Share

Chapter 4

Mica Rodriguez Santillan POV

Sinundo ako ng ama ko para doon mananghalian sa kanilang bahay. Ito ang unang araw na doon ako manananghalian.

Ang daming pagkain, parang fiesta. Wala naman silang mga bisita pero ang daming nakahandang pagkain.

‘’Pwedi siyang um-extra every weekends sa company natin para kahit papaano ay makatulong pa rin siya sa mama at lola niya’’, suhestiyon ng ama ko nang tanungin nila ako kung saan ako magtatrabaho. ‘’At Saint Willford Academy siya mag-aaral, Mondays to Fridays’’, dagdag ni dad.

‘’What…?’’, gulat na tanong ni Jaria. ‘’I don’t believe with this! Doon ako mag-aaral at ayaw ko siyang makasama doon… Nakakahiya…’’

‘’No…!’’ mariing sabi ng ama ko. ‘’Doon siya mag-aaral at enrolled na siya doon,’’ pagtatanggol niya sa’kin.

Natahimik ulit ang bahay at nagpatuloy kami sa pagkain. Alam kong inis na inis na sa’kin ang mag-ina. Nakakatuwang makita ang kanilang reaksiyon.

Pagkatapos namin mag-lunch ay nagpunta kami sa may swimming pool kasama ang asawa at anak ng ama ko.

Ilang minuto ang lumipas, nagpaalam sa’kin ang ama ko na may ime-meet lang siyang client at babalik din siya pagkatapos. Bakit pa niya kailangang magpaalam sa’kin, wala naman akong pakialam kung saan siya pupunta?

Naiwan kami sa may swimming pool area nina Jaria at ang ina niya. Isang saglit lang ay lumapit sa’kin si Mrs. Santillan habang nakaupo ako sa sofa.

‘’Puwede ka ng magpahatid sa driver namin pauwi sa inyo’’, walang pag-aalinlangan na sabi niya sa’kin.

Tumayo ako nangg dahan-dahan.

‘’Nakapagbalot na rin ako ng mga iuuwi mong pagkain para sa pamilya mo, nakahanda na rin ang sasakyan, maari ka ng umuwi o baka gusto mo pa ng pera bago ka umuwi?’’, sabi niya sabay kuha ng wallet niya.

Nainis ako sa inasal ni Mrs. Santillan sa’kin. ‘’Mag-ta-taxi na lang po ako’’, mabilis na sagot ko sa kanya nang makita kong kumuha siya ng pera mula sa wallet niya sabay tumalikod na pero lumingon ulit ako sa kanya. ‘’Hindi ko kailangan ng pera niyo, hindi pera ang habol ko kay daddy’’, pagpipigil na sagot ko sa kanya.

Tinawanan lang niya ako na parang nang-iinsulto pa siya hanggang sa nauna na siyang umalis, sumunod din na umalis si Jaria.

            Habang paalis na ako sa bahay nila ay may tumawag sa cellphone ko.

Si Aling Melba.

‘’Mica, pumunta ka rito sa hospital, ngayon din!’’, sabi niya sa’kin.

Naguluhan ako dahil bakit niya ako minamadaling pumunta sa hospital.

‘’Bakit po?’’, tanong ko sa kanya.

‘’Ang lola mo, nasagasahan ng van kaya pumunta kana rito, bilisan mo!’’, mabilis na sabi nito at wala na akong narinig mula sa kanya.

Natulala ako, hindi ko alam kung totoo ang sinabi niya sa’kin ni Aling Melba. 

Maiyak-iyak na rin ako dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Nang nakarating na ako sa hospital, hindi ko alam kung tatakbo ba ako papunta sa room kung nasaan si lola o huwag ko na lang kaya siya puntahan dahil ayaw kong makita na nahihirapan siya.

‘’Mica, wala pa ring malay ang iyong lola, sabi ng doctor’’, kuwento ng isa naming kapitbahay.

Ang dami pa nilang sinabi pero wala na akong maintindihan.

Lumipas ang ilang araw, naging maaayos ang kalagayan ni lola.

Nabangga siya ng van noong isang linggo pero mabuti na lang dahil hindi malubha ang pagkabangga kay lola.

Ngayon ay nasa bahay na siya, hindi pa siya fully-recovered pero mas pinili ni lola na umuwi na lang at dito na siya sa bahay magpagaling.

Si daddy ang umako sa lahat ng nagastos namin sa pagpapagamot ni lola. Nagbigay rin siya ng pera pambili raw ng kakailanganin ni lola.

Laking pasasalamat ko kay daddy dahil nandito siya na umako sa lahat. Hindi ko nakita si daddy na nagdalawang isip siya sa pagtulong sa’min taliwas sa sinasabi ni lola na pakitang tao lang siya.

Jaria Santillan POV

This is the first day of school.

New environment, new friends, and new achievements dito sa Saint Willford Academy.

Lahat ng nandito ay mayayaman, magaganda, guwapo, matatalino at sikat sa larangan ng academics. Dito rin nag-graduate noon si Mommy at Magna cum Luade siya.

Business Administration ang kinuha kong kurso.

Actually, ayaw ko naman talaga ang course ko kasu no choice kasi si mommy ang nag-insist na ‘yon ang kunin ko.

Parehas kami ng kinuhang kurso ni Mica and I know na ‘yon ang sinabi sa kanya ni daddy na kukunin niya.

Mabuti na lang dahil parehas kami ng kinuhang kurso ng mga friends ko na sina Violet and Avon. Kahit mga OA sila ay okay na rin na sila ang makakasama ko kaysa naman kay Mica.

Pagbungad namin sa’ming classroom, pinili namin ni Avon na maupo sa first row. Luckily, may three vacant seats pa. Excited na excited kami ni Avon na umupo and ready na rin kami para sa’ming first subject.

Ilang saglit lang ay dumating na rin si Violet sa’ming classroom.

As expected, siya ang laging late sa’ming tatlo na magkakaibigan. May sasakyan naman sila, may driver naman sila pero ewan ko ba kung bakit laging late siya.

Habang hinihintay namin ang aming professor, lumapit sa’kin si Mica. Kanina pa pala siya dumating sa classroom namin at ang masaklap pa…

…Ang baduy ng kanyang sout.

Hindi kami nagpunta sa cafeteria dahil alam kong hinihintay ako doon ni Mica.

May two hours vacant pa naman kami kaya naglibot-libot muna kami hanggang sa makarating kami sa Engeneering Department.

‘’Oh my gosh!”, gulat na reaksiyon ni Avon. ‘’Look!”, sabi niya sa’kin sabay turo niya sa isang lalaki na nakatalikod. “Si EJ Alferez! My gosh!”, dagdag niya.

Kahit nakatalikod ang lalaki, alam kong si EJ nga yun.

Kilalang-kilala siya ng mga friends ko dahil minsan na siyang naging parte sa buhay ko.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Ang gusto ko na lang ay makalayo na ako sa building na ‘yon at makabalik agad sa room namin.

Parang bumalik sa’kin lahat ng sakit na dinulot niya sa’kin noon.

Kahit sampung buwan na ang nakakaraan, hindi ko pa rin makalimutan kung paano niya ako iniwan at ipagpalit sa iba.

Siya si Edmund John Alferez o mas kilala siya sa school namin noon sa pangalang EJ Alferez. Grade 9 kami noong naging officially in a relationship, two years and eleven months kami nagtagal. Mahigit kalahating taon din siya noon na nanligaw sa’kin. Lagi kami noon nagsasabay maglunch. Ang nagustuhan ko sa kanya ay parehas kaming top achievers. Sabay kaming nagre-review noon sa library at pagkatapos ay inihahatid at sundo pa niya ako sa bahay namin.

Matangkad siya, matalino, maputi, hindi gaano matangos ang ilong, maganda ang mata, kilay at labi.

Sinabi ko pa noon sa sarili ko na napakaswerte ko dahil siya ang boyfriend ko. Siya na siguro ang pinaka-perfect sa lahat ng mga lalaking nakilala ko.

Sa kanya lang ako naging masaya, sa kanya ko lang sinasabi lahat ng problema ko.

Mabait siya, hindi niya ako pinagsamantalahan sa mga araw na ako ay mahina. Hindi niya ako pinabayaan. Syempre ganoon din ako sa kanya.

Masaya ang aming pagmamahalan hanggang sa lumabo na ang lahat. Lagi na niya akong iniiwasan, tuwing tatanungin ko siya kung bakit niya ako iniiwasan, wala siyang maisagot. Nakipag-break na rin siya sa’kin pero wala akong nakuhang sagot sa kanya kung bakit niya ako hihiwalayan.

Hanggang sa isang araw, nakita ko na lang siya na may ka-holding hands na babae. Hindi ako napagod sa kakahabol at kate-text sa kanya pero masakit pala sa pakiramdam, ‘yong gusto mo pang habulin siya pero ang katawan mo na ang sumuko para lang hindi ka na makahabol sa kanya.

Na-confine ako noon sa hospital, nanghina ang katawan ko pero hindi man lang niya ako binisita.

Umasa ako na bibisitahin niya ako kahit isang saglit lang pero hindi ko siya nahintay.

Mahigit sampung buwan na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sa’kin ang sakit na dinulot niya sa’kin.

Ayaw ko siyang makita, ayaw kong marinig ang pangalan niya at ayaw kong maalala siya. Maging sa company ni daddy, ayaw kong pumunta doon dahil alam kong nandoon siya pati ang mommy niya.

Nagtungo muna ako sa powder room sa’ming Academy bago pumunta sa room namin.

Inayos ko ang sarili ko dahil ayaw kong makita nila na mahina ako at ayaw kong isipin nila na nagpapa-apekto pa rin ako sa nakaraan namin ng lalaking iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status