Share

Chaper 2

Mica Rodriguez POV

 “Hello everyone. Hello, Mr. and Mrs. Santillan!”, bati ko sa kanila habang ako ay nasa stage.

Lahat sila ay nakatingin sa’kin.

Hindi nila maintindihan kung bakit ko nga ba ito ginagawa.

“First of all, I would like to congratulate, Mr. and Mrs. Santillan for this event,’’ sabi ko habang nakangiti sa kanila. ‘’Nagtataka kayo siguro kung sino ako, well I am Mica Rodriguez’’, patuloy na sabi ko kahit kinakabahan ako sa pinagagawa ko.

Hindi nila maintindihan kung ano ang ginagawa ko.

Nakita kong tumayo ang ama ko at ang kanyang asawa para pigilan ako pero patuloy pa rin ako sa pagsasalita.

‘’Itong gabi na ito, ito ang gabi na hinding-hindi niyo makakalimutan. Ito ‘yong araw na ikinasal kayong dalawa, at nagsumpaan sa altar. Pero sa kabila nun, Mr. Santillan, hindi mo ba naisip na may iniwan ka na dapat responsiblidad mo…?’’, umakyat ang asawa niya at pinipigilan niya ako sa mga pinagsasabi ko.

Inagaw niya sa’kin ang microphone.

‘’What are you doing…?’’, mahina pero galit na tanong niya sa’kin.

Hinawakan niya ang braso ko pero patuloy pa rin ako sa pagsasalita.

‘Anak ako ng asawa niyo sa nanay ko na iniwan niya?”, malakas na tanong ko sa kanya at para marinig din ng iba ang pinagsasabi ko.

Binitiwan niya ang braso ko at kitang-kita ko na nagulat siya sinabi ko.

Magsasalita pa sana ako nang sinampal ako ni Mrs. Santillan.

‘’How dare you! Ang kapal ng mukha mo! Huwag kang mag i-iskandalo rito…!’’, sabay hila niya sa’kin.

Pumiglas ako sa pagkakawahak sa’kin pero hindi ako makawala.

Habang pinapatigil ni Jaria ang mga bisita nila sa pagkuha ng video, lumapit sa’min ang walang kwentang ama ko.

‘’Sumama ka sa’kin sa living room…”, mahinahon at mahina niyang sabi sabay hinawakan niya ako sa braso at naglakad na siya pamunta sa loob ng bahay nila. Wala naman na akong magawa kundi sumunod sa kanya.

Nang nasa living room na kami, nagpakuha siya sa kanilang yaya ng tubig para sa’kin at pinaupo niya ako. Kitang-kita ko sa kanyang pustura na kalma lang ito.

Nagtataka ako, dapat palayasin niya ako sa bahay nila dahil sa ginawa ko pero hindi niya ginawa.

Nang makita niya ang kanyang asawa na pumasok sa living room, sinalubong niya ito.

Kahit malayo ako sa kanila, kitang-kita ko na sobrang galit ang asawa niya.

Tatayo na sana ako at uuwi na pero biglang nagsalita ang walang kwentang ama ko.

‘’Bukas ka na uuwi sa bahay niyo. Dito ka matutulog’’, mahinahon niyang utos at pagkatapos ay sinundan niya ang kanyang asawa sa isang room.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na rito ako sa bahay nila magpalipas ng gabi pero sapat na sigurong dahilan ang mahinahong boses ng walang kwentang ama ko para pumayag na lang.

Hindi ako makatulog sa kakaisip kung bakit hindi nagalit sa’kin ang walang kwentang ama ko.

Siguro, hindi sila nagalit para sila pa rin ang magmukhang mabuti sa ibang tao.

Kinabukasan, lumabas na ako sa guest room.

Nakita ko ang walang kwentang ama ko na nakatayo malapit sa may hagdanan.

Alam kong hinihintay niya akong lumabas sa kuwarto.

Lumapit siya sa’kin.

‘’Mag-almusal ka muna bago kita ihatid sa bahay niyo’’, mahinahon niyang sabi sa’kin at pagkatapos ay lumabas na siya sa main door ng kanilang bahay.

Hindi ako nag-almusal sa bahay nila. Nagmadali akong lumabas para umuwi na sa bahay.

Pagkalabas ko sa main door nila, may nakaabang na doon na kotse.

Pinagbuksan ako ng isa pang yaya para sumakay doon.

Ang walang kwentang ama ko ang nasa driver seat, naka-sun glasses ito.

Nagtuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa kanilang gate.

Gusto kong habulin nila ako at piliting sa kotse na lang niya ako sumakay pero hindi ako sinundan ng walang kwentang ama ko, hindi niya ako pinilit.

Buti na lang dahil may taxi akong nasakyan pauwi sa bahay. Ni hindi man lang niya ako hinabol or pinilit na doon na lang ako sa kotse niya sumakay.

Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni lola sa labas at mukhang masungit ang araw niya.

Nagmano ako sa kanya at hindi ko na lang namalayan na tumutulo na pala ang mga kuha ko.

Ilang saglit lang ay may humintong kotse sa may tapat ng bahay namin.

Ang walang kwentang ama ko ang lumabas sa kotse at hindi na niya sout ang sun glasses niya.

Halatang wala siyang tulog at ang lungkot ng kanyang pustora.

‘’Pumasok ka na sa loob…’’, bulong sa’kin ni lola.

Wala na rin akong nagawa kundi pumasok na sa loob ng bahay namin. Hindi ko na rin narinig ang pinag-usapan nila ng walang kwentang ama ko. Tumagal rin iyon ng ilang minuto bago ito umalis.

Jaria Santillan POV

‘’Umakyat ka na sa kwarto mo, kami na ang bahala rito…’’, kalmadong sabi ni daddy sa’kin.

I know na hindi okay si daddy pero pinipilit lang niyang maging okay para hindi isipin ng mga guests namin na affected siya sa nangyari kanina.

            Nakita ko ang babaeng nag-iskandalo kanina sa event.

Gusto ko siyang saktan pero kailangan kong magpigil dahil hindi kami basta-basta pumapatol lang sa kahit sinong tao.

            Umakyat nga ako sa aking kwarto.

Nagpalit ng damit-pantulog at naupo muna ako sa aking kama.

            Kung totoo man ang sinasabi ng babaeng iyon ay magiging kapatid ko siya. Hindi ako papayag na magiging kahati ko siya kay daddy.

Kunti na nga lang ang time niya sa’kin tapos mahahati pa?

No way, hindi ako papayag!

            Pinuntahan ko si mommy sa kanilang kuwarto at buti na lang dahil wala doon si daddy.

Gusto kong damayan si mommy, alam kong masakit sa kanya ang nangyari kanina.

Tahimik na rin ang bahay, wala na ang mga visitors nina mommy and daddy. For sure, pinaki-usapan iyon ni daddy na umalis na sila at para iwas tanong na rin dahil sa nangyari kanina.

            Nadatnan ko si mommy na may hawak na wine at kanya itong iniinom.

Nilapitan ko siya at niyakap.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na maiyak hanggang sa nagyakapan na lang kami ni mommy.

            Ilang saglit lamang ay inalis ni mommy ang kanyang mga kamay mula sa pagyakap sa’kin.

‘’Bumalik ka na sa kuwarto mo…’’, matamlay na utos niya sa’kin.

            ‘’Mommy, gusto po kitang samahan’’, giit ko sa kanya.

Hinawakan niya ang aking mga kamay.

Alam kong hindi niya kaya, alam kong pinipilit lang niyang magpakatatag pero ramdam na ramdan ko ang bigat na nararamdaman niya.

Niyakap ko siya ulit at pagkatapos ay iniwan ko na siya sa kanilang kuwarto ni daddy.

Three days after the event, fresh pa rin sa’kin ang issue about kay Mica Rodriguez.

Nagpa-DNA test na rin sina daddy at ang babaeng ‘yon para makumpirma talaga na hindi niya ito kadugo at para na rin maliwanagan na ang lahat na pawang palabas lamang ang ginawa ni Mica Rodriguez.

Ayaw kong lumabas dito sa bahay dahil alam kong tatanungin lang nila ako kung sino ba talaga ang babaeng nanggulo sa anniversary nina daddy.

Nang nasa dinning room kami nina mommy and daddy habang kumakain, may iniabot ang yaya namin na sobre para kay daddy.

I know na ito na ang DNA test result nila ni Mica, kinabahan ako bigla.

Kita ko rin na napatigil si mommy sa pagkain dahil sa sobreng iyon.

Agad na binuksan ni daddy ang sobre.

Excited siya sa pagbukas samantalang kami ni mommy ay kinakabahan sa magiging resulta.

Tinitignan ko si daddy habang binabasa niya ang papel.

Nakangiti ito na medyo naluluha. Sign na ba ‘yon na positive ang result?

‘’Anak ko siya… Anak ko si Mica…’’, masayang sabi niya habang nakatingin sa papel na hawak-hawak niya.

Bigla na lamang itong tumayo at umalis.

Hindi ko rin namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko kaya bigla ko itong pinunasan.

Ang sakit isipin na nagkaroon pala ng affair si daddy sa ibang babae bago niya pinakasalan si mommy.

Tumayo na rin si daddy at bakas sa kanya ang saya sa nalaman niya.

Hindi man lang niya kinamusta kung okay lang ba kami ni mommy.

Alam kong pupuntahan niya agad si Mica para ibalita ang result ng DNA test result.

Pinuntahan ko si mommy sa kwarto nila ni daddy. Nakita ko siyang umiinom na naman ng alak.

Naawa ako kay mommy dahil sobrang nasasaktan talaga siya sa nangyayari.

Pansin ko ‘yon simula noong 18th wedding anniversary nila ni daddy hanggang ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status