"Ano ang findings, Doc? Bakit biglang nahimatay ang asawa ko?" tanong ni Gray. Lihim siyang kinilig nang marinig ang salitang asawa. Napakasarap pakinggan sa kanyang tenga."Hindi ko pa po masasabi, Mr. Enriquez. Kailangan ko pa ng further tests. Pero may hinala ako... buntis si Mrs. Enriquez."Sandaling tumahimik ang paligid. Walang gustong magsalita dahil sa pagkabigla sa sinabi ng doctor."A-ano po, Doc? Buntis po ang asawa ko?""Yes po, Mr. Enriquez. Pero kailangan ko pa ng further test para makasigurado," ulit ng doctor. "Pwede bang lumabas muna kayo para ma-check ko si Mrs. Enriquez?""Babe, sa labas lang ako ha… hindi ako aalis," sabi ni Gray. Hinalikan pa siya nito sa noo bago lumabas.Sila na lang ng doctor ang naiwan. Binigyan siya nito ng pregnancy test saka siya pumasok sa CR.Habang naghihintay sa resulta ng pregnancy test, nananalangin siyang maging positive ang resulta. Pero kabado din siya...Paano kung buntis nga ako? Marunong na ba akong maging ina? Kaya ko ba? tano
Nanlambot siya nang makitang nakatingin din ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niyang nagpunas ng luha si Gray... awtomatiko din siyang naiyak, ramdam nila ang sobrang saya sa mga oras na ‘yun na parang ano mang oras ay sasabog na ang kanyang dibdib sa galak.Nang mag-uumpisa na ay humawak siya sa braso ng kanyang nanay habang papalapit sa altar kung saan naghihintay si Gray, kasama ang mga magulang nitong sina Daddy Ken at Mommy Jonie.Habang naglalakad at papalapit sa kanyang mapapangasawa, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Hindi ito kaba... kundi excitement. Dito na magsisimula ang forever nila ni Gray.Pagdating sa harapan, marahang iniabot ng nanay niya ang kamay niya kay Gray."Alagaan mo ang anak ko, Gray.""Pangako po, Nanay Cynthia," sagot ni Gray habang mahigpit na hinahawakan ang kamay niya. Kinindatan siya nito na parang binatilyo. Naalala niya noong mga college pa sila na ‘yun lagi ang ginagawa ni Gray sa kanya. Siya naman na marupok ay agad na kin
ROSABEL'S POV:THE WEDDING DAY!Mula sa loob ng kanyang kwarto, nanginginig ang mga kamay niya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Tapos na siyang ayusan at mag-isa na lang siya doon. Suot niya ang puting gown na tila nilikha para lang sa kanya ng isa sa pinakamagaling na designer sa bansa. Hapit ito sa kanyang katawan, binibigyang-diin ang bawat kurbada ng kaniyang baywang at balikat. Sa bawat hakbang niya, sumasabay ang mahabang laylayan na may burdang pearls and crystal, kumikislap sa ilalim ng ilaw na tila mga bituin sa gabi. Hindi maikakaila na siya ang sentro ng mga tingin sa araw niyang iyon.Maya-maya ay narinig niyang may kumatok sa kanyang pinto at nagbukas iyon."Ate... ang ganda mo!" tili agad ni Lilly nang makita siya.Napangiti siya. "Thanks, Lilly." Si Lilly ang kanyang Maid of Honor. "Andoon na ang mga bisita at si Kuya Gray, ikaw na lang ang hinihintay."Hindi agad siya sumagot. Sa halip, pinikit niya ang mga mata at pilit pinakalma ang tibok ng kanyang puso n
"Yes, si Tiffany... Pagkatapos niya akong komprontahin tungkol kay Tiffany, ay umalis na siya at umuwi ng Scotland nang hindi sila nakapag-usap ni Tiffany. Hindi din kami nagkausap, kaya ang akala niya talaga ay inahas ko siya kay Tiffany.""Pero ano nga ba ang nangyari sa inyo ni Tiffany?" alanganing tanong niya. Natatakot siya sa sagot nito.Hindi niya alam kung kakayanin niyang marinig."Tiffany is my... Emilio's sister. Remember Emilio? Ang kaibigan namin ni Peter noong college na kasama ko sa varsity team?... She is like a little sister to me. Ang akala ni Tyler ay nakikipaglandian ako kay Tiffany.""Where is she now?""I don't know. The last time I know ay nasa America at nagmo-model.""Why don't you talk to Tyler now? Ipaliwanag mo ang side mo para maintindihan ka niya. Alam kong kahit na nagpapansinan kayo, ay may sama pa din siya ng loob. He is your cousin, at dapat ay hindi kayo ang nag-aaway."Humugot ng malalim na hininga si Gray."Sige, babe... para sa’yo gagawin ko."Hin
"Sigurado ka na ba, anak?" nag-aalalang tanong ng nanay niya."Mahal ko po si Gray, Nay... at mahal niya din ako. Sana po payagan niyo na kami. Masaya po ako at hindi ko kayang mawala si Gray sa buhay ko."Napatingin siya kay Gray, nakita niyang lumamlam ang mga mata nitong pinipigilang umiyak. Nginitian niya ito. Tumingin naman siya sa nanay niyang nasa kanya din pala ang atensyon. Tinititigan siya nito sa kanyang mga mata na para bang binabasa siya."S-Sige, anak, pumapayag na ako... kung saan ka masaya, ay doon kami ng lolo at lola mo.""Salamat, Nay... huhuhu..." umiiyak na sabi niya saka tumayo at lumapit sa nanay niya saka niyakap ito."Salamat din sa inyo, Ma'am Jonie, Sir Ken, Senyor Gregore, Senyora Beth, dahil tinanggap niyo ang anak ko, kahit ganito lang ang katayuan namin sa buhay.""Wag mong ibaba ang sarili mo, Cynthia. Hindi na kayo iba sa amin. At hindi mo man aminin, ay ibang-iba na ang buhay niyo ngayon kaysa dati. Meron na kayong negosyo sa Baguio.""Dahil 'yon kay
Pagkatapos niyang mabilisang maligo at magbihis, ay agad siyang lumabas ng kwarto. Nakasuot siya ng maayos na damit. Ito ang araw ng maghaharap niya sa mga magulang ni Gray bilang fiancée.Bestidang puti ang suot niya. Nagsisimbolo ng kanyang tunay at malinis na pagmamahal kay Gray. Hindi nga lang iyon simbolo ng kanyang purity ng kanyang pagkababae, dahil kani-kanina lang ay parang mga gutom na hayop silang nagkakastahan ni Gray sa kama niya.Paglabas niya ng kwarto ay nandoon na ang naghihintay ang kanyang gwapo at matipunong fiancée. Napakagwapo nito sa kanyang black shorts at white sandals. Nagpapa-yummy na naman ito sa kanya.Agad siyang hinalikan nito sa labi nang makita siya. "Ang ganda mo sa bestida mo, babe... Para kang isang diyosa.""Hihihi... Thank you. You're not bad yourself, babe... Para kang pagkain na masarap kainin," malanding biro niya sa nobyo.Totoo naman na 'yun ang tingin niya kay Gray, lalo na't kakatapos lang ng mainit-init nilang pagniig kanina. Pakiramdam ni