Imbes na magpapahinga pa ay na badtrip nalang cya dahil kay Bebe. Nagpagdesisyunan nyang pumunta nalang sa opisina, doon nalang cya maghintay ng oras hanggang sa aalis na cya pauwi ng Pampanga. Nagmessage na din si Clark at James na papunta na sa opisina nya para mag-convoy nalang sila... kasama ng mga ito si Fe.Malapit lang ang opisina sa condo nya kaya nakadating agad sya doon. Binati cya ng mga staff nya ng makita cya... tinanguan nya lang ang mga ito.Pag-akyat nya ay diritso agad cya ng opisina nya. Nakita sya ni Alex kaya sinundan sya nito sa loob. Umupo sya sa swivel chair nya at pinatong ang dalawang paa sa lamesa. "Sir, dito ka na pala... at dahil andito ka na ay ikaw na magsasabay kay Bebe pauwi ng Pampanga?" Nakangising wika nito. "NO!" Mabilis na sagot nya. "Huh? Bakit naman? Sabi mo may pupuntahan ka kaya out of way ka pero dahil andito ka na eh di ikaw na! Sasabay ako kay Calvin at Melisa." Wika nito."Sa akin ka na sumabay... sabay tayo nina Bebe." Sambit nya. "Aya
Tahimik lang silang tatlo sa loob ng kotse. Si Bebe ay nakasimangot sa likod at walang imik. Sila naman ni Alex ay nagpapakiramdaman. Maya-maya ay humiga ito sa likod at natulog. Kahit na nakabalandra ang katawan nito ay wala itong pakialam sa kanila ni Alex. Napabuntong hininga nalang cya, mabuti nalang pala at kasabay nya si Alex sa sasakyan, kung hindi ay baka napahamak pa cya. Alam nya ang plano ni Bebe kung bakit ito nag suot ng ganoong ka iksing damit... para akitin cya. At alam nya din kung bakit ito makasimangot sa likod... dahil hindi ito ang tagumpay sa plano... hindi nito akalain na tatlo sila ni Alex sa kotse. Nagsimula na silang mag-usap ni Alex ng tungkol sa oipisina. Hindi nila pinapansin si Bebe sa likod, alam naman nilang nagtutulog-tulugan lang ito doon. Nang makalabas na sila ng Manila ay si Calvin naman ang nag-drive ng kotse nya. Sya naman ang nasa passenger's seat dahil gusto nitong muling ma-drive ang bagong kotse nya. Gusto sana nyang matulog kaya lan
"Why did you do that? Bakit mo ako ginagaya... hahahah" tuwang-tuwang wika ni Jonie sa pinsan. "Eh di ba idol kita, kaya ginaya ko pati ang mukha mo!" tila proud pa na wika ni Bebe. "Ang galing!... para lang ako nananalamin!" "Mommy why is Tita Bebe look like you?" Nagtatakang wika ni Gray. Parang si Jonie lang ang natutuwa sa pinaggagawa ni Bebe."From now on she's my twin sister, anak""You can call me mommy too baby Gray!" Wika ni Bebe sa bata."O-okay po Tita Bebe..." nag-aalalangang sagot ni Gray."Wag mo nang lituhin ang bata Bebe!" Sita nya sa dalaga. "Let her Babe... ganun talaga si Bebe kahit noong mga bata pa kami. Lagi nya akong ginagaya. Ako na kasi ang ate nya at wala naman ako nakikitang masama sa ginagawa nya." Pagtatanggol ni Jonie sa pinsan. Lihim cyang napasulyap kay Bebe na nakatingin pala sa kanya... nginisihan sya nito ng nakakaloko na parang nagsasabi ng "I told you so" look. "Bitch!" usal nya sa utak habang tinitingnan ito ng masama. Hindi pa nya sinasa
"Ahm Babe..." aniya saka nilayo ito ng konti sa kanya, napabitiw naman si Jonie sa pagkakayakap sa kanya. Nakatingin lang ito habang naghihintay sa sasabihin nya. Ang lahat ng mga mata ay nasa kanila ni Jonie... sila lang ang tao sa gitna. "Ahm.... siguro iisipin mo na ang gagawin kong ito ay hindi na kailangan dahil mag-asawa na din naman tayo... but I want to give the best for you and for our children. Ayaw kong isipin mo na nagpakampante na ako dahil nakatali ka na sa akin....." Naguguluhan na si Jonie sa mga pinagsasabi nya pero walang salitang lumabas mula sa bibig nito... naghihintay lang ito sa mga susunod nya pa na sasabihin. Dumukot cya sa bulsa nya at hinawakan ang pulang box doon... dinama nya muna ang box... sumagap cya ng hangin at pinuno ang baga bago nya iyon nilabas sa bulsa. Dahan-dahan cyang lumuhod sa harap nito.... parang naging slow-mo ang lahat. Nakita nyang naluluha na ang asawa nya... hindi ito makapaniwala sa gagawin nya.Muli nya itong tiningnan sa mata...
Naging masaya naman ang party nila kahit na palpak ang proposal nya. Nakalimutan na din ng mga taong naroroon ang kapalpakan nya at natuon ang atensyon ng mga ito sa pagsasayawan at pag-iinuman. Magaling ang banda, nakakaindak ang mga pinapatugtug ng mga ito. Retro dance naman ang music nila kaya ang lahat ng bisita ay halos nasa gitna na at sumasayaw. Medyo tipsy na cya kaya nakaupo lang cya habang nanonood sa mga kaibigan nyang nagsasayawan. Si Jonie naman ay nakikipag kwentuhan din sa ibang mga bisita. Tumayo cya para mag CR muna, naiihi cya. Tiningnan nya si Jonie para magpaalam sana at baka hanapin cya nito pero hindi ito nakatingin sa kanya. Hinayaan nya nalang total hindi naman cya magtatagal. Umakyat cya sa kwarto nila, doon cya mag-CR at para makapag palit ng din ng damit. Pagpasok nya ay nagulat sya ng makitang andoon si Jonie. Nakatalikod ito at naghahanap ng maisusuot sa closet. Bakit nauna pa itong makapunta sa kwarto nila eh kanina lang andoon pa ito sa baba? an
Hinawakan cya nito sa balikat at pababa ng dibdib nya saka pinasok ang kamay sa loob nun. Hinihimas nito ang matigas nyang dibdib! Hindi nya alam kung bakit hindi cya nakagalaw sa kinatatatyuan nya... parang nahihipnotismo cya. Patuloy pa din ito sa paghimas ng dibdib nya na tila minomolestya cya. "hhmm... alam mo bang ikaw palang ang nakahalik at nakayakap sa akin ng ganun, Kuya? Ang sarap mo palang humalik? Hindi na tuloy kita makakalimutan at lalo tuloy akong na ti-trigger na agawin ka kay Ate Jonie! Kaya pala patay na patay ang pinsan ko sayo... ang galing mo pala talaga magpa-arouse ng babae!" "Ngayon hawak na kita sa leeg ay wala ka nang magagawa. Kung ayaw mong masira ang pamilya mo ay susunod ka sa lahat ng utos ko! Magiging akin ka na... You will do everything I want!" Akmang hahalikan na cya nito sa labi ng biglang bumukas ang pinto. "Mommy?..." sigaw ni Gray.. bigla cyang nagising sa pagkatulala. Mabuti nalang at pumasok ang anak nyan si Gray.. "Hi baby...' wika n
**********BEBE POV:"What Bebe wants, Bebe gets!" Nakangising wika nya sa sarili. Kaya hindi ka makakawala sa akin Ken... tandaan mo yan! Aagawin kita kay Ate Jonie!Nanlilisik ang mga mata nya habang nakatingin sa masayang mag-asawa na magkahawak kamay habang papalayo sa kanya. Pakiramdam nya ay naitsapwera na naman cya!Hindi cya makakapayag ng ganun! Lagi nalang cyang naiiwang talunan! Hindi na cya sanay ng rejections ngayon... simula ng lumipat cya ng university at nakilala cya bilang anak-anakan ni Gregore Miller ay naging instant celebrity cya sa eskwelahan nila. Lahat ay gusto cyang maging kaibigan, lahat ng lalaki ay gusto cyang ligawan, lahat ng atensyon sa school nila ay nasa kanya, walang hindi nakakakilala sa kanya! Ganun cya kasikat sa eskwelahan na pinapasukan nya... doon nagsimulang nag-boost ang self-confidence nya. Pakiramdam nya ay lahat ng gusto nya ay makukuha nya... at kasama na doon si Ken.Bata palang cya ay may gusto na cya kay Ken. Una nya itong nakita noong
Naiwan cyang nakatulala habang tinitingan si James na papalayo sa kanya. Hinihimas nya ang brasong nasaktan dahil napahigpit ang paghawak nito sa kanya. Tiningnan nya kung saan si James tumungo... umupo ito sa tabi ni Clark na umiinum, parang wala lang dito ang ginawa sa kanyang pananakit at masaya pang nakikipag inuman sa mga kaibigan. Kung nakakamatay lang ang mga tingin ay baka bumulagta nalang doon si James sa talim ng tingin na ginawad nya sa lalaki."Oh Bebe, bakit nag-iisa ka dito? Sino ang tinitingnan mo jan?" pukaw ni Fe sa kanya."Ah eh.... wala Ate Fe..." sagot nya."Ang mabuti pa sumama ka sa akin at makipag-inuman tayo doon sa kanila. Hanggang weekened tayo dito kaya okay lang na magpakalasing! hihihih...." Hindi pa man sya nakasagot ay hinatak na cya ni Fe papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan nilang si Clark at James... naroon din sina Alex at Calvin kasama ang nililigawan nitong si Melisa. "Uy... andito na pala ang pangalawang Jonie eh! Maupo ka mahal na prinsesa!
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis
Nakarating lang sila ng bahay nang magulo ang isip niya. Palaisipan sa kanya ang sinabi ni Gray... Bakit siya nito titikman? Ano ang ibig sabihin nun?Oo nga’t virgin siya pero hindi naman siya inosente sa mga gano'ng bagay.“We're here... anunsyo nito.”Nauna itong bumaba saka inalalayan si Lilly na makababa. Sumunod siya, hinawakan siya nito sa braso para alalayan. Sandali siyang napaigtad, parang napaso siya sa mga hawak ni Gray. Oo nga’t dati pa niya naramdaman 'yon pero ngayon ay mas lalong pinaigting ang kanyang damdamin sa lalaki. Nagkaroon siya ng malisya bigla kay Gray, lalo pa nang makababa na siya at hindi pa nito binitawan agad ang kamay niya. Ang lapit ng katawan nila sa isa’t isa na napakalapit na ng ilong niya sa katawan nito at naamoy niya ang mamahaling pabango ng binata.“Hey guys!” masayang salubong ni Ma'am Jonie sa kanila. Nakasunod dito ang asawang si Sir Ken. Agad siyang binitawan ni Gray at umikot sa compartment para kunin ang mga pinamili.“Hey mom! We're here
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat