LOGINDahan-dahan niya itong inalalayan palabas ng bar. Ilang beses itong muntik matisod kaya mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang nito. Pagdating sa parking area, agad niyang binuksan ang passenger door ng kanyang kotse.“Careful.”Maingat niya itong pinaupo sa loob at inayos ang pagkakaupo nito bago ikinabit ang seat belt.“Okay. Stay here.”Isinara niya ang pinto at umikot patungo sa driver's seat. Pagkaupo niya sa likod ng manibela, agad niya itong nilingon.“Now tell me...” sabi niya habang sinisigurong maayos ang pagkakasuot ng seat belt nito. “Saan ang bahay mo?”Tahimik. Napakunot-noo siya.“Hey.”Wala pa ring sagot. Mas maigi niyang tiningnan ang babae.. nakasandal na ito sa headrest, nakapikit ang mga mata at... humihilik.Napabuga siya ng hangin. “Damn.” Hindi niya alam kung matatawa o maiinis. “Seriously?”Wala pa ring reaksiyon. Dahan-dahan siyang yumuko at marahang tinapik ang pisngi nito.“Hey. Wake up.” Wala. Muli niya itong tinapik nang bahagya. “Come on. Tell me
Agad napatingin sa kanya ang babae. Sa isang iglap, tila naunawaan nito ang gusto niyang mangyari. Marahan niyang inilagay ang isang kamay sa bewang nito at bahagyang pinisil iyon… isang tahimik na senyas na nagsasabing makisabay lang ito sa kanyang ginagawa.“Who are you?” singhal ng isa sa mga lalaki. “Wag kang makialam dito!”Diretso niya itong tiningnan sa mga mata. “Who are you?” balik niya, malamig ang boses. “I’m her boyfriend.”Sandaling natahimik ang tatlo, napaatras ang mga ito nang bahagya. “Boyfriend?”Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa kanila, habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa babae.Napatingin naman sa kanya ang babae. Ilang segundo silang nagtama ng paningin. Dahan-dahan siyang yumuko palapit sa tenga nito. “Just play along,” bulong niya.Ilang sandali lang ang lumipas bago tuluyang nakisabay ang babae. Marahan itong yumakap sa kanya at isinandal ang katawan sa kanyang dibdib.“Babe… bakit ang tagal mo?” malambing nitong tanong, saka lal
LEWIS POV:Tahimik na umiinom si Lewis sa bar, tila doon niya ibinubuhos ang lahat ng sama ng loob na hindi niya kayang sabihin kahit kanino.Maingay ang buong paligid. Umaalingawngaw ang malakas na tugtog, kasabay ng tawanan at sigawan ng mga partygoers na nagsasayawan sa dance floor.Pero sa kabila ng lahat ng ingay, para bang mag-isa lang siya sa sarili niyang mundo. Nasa bar counter lang siya, hawak ang baso ng alak habang paulit-ulit na umiinom. Para bang sa bawat lagok ay sinusubukan niyang lunurin hindi lang ang bigat ng kanyang dibdib kundi pati ang mga tanong na patuloy na gumugulo sa kanyang isipan.Kanina, nang sabihin ni Catriona na buntis siya, agad na sumagi sa isip niya ang isang bagay na matagal na niyang pilit iniiwasang isipin. May maliit na bahagi sa kanya na umaasang hindi siya ang ama ng batang dinadala ni Catriona. Umaasa siyang may ibang lalaki. Umaasa siyang mali ang lahat ng hinala niya.Napapikit siya sandali at muling tumungga ng alak. Hindi niya kailanman n
Natigil ang pag-iimagine ni Catriona nang marinig niya ang boses ni Lolo Craig.“Iha, huwag mong alalahanin si Lewis,” mahinahon nitong sabi, bagama’t bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala. “Kakausapin namin siya. Sigurado akong kailangan lang niyang mapag-isa sandali para maproseso ang lahat ng nangyari.”Bahagya siyang tumango.“Magpahinga ka lang muna rito. Papapuntahin ko ang isang katulong para may makasama ka habang wala kami. Aalis muna kami ng Uncle Blair mo. May kailangan lang kaming pag-usapan.” dagdag ni Lolo Craig. Lumunok si Catriona at mabilis na pinilit na itago ang anumang emosyon sa kanyang mukha. Ayaw niyang mahalata ng dalawang lalaki ang takot na unti-unting namumuo sa kanyang dibdib.“Sige po, Lolo. Uncle.”Ngumiti nang bahagya si Lolo Craig bago tumango. “Magpahinga ka.”Tumayo na ito, kasunod si Uncle Blair. Tahimik na pinanood ni Catriona ang dalawa habang palabas ng silid. Sa sandaling tuluyang magsara ang pinto, napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam
Ngunit habang abala si Catriona sa pagbuo ng mga plano sa kanyang isipan, hindi niya napansin ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon ni Lewis.Tahimik lang itong nakaupo sa kinauupuan nito, pero hindi na kasing-tatag ng kanina ang mga mata nito. May bigat sa titig nito, para bang may isang bagay na pilit nitong tinatanggap kahit malinaw na hindi iyon madali para sa kanya.Hindi iyon napansin ni Catriona. Sa halip, mas lalo lang lumakas ang pag-asa sa kanyang dibdib.“Kung ganoon,” muling nagsalita si Lolo Craig, “pagkatapos ng kasal nina Jolie at Tyler, saka natin pag-uusapan nang maayos ang tungkol sa inyong dalawa.”Tumango si Uncle Blair. “I think that's the best decision for now.”“Hindi natin kailangang magmadali,” dagdag ni Lolo Craig. “Pero kailangan nating maging maingat. Ayokong lumabas sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis ni Catriona bago tayo handa. Maraming bagay ang kailangang ayusin bago natin ito ipaalam sa ibang tao.”“Understood.” walang emosyong sagot ni Lewis.Isang
“Saka… hindi naman po kami totoong magpinsan.”Napakunot ang noo ni Lolo Craig. “Catriona…”“Hindi po masama ang nagawa namin sa mata ng Diyos,” pagpapatuloy niya, kahit nanginginig ang boses. “At…” Sandali siyang natigilan. Alam niyang kapag sinabi niya ang susunod na mga salita, wala nang balikan. “…handa po akong pakasalan si Lewis. Para magkaroon ng ama ang anak ko.”Naging tahimik muli ang buong kwarto. Tanging mahinang paghikbi niya ang maririnig. At nang tuluyan niyang itinaas ang kanyang mga mata, nakita niya ang matalim na tingin ni Lewis... galit, puno ng pagtataka at marahil, pagtataksil.Pero hindi siya umiwas. Sa halip, diretso siyang tumingin dito.“Ano na ngayon ang gagawin natin?” Tila sumusuko nang tanong ni Uncle Blair habang mariin nitong minamasahe ang kanyang sentido. Halata sa mukha nito ang pagkalito, pagod, at bigat ng problemang bigla nilang kinaharap.Ilang sandali itong napatingin kay Lolo Craig bago muling ibinaling ang tingin kay Lewis.“Paano natin hahara
“Babe…”Sambit ni Madison saka kumapit sa braso niya pero iwinaksi niya iyon.“Paano nangyaring buntis ka, Madison? We haven’t had sex lately?” singhal nya“What do you mean? We have sex countless times! Kanino pa ba ang batang ito, eh ikaw ang boyfriend ko?”“Tama na yan!” sigaw ng dad niya.Napasa
ARIA'S POV: Nakasimangot siya habang nakasakay sa kotse ni Clarkson, nasa front seat siya at ito ang nagda-drive. Pauwi na silang dalawa sa bahay nito. Ang kuya Tyler niya ay nagpaiwan dahil may imi-meet pa daw itong mga kaibigan. Hanggang ngayon ay masama pa din ang loob niya nang malaman na ma
JOLISA'S POV:Sa kanyang pagkagulat ay na-enjoy niya ang company ni Tristan. Masaya siya dahil binisita siya nito doon. Wala naman silang ibang pinag-usapan kundi kung anu-ano lang. Minsan, nasasama rin sa usapan nila ang mga artista—kung sinong naghiwalay at kung sinong bagong magjowa.Sumali rin
Kinabukasan ay nagising siya sa sinag ng araw na tumama sa kanyang mga mata. Maaga na pala. Mag-isa lang siya. Wala naman siyang inaasahang katabi, siguradong hindi siya tatabihan ni Tyler. Napag-usapan na nila iyon. Ang masakit pa, lumabas pa ito ng kwarto kagabi. Ok naman sana iyon… nainsulto lan







