Lola's POV
Kaunti na lang talaga ay gusto ko nang sabunutan ang buhok ni Gaia. Ang arte sobra! 'Di ba siya na-inform na ako ang fiancee ni JD? Ang kapal ng fez! Kung makakunyapit naman siya akala niya pagmamay-ari niya na si JD. Nakakainis! At ito namang si JD, nagpapalandi rin. Hay nako! Tunog nagseselos na fiancee na talaga ako.Wala naman akong pakialam kung maglampungan sila sa harap ko, e. Pero dahil kailangang ako ang gumawa no'n dahil target locked ko na si JD, hindi ako makakapayag na sirain nila ang mga plano ko!Hindi ko tuloy maiwasang mapairap dahil doon. Ayokong ipakita ang inis ko ngayon pero hindi ko mapigilan. Maya-maya ay may naisip na akong evil plan para mahati ang atensyon ni JD.I smirked internally to my idea. Haha! Watch me, Bilbo!I stood up from my comfy foldable cloth chair and started to do my catwalking towards the commotion. Hindi ko na inintindi pa ang pagtawag sa akin ni Jaxx. Nagpatuloy lang ako sa drama ko.Habang naglalakad ay umarte akong napasinghap at tinakpan ang bibig ko sa napakaarteng paraan. "OMG! What happened, babe?" Ipinakita ko ang kunwaring nag-aalala kong ekspresyon. Agad-agad ay nakalapit ako kay JD at nagkunyapit sa kanyang braso. Dahil doon ay napalingon sa akin ang lahat.Kahit si Gaia na kuntodo ang lapit sa fiance ko ay napabitiw dahil sa ginawa kong paghila kay JD. Ano ka ngayon? Loser!Pagkatapos niyon ay napaharap ako sa kanilang tinitingnan at bahagya akong napakislot sa gulat. May ahas na bahay na nasa harap namin pero maliit lang siya. At doon ako napataas ng kilay na ang mga tao sa paligid ko ay wala man lang ginawa kundi ang tumingin lang.OMG! Mga duwag ba 'to sila? Para sa maliit na ahas ay hindi na sila makagalaw? Ang aarte!Napairap ako at nagpamaywang sa harapan nilang lahat. Pailing-iling akong binalingan ang isa sa mga staffs na may hawak ng isang manipis na steel bar. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. "Give me that..." pag-uutos ko sa kanya.Nakita ko ang gulat niyang ekspresyon lalong lalo na ang mga tao na nasa paligid ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng sexy na hindi natatakot sa ahas?"P-po?""I said, give me that. Bilis na!" I spat at him.Gulat man ay tumalima na lang ang lalaki at ibinigay sa akin ang steel bar.Nang mahawakan ko na ito ay may isang matipunong braso ang pumigil sa akin. Pagkalingon ko ay natigilan ako nang makita ang seryosong mukha ni JD.Nakakunot ang noo niya sa akin at galit na tinitigan ako. "What do you think you're doing? Don't you think this is too much? Can't you please save your show for later? Can't you see that we're in a situation here?" he hissed at me. He is also being careful to catch everyone's attention at alam ko na ayaw niya rin akong mapahiya. Nagtitimpi lang talaga siya.Nadismaya ako sa sinabi niya. Ganito na ba kababa ang tingin niya sa akin? Isang maartenna babae lang ba ang buong pag-aakala niya sa pagkatao ko? Imbes na magustuhan ko ang sinabi niya ay mas lalo akong nainis. I just smiled at him nicely in a very prententious way, saka ko dahan-dahan na tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko. "Don't worry about me, babe. Kaya ko na 'to. Watch me!" I winked at him at nilingon ang ahas na hanggang ngayon ay patay-malisya lang sa nakapaligid sa kanya. Sana all!I forwarded my body near the snake. May isang lalaki na nakahawak ng sako na nasa kabilang banda ng komosyon. Sinenyasan ko siya na lumapit nang paunti-unti. Maya-maya ay hinampas ko na ang steel bar na hawak ko sa lupa at ginamit iyon para bahagyang maipit ang ulo ng ahas. Of course, hindi ko papatayin ang ahas dahil mata-tabloid ako ng di-oras at kakasuhan ng PETA ng animal abuse. Kung sa ibang pagkakataon ito ay tiyak na ang probinsyang style ang gagawin ko.Narinig ko ang natatakot na paghiyaw ng mga tao sa paligid ko lalo na nang makita nila ang pangingisay ng ahas. Kaagad na kumilos ang lalaki na may hawak na sako at mabilis niyang ipinasok ang ulo ng ahas. Matapos niyon ay inilusot ko na ang buong katawan ng ahas sa loob ng sako gamit ang bakal na hawak ko at mabilis na isinarado iyon.Nakarinig ako ng masigabong palakpakan pagkatapos niyon. Napalingon ako sa direksyon ni JD ngunit hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin sa anyo na hindi ko aakalain na maipapakita niya sa isang tulad ko.Ano ba itong nakikita ko sa kanyang mga mata? Pag-aalala?Hindi. Hindi naman iyan ang nararamdaman niya. Imposible.Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya akong hilahin. Agad akong nabangga sa kanyang matipuno at matigas na dibdib. Kinabig niya ako upang yakapin.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Napatigil lang ako at hinayaan na sakupin ako ng mainit niyang yakap.It seemed like the time had stopped in front of me. Pati ang pagtibok ng puso ko ay tila tumigil na. Hindi ko na marinig ang iba pang nagsasalita sa likuran ko. Ang bukod tanging nararamdaman ko ngayon ay ang init na nagmumula sa pagyakap niya sa akin.Tila isa itong panaginip. At kung panaginip man ito, sana hindi na ako magising. Ayoko nang magising. Dito sa panaginip na ito, hindi ako kinaiinisan ng isang tulad ni JD. Napakasaya nito.Pero isa lang ang nagpagising sa akin sa panaginip na ito. Ang mga katagang narinig ko sa aking tenga mula sa kanya nang ilapit niya ang kanyang bibig."Today, you're not gonna win..."Napakurap ako dahil doon at hindi nakagalaw hanggang sa iniwan na naman niya ako sa ere na parang walang nangyari.S***a. Ibalik mo ang panty kong nalaglag!****Matapos ang mahabang komosyon na iyon ay nagdesisyon na akong bumalik sa post ko. Nakasimangot ako habang nagpapaypay ng script sa may leeg ko. Si Jaxx naman ay busy sa pagpapayong sa akin. Hinayaan ko na lang din siya na maging extra sweet sa akin. Hindi pa man din ako gumagawa ng paraan para mapalapit kay Jaxx pero mas lumalapit pa siya sa akin kaysa kay JD.I frowned and continued to roll my eyes. Konting tiis na lang, Lola. Makakalbo mo rin ang Gaia na 'yan! I convinced myself.Matapos ang dramatic na paghuli sa snake, natigil na rin ang kaartehan ni Gaia at pinaghiwalay na sila ni JD. Infairness naman sa mga staff, kahit hindi ko pa iutos, nailayo na nila agad si JD sa mahaderang Gaia na 'yon.Oras na ng blocking at patuloy lang ako sa pagre-rehearse ng lines ko. When my name and JD’s name were called, saka ako tumayo at puwesto sa isang bangketo. The scene we’ll take is going to be at the back part of the house. There are cable and metal wires across the room and a big basin full of dirty clothes already soaked in detergent powder and water. Umupo ako sa may bangketo sa harap ng mga labahin at aakto na maglalaba.Kahit na lumaki ako sa luho, I was raised by my foster parents well. Naranasan ko pa rin ang maglaba since gano’n din ang pinamana sa akin na buhay ng biological mother ko. I would always help her wash the clothes and in times I would be hit on the face kapag nagkakamali ako. Yeah. Ganoon na klase ng pagpapalaki ang naranasan ko sa tunay kong magulang.As Direk Bim shouted the word ‘action’, I started to work on the clothes.Biglang papasok si Franz sa eksena, JD’s character, at uupo sa tabi ko.“Hi!” he greeted me. Sana totoo na lang 'yan!I did not reply. Sinusunod ko ang script. Pareho kami ng mood ni Jenny, my character, gusto namin magtaray! Naiinis pa rin ako sa sinabi niya kanina. Bwisit siya! Paano niya nagawang paglaruan ang damdamin ko kanina porque marupok ako pagdating sa kanya?“Uy, galit ka pa rin ba? Ano ba kasing ginawa ko?” clueless na tanong ni Franz.“Ano ba kasi ginagawa mo rito?” Sa wakas ay tanong ko bilang si Jenny. Ang gusto ko talagang sabihin ay bwisit ka, JD! Pero ang sarap mo pa ring yakapin, hayp ka!“Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko.”“Kailangan pa ba? Nasabi mo na ang gusto mong sabihin sa marami, 'di ba? May kulang pa ba, Franz? Ay mali… sir!” Agad akong tumayo at nagpamaywang. “Pasensya ka na, sir, kung hindi ko sinasagot ang mga tawag at texts mo, ha? Hindi ko obligasyon na pansinin ka. At mas lalong hindi ko obligasyon na magpaliwanag kung bakit hindi kita pinapansin. Nasabi mo na, 'di ba? Tindera lang ako sa palengke ng mga hito at kung ano-ano pang isda. Malansa amoy ko. Mabaho ako, oo! Tanggap ko na 'yon. Pero hindi mo kailangang sabihin sa iba. Ano bang nakakatuwa kapag topic n’yo ang mga mahihirap? Ganyan na ba kayo ka-conceited? Feeling entitled manghamak? At alam mo? Okay na ako. Okay na okay. Kaya pwede ba? Umalis ka na bago ko pa labhan 'yang pangit mong mukha!” Joke lang sa part na pangit ka. Sobrang gwapo mo nga at kaunti na lang makakalimutan ko na naman ang linya ko dahil sa'yo!“S-sandali lang, Jenny. There must have been a mistake—” Nang hawak niya ang braso ko, agad kong pinadapo ang palad ko sa mukha niya. Nilakasan ko para maramdaman din niya ang galit ni Lola Lee! Para 'yan sa pang-aalaska mo sa akin kanina!“Mistake? Ginagawa mo pa akong tanga. Hoy, Franz! Mahirap lang ako pero hindi ako bobo! Alam ko kung sino ang pinag-uusapan ninyo ni Travis. At tama naman kasi talaga siya. Bakit ako pa ang napili mong bolahin? Bakit ako pa napili mong utuin? Para ano? Dahil akala mo masisilaw mo ako sa yaman mo? Ang kapal ng mukha mo!” Agad ko siyang pinaghahampas sa dibdib, dala na rin ang tsansing pero nilakasan ko talaga kasi naiinis ako. Para naman makaganti ako sa sinabi niya sa akin kanina. Grr!Hindi nagtagal ay sinalo ng dalawang kamay ni JD ang mga hampas ko at agad akong na-corner sa pader. Pareho na kami ngayon ng character ko na napatulala sa kagwapuhan ni JD. Nakita ko ang natural na pagpula ng kanyang mukha at ang paghahabol ng hininga. Sobrang lakas siguro talaga ng pagkakahampas ko. Shet. Bakit ang pogi mo pa rin? Pahampas ulit, please!“It’s not you we’re talking about, Jenny. It was Dan. At kahit kailan, hindi kita binobola at inuuto. I chose to be with you because I love you! I love you, Jenny. I love you and I don’t know why I can’t stay away from you. There! Nasabi ko na. Masaya ka na? I could never hurt you, Jenny. I would die if I ever hurt you. I’m sorry if I’m not brave enough to tell you the truth. Just please…” he said wholeheartedly as his character.Lola, 'wag kang hihimatayin. Si Franz lang ang nagsasalita, hindi si JD. 'Wag kang mag-hyperventilate. Inhale… exhale…After convincing myself, I saw JD’s face about to reach mine. Ilang hibla na lang ang agwat ng mga mukha namin, hanggang sa ako na ang nag-iwas ng mukha.Sayang, ang pabebe kasi nitong character ko. Ayaw pa magpa-kiss ngayon sa scene. Ugh!“Umalis ka na…” I finally said. Ang arte mo, Jenny! Sayang ang kiss!“J-Jenny…”“Umalis ka muna. Gusto ko munang mag-isa. Please…”Ilang saglit na nakatitig si JD sa akin bago nagpasya na bitiwan ako at umalis. Doon, unti-unti akong umiyak at humagulgol. Real tears. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagsikip ng dibdib ko.“Cut!”Agad akong nagpunas ng luha, pero ang weird… ayaw tumigil. There are series of memories suddenly rushing inside my mind.I heard someone called my name pero hindi ko na mausisa kung sino. Unti-unting lumalabo ang paningin ko. I started to panic quietly. Here goes this damn anxiety! Bakit kung kailan nasa trabaho ako ngayon pa aatake?Napakapit ako sa may pader na pinakamalapit sa akin at nag-attempt na habulin ang nahihirapan kong paghinga. Habang tumatagal ay bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Ipinilig ko pa nang mabuti ang ulo ko para lang mawala itong pakiramdam na ito pero lalo lang lumala ang lahat.Biglang lumalim ang paghugot ko ng hininga. Maging ang pandinig ko ay unti-unting nawawala.Bigla-bigla ay nandilim ang paligid ko at saka ako nawalan ng malay...Lola's POVSeeing the laundry, the laundry wires, and the bubbles, they all made me turn into a fragile child I used to be. Flashes of my fragment memory came all back to me in a manner of seconds. Pakiramdam ko ay may nakatarak na kung anong matalim sa may ulo ko. Nanunuot ang sakit nito hanggang sa dalhin na ako ng aking kamalayan sa aking nakaraan..."Lolita! Lolita!" pagtawag sa akin ni Mama. Galit na galit siya at pinapapasok ako sa loob ng kwarto niya.“Anong ginawa mo sa uniform ko?! Bakit ang laki ng butas?” sigaw niya sa akin nang makalapit ako.Napayuko ako sa kahihiyan. Nagsimula nang manginig nang husto ang katawan ko. Sa tuwing ganito na ang tono ng kanyang pagsigaw ay nahihintakutan na ako. “M-Ma… k-kasi po… nakalimutan ko kanina—” Naputol ang pagrarason ko nang biglang dumapi ang palad ni Mama sa aking pisngi. Literal na tumalsik ako sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya.Anim na taong gulang pa lang ako nito. Ang rason ku
Lola's POVNagising na naman ako na nasa loob ng kwarto ko sa ospital. Nakaramdam ako ng pagkislot ng sakit na pumipintig sa sentido ko. Matapos niyon ay napasimangot ako, lalong lalo na nang maalala ko ang mga sinabi sa akin ni JD. Tila may dumaan na malaking pison sa dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Literal na napahawak ako sa aking dibdib nang dahil doon.Ganito na kaagad ang epekto sa akin ng mga sinabi niya sa akin. Hindi ko malaman kung dahil ba ito sa nangyari sa akin kanina sa set. Kung masyado lang ba akong sensitive ngayong araw o dahil sa nilalagnat ako.Ever since that time that I was left by biological mother, I've never thought that those episodes would be this fatal to me. Hindi ako kailanman nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko. Wala akong natatandaan na nagkaroon ako ng ganitong sakit. Although I have some anxiety attacks kapag sobrang nag-aalala ako sa isang sitwasyon. Pero hindi pa nangyayari sa akin ito na may isang sit
Lola's POVBusy day hits my rock bottom. As usual, abala na naman ako sa kaliwa’t kanan na TV guestings at interviews. Magkasama na kami ni JD palagi. Ugh. Palagi.Take note: wala ako sa mood para magpapansin. Pansin na pansin niya ang pagkakaroon ko ng cold feet dahil nakikita ko naman ang madalas na pagsulyap niya sa akin. Hmp! Manigas ka d'yan! Hindi kita papansinin. Ano ka, gold?! Yummy ka lang pero hindi yummy ang ugali mo. Mr. Vhajayna Lock!Simula noong umalis ako sa ospital ay hindi ko na inaksaya pa ang buhay ko para kausapin pa siya. Bwisit siya! Ang lakas niyang mang-asar. Asang-asa pa naman ako roon sa kiss tapos hindi pala itutuloy. Every time I recall that moment, I just wanted to roll my eyes heavenwards. Kakairita!Isa pa, sa tuwing maaalala ko kasi ang nangyari sa ospital, parang mapupuno ang isang dam sa sobrang dami ng naiyak ko sa mga sinabi niya. Simula no’n, hindi ko na siya pinapansin. Napakapeke pa naming dalawa at nagpapak
Lola's POVI didn't quite like my memories when I was still at the orphanage. Sa tuwing naaalala ko ang lugar na iyon o kahit ang mga alaala na naroon, pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa mundo na pinaghirapan kong buuin sa mahabang panahon ngayon.Pero sa lahat ng mga alaala na iyon, ang kay Kuya Jaja lang ang hindi ko makakalimutan.He was my savior whenever there are kids who'd want to bully me. Sa kanya ko natutuhan na lumaban. Sa kanya ko natutuhan ang ngumiti kahit na maraming dahilan para umiyak at masaktan. Natutuhan ko ang lumaban at hindi hayaan ang iba na saktan ako o alipustahin.I realized it just now. Kaya pala hindi ako lumalaban noon kay Mama ay dahil sa iyon ang itinuro niya sa akin. Na wala akong karapatan na magreklamo dahil isa akong tao na hindi inaasahan at pagsasayangan niya ng kanyang buhay. Para sa kay Mama, hindi ako importante. Isa akong latak ng kahapon na pilit nagbabalik sa kanya sa masalimuot na nakaraan. Sa buon
Lola's POVI hated men for provoking me into something that I didn't like to do. What I said about JD was very uncalled for. Hindi ko sinasadya na gantihan siya kaagad. I'm best at recoiling after being left damaged by someone. For me, JD's words really sting. Nakakamatay. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakatikim ng insulto mula sa mga lalaki na nakarelasyon or nakatrabaho ko. Hindi ko kailanman naranasan ang ipahiya sa harap ng publiko na ganito kalala.At some point, natatakot ako sa kung anong gawin ng mga fan niya sa akin. I already read some of the comments earlier. Ang bilis pa sa alas kwatro na kumalat sa social media ang video namin sa pool habang binabasted ako ni JD."Ang kapal naman ng babaeng 'yan na saktan si Gaia!""What? Sinabunutan niya si Gaia sa ilalim ng pool?""How dare she shame my BB JD in public? Ang kapal! 'Kala mo kung sinong maganda. Kinginuh!""Sana nilunod ka na lang ni Gaia! Bitch!""Such a
Lola's POVTita Jet, my manager, couldn't stop shaking her head nang bumisita ako sa kanya na may dalang delubyo na balita. Well, alam naman na niya ang headline. Ilang beses na rin niya akong tinawagan noong araw na iyon pero hindi ko masagot dahil sa dami ng iniyak ko kanina. Idagdag pa ang pagiging paasa ni JD! Akala ko pa naman totoo 'yung kiss niya. Bwisit! I hate to admit na apektado pa rin ako hanggang ngayon. Hindi mawala-wala sa sistema ko ang ginawa niya."Balak mo ba talaga akong patayin nang maaga, ha bruha ka?!" asik sa akin ni Tita Jet. Nasa loob kami ng opisina niya sa kanyang bahay.Ako naman ay nakaupo lang sa isahang sofa at nakapanghalukipkip. I just rolled my eyes and looked away. Here goes this drama again..."Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na layuan mo na siya dahil sa ginawa mong pang-eeskandalo sa birthday party niya?" pagpapatuloy niya. "I knew this would happen at heto na at nagkakatotoo na ang sinasabi ng mga netizens na mag-aaway talaga kayo ni Gaia! Ilan
Lola's POV"H-ha?" iyon lang talaga ang kaya kong sabihin pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni JD mula sa kabilang linya. Sa totoo lang, hindi pa nagpoproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Wala rin sa loob na napabangon ako mula sa aking pagkakalublob sa tub matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Nagririgodon na naman itong puso ko."Where are you?" bigla ay pag-iiba niya ng usapan.Napalunok ako ng laway at napahawak sa dibdib. "N-nasa bahay. Bakit mo natanong?""Liar. Wala ka rito sa condo mo. Nasaan ka?" mabilis na sagot nito na ikinalaglag ng panga ko."A-ano? Teka, paano mo nalaman? N-nasa condo ka ba ngayon?" Teka saglit. Paano niya natunton ang address ko? Wala naman akong natatandaan na may binigay akong address sa kanya. Come to think of it, hinatid niya ako dati sa tapat ng condominium building pero dahil sa preoccupied ang isip ko ay hindi ko na iyon tinanong pa. Bakit parang ang bilis naman yata ng lahat ng pangyayari? Bakit biglang nagkakaganito ang kumag na 'to
Lola's POVCall me crazy but I am desperately wanting the whole ground to swallow me at this very moment. Ang mga salita na narinig ko mula sa bibig ni JD ang lalong nagpapalala ng kaba ko sa dibdib. Nagkakamali lang ba ako ng pandinig? Talaga bang sinabi niya iyon sa akin?He's inviting me either to kiss or love him!I saw how his eyebrows arched at me, waiting for my reply. "Ano na, Lola Lee? Tatahimik ka na lang ba? O gusto mo na ako na lang ang unang gagawa no'n para sa'yo?" he asked further in an inviting low tone, brushing his breath against my chin and cheeks. Nakakaliyo ang amoy niya; minty aftershave and a sweet candy that reminds me of raspberries. Kaunti na lang ay masusuway ko na kaagad ang kontrata namin. Shuta naman! Bakit kailangang lumandi ka at ngayon pa, JD?!Pero alin nga ba ang susuwayin ko? Teka, binibigyan niya ba ako ng free pass para pagbigyan ang karupukan ko? Or is this one of his traps?I shook my head internally. No. 'Wag kang bibigay, Lola. Hindi ito ang p