Share

Panig

Nasa mesa ako ng aking silid, nagsusulat muli sa aking journo tungkol sa naganap kagabi na talagang ikinagulat ko. Naalala ko ang nagpakitang Liwanag ng Araw sa pulong na iyon na talagang dama ko ang kakaibang damdamin sa sinuman ang nasa likod ng gintong maskarang iyon. Iniisip ko man ito ngunit napakasakit punahin sapagkat wala akong ni isang naalala o napag alaman tungkol sa Liwanag sa buong kasaysayan ng Sinag Araw. Pati ang aking mga kasamahang matatandang kawani kagabi ay walang alam ukol sa Liwanag ng Araw. Bukod pa roon, hindi ko rin inaasahang makita ang Supremong Sinag sa bansa. May tatlong buwan na pala ito narito sa Felipinas at ni kahit isa sa mga kasapi ng Sinag Araw ay walang kamuwangmuwang maliban kina Padre Paterno at ang yumaong Don Agapito.

Naalala ko ang una pagkikita namin ng Supremo, dalawang taon na ang nakakaraan. Pumunta kaming pitong kawani, maliban kay Donya Dolores, ang Ikapitong Sinag, patungo sa bansang Pransya. Nagkaroon ng mahalagang pagtitipon

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status