Share

Chapter 3: No Balls

'Yong lalaking 'yon, ang kapal ng mukha niya! Sino ba siya para sabihan ako ng ganoon? Oo nga't hindi ko masyadong nasundan ang mga sinabi niya pero tumatak talaga sakin 'yong sinabi niyang 'I don't like you'. Kung ano-ano pang binanggit niya sakin na I'm sure, puro negative! May pa 'tell your father to cancel this' ek ek pa siya!

So gusto niyang ipa-cancel 'to? May nalalaman pa siyang 'our marriage is likely to work out', eh, ayaw naman pala niya sa ganito! Impokrito! Plastic! Bakit hindi na lang niya sabihin sa nanay niya mismo? Ayaw ko rin naman sa ganito! Feeling niya ba patay na patay ako sa kaniya? 

Kala mo naman siya lang ang pogi sa mundo! Mas guwapo na si Aldrio para sakin ngayon! 'Yong Cosimo na 'yon, parang hinulma lang na greek god ang mukha pero pang demonyo talaga ang ugali! Sana marunong naman siya rumespeto, no? Ayaw niya sakin? Dapat sinabi ko rin na ayaw ko sa kaniya para quits kami! Palibhasa mayaman kaya ganoon umasta!

Bakit kaya ganoon? Parang mas may manners pa ang mga mahihirap kaysa sa mga mayayaman? Kung sabagay, hindi kasi nabibili ang kagandahang pag-uugali. 

"Stephanie, gusto mo palit tayo? Ako na sasayaw sa pwesto mo," pagbabakasakali ko.

Pagkatapos kong sabihin kay Lucas ang mga sinabi sa akin ng Cosimo na 'yon, umuwi na ako sa bahay para maghanda ngayong gabi. Pumasok pa rin ako dito sa club kahit na napagod ang isip ko sa pakikisama sa mga Melgarejo na 'yon. Parang puputok na ang utak ko sa pakikinig ng English conversations nila na wala namang na-retain sa utak ko dahil hinaluan nila ng negosyo.

"Ha? Baka magalit si Manager George. 'Di ba nga bawal kang sumayaw sa mga tables?"

Inayos ko ang suot na two piece sa harap ng salamin. Naka T-back kaming lahat at sanay naman ako sa ganito. Mas pinapalaki ko nga ang pang-upo ko para mas maganda tingnan sa ganitong klaseng underwear. 

"Ako na magpapaliwanag sa kaniya. Ano? Okay lang ba?" pagpupumilit ko.

Kaunti lang kasi ang nakukuha kong tip sa stage dahil nga malayo sa mga guest. Samantalang sa table, umuulan ng pera roon.

"Kailangan ko kasi ng pera para sa therapy ni Mama. Ngayong gabi lang naman, eh," dagdag ko nang makita ang pagdadalawang isip niya sa pagpayag.

Dahil kaibigan naman niya ako at alam niya ang nangyari kay Mama, pumayag siya. Gusto kong makakuha talaga ng malaking tip ngayon para may ipandadagdag ako sa utang ko kay Hugo. Next week pa kasi ang sweldo ko pero ngayong Linggo na niya ako sinisingil. Wala akong mapagkukunan ng ipambabayad kundi itong makukuha kong tip lang.

Pagdating ko sa VIP table, nagpapalakpakan ang mga lalaking nakaupo roon. Madilim at malikot ang neon lights kaya hindi ko maaninag nang husto ang mga mukha nila. 

Sa paikot na sofa, may pole sa gitna na siyang nilalambitinan ko ngayon. Nakakabingi ang ingay sa paligid. Buhay na buhay ang club tuwing lalabas kaming mga strippers. Parang kami na yata ang pinaka-produkto dito, hindi na ang alak.

Ilan ba silang nandito sa upuan? Sampu? Ah. Napuno nila itong table. Mga magkakabarkada yata ang mga ito dahil medyo bata pa naman.

Ilang saglit pa, inulan na ako ng mga kulay asul at keso na salapi. Ikot, akyat sa pole at dausdos, kembot, taas ng paa, liyad, hawi ng buhok, hagod sa katawan, tuwad. Ano kayang nararamdaman ng mga lalaki kapag sinasayawan sila nang ganito? Turn-on?  

Natapos ang performance ko kaya pinagpupulot ko na sa sahig ang mga perang sinaboy nila sakin. Tinataas naman nila ang mga paa nila para makuha ko ang nasa sulok. Sa dilim ng club, medyo hirap ako sa pagkuha. 

Isa sa kanila ang kumalabit sa akin para iabot ang perang napulot niya. Kinuha ko iyon at inaninag ang kaniyang mukha. Nang dumaan ang kulay violet na disco light sa mukha niya, ngumiti ako dahil nakangiti rin siya.

"Thank you!" sigaw ko kahit na hindi naman niya ako maririnig. 

Pero tumango siya na ibig sabihin ay naintindihan niya ako. Nag-alok siya ng kamay para itayo ako na siyang tinanggap ko naman. No touch policy kami dito pagdating sa aming mga stripper pero kung hindi naman malisyoso, ayos lang.

Umalis na ako at pumasok sa dressing room. Nag-jacket muna ako at naghilamos na rin para sa panibagong make up mamaya. Sasayaw pa kasi ako at ibang style naman ng make up ang gagawin ko. Iba na rin ang wig na gagamitin ko. Pero maya-maya pa, tinawag ako ng kasamahan namin at sinabing may naghahanap daw sa akin sa labas kaya naman pinuntahan ko.

"Hi!" bati sa akin ng lalaking tumulong sa akin kanina. Nakasandal siya sa pader pero nang makita ako, tumayo siya nang tuwid. Nandito kami ngayon sa hallway malayo sa dance floor kaya hindi na masyadong rinig dito ang ingay roon.

"Hello! Bakit?" approach ko. Nilapitan ko siya lalo.

Familiar siya sa akin dahil regular customer na siya rito. Minsan na akong nagka-crush sa kaniya dahil nga guwapo pero ngayon, wala na. Grabe kasi siya kung p-um-arty. Nakikita ko ang mga ginagawa niya sa mga escort dito.

Pinakita niya ang cell phone. "My friend had no balls to ask for your digits so here I am. I got him," aniya sa matigas na ingles.

Tumaas ang kilay ko. Kung siya siguro ang nanghihingi, ibibigay ko kaagad. Sa tagal niyang customer dito, ngayon niya lang ako kinausap. Nilalakad pa ang kaibigan sa akin.

Digits? Number ko ang hinihingi niya, 'di ba?

"Hindi ako nagbibigay ng number ko."

Ngumuso siya at tumango-tango. Binaba niya ang cellphone at sinandal ang kanang balikat sa pader. Sinuksok niya ang kaliwang kamay sa bulsa ng pantalon habang tinititigan ako.

"Mas maganda ka pala kapag walang make-up... Anyways. Rubio." Nilahad niya ang kamay.

"Liana." At nakipag-shakehands.

Hindi ako easy to get. Hindi naman nanliligaw at hindi ko pa naman sinasagot. Friendly ako sa lahat. 

Mukhang magaan naman ang personality niya kahit na mukha siyang babaero. Parang si Lucas lang din. 

"Are you guys allowed to drink while on duty? Invite sana kita sa table namin. Doon ka pa rin ba sasayaw mamaya?" 

Kaya pala madali siyang lapitan ng mga babae. Magaling kasi siyang makipag-usap. Nakakaengganyo nga naman ang paraan ng pag-aaya niya. Kung salesman siguro siya baka isang araw lang, sold out na ang produkto niya.

Umiling ako. "Bawal kaming uminom habang oras ng trabaho. Mamaya naman, sa ibang table na ako sasayaw pero pwede naman akong makipagpalitan. Bakit?"

Tumango-tango siya. "Birthday ng kaibigan ko ngayon, the one who's asking for your number? First time niya lang kasi dito at natipuhan ka niya. If there's a chance, can you dance at our table again? Parang regalo mo na lang din 'yon sa kaniya."

"Titingnan ko. Kapag hindi pumayag ang naka-assigned sa table ninyo, kayo na lang ang lumipat sa table kung saan ako naka-assigned. Kayo na ang mag-adjust." 

Sa huli, sa table pa rin nila ako sumayaw dahil nga pumayag ang dancer na pinalitan ko. Mas dumami pa nga ang tip nila na mukhang puro galing lang sa lalaking may gusto sa akin. Paano ko nalamang siya iyon? Inaasar at tinutulak siya ng mga kaibigan niya sa akin. 

Pagkatapos ng perfomance ko sa kanila, sinundan pa ako ni Rubio sa dressing room para magpasalamat. Dapat nga saglit lang iyon pero tumagal dahil sinubukan pa niya akong yayain para sumama sa outing nila bukas. May mga partners na raw kasi sila para sa beach outing maliban lang sa kaibigan nilang birthday ngayon.

Tinanggihan ko iyon kaya ngayon, nandito ako sa bahay kasama si Aldrio. Kakarating lang namin galing sa palengke. Sinamahan niya kasi ako at tinulungan na rin. Kaya bilang pasasalamat, dito ko na siya pakakainin.

"Masarap talaga 'yong sinigang mo kahapon!" Mas lumapit ako sa kaniya. "Parang mas masarap pa 'yon kaysa sa sinigang ni Mama," mahinang sinabi ko.

Natawa siya sabay bumwelo para sa...

"Hala, Tita Fe! Hindi na raw pinakamasarap ang lut--"

Tinakpan ko agad ang bibig niya. Ang siraulong 'to!

Nang matanggal niya ang kamay ko, saka siya nagpakawala ng halakhak. 

"Ano 'yon?!" tanong ni Mama na nasa kwarto.

Sa maliit na bahay na 'to, kurtina lang ang tumatabing sa kwarto. Magkatabi naman ang sala at kusina kaya isang tumbling lang namin, nasa sulok na kami ng bahay.

Tumawa si Aldrio habang nakatingin sa akin na nakasalag na ang kamay panlaban sa paparating kong mga suntok. 

"Wala, Ma!" sagot ko pabalik. 

Malamang nakahiga iyon sa nakalatag na kutson sa lapag.

Naputol ang harutan namin ni Aldrio nang may nagtawag sa labas.

"Tao po? Tao po!" 

Sabay pa kaming pumunta sa pinto para tingnan kung sino iyon. Iyon pala, driver ni Lucas ulit. 

"'Wag mong sabihing pinapatawag na naman ako ng amo mo," babala ko sa kaniya.

Pero sa nahihiyang reaksyon niya, alam ko na ang sasabihin niya.

"Pakisabi po sa kaniya na hindi ako pwede ngayon. Busy ako."

Bumulong ni Aldrio na nasa likuran ko. "Sino 'yan, Lian?" 

"Ah. Tatay ni George." 

Tinalikuran ko agad siya at kinagat ang ibabang labi. Bakit iyon ang nasabi ko? 

"Kailangan na po kayo ngayon, Ma'am," saad ng driver.

Gaya kahapon, tumawag na naman si Lucas sa akin. Pinipilit na naman niya akong pumunta sa office niya dahil makikipagkita na naman daw ang mga Melgarejo. Hindi ko magawang makipagtalo sa kaniya dahil nandito si Aldrio. Kaya naman umalis ako ng bahay nang si Aldrio na ang gumawa ng naiwan kong responsibilidad. Nagpresenta siya na siya na raw ang magluluto ng pinamili naming gulay. Dapat nga ay babawi ako sa kaniya pero hindi ko na nagawa.

Si Lucas kasi!

Gaya rin kahapon, dumaan pa kami sa isang boutique shop sa BGC at doon ako inayusan. Pansin ko na light make up lang ang nilalagay sa akin. Mas makapal pa yata ang highlighter kaysa sa eye shadow ko. Tinali na rin ng stylist ang kulot kong buhok. Suot ang white fitted tube dress na pinatungan ng white blazer suit, mukha akong mamahalin. Idagdag pa ang pointed white heels na mas nakapagpa-sexy sa paa ko. 

Halos ganito rin ang ayos ko kahapon. 

Nang makarating sa office ni Lucas, sumaglit lang ako roon dahil agad din kaming umalis kasama siya. Sana naghintay na lang ako sa kaniya sa kotse para hindi na ako napagod, noh? Ang laki ng building niya. Mabuti sana kung may free scooter ride sa loob para hindi nakakapagod maglakad.

"We will be having a lunch meeting with them. Tatlo sila ngayon. Kasama si Mr. Melgarejo."

"Eh ano pa 'yong meeting kahapon? Bakit may paganyan pa ngayon? Ano ba naman 'yan!" reklamo ko. 

"Gusto kang makita ng ama ni Cosimo," kalmadong sagot niya. 

Magkatabi kami ngayon sa backseat. 

"Eh, 'di ba nga sinabi ko na sa 'yo kahapon na ayaw ni Cosimo sa arranged marriage na 'to? Ayaw niya, ayaw ko rin! Bakit pa itutuloy 'to?"

Para bang nababaliw ako kung tingnan niya. 

"Hangga't hindi umaatras si Encarnacion, hindi ako aatras sa kasunduan namin," matigas na aniya.

Hindi ko talaga sila maintindihan. Alam kong ginagawa nila ito para sa negosyo pero parang ang pangit naman pakinggan. Kahit ayaw ng mga pinagkakasundo nila sa isa't isa, pagsasamahin nila? Mas mahalaga na ba ngayon ang pera kaysa sa happiness? 

Kung sabagay, sa panahon ngayon kailangan nang maging praktikal. Mas pipiliin ko pang umiyak sa loob ng mansion kaysa sa loob ng barong-barong. Hindi naman din nakakabusog ang pagtawa. 

Mula palang sa malayo, tanaw ko na ang tower na may malaking TV sa bandang gilid. Pinapalabas doon ang endorsement ng hotel na iyon. Sa bandang itaas naman ng grand entrance ng hotel, nakasulat nang napakalaki ang salitang 'Casa de Saros'.

"Where's the VIP room reserved by Encarnacion Melgarejo?" tanong ni Lucas sa receptionist ng restaurant.

Ang gara! Ngayon ko lang nalaman na may mga private room pala sa restaurant. 

Hinatid kami ng receptionist sa room na sadya namin. Pagbukas ng malaking pinto, tumambad na sa amin ang tatlong tao na nakaupo sa malaking bilog na lamesa. Kasing gara ng club ang hitsura nitong loob. Mas classy lang itong tingnan at walang mga makukulay na ilaw. 

Tumayo silang lahat pagkakita sa amin. Nahanap ko kaagad ang mga mata ni Cosimo na kung tumingin sa akin, para bang may kasalanan ako. Akala ba niya hindi ko sinabi kay Lucas ang sinabi niya sakin kahapon? Sinabi ko na! Ayaw lang makinig!

Maiksing batian ang nangyari. Gaya kahapon, niyakap ako ng kaunti ni Mrs. Melgarejo. Nakakapanibago lang ngayon dahil kasama na si Mr. Melgarejo. Magaan naman ang pag-uugali ng mag-asawa. Pagdating nga lang kay Cosimo, hindi na mabuhat. 

Masamang tingin ang pinukol niya sa akin nang mapang-asar na ngitian ko siya bilang pagbati. Alam kong hindi niya ako babatiin dahil nga napipilitan lang siyang makisama sakin. 

Parang hindi siya naasar nang iniwas niya ang tingin sa akin at umupo. Hindi ko na tuloy makita ang mga mata niya dahil lumabo ang salamin niya sa ilaw.

"How old are you, Elysia?" tanong ni Mr. Melgarejo sa kalagitnaan ng pagkain namin. 

"26, Tito." 

Buti na lang naalala ko iyon sa kwento ni Lucas dati. 

"Yeah. She was in 4th grade before and Cosimo was just a year ahead of her, remember?" Mrs. Melgarejo said. 

Tumango-tango siya. Sinabi ni Lucas sakin kanina na Celesterio daw ang pangalan nito. 

Binalingan niya ang anak. "You seem so fond of older girls, Cosimo. Maybe you can consider Elysia's age."

Natawa si Mrs. Melgarejo. "Hon! Your son only had an older girlfriend once. You can't conclude that."

Tinaasan ko ng dalawang kilay si Cosimo dahil tumingin siya sa akin habang busy naman sa paghiwa ng beef steak ang mag-asawa. Pinatong ko ang siko sa lamesa at inabot ang baso ng tubig saka sumimsim.

"Not necessarily older, Dad. Elysia is just a year younger than me. She's mature enough."

Binaba ko ang baso nang maramdaman ang kamay ni Lucas na tinutulak paalis ang siko ko sa lamesa. Nilingon ko siya. Nakatingin siya kay Cosimo, nakikinig.

"So you prefer mature women." Tumango-tango ang kaniyang ama.

Gusto niya 'yon? Parang gusto kong matawa. Patay talaga si Lucas kapag nabuko 'tong kalokohan niya. Gusto ni Cosimo ng mga kaedaran niya lang, tapos ako ang pinantapat niya? 8 years ang tanda ng supladong lalaking 'yan sakin! 

Nag-usap pa sila at minsan ay tinatanong ako. Hanggang sa matapos ang pagkain namin hanggang desserts. Na-bass out na ng waiter ang mga pinagkaininan namin. Naiwan ang isang bote ng champagne at mga wine glasses. Nagtawag pa si Mrs. Melgarejo ng waiter para sa pagbubukas ng champagne na nakababad pa sa bucket. 

Pasimpleng lumapit ako kay Lucas at bumulong. 

"Pwede ba ako mag-cr?" tanong ko.

Baka kasi nakakabastos ang pag-alis ko rito. 

Umatras nang kaunti ang mukha niya. Kumunot pa ang noo. 

"Just excuse yourself. Tell them you need to use the washroom," sagot niya. 

Kaya naman tumayo na ako at iyon na nga ang pinagpaalam sa lahat. 

Pagkarating ko sa cr, inayos ko ang sarili sa salamin. Wala akong dalang gamit ngayon kahit pang-retouch lang. Pero mukhang hindi ko naman kailangan dahil hindi humuhulas ang make up na nilagay sakin. Mamahalin siguro ito. Mukha pa rin akong fresh. 

Habang naghuhugas ako ng kamay, narinig kong sumara ang pinto kaya bumaling ako roon. 

"I told you tell your father to cancel this arrangement!" bungad ni Cosimo habang papalapit sakin. 

Namilog ang mga mata ko at nilingon ang likuran niya kung saan nakasara na ang pinto. Ako lang ang mag-isa rito kanina. Ibig sabihin, dalawa na kami rito!

"What are you doing? This is a female's room!" 

Tinukod niya ang dalawang kamay sa lababo habang nakatingin sa salamin. Tumabi siya sa akin. Nakaharap nga siya sa salamin pero sa akin naman ang tingin. 

"You haven't told him yet. Why?" kalmadong tanong niya pero ramdam pa rin ang galit sa mga mata. 

Said it to him? Kay Lucas? Tungkol ba 'to sa sinabi niya kahapon? 

"About what you've said... to me yesterday?" 

Sumulyap siya sa ibang direksyon at naglabas ng hangin sa ilong. 

"Yes! What else would it be?"

Nagtaas ako ng kilay. Ang suplado ng tono ng pananalita niya sakin, ah! 

"How about you? You did not tell it to your mom?" Balik ko. 

Naduduwag ba siya? Ano bang English ng duwag para masabihan ko siya? 

"I can't do that. It's in our family tradition."

Umirap ako. May ganoon ba? Ang tradisyon lang ng pamilya namin ay pagtutulungan. Sa kanila arranged marriage? 

"That's wierd." 

Kumunot ang noo niya at humarap na sa akin. Tinulak niya pataas ang suot na salamin gamit ang kaniyang middle finger. 

"Do you like me?" Makapal na mukhang tanong niya. 

Laglag ang panga ko. 

"Of course not! You're not even my type!"

"Exactly! That's why I'm telling you to do something to stop this nonsense. We don't like each other and I don't see your cruise line as an asset in our company!" 

Natawa ako sa 'We don't like each other' niya. Humalukipkip ako habang nakangisi sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo.

"Dad already knows your disapproval. Ayaw niyang pumayag na itigil ito. Kung gusto mo, ngayon na natin sabihin sa kanila. Do you want that?" 

Bahala na kung magtaka siya sa pagtatagalog ko. Naiinis ako sa kaniya at hindi ko kayang mag-ingles nang diretso! 

Tumalim ang tingin niya sa akin. 

"You won't do that," may babala ang tono niya. 

Naalala ko ang sinabi ni Rubio. 

"I will! Ako na lang ang magsasabi because you've got no balls!" 

Umalis na ako sa harapan niya para puntahan ang pinto. Kaya lang, humabol siya at mabilis na humarang sa harapan ko kaya nauntog tuloy ang mukha ko sa dibdib niya. Mabilis akong umatras sa gulat sanhi para matapilok ako at mawalan ng balanse. Tumili ako sa takot na tuluyang matumba kaya hinawakan ko ang kaniyang suit. Pero ang walangya, natumba rin kasama ko.

Ngayon, ramdam ko ang lamig ng tiles sa sahig habang siya nakadagan sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status