"Ay, gusto ko 'yan, Balae... Sige, kapag maayos na ang lagay ni Clark, ay doon naman tayo sa resort ni Fe at ni Jonie."Ate, napatagal na tayo sa kaka-kwentuhan sa kanila. Tara na at baka hinihintay na tayo ni Kuya!" nakasimangot na wika ni Rosie."Sige, umalis na kayo para hindi kayo ma-traffic." sabmbit naman ni Tita Felicia.Pagkatapos nilang magpaalam, ay umalis na sila. Siya ang nag-drive ng kotse. Na-miss niya din namang mag-drive sa Manila. Dumaan muna sila ng flower shop at bumili ng bulaklak at mga prutas para sakaling magising si Clark ay may makain ito.Pagdating ng ospital, ay agad silang pumunta sa kwarto ni Clark. Malayo pa lang ay madami nang nakabantay na mga pulis sa buong ospital, sinisigurado ng management ng ospital at ng gobyerno na wala nang mangyayari kay Clark.Nakita nilang nag-aayos ang nurse sa higaan ni Clark. Kakatapos lang nitong punasan at palitan ng damit si Clark. Lalaki ang kinuha nilang private nurse. Sa laki ng katawan nito, ay hindi ito kaya ng isa
Panandaliang namayani ang katahimikan sa loob ng kwartong iyon."Ahm, Fe... magpapaalam na kami. Baka aalis na din kami dito sa Pilipinas. Sa Australia na kami maninirahan ni Kevin. Doon na lang kami magbagong-buhay kasama ang anak namin. Lalayo muna kami sa mga mapanuring tingin ng mga tao sa akin. alam kong ako ang sinisisi nila sa mga nangyari kay Mayor Clark." malungkot na wika ni Cindy. Wala cyang naisagot dahil totoo naman ang lahat ng iyon. "Hangad ko din ang kaligayahan niyo ni Clark. Huwag kang mag-alala. Makikipagtulungan ko para mapasawalang-bisa kaagad ang kasal namin." dagdag pa nito"Salamat, Cindy. Sasabihin ko yan kay Clark."Nagyakap muna sila ng mahigpit ni Cindy bago ito umalis. Kahit papaano ay gumaan na din ang pakiramdam niya dahil wala na siyang grudge sa puso niya. Aaminin niyang sumama din ang loob niya kay Cindy noon. Ang akala niya kasi ay magiging magkaibigan na sila pagkatapos silang makaligtas sa pagkidnap ni Bryan sa kanila, pero bigla itong bumaliktad
Lumipas pa ang tatlong araw simula nang hawakan siya ni Clark. Akala niya magigising na ito, pero wala pa rin… Nawawalan na siya ng pag-asa. Doon na siya halos nakatira. Ayaw niyang sa paggising ni Clark ay wala siya. Ang gusto niya ay lagi siyang andoon dahil baka hanapin siya ng nobyo."Iha, matulog ka na kaya muna. Ilang araw ka nang walang tulog..." wika ni Tita Felicia sa kanya.Saglit lang siya kung matulog. Baka kasi habang natutulog siya ay saka magising si Clark. Ang dami niyang iniisip na posibilidad hanggang sa umabot ng tatlong araw, pero hindi pa rin nagigising si Clark. Nawawalan na naman siya ng pag-asa."Ako na muna ang magbabantay kay Clark. Umuwi ka na muna at magpahinga. Nanlalalim na ang mga mata mo, baka ikaw naman ang magkasakit!" nag-aalalang wika nito sa kanya."Ayokong umuwi, Tita. Gusto ko dito lang ako. Baka magising si Clark na wala ako. Gusto ko sa paggising niya, ako ang makikita niya."Buhat nang malaman ni Tita Felicia ang insidente sa kanila ni Clark,
"Ahm, Mayor... Ang mabuti pa, magpahinga ka muna. Kakagising mo lang at wala ka masyadong maalala. Take your time, Mayor. Papainumin kita ng gamot para muli kang makatulog at ma-relax ang katawan mo, ha?" magalang na paliwanag ng doktor.Tango lang ang sagot ni Clark.Nang bigyan ito ng gamot, agad namang nakatulog si Clark. Ni hindi man lang ito tumingin sa kanya bago muling nawalan ng malay... nalungkot siya doon."Doc, ano po ang nangyari kay Clark? Bakit di nya ako kilala?""Ito ang kinakatakutan ko. Hindi ko muna sinabi sa inyo na may posibilidad na magkaroon siya ng amnesia dahil nagkaroon siya ng fracture sa skull noong hinampas siya ni Counsilor Bryan sa ulo ng baril. Dagdag pa ang pagkabaril sa ulo nya, kahit pa daplis lang iyon.""P-Paano yan, Doc... Hindi na ako maalala ni Clark? Si Cindy ang naaalala niya?""Wag kang mawalan ng pag-asa, Ma'am Fe. Habaan pa natin ang pasensya natin at magtiwala lang tayo. Papasaan ba at gagaling din siya." wika ni Doc saka tinapik cya sa ba
"Anak, wag mo naman sigawan si Fe... Gusto niya lang makatulong!" saway ni Tita Felicia sa anak."I don't need her help, Mom! Hanggang ngayon ay di ko pa rin maisip kung bakit ako nagkaroon ng nobya samantalang may asawa na ako!... Saan ba kasi si Cindy?" muling sigaw nito."She’s in Australia, anak. Doon siya nagtatrabaho, di ba?" pagsisinungaling ni Tita Felicia. Kapag sinabi nilang may bago na itong asawa, baka lalo itong magalit.Napayuko cya, ang pinapanalangin nyang maalala cya ni Clark sa muling paggising nito ay hindi nangyari. Estranghero pa din cya sa mga mata nito. Naaawa na si Tita Felicia sa kanya, pero kailangan pa nilang habaan ang pasensya dahil may sakit si Clark.Paiyak na siya nang dumating ang doktor."Good morning. How’s my patient?" nakangiting bati ng doktor. "How are you, Mayor?"Hindi sumagot si Clark. Nanatili lang itong nakasimangot. Di tulad dati na masayahin at palabati ito, ngayon ay naging bugnutin. Parang napahiya din ang doktor dahil hindi ito pinansin
Kasalukuyan silang nasa kotse, pauwi ng mansion nina Clark. Nasa passenger seat si Tita Felicia, at sila naman ni Clark ang nasa likod. Hindi siya pinapansin nito, nakatingin lang ito sa labas ng bintana na parang sinasaulo ang daan.Pasimple lang siya kung tumingin dito dahil baka magalit ito sa kanya. Kahit na may benda ito sa balikat at ulo ay hindi maitatangging napakagwapo pa rin ni Clark. Pumayat lang ito ng kaunti pero hindi iyon nakabawas sa gandang lalaki nito.Napatingin si Clark sa kanya. Marahil ay napansin nitong pinagmamasdan niya."What are you looking at?" sita nito."Ah, eh... wala..." pagsisinungaling niya. Hindi niya napansin na napatitig na kasi siya dito. Marahil ay nawiwirduhan ito sa kanya.Maya-maya ay napangiwi ito at humawak sa ulo na may sugat. Agad naman niya itong dinaluhan."Babe, are you okay? Masakit ba ang sugat mo? Sabi naman sa'yo, huwag muna tayong lumabas ng ospital. Baka kasi mabinat ka!" nag-aalalang wika niya."Don't touch me!" sigaw nito, pero
"Tonta! Bakit ang tagal mo?!" mura nito pagkatapos uminom ng gamot. Ang init ng ulo nito."Pasensya ka na. Di ko kasi alam kung ano ang ipapainom, babe...""Ganyan ka ba mag-alaga sa akin? Kung hindi ka marunong, umalis ka na lang dito! Get out of my room!"Napatingin cya kay Clark. Ok lang sana kung hinid pa cya nito maalala pero bakit prang inaalila na cya? Katulong ba ang tingin sa kanya?Naluluha siyang lumabas ng kwarto. She’s never been humiliated in her whole life.Paglabas niya ng kwarto ay sakto namang andoon pa ang mga magulang niya, parang hinintay talaga ng mga ito na makalabas siya doon. Dali-dali siyang nagpunas ng mga luha."Nay... Tay... Andyan pa pala kayo?" Pinilit nyang gawing normal ang boses ng hindi mahalata ng mga ito na kakaiyak nya lang. "Sinaktan ka ba niya, anak?""H-hindi po, nay! Nagalit lang siya dahil di ko alam kung anong gamot ang ibibigay ko. Biglang sumakit kasi ang ulo niya." Paliwanag nya. ayaw nya din masira si Clark sa paningin ng mga magulang n
"Bakit ang tagal mong bumalik???" Napaigtad siya nang pagpasok niya sa kwarto ni Clark ay sigaw agad ang sumalubong sa kanya."Ah, pasensya ka na. May inayos lang ako sa labas." nauutal na wika niya. Matalim ang tingin nito habang papasok siya. Inasikaso pa niya ang pag-alis ng mga magulang at anak niya. Gusto niyang ihatid ang mga ito sa airport pero baka hanapin siya ni Clark. Si Rosie at mga magulang ni Clark na lang ang nagpresintang maghatid sa airport. Sila lang dalawa ni Clark ang naiwan sa bahay, bukod sa mga katulong na nasa baba.Pinulot niya isa-isa ang mga pinaghubaran nitong damit na nakakalat sa sahig. Malungkot pa siya dahil nagkakahiwalay na naman sila ng anak niya."Kapag di ka masaya sa ginagawa mo, puwede ka nang umalis!" muling sita nito sa kanya."Ah, hindi… may iniisip lang ako.""In the first place, bakit ka nga ba andito?"Napatingin siya sa gawi ni Clark. Matalim din ang tingin nito sa kanya. "Come here!"Dahan-dahan siyang lumapit sa tabi ni Clark."Ang sabi
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis
Nakarating lang sila ng bahay nang magulo ang isip niya. Palaisipan sa kanya ang sinabi ni Gray... Bakit siya nito titikman? Ano ang ibig sabihin nun?Oo nga’t virgin siya pero hindi naman siya inosente sa mga gano'ng bagay.“We're here... anunsyo nito.”Nauna itong bumaba saka inalalayan si Lilly na makababa. Sumunod siya, hinawakan siya nito sa braso para alalayan. Sandali siyang napaigtad, parang napaso siya sa mga hawak ni Gray. Oo nga’t dati pa niya naramdaman 'yon pero ngayon ay mas lalong pinaigting ang kanyang damdamin sa lalaki. Nagkaroon siya ng malisya bigla kay Gray, lalo pa nang makababa na siya at hindi pa nito binitawan agad ang kamay niya. Ang lapit ng katawan nila sa isa’t isa na napakalapit na ng ilong niya sa katawan nito at naamoy niya ang mamahaling pabango ng binata.“Hey guys!” masayang salubong ni Ma'am Jonie sa kanila. Nakasunod dito ang asawang si Sir Ken. Agad siyang binitawan ni Gray at umikot sa compartment para kunin ang mga pinamili.“Hey mom! We're here
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat