LOGINChapter 24Helena’s POVKailangan nang bumalik nila sa camping site bago pa magising si Cielo.Isa-isa, binuhat ni Migo ang kambal patungo sa sasakyan.Tahimik lang akong nakatingin sa kanila habang mahimbing pa ang kanilang mga mata.Parang gusto kong huminto ang oras.Parang gusto kong pigilan ang bawat segundo.Dahil alam kong kapag isinara na ang pinto ng sasakyan, muli na naman kaming magkakahiwalay.At ayokong maranasan iyon.Kahit ilang minuto pa.Kahit ilang segundo.Nagising ng bahagya ang mga bata at niyakap ko sila ng napakahigpit.Isa-isa kong hinalikan ang kanilang mga noo.Huminga ako nang malalim habang pinipilit kong huwag umiyak.“See you again Nay.”Tumango lang ako ng maluha-luha.“Oo, malapit na.”Pero kahit sinabi ko iyon, hindi ko alam kung kailan talaga.Hindi ko alam kung ilang araw, ilang linggo, o ilang buwan pa ang kailangan kong tiisin bago ko sila muling mayakap.Bakit kasi kailangan pa naming magkahiwalay ng mga anak ko?Bakit kailangang may ibang taong m
FlashbackChapter 23Helena’s POVMay gusto na ako kay Migo?“Hindi, hindi maari ito.”Napapikit ako at marahang napailing.Bakit ganito ang nararamdaman ko?Bakit sa tuwing nasa paligid ko si Migo ay parang may kakaibang saya sa aking puso?Pero ibang iba siya kay Emilio.Mabait siya, mahal niya ang mga anak ko.At higit sa lahat, hindi ko nakikita sa kanyang mga mata ang bagay na kinatatakutan ko noon.Sa kanya, nakakaramdam ako ng seguridad.Kapayapaan.Isang bagay na matagal ko nang hindi nararamdaman.Pero hindi ko dapat hayaang lumalim ang anumang nararamdaman ko para sa kanya.Hindi ko na kayang muling masaktan.Naalala ko pa noon kung paano kami nagsimula ni Emilio.Kakasibul ko pa noon bilang isang dalaga.Nakilala ko siya sa baryo namin.Bagong salta.Wala akong alam kung sino siya.Ang kanyang pamilya.Maging ang kanyang pagkatao.Simpleng babae lamang ako.Nagtratrabaho sa isang patahian ng damit.Tahimik lamang ang buhay ko noon. Wala akong ibang iniisip kundi ang pangara
Chapter 22Helena’s POVNabalitaan kong pinayagan ni Doña Engracia ang mga bata sa kanilang camping activity.Sinabi iyon mismo ni Migo.Ilang buwan ko nang hindi nakikita at nakakasama ang mga anak ko. Hindi na ako nakukuntento sa mga nakaw na tawag lang namin. Gusto ko na silang makasama.Gusto kong mayakap sila.Gusto kong marinig nang personal ang mga kuwento nila.Gusto kong makita kung gaano na sila kalaki.Gusto kong maging bahagi ng kanilang buhay kahit sandali lamang.Hindi sapat sa akin ang ilang minuto sa telepono. Hindi sapat ang makita lamang ang mga mukha nila sa screen habang pilit kong itinatago ang mga luha ko.Ina na ako.At walang ina na makukuntento sa ganoon lamang.Halos magmakaawa na ako kay Migo na makagawa ng paraan.“Migo, please. Kahit ilang oras lang.”“Helena, I’ll try.”“Hindi. Please, kailangan ko silang makita.”Nakita ko sa mukha niya kung gaano rin siya nahihirapan.Alam niyang delikado.Alam niyang kapag nalaman ni Doña Engracia na nakasama ko ang mg
Chapter 21Migo’s POVInabangan ko si Helena sa labas ng Gani’s. Madami kasing mata doon. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Ayaw kong may maling isipin siya tungkol kay Cielo.Wala kaming relasyon.Ilang beses kong inulit sa isip ko iyon habang naghihintay ako.Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya. Hindi naman kami mag-asawa. Wala naman akong obligasyon na ipaliwanag ang personal kong buhay sa kanya.Pero gusto ko.Dahil mahalaga sa akin kung ano ang iisipin niya.Nakita ko siya sa malayo. Papasakay na siya sa kotse niya kaya minessage ko muna siya sa cellphone.“Helena, can we talk?”Ilang segundo ang lumipas bago siya nagreply.“About?”Maikli lamang ang sagot niya, halatang hindi siya interesado.Napabuntong-hininga ako.“I need to explain.”“Hah?”Napangiti ako nang bahagya. Ganoon talaga siya. Straightforward. Walang paligoy-ligoy.“Let’s talk to somewhere quiet, may mensahe ang mga anak mo sa iyo.”Mali man ay ginamit ko na ang kambal, para makausap s
Chapter 20Migo’s POV“Cielo! Ano ba yang sinasabi mong fiance kita? Parang wala naman akong natatandaang nakapagpropose ako sa iyo?”Halos hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula sa kanya. Nakatingin siya sa akin na para bang ako ang may kasalanan kung bakit hindi ko tinatanggap ang sinasabi niya.“Migo, ano ba ang tingin mo sa akin?”Napakunot ang noo ko.“Parausan lang?”Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.“Ilang beses ng may nangyari sa atin.”“And after all the things we’ve done. Wala pa lang kahulugan sa iyo?”“Honestly Cielo, wala talaga.”Diretsahan kong sagot.Ayokong bigyan siya ng kahit anong pag-asa. Alam kong mas masasaktan siya kung patuloy ko siyang pagbibigyan at hahayaan siyang maniwala sa isang bagay na hindi naman kailanman mangyayari.“We are both consenting adults playing around. And besides ikaw ang lumalapit sa akin at hindi ako.”Tahimik siya sandali.Pero sa halip na umatras, lalo siyang lumapit.“But I love you Migo.”Napabuntong-hininga ako.Hindi
Chapter 19Helena’s POVHabang lumilibot ako sa buong store, hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga pamilyang magkakasama na namimili.May tatay, may nanay at may mga anak na masaya at naglalambing sa kanilang mga magulang.May mga batang humihila sa kamay ng kanilang mga ama habang may gustong laruan. May mga batang nakasakay sa shopping cart at masayang tumatawa habang tinutulak sila ng kanilang mga ina. May mga mag-asawang nagtatalo kung anong pagkain ang bibilhin para sa hapunan, pero halatang masaya sa simpleng pagtatalo.Sa totoo lang, naiingit ako.Hindi ko naman inaasahang maging gayon kami ni Emilio kung buhay pa siya.Dahil dalawang taon pa lang ang anak namin ay nanlamig na ako sa kanya.Mula nang sinaktan niya ako dahil sa tinanong ko lamang siya kung kailan siya babalik.Hindi ko naman siya pinagbawalan.Hindi ko naman siya hinarangan sa mga gusto niyang gawin.Ang gusto ko lang noon ay malaman kung kailan siya uuwi dahil kailangan ko ng pera para sa mga bata.Pero ang simp







