Sumapit ang gabi, Sa bandang sulok ng bar kung saan ang kulay asul na dim light lamang ang nagbibigay kulay, naroon ang dalawang babae.
Isa sa kanila ang may maikling buhok na hanggang tenga, at galit na galit. “Really?! Ano bang ibig sabihin ni Xander dito? Gurl, kapag hindi ka pa naman matauhan dito!" Galit na galit si Shaina at halos idikit na niya ang cellphone niya sa mukha ni Margaret. Ipinapakita nito ang balita na kumalat kaninang tanghali lang. "Ano ba ang relasyon ni Cassandra at ng magaling mong asawa noon? Mag kababata?! Kasal pa siya pero ginawa niyang president si Cassandra ng kumpanya at duon pa sa branch na personal niyang mina-manage! Where's his fucking consideration?! Isang malaking kahihiyan! Pinagtatawanan ka pa nila!" Lalong uminit ang ulo ni Shaina habang nagsasalita at habang binabasa ang mga comment galing sa mismong empleyado ng kumpanya. Nakayuko si Margaret. Bahagyang siyang ngumiti, tila ba sanay na sa lahat ng ito. "Ngayon lang ba nila ako pinagtatawanan? Huwag mo na lang silang pansinin." Simula nang mahalin at pakasalan niya si Xander, naging katatawanan na siya sa lahat. Maraming inggit at panlalait ang kanyang naranasan. Pagkatapos ng kasal, walang pagmamahal, puro panlalamig. Bawat paglabas nilang magkasama, dinadaanan siya ng tingin at nilalait. Kung pinansin niya lahat ng iyon, baka matagal na siyang nabaliw. Ngunit kahit paano, nang makita niya ang balita ngayon, hindi niya napigilang masaktan. Bilang asawa, upang mapalapit kay Xander, pinag-aralan niya ang computer science, pinagsikapan ang kanyang trabaho at nag-apply sa Ramirez Group. Ngunit ang kapalit lamang nito ay pagtanggi mula sa pamilya, at malamig na salita mula sa Asawa. Samantalang si Cassandra, kakarating lang mula abroad, agad ginawang presidente ng bagong branch na isa sa personal na mina-manage ng asawa. "That was unfair, Very unfair" bulong niya sa sarili. "Sige na, divorce ang pag-uusapan natin ngayon, hindi sila.” Ngumiti si Margaret at pinakalma si Shaina. Shaina is her best friend. Isang abogado na halos pitong taon nang nasa propesyon. Kahit bihira sa divorce, siya agad ang pumasok sa isip ni Margaret—kilala, mapagkakatiwalaan, at may malasakit. “Fine. Huwag na nating pag-usapan ang mga walang kwentang iyon.” Ibinaba niya ang phone, saka inilabas ang prenup agreement mula sa tumpok ng papeles. Inilapag ito sa harapan ni Margaret at tinuro ang ilang detalye. "Mabuti at naipasa mo agad sa akin ang mga documents kagabi. Pero itong prenup agreement na 'to... masyadong pabor kay Xander. Kung makipag divorce ka, wala kang makukuhang kahit." Tahimik lang si Margaret. Hindi na siya nagulat. Hindi siya minahal ni Xander, ni pinagkatiwalaan. Kaya noon pa lang ay may kasunduan na—ang lahat ng ari-arian ay mananatiling sa pamilya Ramirez at wala siyang karapatan. "Ang kapal pa ng mukha nya ha..." panimula ni Shaina habang ipinakita ang agreement sa kaibigan. "Pinapirma nya pa ang parents mo as witness!" Halos malaglag sa kinauupuan si Margaret. Matagal nang nasa kanya ang prenup agreement pero hindi nya napansin ang parteng iyo. "Wait—really?" "Yes, hindi mo ba binasa to?" Mahiya-hiyang umiling si Margaret. "Gosh, Marga!" nasapo ni Shaina ang noo niya at itinuro ang kabilang page ng agreement. "It was also stated na buong custody ni Leo ay mapupunta kay Xander" Margaret sigh. "Wala akong pake sa bata, ang concern ko at ang witness." "Gurl, naririning mo ba sarili mo? Anak mo yun, halos mamatay ka maipanganak mo lang ang batang yun." "At ayaw nya sakin, I over heard his conversation with Cassandra. He doesn't like me, even a slightest bit. Katulad ng ama nya. Mga lintik." Shaina felt bad. "Oh, sorry, akala ko—" "Don't be sorry,wala kang kasalanan. Kasalanan nila lahat to." "But—" "Does this witness thing means my parents knew this all along?" Shaina nod. "Maybe yes, maybe no. Hindi natin alam kung ilang page ang pinakita ni Xander kila tita. Must be the last part since ang nakalagay lang don e, Margaret Yanna Acosta—Ramirez can keep all her own possessions and assets." Gusto niyang tawagan ang mga magulang pero sa panahong ito ay nasa bakasyon pa sila at hindi ma-contact. At kahit pa wala sila sa bakasyon, she wouldn't even dare dahil sa away nilang hindi matapos tapos. Tumango na lamang si Margaret. "Is there anyway I can get a compensation?" tanong ni Margaret habang kalmado pa rin. Wala siyang balak humingi ng kahit ano sa pamilya ng Ramirez. Nagsakripisyo siya, nagtiis, nagtrabaho, hindi ba’t may karapatan siyang mabigyan kahit kaunting compensation? “Mahihirapan tayo. May prenup, tapos may trabaho ka rin. At hiwalay kayo ng industry…” Hindi na kinailangan ni Shaina tapusin ang sinasabi, naintindihan na ni Margaret. Pero umasa pa rin siya. “Paano kung may ebidensyang nambababae siya?” Tumango si Shaina, “Kung may malinaw na ebidensya, puwede nating ipaglaban.” Kaso, wala si Margaret. Wala siyang ebidensyang nagpapatunay na nagkikita ng patago si Xander at Cassandra. Lumilitaw na talagang aalis siya nang walang kahit ano, pero ayos lang. Gusto na niyang tapusin ito. Matagal pa silang nag-usap tungkol sa divorce bago tuluyang umalis ng bar bandang alas-diyes ng gabi. Pagkalabas nila, biglang napatigil si Margaret. "Why?" tanong ni Shaina. "That's Xander's car." Tinuro ni Margaret ang isang itim na Phantom na naka-park sa gilid. Pamilyar na pamilyar siya sa plaka nito. Bago pa sila magtaka kung anong ginagawa ng sasakyan doon, bumukas ang pintuan at isang babae ang lumabas. Nakasuot siya ng peach-colored na down jacket, magulo ang kulot niyang buhok, at mapungay ang matang tila luluha. Halatang kagigising lang o may nangyari sa loob ng kotse. Pareho nilang nakilala ang babae, si Cassandra. Napalingon si Cassandra nang maramdamang may nakatingin. Nang makita si Margaret, namutla ito at agad tinakpan ang mga labi kung saan kumalat ang lipstick. Sumunod na lumabas si Xander. Suot lang niya ang manipis na suit, hindi naka-button ang polo, at may lipstick sa kanyang kwelyo. Pati ang labi niya ay mapula, na parang may halik o marka. Alam ni Margaret kung anong klaseng tingin iyon. Kilala niya si Xander. Hindi na kailangang itanong kung ano ang nangyari sa loob ng sasakyan. Ilang buwan na rin mula nang huling may mangyari sa kanila ni Xander. Kailan pa nagsimula ang dalawa? Gaano na katagal ang panlilinlang? Namutla si Margaret. Tahimik siyang nakatayo malapit sa pintuan ng bar. Hindi pa siya napapansin ni Xander dahil abala ito kay Cassandra. "What the—Really? Kahit sa public ginawa pa nilang motel! mga walang hiya!" bulalas ni Shaina, puno ng galit. Aabante na sana siya nang pigilan siya ni Margaret. “Huwag. Kailangan ko ng ebidensya.” Naunahan ng gulat si Shaina. “Nakukuha mo pang mag-picture?” Pero napansin niyang nanginginig ang kamay ni Margaret. Napalitan ang galit niya ng awa. Sa mga sandaling iyon, napansin na rin ni Xander ang presensya nila. Napakunot ang noo, halatang hindi natuwa. Hindi ba't nasa business trip dapat si Margaret? Ngunit ang mas ikinagalit niya ay ang palihim na pagkuha ng picture. Tumapik siya sa bintana ng sasakyan at malamig na utos sa driver, Sumunod ang driver, he was a tall, and handsome guy with sharp brown eyes. Bumaba ito at mabilis na lumapit sa kinatatayuan nila Margaret.“Baguio? You're going to Baguio?” Gulat na tanong ni Wayne.Hindi niya alam kung saan naka-kuha ng lakas ng loob si Margaret pra mag-demand ng ganoong bagay.“Cousin,” sabi niya na medyo inaasar pa, “That's too far. Sigurado ka ba?”Tumango si Margaret. “Kung hindi mo kaya, pwede mo na lang akong pahiram ng kotse—”Hindi pa siya natatapos nang itaas ni Wayne ang kamay para pigilin siya, sabay tayo na may halatang excitement sa mukha. “Hindi, hindi, hindi. Sasama ako! Ako na magda-drive!”At siyempre, 19 years old lang siya, edad ng mga batang sabik sa adventure. Eksakto sa rebellious phase niya, at gustong-gusto niyang patunayan ang sarili. Kaya nang marinig niya ang ideya na mag-drive ng halos isang bundok papuntang Baguio, sobrang excited siya. Parang gusto na niyang umalis agad-agad.Pero…“Pababain muna natin ang lagnat mo dahil mahina ka pa,” sabi niya, medyo nagdadalawang-isip. “Dapat kaya maghintay muna tayo ng dalawang araw bago umalis?”Umiling si Margaret. “Aalis tayo ngayon
Medyo nahilo si Margaret at parang umiikot ang ulo niya. Yung mga salitang naririnig niya ay malabo, pati paningin niya, parang may usok sa harap ng kanyang mata. Mainit ang buong katawan niya, at pakiramdam niya ay sobrang hina at walang lakas.Napansin ni Wayne na matagal nang hindi siya nagsasalita, namumula ang mukha, at nang hinawakan niya ang noo nito, grabe, sobrang init!Agad siyang lumabas para tawagin ang maybahay ng bahay.May mataas na lagnat si Margaret. Matapos ang kung anu-anong abala, naipainom din siya ng gamot at nakatulog uli.Pero hindi komportable ang tulog niya. Sa gitna ng panaginip, bumalik siya sa nakaraan…Sa unang beses na nakita niya si Xander.Higit pa sa pitong taon ang nakalipas iyon.Panahon pa na nasa kolehiyo siya. Siya at ang kaibigang si Shaina ay naglalakad sa mababaw na baha, tumatawa sila habang nagkukwentuhan.Napalingon siya at aksidenteng nakita si Xander na nakatayo sa Hallway.May grupo ng tao doon, pero si Xander ang pinakakitang-kita.Hind
May eksena sa loob ng isang maliit na villa sa bungad ng isang baryo malapit sa labas ng lungsod.Isang binata ang paikot-ikot na nag-aabang sa may pintuan ng kwarto.Maya-maya, bumukas ang pinto at lumabas ang maybahay. Tumango siya sa binata.“Pinunasan ko siya ng mainit na tubig, pinainom ng salabat, at pinalitan ng tuyong damit. Tulog na siya ngayon.” Ngunit may bahid ng pagkainis ang mukha ng maybahay at sinabing, "Ano ba ‘yan, ganyan ka ba mag-alaga ng girlfriend? Magkakasakit siya kung mababasa nang husto sa ulan.”Nahihiya si Wayne at agad na sumagot, “Hindi ko po sya girlfriend, pinsan ko siya.”Noong una ay sasabihin niya sanang asawa ng pinsan niya, pero dahil sa sitwasyon, pakiramdam niya ay awkward sabihin iyon, kaya “pinsan” na lang ang sinabi.Walang pagdududa ang maybahay at umalis matapos magbilin ng kaunti.Pumasok si Wayne sa sala. Umupo siya sa gilid ng kama, nakalabas ang isang paa, at nakatitig sa maputlang babae na nakabalot nang mahigpit sa kumot. Marami siyang
Magdamag ang naging paghahanap pero sa huli, pinabalik si Xander sa lumang bahay ng kanyang ama."Nasiraan ka na ba ng bait?!" bulyaw ni Papa John sa loob ng study room.Maraming tao ang ipinakalat kagabi, at naging usap-usapan ito. Maraming tao sa kanilang social circle ang nakikialam at nanonood ng eksena. Maging siya, na matagal nang hindi nakikialam sa anumang bagay, ay napasugod.Basang-basa ng ulan si Xander buong magdamag, maputla ang mukha, ngunit wala siyang pakialam."I don't care about what they think,I have to find her."Namaga ang ugat sa noo ni Papa John sa sobrang galit, kaya’t kinuha niya ang tasa ng tsaa sa mesa at ibinato ito."You—!"Handa na sana siyang magpatuloy sa sasabihin nang biglang may kumatok sa pinto.Si Leo, na matagal nang nakatira sa lumang bahay, ay pumasok."Leo, maaga pa, bakit hindi ka pa matulog ulit?" Pagkakita sa kanyang apo, lumambot ang ekspresyon ni papa John at naging mas banayad ang tono."Lolo, I can't sleep po." Maputla ang kanyang mukha
Umugong ang kulog at kumislap ang kidlat. Sa loob ng madilim at malamlam na silid, nanatiling tahimik ang lahat. Ang munting robot na may pulang sumbrero, na muling nabuhay, ay nakahandusay sa pagitan ng dalawang tahimik na tao, bahagyang nakatagilid.Nakatayo si Margaret, nangingilid ang mga luha.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Akala niya'y guni-guni lang iyon, pero kilalang-kilala niya ang boses ni Xander noong kabataan nito. Hindi pwedeng magkamali. Hindi pwedeng balewalain.Hindi niya maintindihan. Magulo ang isipan niya.Ang pitong taong pagsasama nilang mag-asawa, mula sa nakakatawang simula, patungo sa nakakatawang pag-usad, hanggang sa ngayon, mas lalo pang naging katawa-tawa.Kung ang lahat ng “I don't love you” sa loob ng pitong taon ay kasinungalingan… ano na ang saysay ng lahat ng ito? Ano ang totoo?Tahimik siyang lumuha habang unti-unting gumuguho ang kanyang puso.---“Marga…”Nanginginig ang mga mata ni Xander punô ng panibagong emosyon, tila may pangamba. D
"Ano bang gusto kong malaman?"Sandaling nag-alinlangan si Cassandra bago niya pinindot ang file. Mayroong napakaraming impormasyon at ilang mga pictures. Pagkatapos niyang mapanood at mabasa ang lahat, namutla ang kanyang mukha at napakadiin ng kapit niya sa cellphone dahilan para muntik na itong mabasag.‘’This. This is what I wanted to know.’’Habang nasa ibang bansa pa siya noon, malinaw pa rin sa kanya ang mga nangyari kina Xander, Margaret, at Asher pitong taon na ang nakalilipas.Hindi man niya alam kung sino ang nagpadala nito, kapareho ito halos ng mga natuklasan niya noon, mas detalyado pa nga.Malaki ang posibilidad na totoo ito."You lied to me," bulong niya. "Xander, you really lied to me."Pagkasabi nito, bigla siyang tumayo at ibinato ang cellphone sa pader, nagkabasag-basag ito. Pero kahit iyon, hindi sapat para maibsan ang galit at sakit sa kanyang dibdib.Parang isang baliw, winasak niya ang lahat ng gamit sa kwarto. Pulang pula ang kanyang mga mata, puno ng galit at