Share

Released

Author: Ely
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-31 18:10:37

Helena Cardenas’s POV

Mahigpit kong niyakap ang lumang sobre na ibinigay sa akin ni Nanay Leticia habang bumababa ako ng bus.

Sa wakas...

Narating ko na rin ang Bayan ng Perlas.

Ito ang bayang matagal kong gustong balikan at sabay ding kinatatakutan.

Dito nakatira ang pamilya ng asawa kong si Emilio.

Dito rin dinala ang mga anak ko limang taon na ang nakalipas.

Limang taon...

Limang taong hindi ko sila nayakap.

Hindi ko sila nakitang lumaki.

Hindi ko alam kung kumusta na sila.

Huminga ako nang malalim.

"Helena..."

"Kaya mo ito."

Ito na lamang ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Wala akong ibang pagpipilian kundi lumaban.

Para sa mga anak ko.

At para sa katotohanang matagal nang ibinaon ng panahon.

Tahimik kong nilibot ang maliit na terminal.

Simple lamang ang bayan.

Walang matatayog na gusali.

Walang matinding trapiko.

Maraming tindahang gawa pa sa kahoy.

May mga nagtitinda ng sariwang gulay.

May mga traysikel na naghihintay ng pasahero.

May matatandang nakaupo sa tapat ng tindahan habang nagkakape.

At halos lahat...

Nakatingin sa akin.

Pakiramdam ko ay isa akong kakaibang nilalang na ngayon lamang nila nakita.

Napabuntong-hininga ako.

Lumapit ako sa isang matandang babae.

"Excuse me po."

"Alam n'yo po ba kung saan ang bahay ni Don Isagani?"

Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa.

Parang sinusuri muna kung mapagkakatiwalaan ba ako.

"Sino ka ba, hija?"

"May kailangan lang po akong ibigay."

Tumango siya.

"Naku..."

"Malayo pa iyon."

"Nasa kabilang ibayo pa."

"Mag-tricycle ka na lang."

"Salamat po."

Ngumiti ako bilang pasasalamat.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo...

Narinig ko na ang mga bulungan.

"Hala..."

"Ang ganda naman."

"Parang artista."

"Hinahanap si Don Isagani."

"Baka nobya."

"Anak kaya?"

"Hindi..."

"Baka mayaman din."

"O baka bagong asawa."

Napapikit ako.

"Grabe..."

"Hindi ba sila marunong magbulungan?"

Parang sinasadya nilang lakasan ang boses para marinig ko.

Isa pa ang nagsalita.

"Baka mana naman ang habol."

Tumawa ang grupo.

Napailing na lamang ako.

"Wala pa nga akong limang minuto rito..."

"Ginawan na agad ako ng teleserye."

Hindi ko na lamang sila pinansin.

May mas mahalaga akong pakay kaysa patulan ang mga usisero.

May napansin akong bakanteng traysikel.

Lumapit agad ako.

"Manong."

"Libre po ba kayo?"

"Oo, Miss."

"Alam n'yo po ba kung saan ang mansiyon ni Don Isagani?"

Bigla siyang napatingin sa akin.

"Kay Don Isagani?"

"Opo."

Napakamot siya ng ulo.

"Alam ko."

"Pero hindi kita maihahatid hanggang gate."

"Bakit po?"

"May security."

"May mga harang."

"Bawal basta-basta ang pumapasok."

"Hanggang bukana lang kita."

"Okay na po iyon."

Tumango siya.

"Sakay ka."

Habang bumibiyahe kami ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang buong paligid.

Napakaganda ng Bayan ng Perlas.

Malalawak ang mga palayan.

Luntian ang mga bukirin.

May malalaking puno sa magkabilang gilid ng kalsada.

Malinis ang hangin.

Tahimik.

Simple.

Hindi pa moderno tulad ng Maynila.

Ngunit may kakaibang kapayapaan ang lugar.

Kung hindi lang dahil sa masasakit kong alaala...

Baka nagustuhan ko pa ang bayang ito.

Samantala...

Parang hindi nauubusan ng kuwento ang driver.

"Miss."

"Alam mo ba?"

"Si Don Isagani..."

"Napakabait niyan."

"Maraming natulungan."

"Pero istrikto."

"Oo nga pala..."

"Wala pa yatang asawa."

Napangiti ako.

"Talaga po?"

"Oo."

"Tapos may malaking grocery."

"May mga palaisdaan."

"May mga bukirin."

"May mga truck."

"May rice mill."

"Aba'y napakayaman."

Hindi ko na halos kailangang magtanong.

Si Manong na mismo ang nagbibigay ng buong biography ni Don Isagani.

Napatawa tuloy ako.

Habang abala siya sa pagkukuwento...

Bigla na lamang may rumagasang itim na pickup truck.

Vroooom!

Napakalapit nitong dumaan sa amin.

"Ginoo ko!"

Napasigaw si Manong.

Bigla niyang kinabig ang manibela.

Kasabay ng napakalakas na preno.

Screeeech!

Halos tumilapon ako sa inuupuan ko.

Buti na lamang at nakakapit ako.

Kung hindi...

Malamang ay nakahandusay na ako sa kalsada.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Mabilis ang tibok ng puso ko.

"Grabe naman!"

Napamura si Manong.

"Pambihira!"

"Kung makatakbo akala mo siya lang ang may-ari ng daan!"

Medyo nahilo ako.

Hindi naman ako nasaktan.

Pero ramdam kong bumigat ang paghinga ko.

Huminto rin ang pickup.

Bumaba ang driver.

Naririnig kong nagtatalo na silang dalawa.

"Boss!"

"Nasa gilid na nga ako!"

"Ang bilis-bilis mo pa!"

Hindi ko na masyadong maintindihan ang sagutan nila.

Pakiramdam ko ay umiikot pa ang paligid.

Kaya dahan-dahan akong bumaba ng traysikel para makalanghap ng hangin.

Napansin agad ako ng lalaking nagmamaneho ng pickup.

"Miss."

"Okay ka lang ba?"

Hindi ko siya sinagot.

Huminga lamang ako nang malalim.

Ayokong masira ang unang araw ko rito dahil lang sa walang kuwentang aksidente.

Samantala...

Lalong lumakas ang boses ni Manong.

"May pasahero ako!"

"Paano kung napahamak siya?"

"Aba'y bayaran mo na lang ang danyos!"

Nanlaki ang mga mata ng lalaki.

"Bakit kita babayaran?"

"Kayo ang biglang gumitna!"

"Ano?"

Biglang tumawa ang lalaki.

"Scammer kayo!"

Parang may kung anong sumabog sa loob ko.

Napatigil ako.

Unti-unti akong napalingon sa kanya.

Scammer.

Isang simpleng salita lamang.

Pero para sa akin...

Isa na naman iyong akusasyon.

Mula nang makulong ako...

Hindi na ako makatiis kapag may naririnig akong taong basta na lamang nagbibintang.

Kahit hindi para sa akin.

Dahil alam ko ang pakiramdam ng mapagbintangan.

Ang pakiramdam ng walang nakikinig sa katotohanan.

Mabilis akong lumapit.

"Hoy, Mister!"

Napatingin siya sa akin.

"Mag-ingat ka sa mga pinagsasabi mo."

Nagtaas siya ng kilay.

"Bakit?"

"Hindi porke't mayaman ka..."

"Pwede ka nang mag-akusa nang basta-basta."

Napangisi siya.

"Teka..."

"Kasabwat ka yata nito."

Natigilan ako.

"Ano?"

"Tandem ba kayo?"

"Ikaw ang pain."

"Siya ang hihingi ng pera."

"Classic modus."

Halos umusok ang ilong ko sa inis.

"Ano ba ang problema ng lalaking ito?"

"Lahat na lang ba ng tao kriminal sa paningin niya?"

"Eh siraulo ka pala!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Pasahero lang ako!"

"Hindi mo ba nakita?"

"Tingin mo ba may oras akong makipagsabwatan para sa ilang gasgas?"

Tahimik siyang nakatingin sa akin.

Pagkatapos...

Bigla siyang ngumiti.

Nakakainis.

Napakakapal ng mukha.

Doon ko lamang siya napagmasdang mabuti.

Matangkad.

Malapad ang balikat.

Moreno.

Napakaputing ngipin.

May malalim na dimple sa kaliwang pisngi.

Matangos ang ilong.

At may boses na parang puwedeng maging radio announcer.

Sa madaling salita...

Gwapo.

Pero habang tumatagal ko siyang tinitingnan...

Lalo kong gustong sapakin.

Dahil sa sobrang yabang.

"Pwede ba?"

Aniya habang nakapamulsa.

"Usapang driver ito."

"Huwag ka nang makialam."

"Saka..."

Sinulyapan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Baka mamaya kasama ka nga talaga."

Napasinghap ako sa sobrang inis.

"Ano?!"

"May diperensya ba ang utak nito?"

"Hindi marunong mag-isip?"

"O sadyang ipinanganak lang talagang nakakairita?"

Humakbang ako palapit sa kanya.

Halos magdikit na ang mukha namin.

"Makinig ka."

"Dahil lang gwapo ka..."

"Hindi ibig sabihin may lisensya ka nang maging bastos."

Nagulat siya.

Pero mabilis ding bumalik ang ngisi niya.

"Hmm."

"Matapang."

"Hindi ko lang alam kung totoo."

"Aba!"

Kung hindi lang ako bagong salta sa lugar na ito, baka nasampal ko na siya.

Napapikit ako.

"Helena..."

"Huwag."

"Unang araw mo pa lang."

"Ayaw mong bumalik agad sa kulungan."

Huminga ako nang malalim.

Pagkatapos ay tumalikod.

Hindi na ako nagsayang ng kahit isang segundo sa lalaking iyon.

Bumalik ako sa traysikel.

"Manong."

"Tara na po."

Tumango naman ang matanda.

Mukhang ayaw na rin niyang patagalin ang usapan.

Habang umaandar muli ang traysikel ay napatingin pa ako sa rearview mirror.

Nakatayo pa rin ang lalaki.

Nakasandal sa pickup.

Nakatitig sa amin.

May nakakalokong ngiti pa rin sa labi.

Napairap ako.

"Sayang..."

"Gwapo ka pa naman."

"Kaso..."

"Napakaantipatiko mo."

"At kung ganiyan ang ugali mo..."

"Sana matisod ka sa sarili mong kayabangan."

Hindi ko alam noon...

Na ang lalaking halos gusto ko nang batukan sa unang pagkikita namin...

Ang siyang magiging dahilan ng pinakamalaking pagbabago sa buhay ko.

At marahil...

Siya rin ang isa sa mga taong pinakamahirap kong pakikisamahan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Fear

    Chapter 17Migo’s POV“How could you do this to me?”“Migo, I trusted you.”“You know my pain.”Pagrereklamo pa ni Mama nang malaman niyang tinutulungan ko si Helena na makita niya ang kanyang mga anak.Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.Alam kong nasasaktan siya.Alam kong galit siya.Pero hindi ko rin kayang manahimik na lamang habang nakikita kong unti-unting nawawasak ang isang babaeng sa tingin ko ay wala namang kasalanan.“Pati ikaw nagayuma na ng masamang babae na iyan.”“Mama, are you even listening to yourself?”“Baka marinig kayo ng mga bata.”“I don't care. Dapat malaman nila kung gaano kasama ang kanilang ina. Pinatay niya si Emilio.”Iyan ang pinaniniwalaan ni Mama.Para sa kanya, wala nang ibang posibilidad.Si Helena ang pumatay kay Emilio.Si Helena ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang anak.At dahil doon, kahit anong sabihin ko ay hindi niya gustong pakinggan.Pero ako, matagal na akong nagdududa.Hindi dahil gusto kong kampihan si Helena.Hindi dahil m

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Busy Lady

    Chapter 17Helena’s POVNaging abala ako sa pagpapatakbo ng kumpanya, napakaraming pagbabago ang ginawa ko.Hindi ko akalain na ganito pala karaming responsibilidad ang kailangang harapin kapag ikaw na mismo ang namamahala. May mga desisyon na kailangang gawin agad, may mga problemang kailangang lutasin, at may mga taong umaasa sa bawat desisyon ko.Pero hindi ako nagrereklamo.Sa totoo lang, masaya ako.Pakiramdam ko ay sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong nabubuo muli ang sarili kong buhay.Napakarami kasing mga empleyado na halos limang taon nang nagtatrabaho ay contractual pa rin. Lagi silang nangangamba na baka isang araw ay mawalan sila ng trabaho. Nakikita ko sa mga mukha nila ang takot tuwing may pagbabago sa kumpanya.Ayaw kong ganoon ang maramdaman nila.Kaya isa-isa kong pinag-aralan ang kalagayan ng bawat empleyado. Hindi lahat ay kailangang tanggalin o palitan. Ang iba ay kailangan lamang ng pagkakataon.Marami din akong naibigay na pagkakataon sa tulad kong babae,

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Interior Motive

    Chapter 16Helena’s POV“Saan ka pupunta, Helena at bihis na bihis ka?”“Magkikita po kami ng mga anak ko, Don Isagani,” masaya kong ibinalita sa kanya.“Magkikita? Paanong nangyari iyan?”“Imposibleng papayag si Dona Engracia.”“Nangako po si Migo Cardenas. Magkikita po kami sa parke ng Perlas.”“At nagtiwala ka naman sa taong iyon?”“Bakit po, Don Isagani? Hindi ho ba maganda ang reputasyon niya sa bayang ito?”Hindi nakasagot si Don Isagani.Napansin kong biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. Para bang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang-isip siyang sabihin sa akin.Nagtaka ako.Kaya naman nagtatanong-tanong na rin ako sa mga tao na nakakakilala sa kanya.Kilala si Migo Cardenas na may palabra de honor.Kaya siguro hindi naman niya ako lolokohin at paasahin.Hindi ko kayang isipin na muling mawawala ang pagkakataong makita ang mga anak ko.Limang taon.Limang taon akong naghintay para lamang muling marinig ang kanilang mga boses.Limang taon akong nangarap na muling mahaw

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Mixed Emotion

    Chapter 115Migo’s POVHindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Helena. Sa pakiramdam ko, nagkamali talaga kami.Hindi siya dapat inakusahan noon.Kinakalibutan ako habang naisip kung papaano siya nagtiis ng limang taon sa kulungan. Batang-bata pa siya noon. Isang batang babae na dapat sana ay nag-aaral, nangangarap, at kasama ang kanyang pamilya, pero sa halip ay nakulong dahil sa isang bagay na hindi naman niya ginawa.“Oh Mama, anong nagawa ninyo,” sa isip-isip ko.Nilalamon na ako ng konsiyensiya ko.Bakit ko hinayaan si Mama na gawin ang kalupitan na iyon sa kanya?Bakit hindi ako nagtanong?Bakit hindi ko man lang sinubukang alamin ang buong katotohanan?Nasa ibang bansa kasi ako noon dahil sa negosyo. Noon, wala akong pakialam kapag tungkol kay Emilio, dahil hindi rin maganda ang relasyon namin bilang magkapatid.Napakalaki kasi ng pinagbago niya habang pareho kaming nagkakaedad.Iba ang takbo ng kanyang isip kaysa sa akin.Makasarili siya.Narcissist.At malupit.Ilang beses na

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    The Visit

    Chapter 14Helena’s POVPagkatapos ng mga meeting ko sa supplier ay nilapitan ako ng aking sekretarya.“Ma’am, may bisita po kayo sa opisina ninyo.”“Sino naman?”“Si Mr. Migo Cardenas po.”“Bakit?” Anong dahilan ng pagparito niya? Aawayin na naman ba niya ako at aakusahan?”Inihanda ko ang sarili ko sa harap-harapang laban na ito.“At ako, wala akong balak na matalo.”Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang pumunta rito. Matapos ng lahat ng nangyari, hindi ko alam kung ano pa ang gusto niyang malaman sa akin. Hindi naman ako ang taong may sagot sa lahat ng tanong niya.Pero kung gusto niyang harapin ako, haharapin ko rin siya.Ayoko nang muling maging mahina.Ayoko nang muling marinig ang mga akusasyon na matagal ko nang pinagdaanan.Pagdating niya, ay inabot niya ang kanyang kamay.“Hi, Helena.”Hindi ko alam kung tatanggi ba ako o ano.Kung sa bagay, ay humarap naman siya bilang isang tao kaya pinagbigyan ko na rin at inabot ko ang aking kamay.“Hello, Mr. Cardenas.”“Migo na

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Resist

    Chapter 13Migo’s POVHindi ako makapaniwala na ang babaeng hindi mawala-wala sa isip ko ay asawa ng kapatid ko.Ang asawa na pumatay sa kanya.Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng kanyang pagiging maamo at kagandahan ay may nagtatagong kasamaan.Pero parang hindi iyon ang gustong paniwalaan ng puso ko.Simula nang makita ko si Helena, hindi ko na maalis sa isip ko ang mukha niya. Iyong mga mata niyang parang laging may tinatagong lungkot. Iyong paraan ng pagsasalita niya na kahit palaban ay may matatag na disposisyon. Hindi ko nakita sa kanya ang isang babaeng kayang pumatay ng tao.Pero maaaring nagkakamali ako.Maaaring mahusay lamang siyang magkunwari.Kilala ko si Emilio. Maaaring magkapatid nga kami pero magkaibang-magkaiba kami.Si Emilio ay mas tahimik, mas seryoso at mas mapag-isa. Hindi siya iyong tipo ng taong madaling magtiwala sa iba.Ako naman ay mas mapagmasid.Kaya siguro hanggang ngayon ay hindi ako mapalagay sa lahat ng naririnig ko tungkol kay Helena.Hindi kaya b

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status