Share

CHAPTER 226

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2024-10-01 23:46:22

Hindi nga sya nagkamali na susulitin talaga ng dalawa ang eat-all-you-can doon sa Japanse restourant na kinainan nila. Ilang oras na sila doon pero kumakain pa din ang dalawa. Nakalimutan na ata ng mga ito na working hours pa nila iyon! Napailing nalang cya. Pero dahil magpapasama naman cya sa mga ito ay okay nalang din sa kanya.

Maya-maya ay nag-ring ang telepono nya, kinuha nya iyon sa bulsa... si Clark ang tumatawag.

"Hello Bro? unang bungad nya ng sagutin ang tawag nito.

"Bro, where are you?"

"Andito sa Manila... nasa mall kami kasama ko si Calvin at Alex... why?"

"Di mo naman sinabi na andito ka pala sa Manila?" tila nagtatampong wika nito.

"Actually kakarating ko lang din galing Pampanga. I was about to call you dahil iimbitahan ko kayong pumunta ulit sa rancho this friday... plano kong mag-propose kay Jonie."

"Really? Eh kasal na kayo di ba?"

"Gusto kong magpakasal ulit kami, Bro... and this time ay engrande na at hindi sa pipitsuging mayor lang." biro nya dito.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jhen Jhen
kinulang pa ng one points para sa chapter 227.baka naman please. napaka gandang kwento
goodnovel comment avatar
Nela Floranza
update plsssssssss......
goodnovel comment avatar
Mhavz CH Manalo
update plsss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1248

    Kinabukasan ay maaga siyang naligo at nag-prepare. Pupunta siya sa ospital para umpisahan ang pagpapagamot kay Doc JM. Naalala niya ang bangayan nila ni Vicky kagabi. Kung hindi man siya nito samahan kay JM ay okay lang.Matapos siyang magbihis ay lumabas na siya ng cottage. Sa kanyang pagkagulat ay naroon na si Vicky sa labas ng kanyang pinto at mukhang hinihintay siya.“Good morning, Clarkson,” nakatitig sabi nito. Hindi niya ito pinansin, naiinis pa din siya.“Look, I’m sorry… I was wrong. Na-realize ko na hindi na dapat ako nanghihimasok sa inyo ni Aria. Ngayon tanggap ko na… tanggap ko na kaibigan lang ang turing mo sa akin. Kung hindi man tayo maging magkarelasyon, at least we save our friendship?”Tiningnan niya ito ng mariin, kung nagsasabi ito ng totoo.“Okay. Just don’t do it again…” sabi niya sa kaibigan.“Great. Tara na, baka naghihintay na si Doc JM sa atin.” Sabi ni Vicky saka nauna nang umalis. Kung dati ay humahawak pa ito sa braso niya, ngayon ay mukhang umiiwas na it

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1247

    Nakita pa niyang sumimangot si Vicky pero wala siyang pakialam.Pagpasok sa resort ay agad siyang sinalubong ni Jolisa, ang kanyang secretary.“Welcome back, Sir Clarkson!” Malapad ang ngiti nitong sabi.“Thank you, Jolisa. Kamusta kayo dito?”“Okay naman po, sir. Wala namang naging problema.”Kahit nasa Scotland siya ay palagi namang nagrereport si Jolisa sa kanya.“Saan na po ang pasalubong ko, sir?”Ngumiti siya sabay iling. “Grabe ka talaga, Jolisa. Holdap kaagad?”Sumimangot ito. “Ibig sabihin ba niyan wala kang dala kahit na ano sa akin, sir?” ang tanong nito, parang obligasyon niyang dalhan ito ng pasalubong. Ang lakas ng tawa niya.“Oh, ito…” sabi niya sabay bigay ng isang malaking paper bag. Biglang lumiwanag ang mukha nito. “Ang perfume diyan, sa’yo. Ikaw na ang bahala magbigay sa iba ng mga chocolates at biscuits. Paghatian n’yo na lang.”“Wow, ang dami!” bulalas ni Jolisa.“Bigyan mo sila ha. Huwag mong angkinin lahat!” natatawang sabi niya.“Opo sir, ako na po ang bahala,

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1246

    Kasalukuyan silang nasa airport ni Doc Vicky at pauwi na ng Iloilo pero hindi pa rin niya nakausap si Aria simula nang bumalik siya ng Pilipinas. Nag-text lang ito kahapon kung kamusta ang flight niya… pagkatapos nun ay hindi na sila nakapag-usap. Ilang beses niya ring tinatawagan si Aria pero nakapatay pa rin ang cellphone nito. Imposible namang hindi mahahalata ni Aria na lowbat siya? Importante sa nobya ang cellphone dahil businesswoman ito. Marami itong kausap lagi sa telepono.Tahimik lang siya doon nakaupo habang naghihintay ng flight nila. Hawak ang cellphone at umaasang tatawag o magme-message si Aria sa kanya.“Hey Clarkson, kanina ka pa tahimik diyan.” Pansin ni Vicky na nasa tabi niya. Ang kamay nito ay nasa kanyang hita at tumagal doon, pasimple niya iyong kinuha.“I’m just thinking of Aria… hindi pa kami nakapag-usap simula ng dumating ako dito sa Pilipinas, nakapatay din ang cellphone niya.”“Baka busy lang...” sabi ni Vicky.Nagkibit-balikat lang siya. “Baka nga.”Nabal

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1245

    "Mam Aria, ano ang nangyari sayo?" tanong ni Phern nang pumasok ito sa kanyang opisina at makitang halos maglumpasay siya sa kakaiyak sa kanyang upuan. Dali-dali siya itong dinaluhan. “May masakit ba sayo? May dinadamdam ka ba?”“Phern… huhuhu!”“Bakit? Anong nangyari?” Halos matataranta na si Phern. Napasulyap ito sa kanyang cellphone na nakabukas at nakita ang litrato ni Clarkson.Agad nitong dinampot at tiningnan. “Si Sir Clarkson ba ito, ma’am?”Ayaw sana niyang sabihin pero nakita na ni Phern, wala na siyang magagawa and she needs someone to talk to.“He is cheating on me, Phern.... With his doctor friend.”“This cant' be happening, Ma'am.... Hindi ako naniniwala! Nakita ko kung paano ka tingnan ni Sir Clarkson na puno ng pagmamahal. He is madly in love with you at kaka-propose niya lang sayo.”Napatingin siya sa kanyang daliri.... kumikinang ang engagement ring na bigay ni Clarkson sa kanya.“Hindi ko din maintindihan kung bakit niya nagawa ito....” garagal ang boses nya habang

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1244

    ARIA POV:Kasalukuyan siyang nasa kanyang opisina sa Blacksmith Hotel, abala sa ginagawa. Kailangan niyang i-divert sa ibang bagay ang kanyang sarili para hindi malungkot sa pag-alis ni Clarkson.Hindi pa din niya mapigilang umiyak, hindi na siya sanay na wala ang nobyo sa kanyang tabi lalo pa't may problema itong dinadala. She wants to be there for him, pero kailangan nilang maghiwalay, hindi niya pwedeng itali ang nobyo sa kanyang bewang. Sabagay, para din naman sa kanila kung bakit ito umalis... pansamantala lang naman iyon.Habang nagbubuklat ng mga papeles ay sunod-sunod na tumunog ang kanyang phone. Napangiti siya, maybe it's Clarkson. Nagtext siya kanina pero hindi ito nag-reply.Nakangiti siyang dinampot ang cellphone mula sa lamesa, pero napalis din ang kanyang ngiti nang buksan iyon at nakita ang isang di-kilalang numerong nag-send sa kanya ng mga litrato ni Clarkson kasama ang isang babae. Biglang nanigas ang kanyang katawan, para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang m

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1243

    Nagising siya nang makarinig ng halakhak sa labas. Napakunot ang kanyang noo habang nililibot ang tingin sa paligid. Nasa kwarto pala siya. Tila sandaling nalimutan niyang nasa Pilipinas na siya.Tumayo siya mula sa kama at sumilip sa bintana. Nakita niyang naroon si Vicky, nakalublob sa swimming pool, may kausap sa telepono. Rinig na rinig sa kwarto ang tawa nito.Pasimple niya itong pinagmamasdan... nakasuot ito ng pulang swimsuit na hapit sa katawan. Agaw-pansin ang tindig nito at kumpiyansa sa bawat galaw. Total bombshell talaga si Vicky, malakas ang dating, voluptuous kung ilalarawan. Kaya minsan ay hindi niya maiwasang magtaka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobyo.Nailang siya nang biglang tumingala ito at nakita siyang nakasilip sa bintana. Sa halip na umiwas, lalo pang lumaki ang ngiti nito at kumaway sa kanya.“Join me here, Clarkson!” sigaw nito.Wala talaga siyang planong mag-swimming. Pagod pa rin ang katawan niya at mas gusto sana niyang manatili sa loob.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status