Share

Chapter thirteen

Ralph Reinhart

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog at paggising ko ay nasa tabi ko na si Emilia at tulog na tulog.

Pero napatitig ako sa mukha nito dahil namumula kaya bumangon ako at inayos ang pagkakahiga niya.

Hinaplos ko ito at halata na kakagaling lang niya sa pagiyak.

Nakarinig ako ng mahinang katok kaya binuksan ko ang pinto gamit ang kakayahan ko at pumasok si Irish at si Sol na may dalang tray ng tsaa.

"Nakatulog na pala si Emilia." Mahinang turan ni Irish, lumapit dito sa kama si Sol at tinitigan niya si Emilia.

"Kanina pa po siya umiiyak hindi namin alam kung bakit pero sobra po ang lungkot niya." Mahina nito na turan at napatingin sa akin.

"May nalaman siya kanina na ikinagulat niya Ralph." Sabi ni Irish.

"Anong nalaman niya?" Kinabahan ko na tanong.

"Hindi niya nararamdaman ang tibok ng puso mo maging si Victor at ng sabihin namin ang dahilan ay umiyak siya ng umiyak." Sagot ni Irish kaya napapikit ako at nayakap ko na lang ang aking reyna.

My innocent Emilia hin
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status