""Kalma ka lang Xavi. Naninigurado lang naman 'yong tao eh." Isinuot ko na 'yon. Hmm. In fairness, komportable s'ya sa paa.Tahimik namin tinahak ang daan sa pupuntahan naming party. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako kanina. Lumabas na kami sa kotse at bumungad sa'kin ang hindi ko inaasahang makikita ko ngayon."B-bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Xavi. Umalis na si Sebastian dahil tatawagan nalang daw s'ya mamaya 'pag uuwi na."I told you that I was invited here." Inosente nitong sagot."Bakit ka naman nila iimbetahin? Kilala mo ba sila?" Sunod-sunod kong tanong. Nandito kami ngayon sa engagement party nina Liandra at Jerome. Hindi ako makapaniwala dahil pilit kong iniiwas ang sarili ko sa kanila pero tadhana naman ang gumagawa ng paraan na mapalapit ako sa kanila."I am a shareholder on Jerome's company. Why? Did you know them?" Tanong nito. Hindi nalang ako sumagot at sumunod sa kaniya."Good evening ma'am and sir." Bati ng dalawang tao na nasa labas. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanila. Pinagbuksan nila kami at sa puntong 'yon ay nakita kong nasa harapan silang dalawa—masaya. Napatigil sila ng pumasok kami sa loob. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Jerome. He became more handsome than when we were kids.Bahagya akong hinila ni Xavi papunta sa unahan dahil doon lang ay may bakanteng upuan. Bumaba silang dalawa para salubungin kami."Hi Sis!" Bati nito at nakipagbeso sa'kin."Akala ko na duwag ka na." Bulong nito sa'kin. Naramdaman kong ngumiti s'ya ulit."Buti naman at nakarating ka Fate." Saad nito sa'kin at kunwaring masaya s'ya ng makita ako."Hi Mr. Collins. I'm glad you made it. Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ng kapatid ng fiance ko."Fiance Ko...Fiance Ko...Fiance Ko...Parang tinarak na naman ang puso ko dahil narinig ko ang mga katagang 'yon mula sa kaniya. Napahawak ako ng mahigpit kay Xavi. Tumingin naman s'ya subalit ibinalik n'yang muli ang atensiyon kina Jerome at Liandra."Yeah. Fate and I are friends. I never thought that she's your sister Ms. Liandra." Sagot ni Xavi. Ngumiti naman ang kapatid ko. She likes it. Yung tipong nasa kaniya ang atensiyon ng lahat. Pinaupo nila kami sa bakanteng upuan na naroroon. Umakyat ulit sila sa stage. Pa simple kong iginala ang mga mata ko at doon nga'y nakita ko sina mama at papa na nakatingin din sa'min. They seemed to be worried."Thank you for giving us some of your precious time Mr. Collins." Sabi ni Jerome."Let me repeat my promise, my beloved Liandra. The world is huge yet here we are; magkasama ulit tayo. Hindi ko inakala na sa loob ng mahabang panahon ay hahantong tayo sa ganito. Babawi ako sa mga taong ipinagkait sa atin ng panahon. Yung mga pangako ko noon ay tutuparin ko ngayon. It's funny pero sinunod ko lahat yung mga sinabi mo. And you know what? It really worked. Pinapangako ko sa'yo at sa harap ng maraming tao na ikaw lang ang natatanging babaeng mamahalin ko. Ikaw lang ang babaeng hahanap-hanapin ko sa bawat pagmulat ng aking mga mata. Ikaw lang ang babaeng gustong mayakap at makatabi hanggang sa pag tanda. Hindi ko alam kung bakit mas pinili mo ang maging artista kasi naalala ko dati na hindi mo naman hilig 'yon but still, I'm here...nandito lang ako para suportahan ka. I love you, Liandra." Lahat ng tao ay nag palakpakan samantalang ako...ito, pinipigilan ang mga luha na nais kumawala sa mga mata ko.Just a normal day for everybody. Nasa opisina na naman ni Ashley si Xavier—kadarating lang nito kaya hindi niya muna ito inistorbo. Kumuha si Xavier ng tissue paper sa mesa niya at pa simpleng pinunasan ang ilang butil ng pawis na nasa mukha nito. "You're late Mr. Collins," wika niya habang nag titipa sa kaniyang laptop—palipat-lipat ang tingin niya sa computer at laptop na ginagamit niya."Mr. Collins? Why is that?" Sa nakalipas kasi na isang buwan ay hindi maipagkakaila na mas lalo sila naging close sa isa't-isa. Ashley called him by his name and not by his surname. Kaya nagtataka ito kung bakit bumalik na naman ito sa dating tawag niya."We're in the office," sagot ni Ashley. Hindi man kumbinsido ay hindi na muling nag pumilit si Xavier tungkol sa bagay na 'yon."I'd like to congratulate you for the success of our project Connect The Dots. Dahil tapos na ang project na 'yon, ito na rin ang magiging katapusan ng agreement natin," saad ni Ashley habang hindi pa rin inaalis ang tingi
Habang nasa hapagkainan, tahimik lang silang kumakain. Nag palitan naman ng tingin si sina Ashley at ang kaniyang ina."May problema ka ba, anak?" tanong ni Ashley. Inilapag naman ni Yuan ang kubyertos na hawak niya at nag paalam na aakyat sa kwarto niya."Sige na, kausapin mo siya." Tumango naman si Ashley tsaka sumunod rin sa itaas. Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan at bahagyang sumilip sa loob. Doon ay nakita niyang nakatalikbong si Yuan at naririnig niya ang mga hikbi nito. She's hurt for his son."Yuan, you can talk to mommy. 'Diba sabi ko sa'yo na nandito lang ako?" Nilapitan niya ang anak at tinanggal ang kumot sa buong katawan nito. Nakita nga niyang umiiyak ang kaniyang anak kaya mabilis niya itong niyakap at hinagod ang likuran."What's wrong, baby?" pagpapatahan niya sa anak."Aren't you sad, mommy? Daddy will have a family. How about us?" Napapapikit nalang siya dahil sa sinasabi ng anak niya. Mahirap naman talaga 'yon para kay Yuan. Tanging kagustuhan nito ay makilal
After a month...Nasa opisina na si Ashley ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Liandra. Nakangiti itong nag lakad papalapit sa kaniya. "Himala yata at napadpad ka rito. May kailangan ka ba?" tanong niya at binalingan ng tingin si Liandra."Gusto ko lang sabihin na you should stay away from Xavi." sagot ni Liandra. Kasabay niyon ay ang pagkawala ng mga ngiti sa kaniyang labi. Sa nakalipas na isang buwan ay naging mas malapit din sina Ashley at Xavier sa isa't-isa. Halos tatlong beses sa isang linggo ang pagbisita ni Xavier sa kanila kaya hindi naman maiwasan ng ibang tao na mag bigay sa kani-kanilang mga opinion. May iilan na nag sasabi na baka raw may nabubuong pag tingin na ang dalawa at ang iba naman ay ginagawa lang nila 'yon dahil sa trabaho. Sa mga may alam sa past nilang dalawa ay naiisip nila na bumabalik na naman sila ulit sa dati."I can't do that. He's my business partner after all kaya normal lang na halos araw-araw kaming may ugnayan sa isa't-isa." sagot niya hab
THIRD PERSON'S POV Nag punta si Xavier sa opisina n'ya na medyo wala sa sarili. Iniisip niya kung talaga bang may nangyari sa kanilang dalawa ng gabing iyon. Ang tanging naaalala niya lang kasi ay sabay-sabay silang umuwi nina Sebastian. Si Sebastian din mismo ang nag maneho ng sasakyan. Ng makapasok sa mansion ay agad niyang tinungo ang kuwarto niya. "Boss okay ka lang? Hindi ka lang dapat muna pumasok.""I'm fine." sagot niya sabay hinilot ang kaniyang sentido. Umupo naman si Sebastian sa sofa at sinimulang mag scroll sa tablet na hawak niya."Sebastian..." tawag niya rito."Bakit boss?" Nag aalangan siya kung dapat niya bang itanong ang tungkol doon o hindi."Did you remembered everything that happened last night when we came home?" Saglit namang nag-isip ito at kalaunan ay tumango."Dumiretso ka na agad sa kuwarto mo." "Then? Is there anything unusual to me or Liandra?""Habang papasok ka sa kuwarto mo ay nakita kong nakatingin sa'yo si Liandra. Sinabi ko sa kaniya na matulog n
"CHEERS!" sigaw ni Sebastian kaya mas lalo akong napangiti. After all this years, Sebastian became my friend kahit na wala kaming masyadong interactions. Sa ginawa niya ngayon ay ni release niya ang tension between us. While Jericho is still protecting me kahit na mismo sa kapatid ko."CHEERS!" sabay-sabay naming tugon at tinungga ang alak na nasa mga baso namin."So, Xavier, ilang taon na kayo ni Liandra?" tanong ni Jerome. Bahagyang tumingin muna si Liandra kay Xavier bago sumagot."We are four years of being together." sagot ni Liandra."How come? I mean, nanligaw ba siya sa'yo?""N-no! But we fall in love with each other." Hindi naman halata."Is it true, Xavier?" tanong ni Jerome sa kaniya. But he refused to answer the question. Instead, uminom lang ito ng alak."Of course, it is." sagot ni Liandra."Ikaw Sebastian, did you believe that both of them are in love? Or it's just a one sided love?" Napunta ang atensiyon namin kay Sebastian."Haha wala akong alam diyan. Ang dami ko ng
FATE'S POV Nag sisidatingan na ang mga bisita para sa kaarawan ng anak ko. Childrens party ang ginawa namin dahil gusto kong ma enjoy ni Yuan ang pagkabata niya. May iilan din namang adults ang invited sa party kagaya nina Teacher Aeris, Mr. Collins, Sebastian and some of my employees like Giselle and Jennica. Kasalukuyan ng nag sisimula ang show ng mga clowns at magicians kaya naman busy ang anak ko sa kanonood at halatang nag eenjoy siya. Seeing him happy is enough for me.Mula sa gate ay nakita ko ang sabay-sabay na pagpasok nina Xavier, Sebastian at... Liandra? Bakit siya nandito? Wala akong natatandaan na inimbeta ko siya, ah."Here's a gift for Yuan." Inabot ko naman 'yon."Thank you. Please help yourselves." sabi ko sa kanila at tinungga ang wine na nasa loob ng baso ko."Babe, pakikiha ako ng pagkain. Kaunti lang ha, h'wag mong damihan kasi diet ako." Hindi ko alam pero medyo natawa ako sa kaunti lang daw tapos h'wag damihan. Tsaka bakit kaya hindi nalang siya sumama roon at