Share

Left Behind
Left Behind
Author: Rhye Ballesteros

Chapter 1

Mica Rodriguez POV

Padilim na ang paligid kaya dali-dali akong naglakad pauwi para makarating agad sa bahay at para ‘di ako maabutan ng ulan.

Paniguradong papagalitan ako nina lola kapag hindi nila ako madatnan sa bahay.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa may naramdaman akong parang may sumusunod sa’kin.

‘’Miss, sa’yo ba ito?’’

Inisip ko kung may naiwan ba ako, kung may nahulog ba akong gamit pero wala naman?

Hindi ko nilingon kung sino man ang tumawag sa’kin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at mas binilisan ko pa ito.

Nang makalayo na ako ay bigla na lamang akong napatigil sa paglalakad nang ma-realize ko ang resume at mga 2x2 picture ko.

Hindi ko na pala ito bitbit.

Bumalik ako para hanapin ang mga gamit ko pero hindi ko alam kung saan ko ito naiwan.

Naalala ko bigla ‘yong nagtanong sa’kin kanina pero hindi ko man lang siya nilingon.

Habang naglalakad ako, sakto namang may nakita akong isang lalaki na nakatalikod at may hawak na folder sa may bahay-kubo. May kausap siya sa kanyang cellphone.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan hanggang sa napansin niya ako.

‘’Oh. Mica Rodriguez, right?’’, nakangiting tanong niya sa’kin. ‘’Napulot ko itong folder mo.’’

Hindi ako agad nakapagsalita hanggang sa iniabot niya sa’kin ang folder ng walang pag-aalinlangan.

‘’Ihahatid na kita sa bahay niyo…’’, nakangiting alok niya sa’kin.

Natulala pa rin ako.

Bakit kailangan niya akong ihatid? At paano naman niya ako ihahatid eh wala nga siyang sasakyan?

Baka naman may balak siya sa’kin na masama?

Ang daming mga katanungan sa isipan ko.

Bigla kong kinuha aking folder. ‘’Salamat…’’, sabi ko sa kanya at nagmadali na akong umalis.

Nang makalayo na ako, nilingon ko siya at sakto namang may kotseng tumigil sa tapat niya.

Sumakay ito at ilang saglit lang ay umandar na ang kotse. Lumiko ang kotse sa ibang daanan at bigla akong nalungkot.

Nalungkot ako dahil tinanggihan ko ang kanyang alok.

Hindi!

Tama lang na tinanggihan ko siya.

Hindi ko siya kilala at baka ano pa ang gawin niya sa’kin.

Pasado alas-syete na ng gabi ako nakauwi rito sa bahay.

Mabuti na lang dahil hindi ako naabutan ng malakas na ulan.

Pinainit ko na lang ang sabaw na ulam namin kaninang tanghali. Nang mainit na ang sabaw, sakto namang dumating na si lola. Lasing na naman ito pero bakas sa kanyang mukha ang saya. Panigurado, nanalo na naman siya sa sugal.

Ilang segundo lang ay dumating na rin si mama. May bitbit itong supot at iniabot niya akin nang matapos akong magmano sa kanila ni lola.

‘’May napasukan ka na bang trabaho?”, seryusong tanong ni lola sa’kin.

‘’Naghahanap pa lang po ako, lola…’’, sagot ko.

Tinignan ako ni lola. Ang seryuso niya kaya napayuko na lang ako. Alam kong galit na naman ito dahil hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.

‘’Napakahina mo naman!’’, bulyaw niya sa’kin.

Hindi na ako umimik pa. Mas lalo kasing magagalit sa’kin si lola kapag nangatwiran pa ako.

Sanay naman na ako sa ganitong sitwasyon kaya parang normal na lang sa’kin na ganito ang trato sa’kin ni lola.

Namulat ako na hindi buo ang pamilya. Nasa sinapupunan pa lang ako ni mama, iniwan na kami ng aking ama at nagpakasal siya sa ibang babae. Iniwan niya kami ni mama na wala man lang kalaban-laban.

Nasira ang buhay ni mama dahil sa aking ama. Bilang anak ni mama, ako ang nag-aasikasu sa kanila ni lola. Binubuhos ko sa kanilaa ang mga araw ko at umaasang balang araw ay magiging okay na ang lahat.

Si lola ay madalas naglalasing. Sigarilyo, sugal at alak ang kanyang bisyo pero sa kabila ng lahat, siya ang nagturo sa’kin kung paano ako gaganti sa taong nang-iwan sa’min ni mama. Siya ang nagturo sa’kin kung paano ako lumaban. Siya ang nagturo kung paano ko papasukin ang buhay ng taong nang-iwan sa’min.

Nakailang hanap na ako sa aking 2 by 2 picture pero hindi ko pa rin mahanap. Wala rin sa mga bulsa ng shorts ko.

Nag-iisang picture lang iyon at ididikit ko sana ito sa aking resume.

Ilang segundo ay bigla kong naalala kanina ‘yong lalaking nakapulot ng folder ko. Maaring siya ang kumuha ng picture ko.

Ano naman gagawin niya sa picture ko? Bakit niya ito kukunin?

Kinabukasan, dumaan ako ulit sa dinaanan ko kahapon.

Nagbabakasakaling nahulog ko lang ang picture ko sa daan pero wala talaga.

Naiinis ako doon sa lalaki na iyon.

Napulot daw niya pero ang totoo ay kinuha naman niya ang picture ko.

Nakakairita…

Mukha siyang mabait, masiyahin pero magnanakaw ng picture. Humanda siya sa’kin kapag nakita ko siya ulit. Malilintikan siya sa’kin.

Nagpaprint na lang ako ulit ng 2 by 2 picture kahit medyo may kamahalan.

Ang gusto ni lola ay magtratrabaho ako imbis na magpatuloy sa pag-aaral sa college.

Gustuhin ko man magpatuloy sa pag-aaral pero wala namang susupurta sa’kin,  lalo na dahil mahal ang tuition sa college.

Masuwerte na ako dahil nakapagtapos pa ako ng High School kahit ayaw ni lola.

Sabi nila, kung gusto, may paraan, kung ayaw, may dahilan.

Gusto ko naman talaga mag-aral pero saan ko hahanapin ang paraan kung si lola mismo ang humahadlang sa paraan na iyon.?

Ayaw ni lola na mag-aral ako dahil dagdag gastos lang ito.

Tama naman si lola at hindi ko siya masisisi sa kanyang katwiran na iyon.

Jaria Santillan POV

Bakas sa mukha ni mommy na sobrang excited at happy siya sa kanyang mga ginagawa kaya naisipan namin na magtingin ng maisusuot na dress sa mall para sa darating na 18th wedding anniversary nila ni daddy.

Mabilis lang kami nakabili ng dress at nauna noong umuwi si mommy sa bahay. Nagpasiya akong magpaiwan muna rito sa mall para maghanap ng gift para sa kanila ni daddy. Hindi naman ako nahirapang tumingin ng bibilhing gift kaya nang matapos akong magbayad sa counter ay nagpunta ako sa Great Day’s Restaurant, ang favorite restaurant namin nina mommy and daddy.

Nakasanayan ko na rin kasing kumain dito sa restaurant na ito. I prefer to be alone at sanay na ako.

Nabibili ko lahat ng mga gusto kong bilhin pero namulat ako na laging naghahanap ng kalinga ng aking ama.

Si daddy ang may ari ng Santillan Ventura Company o mas kilala bilang SV Company. Busy siya lagi sa trabaho kaya hindi niya ako napagtutuunan ng pansin. Mahal na mahal ko si daddy pero mas mahal niya ang trabaho niya.

Si mommy naman ay madalas sa bahay lang siya o di kaya ay sa bahay ng mga kaibigan niya, gayunpaman ay nabibigyan pa rin niya ako ng oras hindi gaya ni daddy.

I can say na napaka-suwerte ko pa rin dahil may buo akong pamilya. At kung mayroon man akong hihilingin ay sana maramdam ko na totoong mahal ako ni daddy.

This is the night of the 18th wedding anniversary of my parents. Sa labas ng bahay namin gaganapin ang party.

As usual, ang daming mga bisita nina mommy and daddy.

I also invited my two friends, sina Violet and Avon. Classmates ko sila since Junior High School. Masarap naman sila kasama, matalino pero medyo OA nga lang. Naiinis ako kapag umaataki sa kanila ang pagiging over-acting. Parang nagpapansin or whatever, hindi naman sila kagandahan.

Nagpasiya ako saglit na tumungo sa aking kuwarto para kunin ang bag ko pero habang naglalakad ako, may nakita akong isang babae na nasa living room namin.

Nakatayo lamang siya at tinititigan ang family picture namin. Well, hindi naman na bago sa’kin na may napapatingin sa mga pictures namin.

Nang makuha ko ang aking bag sa kuwarto ay bumaba rin ako agad at habang pababa ako sa hagdanan, nakita ko ulit ang babae na nakatayo kanina at parang katatapos lang niya itong umiyak.

Siguro may problema lang siya or baka napuling lang. Hindi ko na pinansin ung babae at deretso na akong nagpunta sa table namin nina mommy and daddy.

Buti pa si mommy, proud na proud siyang ipinapakilala niya ako sa mga kaibigan niya na galing pa sa Canada.

Nasa kalagitnaan na kami ng kasiyahan nang biglang may isang babae na sumulpot sa stage.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status