Share

Chapter 10: Last Day

Hindi ko inasahan iyon. Akala ko, ako ang kakampihan niya. Parang kanina lang maayos kaming nag-usap tapos ngayon, balik sa samaan ng loob na naman kami? 

Tumalim pa ang tingin niya sakin bago siya tumalikod at binuhat ang sarili para makaahon sa tubig. Tinulungan pa siya no'ng babae sa pamamagitan ng pagkapit sa kaniyang braso. Pairap akong umiwas at natawa na lang sa natunghayan.

Ako itong fiancee niya pero hindi man lang ako tinalungan. Inuna pa ang ibang tao.

"Frida! Are you okay?" 

Lumapit ang dalawang babaeng nakaaway ko kanina sa babaeng 'yon. Frida? Parang familiar ang pangalan. Hindi ko lang maisip kung saan o kailan ko narinig. 

"What happened?" Tumatakbong dumating si Casnu. Nang makita ako, agad niya akong dinaluhan. "Elysia!" Umupo siya sa gilid ng pool at in-extend ang kamay niya para abutin ako. 

Sinulyapan ko si Cosimo na ngayon ay nakatayo na at kinakausap iyong babaeng nagngangalang Frida. Nakahawa

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status