Share

Polaris

Muli kong tiningnan ang singsing na aking ibinigay at kinuha noon mula kay Karena o ang babaeng bampira na may tunay na pangalang Natalia Perova.

Ang singsing na ito na lamang ang tanging bagay na nagpapaalala sa aking pagmamahal kay Karena. Ang mga araw na kasama ko siya noon ay ang mga pinakamasasayang sandali sa buong buhay ko at iyon rin ang pinakahuling mga araw na naging masaya ako. Hindi ko alam kung bakit ngunit hindi ko magagawa ang itapon ang singsing na ito.

Napansin ko naman ang sinusuot kong isang singsing. Isang singsing na yari sa puting ginto na may malapad na ukit at disenyo na may pinatong at inilagay na isang berdeng brilyante.

Ang Piedra Immortalis. Ang brilyanteng siyang nagbibigay buhay at lakas sa akin. Ito rin ang may gawa sa likod ng aking anyong binata.

Ang batong ito rin ang inihandog sa akin noon ni Solana mula sa pagkalugmok ko papuntang kamatayan. Isang handog na nagpapatibay sa aming kasunduan.

Ang kasunduang iwaksi s

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status