Kakarating lang namin sa islang binida sakin ni Fred. Pagbaba ko pa lang sa bangka, para bang hinihila ako pabalik sa kung saan ako umalis. Ang bigat ng loob ko. Nagpaulit-ulit sa aking isipan ang naging reaksyon ni Cosimo habang papalayo ako.
Papaano niya natunugang tumakas ako? Halos dalawang minuto lang naman ang pagitan simula nang lumabas ako sa banyo hanggang sa sumampa sa bangka ni Fred. Isa pa, bakit pa niya ako hahabulin? Wala ba siyang tiwala na babalik din ako? Sa edad kong 'to, marunong naman akong mag-ingat para sa sarili. Hindi na ako kailangan pang bantayan!
Higit isang oras kong nakasama ang pamilya ni Fred bago sila humiwalay saming dalawa. Mababait sila kahit na bagong kakilala lang ako. Na-realize ko na hindi naman lahat ng Chinese masungit. Ganoon kasi ang pagka-percieve ko sa kanila noon.
"Do you know how to swim?" tanong niya nang magsimula na kaming maghubad para lumusong sa tubig
Parang naging mailap kami sa isa't isa kinabukasan. Hindi ko alam kung galit pa ba siya sakin o ako lang talaga itong umiiwas. Naging conscious na kasi ako sa mga kilos ko matapos niya 'kong sabihang immature. Sobra ang pag-iisip ko kung ano bang nagawa ko kahapon na masasabing isip-bata. Pinagtuunan ko talaga ng oras ang pag-iisip. Hindi ko kasi matanggap na sinabihan niya ako ng ganoon. Nakikita ko kasi ang sarili ko bilang mature na. "Nagsimula akong magtrabaho, 18 years old! Nagtitinda pa ako ng yema at graham balls sa mga kaklase ko noong highschool! Breadwinner ako sa edad kong 'to kaya malaking insulto sakin na sinabihan niya 'kong immature!" Pasinghal akong nagkwento kay Lucas sa video call. Nasa seashore ako ngayon at malayo ang bantay. Wala rito si Cosimo, nandoon sa villa, busy pa rin sa gadgets niya. Napailing siya. Tinatamad na tiningnan niya 'ko. "I have no luxury of maturity in me even at
Days passed by and it's our 5th day today on this island. Simula nang araw na tinigil na niya ang pagtutok sa kaniyang laptop at telepono, umayos ang pagsasama naming dalawa. Although, wala naman sa pinag-usapan namin na dapat naming i-work out itong kasalan, hindi rin naman namin napag-usapan na kailangan naming iwasan ang isa't isa. No personal questions lang, iyon lang ang boundery namin. Huwag manghimasok sa personal life ng bawat isa and we're good. Kahapon, nag-island hopping kami at sinubukan ang zipline sa isang isla na napuntahan namin. Niyaya niya akong mag-scuba diving ulit kanina pero tinanggihan ko na. I don't want to meet a shark again. Tama na iyong encounter ko noong nakaraang araw. Baka himatayin na ako sa pangalawang subok. Ngayon, paahon na ako mula sa dagat. Tanaw ko si Cosimo na nakaupo sa pampang, nakatukod ang dalawang kamay niya sa likod at nakaunat ang mga paa sa buhanginan. Umahon siya kanina para uminom lang ng tubig pero hindi na bumalik. "Bakit?" tanong
Plano niyang kumuha ng posisyon sa kumpanya ni Lucas at palulugiin ito? Tapos ano? Makikipaghiwalay na siya pagkatapos lang ng ilang buwan? Aba, napakalupit naman niya! Kaibigan ko si Lucas kaya malamang kakampihan ko siya. Kahit mali 'tong pinasok ko, tinulungan pa rin niya ako mula kay Hugo. Lalo na ngayon na kasal na 'ko, wala na akong iisipin pang utang. Bayad na lahat ni Lucas! Alam ko kung anong dinaanang hirap ni Lucas para mapundar ang cruise line niya. Halos gabi-gabi akong nakikinig sa mga problema niyang hindi ko maintindihan. Hindi kasi ako maka-relate kaya wala akong mai-advice. Napatunayan ko nang good listener ako dahil sa kaniya! Tapos plano lang na sirain ni Cosimo ang pinundar niya? Hindi pwede! Tinuyo ko na ang baso ng alak na binigay sakin ng bartender. Agad lumukot ang mukha ko nang hindi ko masikmura ang lasa. Napakainit sa lalamunan! Ang gaspang pa! "May gin
I acted as if nothing happened. Oo, naaalala ko ang nangyari sa amin noong gabing 'yon. Bakit ko nagawa? Hindi ko alam. Gusto kong isipin na tulak 'yon ng galit ko. Na gusto kong huwag na siyang bumalik doon sa Frida na 'yon. Sa pamamagitan ng ano? Talaga bang tingin ko sa sarili ko na kapag may nangyari samin, 'di na siya babalik kay Frida? Akala ko ba wala akong pakialam sa kanilang dalawa? Akala ko ba ayos lang sakin kahit magsama sila? 'Di ba ang concern ko lang naman is yung plano namin ni Lucas? Bakit umabot ako sa puntong iyon? I took a deep breath. Ang yabang ko naman kung iisipin kong mauulol sakin si Cosimo kapag may nangyari na samin. I know that I have a beautiful face with a sexy body. I'm confident! But do I really think that men like him would go crazy over this face and body? Petite si Frida. She's few inches taller than me but I am hotter! Alin ba ang gusto ni Cosimo? Teka nga! Bakit ko naman iniisip 'yon? Iyong nangyari sa amin
Nakakainis! Hindi ko talaga siya maintindihan! Gusto niya lang makaulit kaya gusto niyang mag-birth control kami! Ganoon ba talaga siya? Kahit pa itanggi niya, gano'n pa rin ang tingin ko sa gusto niyang mangyari! Akala ko ba hindi siya gumagamit ng condom? Bakit kahapon nagpresenta siya na siya na ang magko-contraceptive? At talagang pinahanda niya nga talaga ang guestroom para sakin. Wala namang problema. Nakakatawa nga lang kasi tingin ko hindi na niya kayang tumabi sakin nang walang mangyayari! "Nadiyan na ba si Lucas?" tanong ko sa guard nang dumating ako sa mansyon. Ginabi na ako sa pagpunta rito dahil galing pa ako kina Mama. Sobrang na-miss ko sila kaya nagtagal ako roon. Kinuwento ko na rin kay Mama ang tunay na nangyari sakin sa abroad kahit na hindi niya pa matanggap ang lahat. Pero masaya si Mama dahil nandito na ako at lalo naman si Angge dahil may mga pasalubong. Kaninang umaga, nagising ako nang wala na si Cosimo sa bahay. Ang sab
Kapag nabuko, saan ako pupulutin? Mabuti sana kung si Lucas lang ang sasalo sa lahat ng ito pero hindi, e. Kasama ako! Ako itong kumikilos sa planong 'to kaya malamang. sa akin ibubuhos ng mga Melgarejo ang galit nila. Anong pwede nilang ibato sakin? Sinungaling? Magnanakaw ng identity? Ilusyunada? Fake? Social climber? Manggagamit? Gold digger? Paano naman kapag nalaman na nila ang tunay na pagkatao ko? Sasabihan na nila akong mukhang pera? B*bo? Hampaslupa? Pokp*k? Mabuti sana kung masasakit na salita lang, kaya ko pang lunukin. Paano kung ipakulong nila ako? "Do you know each other?" Napakurap-kurap ako nang humarap sakin si Cosimo at nagtanong ng ganoon. Sinulyapan ko si Rubio na nakatayo pa rin sa harapan namin at naghihintay lang ng isasagot ko. Wala sa hulog na ngumiti ako kay Cosimo. Maiksi lang ang naging punit ng ngiti ko kaya mapapansin ni Rubio na kinakabahan ako. Bakit ba kasi nandito ang lalaking 'to? Naka-busines
"I already talked to him. He promised to keep quiet and act like he haven't heard anything," ani Rubio na mukhang nagtitiwala sa sekretarya ni Cosimo. Hindi ako nakatulog nang gabing iyon kakaisip kay Ben. Kung may narinig ba siya o wala. Kung may narinig man, hanggang saan? Gaano karami? Buti na lang at nagkita kami ni Rubio rito sa Scores. Ang paalam ko kay Cosimo ay kina Lucas muna ako matutulog. Dinahilan ko rin na pinapapunta ako ni Lucas sa kumpanya niya para magsimula nang magtrabaho roon, pero dumalaw lang talaga ako kina Mama. Nagsabi na ako kay Lucas kung saan talaga ako para kung sakaling hanapin man ako ni Cosimo sa kaniya, mapagtatakpan niya ako. Isa pa, ayaw ko nang pumunta roon sa mansyon nila. Bilin ni Elysia sakin na huwag na raw akong babalik doon. Madali lang naman akong kausap. Si George lang talaga ang pinunta ko rito para sabihin sa kaniyang wala na yung hikaw. Nag-usap kami
"Anong oras na, bakit ka pa pumunta rito?" bungad ko matapos naming maghiwalay mula sa mahigpit na yakap. Maganda ang ngiti niya at talagang nakadikit sakin ang tingin. Na-miss ko siya. "Hindi mo 'ko na-miss?" siya na tunog nang-aasar. Kakasabi ko lang no'n sa utak ko! Natawa na lang ako pero nang maalala ang huling tagpo naming dalawa, nahiya ako. Umiwas ako ng tingin habang nangingiti. Alam ko na ngayon na may gusto siya sakin kaya naiilang ako. Hindi ko na alam kung paano pa siya pakikisamahan. Dapat cool lang ako. Hindi naman kasi siya ang unang lalaki na nagtapat sakin. Ang kaso, may gusto rin ako sa kaniya. "Bakit ikaw? Na-miss mo 'ko?" Binalik ko ang tanong. "Oo syempre." Walang kahirap-hirap niyang sagot. Tinikom ko ang bibig para hindi pumunit nang malaki ang ngiti. Sinilip niya ang mukha ko dahil nakahilig ako sa bar. Hindi ko tuloy naiwasang salubungin ang tingin niya. Nagtaas-baba ang tingin niya sa akin. Sinilip pa niya ang sapatos ko gayung nakaupo kamin