共有

CHAPTER 1786

作者: dyowanabi
last update 公開日: 2026-10-06 20:24:43

LEWIS POV:

Tahimik na umiinom si Lewis sa bar, tila doon niya ibinubuhos ang lahat ng sama ng loob na hindi niya kayang sabihin kahit kanino.

Maingay ang buong paligid. Umaalingawngaw ang malakas na tugtog, kasabay ng tawanan at sigawan ng mga partygoers na nagsasayawan sa dance floor.

Pero sa kabila ng lahat ng ingay, para bang mag-isa lang siya sa sarili niyang mundo. Nasa bar counter lang siya, hawak ang baso ng alak habang paulit-ulit na umiinom. Para bang sa bawat lagok ay sinusubukan niya
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1791

    Pagdating ni Lewis sa Mackenzie Estate, nakita niyang naghihintay na sina Jolie at Tyler sa hardin. Parang inaasahan na talaga ng dalawa ang pagdating niya. At bago pa man siya tuluyang makalapit, biglang tumakbo si Jolie papunta sa kanya.“Kuyaaa!”Agad itong sumalubong sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Napaatras siya nang bahagya dahil sa biglaang pagtakbo nito.“Easy!” agad niyang saway. “Ano ka ba? Buntis ka na, pero nagtatatakbo ka pa rin!”Napangiti si Jolie habang nakayakap pa rin sa kanya. “Hehe… I missed you lang, Kuya.”Napailing siya at napabuntong-hininga. “Aba, kahit kailan talaga…”Sumunod naman si Tyler na natatawang naglalakad papalapit sa kanila. “Hayaan mo na. Hindi mo naman talaga mapagsasabihan ang babaeng ’yan.”Napailing si Lewis. “This brat never listens.” Ginulo niya ang buhok ni Jolie.“Kuya!” protesta nito habang inaayos ang buhok. “Hindi na ako bata!”“Then act like one.”Napailing si Jolie ngunit ngumiti rin. Sa halip na sumagot, kumapit lang ito sa bras

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1790

    Dahan-dahan niyang hinaplos ang bahagi ng unan kung saan naroon ang halimuyak nito. Hanggang sa bigla siyang may nakapa. Napakunot-noo siya... may maliit na bagay sa ilalim ng kanyang unan.Dahan-dahan niya iyong hinugot. At nang makita niya kung ano iyon, natigilan siya... isang hikaw. Isang maliit ngunit kumikinang na diamond earring.Tinitigan niya iyon nang matagal. “Diamond earring?”Muli niyang binalikan sa isip ang babae, malamang sa babae iyon. Sigurado siyang hindi iyon kanya. At higit sa lahat, wala naman siyang dinadala ritong babae. Wala siyang nobya, wala siyang kasintahan simula nang lokohin siya ng kanyang ex, tuluyan na niyang iniwasan ang anumang relasyon.Kaya paano napunta rito ang isang hikaw ng babae?Dahan-dahan niyang kinuyom ang hikaw sa kanyang palad. Napapikit siya. Sa unang pagkakataon mula nang magising siya, isang kakaibang pakiramdam ang bumalot sa kanya. May naiwan sa kanya ang babaeng iyon, isang maliit na bagay. Isang bagay na maaaring maging susi para

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1789

    Kinaumagahan, mabigat ang pakiramdam ni Lewis nang siya ay magising. Masakit ang kanyang ulo na para bang may kumakatok sa loob ng kanyang bungo. Ilang sandali siyang hindi gumalaw. Nakahiga lang siya habang nakatitig sa kisame, pilit binabalikan ng kanyang utak ang mga nangyari kagabi.Huminga siya nang malalim. Hindi pa ganap na bumabalik ang kanyang ulirat. Parang kailangan pa niyang tiyaking totoong gising na siya. Hanggang sa bigla siyang napakunot-noo.May naalala siya... kagabi... may babae... may dinala siyang babae rito!Bigla siyang napabalikwas ng bangon. Napalinga-linga siya sa paligid. “Nasaan na siya?”Mabilis niyang sinuyod ng tingin ang buong silid....Wala! walang tao sa loob ng kwarto.Agad siyang bumangon at lumabas. Tiningnan niya ang sala, walang tao. Pati kusina, walang tao. Maging ang banyo ay sinilip niya, ngunit wala rin siyang nakita.Tahimik ang buong condo. Napahawak siya sa kanyang noo bago mabigat na naupo sa sofa.“Hindi kaya… guni-guni ko lang?”Napailin

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1788

    Dahan-dahan niya itong inalalayan palabas ng bar. Ilang beses itong muntik matisod kaya mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang nito. Pagdating sa parking area, agad niyang binuksan ang passenger door ng kanyang kotse.“Careful.”Maingat niya itong pinaupo sa loob at inayos ang pagkakaupo nito bago ikinabit ang seat belt.“Okay. Stay here.”Isinara niya ang pinto at umikot patungo sa driver's seat. Pagkaupo niya sa likod ng manibela, agad niya itong nilingon.“Now tell me...” sabi niya habang sinisigurong maayos ang pagkakasuot ng seat belt nito. “Saan ang bahay mo?”Tahimik. Napakunot-noo siya.“Hey.”Wala pa ring sagot. Mas maigi niyang tiningnan ang babae.. nakasandal na ito sa headrest, nakapikit ang mga mata at... humihilik.Napabuga siya ng hangin. “Damn.” Hindi niya alam kung matatawa o maiinis. “Seriously?”Wala pa ring reaksiyon. Dahan-dahan siyang yumuko at marahang tinapik ang pisngi nito.“Hey. Wake up.” Wala. Muli niya itong tinapik nang bahagya. “Come on. Tell me

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1787

    Agad napatingin sa kanya ang babae. Sa isang iglap, tila naunawaan nito ang gusto niyang mangyari. Marahan niyang inilagay ang isang kamay sa bewang nito at bahagyang pinisil iyon… isang tahimik na senyas na nagsasabing makisabay lang ito sa kanyang ginagawa.“Who are you?” singhal ng isa sa mga lalaki. “Wag kang makialam dito!”Diretso niya itong tiningnan sa mga mata. “Who are you?” balik niya, malamig ang boses. “I’m her boyfriend.”Sandaling natahimik ang tatlo, napaatras ang mga ito nang bahagya. “Boyfriend?”Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa kanila, habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa babae.Napatingin naman sa kanya ang babae. Ilang segundo silang nagtama ng paningin. Dahan-dahan siyang yumuko palapit sa tenga nito. “Just play along,” bulong niya.Ilang sandali lang ang lumipas bago tuluyang nakisabay ang babae. Marahan itong yumakap sa kanya at isinandal ang katawan sa kanyang dibdib.“Babe… bakit ang tagal mo?” malambing nitong tanong, saka lal

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1786

    LEWIS POV:Tahimik na umiinom si Lewis sa bar, tila doon niya ibinubuhos ang lahat ng sama ng loob na hindi niya kayang sabihin kahit kanino.Maingay ang buong paligid. Umaalingawngaw ang malakas na tugtog, kasabay ng tawanan at sigawan ng mga partygoers na nagsasayawan sa dance floor.Pero sa kabila ng lahat ng ingay, para bang mag-isa lang siya sa sarili niyang mundo. Nasa bar counter lang siya, hawak ang baso ng alak habang paulit-ulit na umiinom. Para bang sa bawat lagok ay sinusubukan niyang lunurin hindi lang ang bigat ng kanyang dibdib kundi pati ang mga tanong na patuloy na gumugulo sa kanyang isipan.Kanina, nang sabihin ni Catriona na buntis siya, agad na sumagi sa isip niya ang isang bagay na matagal na niyang pilit iniiwasang isipin. May maliit na bahagi sa kanya na umaasang hindi siya ang ama ng batang dinadala ni Catriona. Umaasa siyang may ibang lalaki. Umaasa siyang mali ang lahat ng hinala niya.Napapikit siya sandali at muling tumungga ng alak. Hindi niya kailanman n

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1116

    “Babe…”Sambit ni Madison saka kumapit sa braso niya pero iwinaksi niya iyon.“Paano nangyaring buntis ka, Madison? We haven’t had sex lately?” singhal nya“What do you mean? We have sex countless times! Kanino pa ba ang batang ito, eh ikaw ang boyfriend ko?”“Tama na yan!” sigaw ng dad niya.Napasa

    last update最終更新日 : 2026-04-02
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1056

    ARIA'S POV: Nakasimangot siya habang nakasakay sa kotse ni Clarkson, nasa front seat siya at ito ang nagda-drive. Pauwi na silang dalawa sa bahay nito. Ang kuya Tyler niya ay nagpaiwan dahil may imi-meet pa daw itong mga kaibigan. Hanggang ngayon ay masama pa din ang loob niya nang malaman na ma

    last update最終更新日 : 2026-04-01
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1315

    JOLISA'S POV:Sa kanyang pagkagulat ay na-enjoy niya ang company ni Tristan. Masaya siya dahil binisita siya nito doon. Wala naman silang ibang pinag-usapan kundi kung anu-ano lang. Minsan, nasasama rin sa usapan nila ang mga artista—kung sinong naghiwalay at kung sinong bagong magjowa.Sumali rin

    last update最終更新日 : 2026-04-05
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1300

    Kinabukasan ay nagising siya sa sinag ng araw na tumama sa kanyang mga mata. Maaga na pala. Mag-isa lang siya. Wala naman siyang inaasahang katabi, siguradong hindi siya tatabihan ni Tyler. Napag-usapan na nila iyon. Ang masakit pa, lumabas pa ito ng kwarto kagabi. Ok naman sana iyon… nainsulto lan

    last update最終更新日 : 2026-04-05
続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status