Share

Ang Dama

Fuentes. Ang tanging umiikot sa aking isipan sa mga sandaling iyon.Naging matagumpay ako sa pagbuo ng tiwala kay Pablo. At hindi rin ako nabigong makakuha ng impormasyon ukol sa batong Fuego, ang siyang tanging bagay lamang na naiisip ko upang mapatay ang aking ama na siyang punong bampira.

Ramdam ko sa pagkakataong iyon na nasa ilang hakbang na lamang ako at makikita ko na ang batong hinahanap ko.

Mabilis kong pinuntahan ang bahay ng isang Fuentes na itinuro sa akin ni Pablo. Nasa tabi raw ito ng simbahan. Sa dami ng mga bahay na naroon, hindi ko matanto kung saan sa mga bahay nakatira ang may apelyidong Fuentes.

Kaya nagtanong pa ako ng mga ilang taga roon at siya namang naituro nila ang kinaroroonang bahay. Nang marating ko ito, nakasarado ang pinto. Nakabukas naman ang mga bintana sa itaas ng bahay kaya wari ko't baka mayroong tao sa loob.

Kumatok ako ng malakas sa pinto. Kumatok ako ng apat na beses. Matapos magawa, wala akong nakuhang sagot.Kumatok

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status