共有

Kabanata 98

last update 最終更新日: 2025-06-19 22:25:46

“Gaano ka kabaliw, Xander?”

Hindi na kinaya ni Margaret ang bigat ng emosyon.

Nanginginig ang buong katawan niya habang pilit pinipigilan ang mga luha. Pero kahit anong pigil niya, isang luha ang bumitaw, tumulo ito mula sa gilid ng kanyang mata, dumaan sa makapal niyang pilikmata, at dahan-dahang bumagsak sa likod ng kamay ni Xander.

Napasinghap si Xander. Bahagyang nanginig ang kamay niya.

“... Xander,” garalgal ang boses ni Margaret habang pinipilit magsalita kahit nabibiyak ang puso niya, “you’re such a bastard.”

Tahimik lang ang lalaki. Wala siyang sinabi. Pero unti-unti siyang tumayo, yumuko, at dahan-dahang nilapit ang mukha niya sa babae. Sa bawat kilos niya ay may kontrol, may pagsasaalang-alang, pero may halong possessiveness na hindi niya maitago.

Hinaplos niya ang pisngi ni Margaret gamit ang labi, hindi para halikan siya ng malalim, kundi para punasan ang luhang iniwan nito. Dahan-dahan, banayad, at tila inaalala ang bawat himaymay ng kanyang balat. Umakyat ang halik niya
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 100

    Villa of Ramirez.Bumukas ang pinto ng master bedroom at mabilis na pumasok si Leo Tuloy-tuloy siyang sumubsob sa yakap ng kanyang ina na nakaupo sa gilid ng kama.“Mommy! Sabi ni Daddy busy ka raw lately kaya bawal kita guluhin. Pero miss na miss na kita,” inosenteng sabi ng bata habang nakayakap ng mahigpit.Napahigpit ang yakap ni Margaret sa malambot at maliit na katawan ng kanyang anak. Sa sandaling iyon, parang may kirot sa dibdib niya, isang pagsabog ng damdamin na matagal niyang tiniis.Anak niya ito. Dugo’t laman niya.Pero ang sakit… hindi maikakaila.Naalala niya, isang araw bago ang hearing sa korte, nakita niya si Leo, hawak ang kamay ni Cassandra, habang magkasamang naglalakad kasama si Xander. Masaya sila. Parang isang "buong pamilya."Ang bigat sa puso niya.Pero anak niya si Leo. At kahit anong sama ng loob niya sa ama nito, hindi niya puwedeng ibuhos sa bata. Kaya dahan-dahan niyang inalis ang pagkakayakap at pinaupo ito sa tabi niya.“Leo,” mahinahon niyang simula,

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 99

    Nang makuha ni Margaret ang cellphone, ang unang tawag na ginawa niya ay kay Shaina.Alam niyang kanina pa siya hinihintay nito. Magkasabay silang dapat aalis, pero hindi siya nakarating. Imposibleng hindi nag-panic si Shaina sa pagkawala niya.Sa unang ring pa lang, agad itong sinagot.“Shaina...” mahinang tawag ni Margaret.“Marga?! Oh my god, it’s really you?!” sigaw agad ng kaibigan niya sa kabilang linya, halatang halata ang pag-aalala at galit sa tinig nito.“Okay lang ako... don’t worry,” pilit niyang pinakalma ang tinig, kahit nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang cellphone. “Ikaw? Nakaalis ka ba?”“Aalis?! Paano ako aalis? Yung mga tao ni Xander, sinugod ako sa airport! Kinuha lahat ng gamit ko, tapos ako pa pinauwi at pinagalitan ng tatay ko nang wala sa oras! Grabe, wala na bang respeto sa batas yung lalaking yun?!”Napayuko si Margaret. Napuno ng guilt ang puso niya. “Sorry, Shaina... Kung hindi ako naging kaibigan mo, sana... sana hindi ka nadamay sa lahat ng to

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 98

    “Gaano ka kabaliw, Xander?”Hindi na kinaya ni Margaret ang bigat ng emosyon.Nanginginig ang buong katawan niya habang pilit pinipigilan ang mga luha. Pero kahit anong pigil niya, isang luha ang bumitaw, tumulo ito mula sa gilid ng kanyang mata, dumaan sa makapal niyang pilikmata, at dahan-dahang bumagsak sa likod ng kamay ni Xander.Napasinghap si Xander. Bahagyang nanginig ang kamay niya.“... Xander,” garalgal ang boses ni Margaret habang pinipilit magsalita kahit nabibiyak ang puso niya, “you’re such a bastard.”Tahimik lang ang lalaki. Wala siyang sinabi. Pero unti-unti siyang tumayo, yumuko, at dahan-dahang nilapit ang mukha niya sa babae. Sa bawat kilos niya ay may kontrol, may pagsasaalang-alang, pero may halong possessiveness na hindi niya maitago.Hinaplos niya ang pisngi ni Margaret gamit ang labi, hindi para halikan siya ng malalim, kundi para punasan ang luhang iniwan nito. Dahan-dahan, banayad, at tila inaalala ang bawat himaymay ng kanyang balat. Umakyat ang halik niya

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 97

    Isang malakas at matinis na sampal ang umalingawngaw sa loob ng sala ng villa ng mga Ramirez.Galit ang laman ng mga mata ni Xander habang tinitigan si Rio."What did I told you?!" Bumigat ang boses niya, malamig at mabagsik. "I told you to bring her back safe and whole. Is this what 'safe' looks like to you?"The woman, his wife, was lying unconscious on the bed, her palms bloodied, bearing marks of desperate struggle. The scene before him looked like a nightmare.Nanatiling tahimik si Rio kahit dumugo ang gilid ng labi niya sa sampal. Walang emosyon, parang wala siyang nararamdaman.“Where are her things?” tanong ni Xander, malamig pa rin ang boses.“Pinakuha na sa airport,” sagot ni Rio. “Paano naman si Shaina?”Sumeryoso ang mukha ni Xander.“Ibalik siya sa pamilya nila. Sabihan ang ama nya na bantayan ang anak niya. Huwag na huwag na niyang panghimasukan ang buhay ng asawa ko. At isa pa, ipasuspendi ang posisyon niya sa Law Firm. Kung wala siyang gana magtrabaho, huwag na siyang

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 96

    ‎‎“You can never escape me.”‎‎Mainit ang sikat ng araw habang papalapit si Margaret sa korte. Mula sa kabilang kalsada kung saan siya ibinaba ni Cassandra, tumakbo siya nang mabilis, halos hindi na alintana ang mga sasakyang dumaraan. Malapit na siya sa main gate… konting hakbang na lang.‎‎Pero hindi niya inaasahan ang biglang paghinto ng isang itim na sasakyan sa tabi niya.‎‎“Pak!”‎‎Biglang bumukas ang pinto, at isang malakas na kamay ang humablot sa kanyang balikat. Bago pa man siya makasigaw, hinila siya papasok sa loob ng kotse.‎‎“Kidnapping?!” ‎Ang utak niya’y sumabog sa kaba.‎Sino?! Bakit dito mismo sa labas ng korte?!‎‎Agad niyang binuka ang bibig para humingi ng saklolo, pero mabilis ding tinakpan ng kamay ang kanyang mga labi. Isang braso ang pumulupot sa kanyang baywang, mariin at walang puwang para makawala.‎‎“Mmmph—!”‎‎Pilit siyang nagpumiglas, desperado. Nakahanap siya ng lakas na hindi niya alam na meron siya. Naitulak niya nang kaunti ang pinto habang u

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 95

    “Sa gitna ng kaguluhan, ang tanging mahalaga lang ay makarating.”Mainit at maliwanag ang araw.Sa labas ng ospital, bahagyang napaangat ang mukha ni Margaret, pinikit ang mga mata’t hinayaang salubungin ng araw ang kaniyang mukha. Sobrang liwanag. Parang nasa ibang mundo siya, malayo sa gulo, malayo sa ingay, malayo sa sakit.Pero panandalian lang ‘yon. Ilang sandali pa, bumalik siya sa katinuan at agad na sumakay sa sasakyan.Forty minutes lang ang layo ng ospital sa korte, kaya maaga siyang umalis.Pagtingin niya sa phone: 7:32 AM.May tatlong oras pa bago magsimula ang hearing. Tamang-tama.---Samantala, sa loob ng bahay ng pamilya Ramirez,Xander stood tall in a slim-fit black suit with his cold presence, sharp features, and looking more determined than ever.He silently got into the car.In the other vehicle, the window rolled down. It was Rio.Tumango lang si Xander bilang kumpirmasyon. Sabay nilang iniwan ang bahay.Tahimik. Walang drama. Pero ramdam ang tensyon.Habang nasa

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status