LOGINPagkatapos nilang mag-usap ni Tyler ay parang may bagong pag-asang nabuhay sa kanyang dibdib. Agad siyang lumabas ng kwarto at pumunta kay Lola Beth.Sa sofa na ang dalawang matanda at nag-uusap.“Iha… akala ko ba magpapahinga ka na?” tanong nito nang makita siya.“Lolo, Lola, may sasabihin sana ako sa inyo.”Ngumiti ang mga ito at inaya siyang umupo sa tabi nila.“Ano ’yun, iha?” tanong ni Lolo Gregore.“Lolo, Lola… magpapaalam sana ako na aalis dito pansamantala.”“Saan ka naman pupunta?” nagtatakang tanong ng mga itoYumuko siya. Nahihiya siyang magsabi pero ito na ang pagkakataon.“Kailangan ko din magtrabaho para sa sarili ko, Lola.”“Bakit ka pa magtatrabaho? We can give all you want.”“Pero hindi n’yo po ako totoong apo. Ano na lang ang sasabihin ng mga apo n’yo na totoo?”“Hindi sila ganoon at hindi naman kami nagkulang sa kanila. I’m sure they will be happy too kapag nalaman nila na nasa poder ka namin.”Umiling siya. “Pero hindi po ako ganoong tao, Lolo, Lola. Bata pa lang a
Nanatili siyang nakatitig sa cellphone kahit matagal nang naputol ang tawag. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan niya. Hindi siya agad nakaiyak.Para siyang naestatwa sa kinauupuan habang paulit-ulit na bumabaon sa isip niya ang bawat salitang binitawan ni Tiffany.“Kakatapos lang namin mag-sex…”Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata, tila umaasang mawawala ang narinig.Pero hindi. Mas lalo lang itong lumilinaw at kumukurot sa puso niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay hawak ang cellphone, nanginginig ang mga kamay. Hindi niya alam kung alin ang mas nangingibabaw... galit ba, sakit, o hiya?“Hindi totoo…” mahina niyang bulong sa sarili.Pero kahit sabihin niya iyon, may bahagi sa kanya na natatakot. Paano kung totoo? Paano kung habang iniisip niya si Tyler… habang pinipigilan niyang tawagan ito… habang nahihiya siyang magparamdam… si Tyler naman ay nagpapakasasa kay Tiffany?Mariin niyang kinagat ang kanyang ibabang labi. “Hindi…” umiling siya. “Hindi s
JOLISA’S POV:Pagpasok ni Jolisa sa main door, sinalubong siya ng katahimikan ng bahay. Sa sala, naabutan niya si Lola Beth na kabababa lang ng telepono. Nakaupo ito sa sofa, ngunit agad napatingin sa kanya at ngumiti.“Apo, andito ka na pala,” malambing nitong bati. “Saan ka ba galing?”Ngumiti rin siya, kahit may bahagyang pagod ang mga mata niya. Lumapit siya at marahang humalik sa pisngi ng matanda. “Sorry po, la. Ginabi ako… nagpalamig lang sa mall.”“Ganun ba…” Bahagyang kumunot ang noo ni Lola Beth, tila sinusuri ang kanyang mukha. “Nalulungkot ka ba?”Saglit siyang natigilan, saka mabilis na umiling. “Huh? Hindi po, la. May binili lang po akong importante,” palusot niya, pilit pinapakalma ang sarili.“Ganun ba?” mahinang tugon ng matanda, bagaman hindi lubos na kumbinsido.“Pasensya na po kung pinaghintay ko kayo ni Lolo Gregore,” dagdag pa niya.“Hindi, iha, tama lang ang dating mo. Nasa library pa ang lolo mo, may kausap pa sa telepono. Halika, dito ka muna. Hintayin natin s
TYLER’S POV: Kasalukuyan siyang nasa kanyang kwarto sa condo, tahimik na nakaupo habang nakatitig sa kanyang cellphone. Naghihintay kahit isang mensahe o isang tawag. Kahit ano.... mula kay Jolisa. Kanina pa siya tulala. Mula nang umalis sila ni Tiffany sa rancho, hindi na niya magawang alisin sa isip ang huling sandali nilang magkatabi ni Jolisa. Hindi niya ito ginising. Napaka-payapa ng mukha nito habang natutulog, parang ayaw niyang sirain ang katahimikang iyon. Ngunit ang totoo hindi niya kayang makita ang pag-alis habang gising si Jolisa. Masyadong masakit. Mabigat ang loob niyang iwan ang dalaga, pero kailangan niyang umalis. Kahit nag-usap na sila kagabi at nagkaintindihan, pakiramdam niya… may kulang pa rin. May mga salitang hindi nasabi. May mga damdaming hindi lubusang naipahayag. Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto nito kanina, marahan niyang hinalikan sa noo si Jolisa. Ngayon lang siya nagmahal nang ganito. Ngunit sa kabilang lahat, hindi sila pareho ng nararamdaman
Bigla tuloy siyang nahiya. Hindi na niya magawang kwento kay Daniel ang tungkol kay Tyler, lalo na’t naroon si Mama Jess.“Sorry, Jolisa,” napakamot sa ulo si Daniel. “Ang kulit kasi ni Mama Jess. Gusto talagang sumama.”“Okay lang,” mahina niyang sagot.“So… kamusta ka na?” muling tanong ni Daniel. “Ano ‘yung sinabi mo kanina sa telepono, hiwalay na kayo ni Tyler?”Hindi siya sumagot. Parang muli na namang tutulo ang kanyang mga luha.“A-ako rin naman ang may kasalanan…” bulong niya sa wakas. “Ayokong umalis siyang nag-iisip sa akin… at ayoko ring mag-isip sa kanya habang malayo siya.”“I think you did a great job,” sagot ni Daniel, pilit siyang pinapagaan ang loob. “Okay lang ‘yan. Bata ka pa naman. Alam ko cliché pakinggan, pero… kung kayo, kayo talaga sa huli.” Bahagya pa itong natawa.“Anong gagawin ko, Dan?” nanginginig ang boses niya. “Nalulungkot ako kapag naiisip ko siya. Mag-isa na lang ako sa bahay… Hindi ko pa alam kung aalis na ba ako doon o manatili. Si Tyler naman ang t
Pagmulat ng kanyang mga mata kinabukasan, agad niyang hinanap ang init ng yakap ni Tyler, ngunit malamig ang espasyo sa tabi niya... Wala na ito.Napabalikwas siya ng bangon. Mabilis siyang napatingin sa relong nakapatong sa gilid ng kama. Alas-nueve na ng umaga. Nanlaki ang kanyang mga mata.“Hala…?” bulong niya sa sarili, hindi makapaniwala. Hindi niya inakalang makakatulog siya nang ganoon kahaba, lalo na matapos ang magulong emosyon ng nagdaang gabi.Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Agad siyang bumangon, halos madapa sa pagmamadali, at naglakad palabas ng kwarto.Habang papalabas, ramdam niya ang unti-unting pagbilis ng tibok ng kanyang puso, parang may hindi maipaliwanag na kaba na gumagapang sa kanyang dibdib.“Tyler?” tawag niya, bahagyang nanginginig ang boses. Ngunit walang sumagot.Mabilis niyang nilibot ang sala. Walang tao. Tahimik ang buong bahay, tila walang bakas ng anumang presensya.Agad siyang lumapit sa pinto ng kwarto ni Lola Beth at kumatok nang sunod-sunod.“
CLARKSON POV:Damn, muntik na silang maghalikan ni Aria!... Muntik na talaga!Sambit niya habang dali-daling papasok sa kanyang kwarto. Naramdaman niya pa rin ang init ng hininga ni Aria sa mukha niya. At habang nakatitig siya sa magandang mukha ng dalaga kanina, ay parang tumigil ang oras.Hindi n
Tiningnan niya lang ang papalayong si Madison. Hindi pa rin siya makapaniwala na humingi ito ng tawad sa kanya. Pero hindi niya alam kung sincere ito o mina-mind games lang siya.Kahit pa sabihing napag-usapan na nila ni Clarkson ‘to, pero masakit pa rin. Kahit pagbali-baliktarin ay siya ang dehado
“Aria?...”Napatingin siya sa kanyang likod nang may tumawag sa kanyang pangalan. Napangiti naman siya nang makita si Ben.“Ben? What are you doing here?” Agad siyang tumayo at nagbeso sa kaibigan.“I’m just visiting Mayor Enrico Fernandez... he’s my tito.”“Really? Tito mo si mayor? What a small w
“But it’s a secret… kaming dalawa lang nakakaalam… at ikaw ngayon, syempre, dahil sinabi ko na sa’yo.” sabi nya sa pinsan. “Aayusin niya daw ang sa kanila ni Madison. Makikipaghiwalay siya then we will make it official.”“Pumayag kang maging kayo ni Clarkson habang may nobya siya? Kabit ka, ganun?”







