Masuk"Ate, hanggang dito na lang po kami."
Huminto ang traysikel sa isang malaking bakal na gate na halos natatakpan na ng makakapal na baging.
"Pasensya na po. Hindi na kami puwedeng pumasok diyan."
Napalingon ako sa unahan.
Mahaba ang daan na tila nilalamon ng katahimikan.
"Maglakad ka na lang papasok."
"Opo, Manong. Maraming salamat."
Ngumiti ako at iniabot ang pamasahe.
"Mag-ingat ka."
Tumango ako.
Hindi ko alam kung bakit tila may kakaibang lungkot sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga salitang iyon.
Parang may gusto pa siyang sabihin.
Ngunit pinili niyang manahimik.
Unti-unting umalis ang traysikel hanggang sa tuluyan na itong nawala sa aking paningin.
At doon ko lang tuluyang naramdaman...
Ako na lang mag-isa.
Huminga ako nang malalim.
Mahigpit kong hinawakan ang lumang sobre ni Nanay Leticia.
"Kaya mo 'to, Helena."
Pagkatapos ay nagsimula akong maglakad.
Sa bawat hakbang ko ay mas lalo kong napapansin ang kakaibang kalagayan ng lugar.
Kung ang labas ng bayan ay puno ng buhay...
Ang daan patungo sa mansiyon ni Don Isagani ay tila isang mundong matagal nang nakalimutan.
Makipot ang sementadong kalsada.
Halos hindi na ito makita dahil sa makakapal na damong tumubo sa magkabilang gilid.
Noon marahil ay maayos itong damuhan.
Makikita pa ang bakas ng dating bermuda grass.
Ngayon...
Napalitan na iyon ng matataas na carabao grass na halos abot-baywang.
Humahampas ang mga ito sa aking mga binti habang naglalakad ako.
May mga tuyong dahon na lumilipad sa bawat ihip ng hangin.
Naririnig ko ang mga kuliglig.
Mga ibong hindi ko kilala.
At ang paulit-ulit na pagaspas ng mga sanga.
Parang may nagmamasid.
Napalingon ako sa paligid.
Wala.
Ako lang.
Ngunit hindi mawala ang kakaibang pakiramdam.
Parang may mga matang sumusunod sa bawat hakbang ko.
Mas lalo akong napabuntong-hininga nang makita ko ang mga nagbagsakang puno.
May mga punong tila ilang taon nang nakahandusay sa gilid ng daan.
Hindi man lamang pinutol.
May mga sanga na humaharang sa daanan.
May mga halamang matagal nang nalanta.
Mga paso na wala nang laman.
Mga namuong lumot sa mga batong dekorasyon.
Kung hindi ko alam na may nakatira rito...
Iisipin kong matagal nang abandonado ang lugar.
"Napakayaman daw ni Don Isagani..."
"Pero bakit parang walang nag-aalaga sa bahay niya?"
Mas lalo akong nagtaka.
Hindi lamang ang paligid ang tila namatay.
Kahit ang hangin...
Parang mabigat.
Parang may dinadalang napakalalim na kalungkutan.
Mahigit sampung minutong paglalakad ang lumipas.
Hanggang sa unti-unting lumitaw sa aking harapan ang mansiyon.
At kahit napabayaan...
Hindi maikakailang napakaganda nito noon.
Isa itong napakalaking Spanish-inspired mansion.
May malalawak na balkonahe.
Matataas na haligi.
Malalaking arko.
At napakaraming bintanang yari sa kahoy.
Ngunit ngayon...
Halos balutin na ito ng mga baging.
May mga basag na salamin.
Kalawangin ang ilang bahagi ng bakal na balkonahe.
May mga tuyong dahon sa bubong.
At tila wala nang taong naglilinis sa napakalawak nitong bakuran.
Pakiramdam ko ay nakatayo ako sa harap ng isang palasyong unti-unting kinakain ng panahon.
At kasabay ng pagkasira ng bahay...
Parang may unti-unti ring namatay sa pusong naninirahan dito.
Lumapit ako sa malaking pintuan.
Huminga nang malalim.
At kumatok.
Tok... Tok... Tok...
Tahimik.
Makalipas ang ilang segundo...
Unti-unting bumukas ang napakalaking pintuang kahoy.
Lumabas ang isang matandang babae.
Siguro'y nasa animnapu pataas na ang edad nito.
Nakaputing apron.
Mahigpit ang pagkakatali ng buhok.
At mababakas sa mukha ang mahabang panahon ng paglilingkod.
Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa.
"Sino ka?"
"Anong kailangan mo rito?"
Magalang naman ang tono niya.
Ngunit halatang nag-iingat.
Ngumiti ako.
"Ako po si Helena."
"Pinapunta po ako rito ni Nanay Leticia."
Biglang nagbago ang ekspresyon ng matanda.
"Ha?"
"Si Letty?"
"Opo."
Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Saglit lang."
"Hintayin mo ako rito."
Mabilis siyang pumasok muli.
Narinig ko pa ang mabilis niyang mga yabag paakyat ng hagdan.
Ilang minuto akong naghintay.
Hanggang sa muli siyang bumalik.
"Pumasok ka."
"Bababa na si Don Isagani."
Tumango ako.
"Salamat po."
Pagpasok ko sa loob ng mansiyon ay hindi ko napigilang mapamangha.
Napakalawak.
Napakataas ng kisame.
May napakalaking crystal chandelier sa gitna.
Mga antigong muwebles.
Mga oil paintings.
Mga rebultong yari sa marmol.
Malalaking kurtina.
At napakagandang hagdanang paikot.
Halatang napakayaman ng may-ari.
Ngunit...
May kakaibang bagay.
Madilim.
Hindi dahil kulang ang ilaw.
Kundi dahil tila walang buhay ang buong bahay.
Makapal ang alikabok sa mga mesa.
May puting telang nakatakip sa ilang mamahaling sofa.
May mga lumang orasan na hindi na umaandar.
May mga paso ng bulaklak na matagal nang natuyo.
Ang bawat sulok ng bahay ay tila may sariling kuwento ng pagdurusa.
Parang matagal nang walang tumawa rito.
Walang nagdiwang.
Walang nabuhay.
Tahimik.
Napakatahimik.
Halos marinig ko ang sariling tibok ng puso ko.
Bigla kong narinig ang mabibigat na yabag mula sa ikalawang palapag.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Unti-unti itong lumalapit.
Lumingon ako.
At doon ko siya unang nakita.
Si Don Isagani.
Matangkad.
Ngunit kapansin-pansing pumayat.
Napakaputla ng balat.
Halatang matagal nang hindi nasisikatan ng araw.
Nakatakip ang halos buong katawan niya ng mahabang manggas at makapal na damit kahit mainit ang panahon.
Tanging mukha lamang niya ang nakalantad.
Mahaba ang buhok.
Balbas-sarado.
May bahagyang eyebags.
Ngunit kahit ganoon...
Hindi maitago ang pagiging guwapo niya noong kabataan.
May kabaitan sa kanyang mukha.
Ngunit mas nangingibabaw ang matinding pagod.
At higit sa lahat...
Napakabigat ng kanyang aura.
Parang pasan-pasan niya ang bigat ng buong mundo.
Huminto siya sa aking harapan.
"Kaibigan mo si Leticia?"
Mahina ngunit mabigat ang kanyang tinig.
"Opo."
Iniabot ko ang sulat.
Tahimik niya iyong tinanggap.
Habang binabasa niya ang bawat linya...
Unti-unti kong nakita ang pagbabago ng kanyang mukha.
Namula ang kanyang mga mata.
Bahagyang nanginig ang kanyang kamay.
May isang luhang pilit niyang pinigilan.
Matagal siyang hindi nagsalita.
Tila bumalik ang napakaraming alaala sa kanyang isipan.
Nang matapos niyang basahin ang sulat ay marahan niya itong itinupi.
At saka niya ako tiningnan.
"Anong plano mo ngayon?"
Natigilan ako.
Hindi ko inaasahan ang tanong.
"Ako po..."
"Hindi ko pa alam."
Napabuntong-hininga siya.
"Ikaw ba ang biyuda ni Emilio?"
Mabigat ang tanong.
Tahimik akong tumango.
"Hmm."
Hindi na siya nagtanong pa tungkol sa kaso ko.
Ni hindi niya ako tinanong kung totoo bang pumatay ako.
Hindi niya ako hinusgahan.
Sa unang pagkakataon matapos ang limang taon...
May isang taong hindi agad tumingin sa akin bilang isang kriminal.
"Ano ang alam mong gawin?"
"Nakapagtapos ka ba ng high school?"
"Opo."
"At nakapagkolehiyo rin po ako."
Bahagya siyang nagtaas ng kilay.
"Saan?"
Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na itinago ang katotohanan.
"Sa loob po ng kulungan."
Sandaling natahimik ang buong sala.
Pagkatapos ay bahagya siyang ngumiti.
"May mabuti rin palang naidudulot ang bilangguan."
Hindi iyon panunuya.
Parang simpleng obserbasyon lamang.
"Kurso?"
"Accounting po."
"Board passer?"
Napayuko ako.
"Hindi pa po."
"Plano ko sanang mag-review."
"Pero pagkalabas ko ng kulungan..."
"Kailangan ko munang maghanap ng trabaho."
"Kailangan kong mabuhay."
At higit sa lahat...
Kailangan kong ipaglaban ang mga anak ko.
Tahimik siyang tumango.
"Matutulungan kita."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Talaga po?"
"Pero..."
Hindi pa pala siya tapos.
"Hindi kita patitirahin dito nang walang kapalit."
Agad akong tumango.
"Naiintindihan ko po."
"Kung kaya mong gawing umaga ang gabi..."
"At gabi ang umaga..."
"Tatanggapin kita."
Napakunot-noo ako.
Hindi ko man lubos na naintindihan ang ibig niyang sabihin...
Ramdam kong hindi magiging madali ang trabahong naghihintay sa akin.
"Marami akong ipagagawa sa negosyo."
"Kaya mo ba?"
Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng aking damit.
Pagkatapos ay buong tapang akong tumingin sa kanya.
"Opo."
"Lahat po ay kakayanin ko."
Hindi na ako natatakot sa hirap.
Pagkatapos ng limang taon sa bilangguan...
Wala nang trabahong mas mahirap kaysa mabuhay nang walang pag-asa.
Bahagya siyang tumango.
"Mabuti."
"Magaganda ang sinabi ni Leticia tungkol sa'yo."
"Kaya kita tatanggapin."
Parang nabunutan ako ng napakalaking tinik.
"Maraming salamat po, Don Isagani."
Tinawag niya ang matandang babae.
"Martha."
"Samahan mo siya."
"Sa guest room."
"Opo, Don."
Tahimik akong sumunod kay Martha paakyat ng hagdan.
Una.
Ikalawa.
Ikatlo.
Hanggang sa ikaapat na palapag.
Pagbukas niya ng isang malaking pintuan ay napahinto ako.
Nanlaki ang mga mata ko.
Napakalaki ng guest room.
Mas malaki pa ito nang ilang ulit kaysa sa buong bahay na minsan naming tinirhan ni Emilio noong bagong kasal pa lamang kami.
May king-size canopy bed.
May sariling sala.
May fireplace.
May walk-in closet.
At napakalalaking bintanang tanaw ang buong kabundukan.
Ngunit...
Kasabay ng paghanga ko ay ang matinding lungkot.
Makapal ang alikabok sa bawat sulok.
May mga sirang kabinet.
May mga kahong hindi na nabuksan.
May mga antigong upuang putol ang paa.
May mga kurtinang kupas na ang kulay.
May amoy ng lumang kahoy at nakatiwangwang na alaala.
Parang matagal nang walang taong tumira rito.
Napabuntong-hininga ako.
Mahaba pa ang landas na tatahakin ko.
Ngunit sa kabila ng lahat...
Mas maayos pa rin ang silid na ito...
Kaysa sa malamig, masikip, at madilim na selda na limang taon kong tinawag na tahanan.
At sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon...
May kama na akong matatawag na akin.
Bagama't hindi ko pa alam...
Na ang lumang mansiyong ito ay nagtatago rin ng mga lihim na unti-unting magpapabago sa aking buhay.
Chapter 21Migo’s POVInabangan ko si Helena sa labas ng Gani’s. Madami kasing mata doon. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Ayaw kong may maling isipin siya tungkol kay Cielo.Wala kaming relasyon.Ilang beses kong inulit sa isip ko iyon habang naghihintay ako.Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya. Hindi naman kami mag-asawa. Wala naman akong obligasyon na ipaliwanag ang personal kong buhay sa kanya.Pero gusto ko.Dahil mahalaga sa akin kung ano ang iisipin niya.Nakita ko siya sa malayo. Papasakay na siya sa kotse niya kaya minessage ko muna siya sa cellphone.“Helena, can we talk?”Ilang segundo ang lumipas bago siya nagreply.“About?”Maikli lamang ang sagot niya, halatang hindi siya interesado.Napabuntong-hininga ako.“I need to explain.”“Hah?”Napangiti ako nang bahagya. Ganoon talaga siya. Straightforward. Walang paligoy-ligoy.“Let’s talk to somewhere quiet, may mensahe ang mga anak mo sa iyo.”Mali man ay ginamit ko na ang kambal, para makausap s
Chapter 20Migo’s POV“Cielo! Ano ba yang sinasabi mong fiance kita? Parang wala naman akong natatandaang nakapagpropose ako sa iyo?”Halos hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula sa kanya. Nakatingin siya sa akin na para bang ako ang may kasalanan kung bakit hindi ko tinatanggap ang sinasabi niya.“Migo, ano ba ang tingin mo sa akin?”Napakunot ang noo ko.“Parausan lang?”Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.“Ilang beses ng may nangyari sa atin.”“And after all the things we’ve done. Wala pa lang kahulugan sa iyo?”“Honestly Cielo, wala talaga.”Diretsahan kong sagot.Ayokong bigyan siya ng kahit anong pag-asa. Alam kong mas masasaktan siya kung patuloy ko siyang pagbibigyan at hahayaan siyang maniwala sa isang bagay na hindi naman kailanman mangyayari.“We are both consenting adults playing around. And besides ikaw ang lumalapit sa akin at hindi ako.”Tahimik siya sandali.Pero sa halip na umatras, lalo siyang lumapit.“But I love you Migo.”Napabuntong-hininga ako.Hindi
Chapter 19Helena’s POVHabang lumilibot ako sa buong store, hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga pamilyang magkakasama na namimili.May tatay, may nanay at may mga anak na masaya at naglalambing sa kanilang mga magulang.May mga batang humihila sa kamay ng kanilang mga ama habang may gustong laruan. May mga batang nakasakay sa shopping cart at masayang tumatawa habang tinutulak sila ng kanilang mga ina. May mga mag-asawang nagtatalo kung anong pagkain ang bibilhin para sa hapunan, pero halatang masaya sa simpleng pagtatalo.Sa totoo lang, naiingit ako.Hindi ko naman inaasahang maging gayon kami ni Emilio kung buhay pa siya.Dahil dalawang taon pa lang ang anak namin ay nanlamig na ako sa kanya.Mula nang sinaktan niya ako dahil sa tinanong ko lamang siya kung kailan siya babalik.Hindi ko naman siya pinagbawalan.Hindi ko naman siya hinarangan sa mga gusto niyang gawin.Ang gusto ko lang noon ay malaman kung kailan siya uuwi dahil kailangan ko ng pera para sa mga bata.Pero ang simp
Chapter 18Migo’s POVHalos buwan din mula nang hindi kami nagkausap ni Mama. Ayaw ko rin namang salubungin ang galit niya. Kaya nang nagulat ako nang pinapupunta niya ako sa mansiyon ng mga Cardena para sa isang hapunan.Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit bigla niya akong ipinatawag.Wala naman kaming napag-usapan nitong mga nakaraang linggo.Kung tutuusin, sanay na ako sa katahimikan sa pagitan namin. Pero iba pa rin kapag ang sarili mong ina ang hindi mo nakakausap. Kahit sabihin kong hindi ko kailangan ang approval niya, hindi ko maikakaila na may bahagi sa akin na umaasang darating ang araw na maiintindihan din niya ang panig ko.Kaya pagkatapos ng trabaho ay nagtungo na ako doon.Habang nagmamaneho ako patungo sa mansiyon, paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga tanong.“Hindi na ba talaga siya galit?”“Naisip kaya niyang hindi siya makatarungan?”“O baka, sesermonan na naman niya ako muli?”Napabuntong-hininga ako.Kung ano man iyon, inihanda ko na lamang ang saril
Chapter 17Migo’s POV“How could you do this to me?”“Migo, I trusted you.”“You know my pain.”Pagrereklamo pa ni Mama nang malaman niyang tinutulungan ko si Helena na makita niya ang kanyang mga anak.Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.Alam kong nasasaktan siya.Alam kong galit siya.Pero hindi ko rin kayang manahimik na lamang habang nakikita kong unti-unting nawawasak ang isang babaeng sa tingin ko ay wala namang kasalanan.“Pati ikaw nagayuma na ng masamang babae na iyan.”“Mama, are you even listening to yourself?”“Baka marinig kayo ng mga bata.”“I don't care. Dapat malaman nila kung gaano kasama ang kanilang ina. Pinatay niya si Emilio.”Iyan ang pinaniniwalaan ni Mama.Para sa kanya, wala nang ibang posibilidad.Si Helena ang pumatay kay Emilio.Si Helena ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang anak.At dahil doon, kahit anong sabihin ko ay hindi niya gustong pakinggan.Pero ako, matagal na akong nagdududa.Hindi dahil gusto kong kampihan si Helena.Hindi dahil m
Chapter 17Helena’s POVNaging abala ako sa pagpapatakbo ng kumpanya, napakaraming pagbabago ang ginawa ko.Hindi ko akalain na ganito pala karaming responsibilidad ang kailangang harapin kapag ikaw na mismo ang namamahala. May mga desisyon na kailangang gawin agad, may mga problemang kailangang lutasin, at may mga taong umaasa sa bawat desisyon ko.Pero hindi ako nagrereklamo.Sa totoo lang, masaya ako.Pakiramdam ko ay sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong nabubuo muli ang sarili kong buhay.Napakarami kasing mga empleyado na halos limang taon nang nagtatrabaho ay contractual pa rin. Lagi silang nangangamba na baka isang araw ay mawalan sila ng trabaho. Nakikita ko sa mga mukha nila ang takot tuwing may pagbabago sa kumpanya.Ayaw kong ganoon ang maramdaman nila.Kaya isa-isa kong pinag-aralan ang kalagayan ng bawat empleyado. Hindi lahat ay kailangang tanggalin o palitan. Ang iba ay kailangan lamang ng pagkakataon.Marami din akong naibigay na pagkakataon sa tulad kong babae,







