LOGINHindi na siya sumagot.Kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin pa niyang umuwi agad sa Pampanga para makasama si Jolisa kaysa maglibot pa sa siyudad kasama si Tiffany.Habang tahimik silang kumakain, may isang tanong na biglang pumasok sa isip niya.“Habang nasa Sagada ka, Tif... wala ka bang naging nobyo doon?”Biglang natigilan si Tiffany. Para bang nabigla ito sa tanong niya.“B-bakit mo naman natanong ’yan, Ty...?”“Wala lang,” sagot niya habang nakatingin dito ng diretso. “Matagal ka ring nanirahan doon. Sa ganda mong ’yan, imposibleng walang nanligaw sa’yo.”Unti-unting ngumiti si Tiffany, at tila nabuhay ang pag-asa sa mga mata nito.“Maganda ba ako, Ty? Hanggang ngayon... nagagandahan ka pa rin ba sa akin?”Bahagya niyang pinigilan ang sariling mapataas ang kilay. Maganda naman talaga si Tiffany. Kaya nga minahal niya ito noon.Pero wala nang malisya ang tanong niya ngayon. Isa na lamang iyong simpleng usisang nagmula sa curiosity.“Well... may mga nanligaw naman sa akin,” sa
TYLER'S POV:Napatingin siya sa kanyang cellphone. Pinatayan ba siya ng telepono ni Jolisa? Kasasabi pa lamang niya ng I love you, ngunit hindi man lang ito nagsabing 'I love you too?' Sa halip, bigla na lamang naputol ang tawag.Aksidente lang ba iyong pagkamatay ng linya, o sadyang ibinaba talaga ni Jolisa ang tawag?Huminga siya nang malalim at mariing ipinikit ang mga mata. Sabagay, hindi naman talaga sanay si Jolisa na sagutin ang bawat pag-amin niya. Ilang beses na niyang sinabi rito ang salitang iyon, ngunit ni minsan ay hindi siya nakarinig ng kapalit.Para bang may kung anong pumipigil sa dalaga na takot at pag-aalinlangan.Paano nga ba ito magsasabing mahal siya kung hindi pa siya tunay na mahal?Ngunit ganoon nga ba talaga? Kung wala itong nararamdaman, bakit iba ang kilos nito sa kanya? Bakit sa bawat tingin, sa bawat pag-aalala, at sa bawat simpleng pag-aasikaso ay tila may init na hindi maitatanggi? Siguro naman, kahit kaunti… kahit katiting lang… ay may puwang siya sa p
“S-sige… I have to go. Andito na ang taxi,” mabilis niyang pag-iiba ng usapan.“Tyler… the food is ready.”Narinig niya ang boses ni Tiffany sa kabilang linya.“Saan kayo?” hindi niya napigilang itanong.“Sa condo ko, love. Dito muna kami habang pinaprocess pa ni Tiffany ang papers niya.”Hindi na siya agad nakapagsalita. Marahil ay naramdaman ni Tyler ang biglang niyang pananahimik.“Anong gusto mong pasalubong pagbalik ko?” tanong nito, pilit na ibinabaling ang usapan.“W-wala naman…”“Hindi ako papayag na wala. Dapat meron,” natatawang sabi nito. Parang bigla itong naging sobrang sweet... parang may gustong patunayan.“Wala ka bang cravings lately? Maasim? Mangga kaya?”Natigilan siya. ang pagke-crave ng mga maasim, di ba sa mga buntis yun? Iniisip na ba ni Tyler na buntis siya? Sabagay, matagal na silang nagse-sex at wala naman silang ginagamit na contraceptives. Pero nagkaroon siya ng regla kamakailan lang, kaya imposibleng buntis siya.“I have to go, Ty… andito na ang taxi.” Hin
Pagbalik ni Daniel sa stage ay muling umugong ang buong lugar sa lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao. Para bang lalo pang sumigla sa muling pagharap nito sa entablado.Pero siya, hindi na lumapit pa roon. Sapat na ang ilang minutong nagkausap silang dalawa, higit pa nga sa sapat. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib sa alaala ng maikling tagpong iyon.Hindi niya maiwasang kabahan. Baka kung magtagal pa siya roon ay mapansin siya ng iba. Baka may makakilala. Baka may magsimulang magtanong kung sino siya at ano ang koneksiyon niya kay Daniel.Nakakahiya kung machismis siya kay Daniel. Kahit magkaibigan sila, may mga tao talagang binibigyan ng ibang kahulugan ang mga bagay-bagay.Naalala niya ang sinabi ni Mama Jessa. Marami nang nagsabi sa kanya noon na maganda siya... matangkad, may hubog ang katawan, at may natural na dating. Pero para sa kanya, kulang ang mga papuring iyon para mabura ang mga insecurities na matagal nang nakabaon sa kanya
Pagpasok niya sa backstage, naroon si Daniel. Umiinom ito ng tubig habang pinapahiran ng pawis ng make-up artist. Nang makita siya, agad nitong pinaalis ang mga tao sa paligid.“Akala ko hindi ka na maghihintay,” nakangiting sabi nito.“Siyempre maghihintay ako. Ikaw na nga ang nagpahintay sa akin, eh,” biro niya.Napatawa si Daniel. “Sorry na. Duty calls.”“Okay lang. Sanay naman na akong maghintay,” nasabi niya nang hindi man lang iniisip.Bahagyang natigilan si Daniel, tila may napansin sa tono niya.“You okay?”Mabilis siyang ngumiti. “Oo naman.”Tinitigan siya nito nang ilang segundo. “Nope. Hindi mukhang okay ang isang taong ganyan ang ngiti.”Hindi niya alam kung bakit, pero parang gusto niyang magkuwento. Siguro dahil matagal na rin siyang walang ibang nakakausap na hindi konektado kay Tyler. Ngunit pinigilan niya ang sarili.“Gutom na ako. Tara na nga, kape tayo.”“Coffee lang? Libre mo na rin ako dessert.” biro niya."Oo, naman! Kainin mo ang lahat ng gusto mo. Siyempre magk
JOLISA'S POV: Pagkaalis nina Tyler at Tiffany, agad din siyang nagbihis. Aalis siya, bibili siya ng pills. Kailangan niyang maagapan na hindi siya mabuntis.Iyon pala ang plano ni Tyler sa kanya. Ni hindi man lang siya nito tinanong kung gusto rin ba niyang magkaanak sila. Paano naman ang mga plano niya?Pagkalabas ng kwarto ay agad siyang lumabas ng bahay. Nakita siya ni Margie.“Ate Jolisa, saan ka pupunta?”“May bibilhin lang sa drugstore. Mag-iikot-ikot na rin sa mall.”“Pwede bang sumama?”Noong una ay naisip niyang isama ito. Pero baka makita nito ang bibilhin niyang pills sa drugstore at mabanggit kay Tyler. Baka masira pa ang plano niya. Hindi dapat malaman ni Tyler na pipigilan niya ang balak nito. Hindi nito dapat malaman na iinom siya ng pills habang pilit siyang gustong buntisin.“Next time na lang. Nagmamadali kasi ako.”“Bakit hindi ka na lang sumama kina Sir Tyler at Ma’am Tiffany? Baka agawin niya sa’yo ang nobyo mo, Ate…”Sandali siyang hindi umimik. “Hayaan mo siya…
Kinabukasan ay sa hotel nga siya nag-report. Suot niya ay ternong white blazer and squared pants. Crop top naman ang nasa loob niya kaya labas ang kanyang pusod kahit sa konting galaw niya. Sa wakas ay masusuot na niya ang mga pinamili niyang damit sa Lilly Rose noong mag-uumpisa na siyang magtrab
Nabaling ang atensyon nila nang may pumasok. Natahimik silang lahat... sina Ninong Ken at Ninang Jonie ang dumating.“Bebe... James! Mabuti andito na kayo. Pasensya na, ngayon lang din kami nakapunta. Galing kami ng Singapore and we flew right away nang malaman namin ang nangyari kay Aria.” Dali-da
Kinabukasan ay maaga siyang pumunta sa hotel. Sisiguraduhin niyang maayos ang magiging reception ng kasal. Hindi na sila pwedeng pumalpak dahil nangako siya sa mga magulang ng ikakasal.Pagdating niya sa reception area ay bago na ang flower arrangement, napalitan na din at kasalukuyang pinapalitan
Pagkalabas nila ni Ben sa distillery ay naramdaman niya agad ang lamig ng simoy ng hangin na dumampi sa kanyang mukha.“Naalala ko noong mga bata pa tayo, kung hindi doon sa bahay n’yo ay dito tayo naglalaro. May batis din kasi dito.”Napangiti siya sa sinabi ni Ben. “Oo nga, eh.” Nagulat siya nan







