ログインPagdilat ng kanyang mga mata, unang sumalubong sa kanya ang puting kisame… at ang amoy ng naghalo-halong gamot... nasa ospital ba siya?Kumurap siya nang ilang beses, pilit inaalala kung paano siya napunta dito. Mabigat ang ulo, parang umiikot ang paligid. Paglingon niya sa kanan, nakita niya si Phern, nakayuko at naka-sandal sa gilid ng kama, halatang ilang oras nang hindi umuuwi.“P-Phern…” mahina niyang tawag.Napatingala agad si Phern, gulat at sabay namuo ang luha sa mga mata nito. “Mam Aria! Diyos ko po! Akala ko talaga kung ano na… muntik na akong sumunod na himatayin sa’yo!”Nasaid ang boses niya, paos at mahina. “A-anong… nangyari?”“Himatay ka, Mam. Sabi ng doktor, sobrang pagod… sobrang stress… tapos wala kang kain. Kaya ka nag-collapse.”Napapikit siya, habang naramdaman niyang humapdi ang kanyang lalamunan. Parang ang bigat-bigat ng katawan… at mas mabigat pa ang dibdib niya.Nabaling ang atensyon nila sa pagbukas ng pinto.“I’m glad gising na ang pasyente ko…” nakangitin
ARIA'S POV:Napasimangot siya nang ibaba na ni Phern ang telepono. Kausap nito si Clarkson pero ayaw niyang kausapin ang lalaki.“Mam, bakit naman ayaw mong kausapin si Sir Clarkson? Ako tuloy ang napapagitna!”“Hayaan mo siya diyan. Bakit niya ako kakausapin? Dahil nag-guilty siya?” basag ang boses na sabi niya.Sinadya niya talagang hindi paandarin ang kanyang cellphone dahil alam niyang tatawagan siya ni Clarkson. Umiinit lang ang kanyang ulo kapag mag-uusap sila at magkunyaring parang walang nangyari samantalang kitang-kita naman niya sa picture ang kataksilan na ginawa nito sa kanya.“Mag-usap na kasi kayo, Mam. Tingnan mo ‘yan sarili mo, napapabayaan mo na. Ilang araw ka nang hindi kumakain. Tingin ko ay nagbawas ka ng timbang!”“Ang sakit lang kasi, Phern… ang sakit lang na umaasa ako na sa simbahan ang hahantungan namin… tapos ‘yun pala… may iba na siyang kayakap habang ako, dito, hinihintay siya araw-araw.” humihikbing sabi nya“Mam… tama na po ‘yan. Paano aayos ang problema
CLARKSON'S POV:Nanlulumo siyang bumalik sa kotse. Paano niya sasabihin kay Aria ang nadiskobrehan niya. Mukhang matagal tagal itong gamutan.Speaking of Aria... Ilang araw na silang hindi nag-uusap. Sa tuwing tinatawagan niya ito ay nakapatay pa din ang cellphone ng nobya.Bago pinaandar ang kotse ay muli niyang tinawagan ang ina.“Hello anak, kamusta ka na d’yan?” bungad nito nang sagutin ang tawag niya.“Mom… andito ako sa ospital for my check up.”“Kamusta daw ang results mo?”Humugot muna siya ng malalim na hininga bago magsalita. “Mukhang matatagalan bago ako gumaling, Mom.”“Pero may lunas?”“‘Y-yun ang sabi ni Doc JM...”“Wag kang mawalan ng pag-asa anak. Madami pang oras. Pwede ka namang magpa-therapy habang kasal na kayo ni Aria.”“Paano kung hindi ako gumaling, Mom. I need to be sure na gagaling ako bago kami magpakasal. Naawa ako kay Aria.”Huminga nang malalim ang kanyang ina. Halatang hindi kumbinsido sa kanyang desisyon pero wala naman itong magagawa kung ‘yun ang desis
Kinabukasan ay maaga siyang naligo at nag-prepare. Pupunta siya sa ospital para umpisahan ang pagpapagamot kay Doc JM. Naalala niya ang bangayan nila ni Vicky kagabi. Kung hindi man siya nito samahan kay JM ay okay lang.Matapos siyang magbihis ay lumabas na siya ng cottage. Sa kanyang pagkagulat ay naroon na si Vicky sa labas ng kanyang pinto at mukhang hinihintay siya.“Good morning, Clarkson,” nakatitig sabi nito. Hindi niya ito pinansin, naiinis pa din siya.“Look, I’m sorry… I was wrong. Na-realize ko na hindi na dapat ako nanghihimasok sa inyo ni Aria. Ngayon tanggap ko na… tanggap ko na kaibigan lang ang turing mo sa akin. Kung hindi man tayo maging magkarelasyon, at least we save our friendship?”Tiningnan niya ito ng mariin, kung nagsasabi ito ng totoo.“Okay. Just don’t do it again…” sabi niya sa kaibigan.“Great. Tara na, baka naghihintay na si Doc JM sa atin.” Sabi ni Vicky saka nauna nang umalis. Kung dati ay humahawak pa ito sa braso niya, ngayon ay mukhang umiiwas na ito
Nakita pa niyang sumimangot si Vicky pero wala siyang pakialam.Pagpasok sa resort ay agad siyang sinalubong ni Jolisa, ang kanyang secretary.“Welcome back, Sir Clarkson!” Malapad ang ngiti nitong sabi.“Thank you, Jolisa. Kamusta kayo dito?”“Okay naman po, sir. Wala namang naging problema.”Kahit nasa Scotland siya ay palagi namang nagrereport si Jolisa sa kanya.“Saan na po ang pasalubong ko, sir?”Ngumiti siya sabay iling. “Grabe ka talaga, Jolisa. Holdap kaagad?”Sumimangot ito. “Ibig sabihin ba niyan wala kang dala kahit na ano sa akin, sir?” ang tanong nito, parang obligasyon niyang dalhan ito ng pasalubong. Ang lakas ng tawa niya.“Oh, ito…” sabi niya sabay bigay ng isang malaking paper bag. Biglang lumiwanag ang mukha nito. “Ang perfume diyan, sa’yo. Ikaw na ang bahala magbigay sa iba ng mga chocolates at biscuits. Paghatian n’yo na lang.”“Wow, ang dami!” bulalas ni Jolisa.“Bigyan mo sila ha. Huwag mong angkinin lahat!” natatawang sabi niya.“Opo sir, ako na po ang bahala,
Kasalukuyan silang nasa airport ni Doc Vicky at pauwi na ng Iloilo pero hindi pa rin niya nakausap si Aria simula nang bumalik siya ng Pilipinas. Nag-text lang ito kahapon kung kamusta ang flight niya… pagkatapos nun ay hindi na sila nakapag-usap. Ilang beses niya ring tinatawagan si Aria pero nakapatay pa rin ang cellphone nito. Imposible namang hindi mahahalata ni Aria na lowbat siya? Importante sa nobya ang cellphone dahil businesswoman ito. Marami itong kausap lagi sa telepono.Tahimik lang siya doon nakaupo habang naghihintay ng flight nila. Hawak ang cellphone at umaasang tatawag o magme-message si Aria sa kanya.“Hey Clarkson, kanina ka pa tahimik diyan.” Pansin ni Vicky na nasa tabi niya. Ang kamay nito ay nasa kanyang hita at tumagal doon, pasimple niya iyong kinuha.“I’m just thinking of Aria… hindi pa kami nakapag-usap simula ng dumating ako dito sa Pilipinas, nakapatay din ang cellphone niya.”“Baka busy lang...” sabi ni Vicky.Nagkibit-balikat lang siya. “Baka nga.”Nabal







