LOGINAlejandro POV
The office felt colder than usual, parang sinasakal ang bawat hininga ko habang nakatitig sa kawalan. Seven years. Pitong mahabang taon na ang lumipas pero wala ni isang bakas ni Arabella. Wala ni isang tawag, mensahe, o kahit anong senyales kung nasaan na siya ngayon. Parang naging usok na lang siya na bigla na lang naglaho sa hangin.
“Sir, yung documents po na hinihingi niyo from the province,” sabi ng secretary ko nang mahina, iniabot ang folder pero hindi ako lumingon.
“Leave it on the desk. You may go,” malamig kong utos.
Narinig ko ang pagsara ng p***o, at bumalik ulit ang katahimikan. Kinuha ko ang baso sa tabi ko at tinungga ang laman ng whiskey, ramdam ang init na dumaloy sa lalamunan ko pero hindi man lang nakaalis sa bigat na dala ko. Galit. Pagkamuhi. Pagsisisi—lahat ay nakapalibot sa puso ko na naging matigas na parang bato simula nong nawala si Arabella.
Hindi ko makalimutan ang araw na nalaman ko ang lahat ng kasinungalingan ni Camille Adrianna De Vera. Pinakasalan ko siya noon dahil akala ko ay si Lorenzo ay anak namin. Tinanggap ko ang responsibilidad, ginampanan ang pagiging ama, ibinigay ang lahat ng oras at yaman ko para sa kanila. Mahal ko ang batang iyon kahit noong panahong iyon pa man.
Pero nang lumabas ang DNA result at nakumpirmang hindi pala ako ang tunay na ama ni Lorenzo—nawala na ang lahat ng dahilan para manatili ako sa piling ni Camille. Ang higpit ng pagkakapit sa akin ng babaeng iyon ay punong-puno ng panlilinlang. Ginamit niya ang bata para ikulong ako sa kasal na walang tunay na pagmamahal.
Naghiwalay kami nang walang masyadong gulo pero punong-puno ng galit ang puso ko. Pinanatili ko pa rin ang karapatan at obligasyon kay Lorenzo. Eleven years old na siya ngayon, matalino, masunurin, at laging sumusunod sa lahat ng sinasabi ko. Hindi ko pinabayaan ang bata kahit wala na ang ina niya sa buhay ko. Sa kabila ng lahat, minahal ko siya bilang sarili kong anak—kahit na dugo ko ay hindi dumadaloy sa mga ugat niya.
Biglang tumunog ang telepono ko. Nakita ko ang pangalan ni Lorenzo sa screen. Pinulot ko ito at sinagot nang diretso.
“Alejandro,” bati niya nang maayos, sanay na siyang tawagin ako sa pangalan ko kaysa sa tawag na ‘Daddy’ matapos ang aming paghihiwalay ng nanay niya. “Good evening. Am I disturbing you?”
“No. You’re not disturbing me,” sagot ko, walang emosyon pero seryoso. “Why did you call? Is everything okay there at the boarding school?”
“Yes sir. Everything is fine. I just finished my homework and remembered you said you’d check my math scores,” paliwanag niya nang malinaw. “I got a perfect score again. I want to make you proud.”
Huminga ako nang malalim. Sa gitna ng lahat ng sakit at galit sa mundo, ang batang ito ang tanging nagbibigay ng kahit kaunting kabuluhan sa araw ko.
“I am proud of you, Lorenzo. You know that. Keep up the good work. Don’t let anyone distract you from your studies,” sabi ko nang seryoso. “And don’t forget to take your vitamins. You need to stay healthy.”
“I always follow your instructions, Alejandro. I do everything you tell me,” mabilis niyang tugon. “When will I be able to see you again? I miss our weekend visits.”
“Next month. I have some business matters to attend to first. Once I’m free, I’ll come get you and we’ll spend the weekend at the villa,” pangako ko, kahit alam kong punong-puno ang iskedyul ko. “Be patient. And behave yourself.”
“I will. Thank you, Alejandro. Good night,” paalam niya bago pinatay ang tawag.
Ibinaba ko ang telepono at sumandal sa upuan. Ang tawong iyon ay nagpaalala sa akin kung paano ako naging biktima ng sarili kong pagtitiwala—kay Camille, at higit sa lahat, kay Arabella. Oo, nagsinungaling din ako kay Arabella. Itinago ko ang katotohanan ng buhay ko dahil takot akong mawala siya sa akin. Akala ko kung maibibigay ko sa kanya ang lahat ng pagmamahal at oras ko, sapat na ‘yon para manatili siya. Pero mali ako. Ang kasinungalingan, gaano man kaganda ang layunin, ay laging magbubunga ng pagkawasak. At ngayon, ako ang naiwang nag-iisa sa lahat ng ito.
“Where are you now, Arabella?” bulong ko sa kawalan, ang boses ko ay parang gasgas na sa sarili kong pandinig. “You left without a word, without looking back. Did you ever think of what you left behind? Or was I nothing more than a bad memory you were eager to erase?”
Inisip ko ang lahat ng paraan para mahanap siya. Nagtanong ako sa mga dating kakilala, pinuntahan ang mga lugar na madalas naming pinupuntahan, kahit kumuha pa ako ng mga tao para hanapin ang anumang bakas niya. Pero lahat ay nauwi sa wala. Parang tinakpan ng Diyos ang mga mata ko para hindi na ko makita ang landas na tinahak niya. Pitong taon na paghahanap na walang patutunguhan. Pitong taon ng pagdurusa sa kawalan ng katahimikan.
Ang galit ko ay hindi na lang sa mga babaeng nanloko sa akin—si Camille sa pamamagitan ng pagbabalat-kayo, si Arabella sa pag-alis nang walang paalam—kundi sa sarili ko rin. Dahil hinayaan kong umabot sa ganito. Dahil pinili kong itago ang totoo. Dahil hindi ko napanatili ang babaeng tunay na minahal ko nang buong puso.
Kinuha ko ang baso at ininom ang huling patak ng alak. “It doesn’t matter anymore,” bulong ko. “She’s gone. And she’s never coming back.”
Pero kahit sinasabi ko na ‘yon sa sarili ko araw-araw, ang puso kong naging yelo na ay may bahagi pa ring naghihintay—hindi na sa pagbabalik niya, kundi sa pagkakataong maibalik ang oras na nasayang, ang pagkakataong maging tapat, ang pagkakataong maging taong karapat-dapat sa pagmamahal niya.
Wala nang silbi ang lahat ng iyon ngayon. Ang buhay ko ay umiikot na lang sa trabaho, kay Lorenzo, at sa mga bakanteng pader ng mansyon na ito na punong-puno ng luho pero walang buhay. Tumingin ako sa labas ng bintana kung saan ang mga ilaw ng lungsod ay kumikinang sa dilim—isang dagat ng liwanag na walang mukha, walang pangalan, walang pag-asa.
“Find her or not, it changes nothing,” malamig kong sabi sa sarili ko. “The damage is done. And I have already lost everything that ever mattered.”
Umalis ako sa pwesto ko at naglakad papunta sa kwarto. Walang excitement, walang inaasahan. Isa na lang itong gabi na kailangang lampasan bago sumapit ang panibagong araw na punong-puno ng parehong paghihirap at kawalan ng saysay.
Ang pangalan ni Arabella ay mananatiling nakaukit sa puso ko—hindi bilang pag-ibig na buhay, kundi bilang alaala ng isang pagkakamaling hinding-hindi ko na malilimutan habangbuhay.
And with that thought, I closed my eyes, letting the cold silence swallow me whole once more.
Alejandro POVThe office felt colder than usual, parang sinasakal ang bawat hininga ko habang nakatitig sa kawalan. Seven years. Pitong mahabang taon na ang lumipas pero wala ni isang bakas ni Arabella. Wala ni isang tawag, mensahe, o kahit anong senyales kung nasaan na siya ngayon. Parang naging usok na lang siya na bigla na lang naglaho sa hangin.“Sir, yung documents po na hinihingi niyo from the province,” sabi ng secretary ko nang mahina, iniabot ang folder pero hindi ako lumingon.“Leave it on the desk. You may go,” malamig kong utos.Narinig ko ang pagsara ng pinto, at bumalik ulit ang katahimikan. Kinuha ko ang baso sa tabi ko at tinungga ang laman ng whiskey, ramdam ang init na dumaloy sa lalamunan ko pero hindi man lang nakaalis sa bigat na dala ko. Galit. Pagkamuhi. Pagsisisi—lahat ay nakapalibot sa puso ko na naging matigas na parang bato simula nong nawala si Arabella.Hindi ko makalimutan ang araw na nalaman ko ang lahat ng kasinungalingan ni Camille Adrianna De Vera. Pi
Arabella POV“Mommy, look! I drew us two! See? That’s you with your long black hair and pretty eyes, and that’s me!”Tuwang-tuwa na tumakbo papalapit sa akin si Liana, hawak ang kanyang drawing paper na punong-puno ng makukulay na krayola. Nakaupo ako sa veranda ng munting bahay na inuupahan namin dito sa probinsya—isang tahimik na lugar kung saan naging payapa ang bawat araw namin sa loob ng pitong taon. Inayos ko ang laylayan ng damit ko at binaba ang tasa ng kape bago siya salubungin ng mainit na ngiti.“Wow, anak! Ang galing-galing naman ng baby girl ko!” Hinaplos ko ang buhok niyang malambot at maitim na parang gabi, tapos tinitigan ko ang ginuhit niyang larawan. “Ang ganda ko pala sa drawing mo, ha. Mas maganda pa yata ako dito kaysa sa salamin.”Tumawa siya nang malakas, yung halakhak na parang musika sa pandinig ko—malinaw, masaya, at walang halong anumang bigat. “Kasi Mommy is the prettiest mommy in the whole world! That’s what Teacher Gina says, and I agree!”Niyakap ko
Arabella POV“Bella, look at me. Ikaw lang ang mahal ko, walang iba.”Napangiti ako nang sobrang lapad habang niyayakap niya ako nang mahigpit, yung tipong ayaw na niyang bitawan pa kailanman. Alejandro Villanueva always said those words with so much certainty, so much warmth, na kahit sinong babae ay siguradong matutunaw agad. For two years, he was my world. Siya yung taong laging nandiyan kapag kailangan ko ng kausap, ng yakap, ng kasama. He never missed a chance to call, to text, to make time no matter how busy he claimed his work was.Bihira kaming mag-away, at kapag nagkakaroon man ng hindi pagkakaintindihan, siya agad ang gumagawa ng paraan para maayos ang lahat. Perfect. Iyon ang tamang salita para sa kanya. Perfect boyfriend, perfect partner, perfect man. Never in my wildest dreams did I ever think na ang pagmamahalang iningatan ko nang buong puso ay nakatayo pala sa isang malaking kasinungalingan.“Alam mo ba kung gaano kita kamahal?” tanong ko habang pinipisil ang kamay ni


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




